Chapter 19

1922 Words

ALAS NUWEBE kinabukasan nang magising ako. Mabilis akong napabangon dahil wala na sa tabi ko si Mayang at wala rin siya sa buong silid. Dali-dali akong naligo, nag-toothbrush at nag-ayos ng sarili pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Eksaktong pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagbukas ng pinto ng kwarto ni Reagan. Iniluwa nito ang lalaki na gwapong-gwapo sa suot na simpleng T-shirt at walking shorts. Mukhang bagong ligo na rin ito batay sa basa nitong buhok. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi nito nang makita ako.  "Good morning, Luna." Lumapit ito sa kinatatayuan ko kaya langhap ko na naman ngayon ang mabangong sabong pampaligo na gamit niya. Noon pa ako curious kung anong brand iyon dahil kakaiba ang amoy pero hindi ko naman maisip kung ano. Pero siguradong mamahalin iyon dahil kay

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD