Chapter 4

1357 Words
REAGAN Tayuan ng sarili kong bahay. Iyon ang plano kong gawin sa nabili kong lupa na pag-aari ni Mang Lito na naisanla nito kay Mang Damian dahil sa problema sa pera. Bukod sa gusto ko ang lokasyon dahil pangarap ko talagang tumira sa probinsiya, tamang-tama dahil matututukan ko ang Divi Mart kung dito na ako maglalagi.  "Hijo, sigurado ka ba talaga rito? Dalawa na ang bahay mo sa Maynila," ani Unlce Nestor na tumatayong tagapayo ko simula nang sabay na mamatay ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente. Matagal din itong nag-serbisyo sa mga magulang ko kaya alam kong mapagkakatiwalaan itong tao. Siya na rin halos ang itinuring kong ama.  "Sigurado ho ako, Uncle Nestor. I know, pero alam mo rin na gusto ko sa probinsiya hindi ba?" "Pero paano na ang nobya mo? Wala ka bang balak sabihin sa kanya ang plano mo?" Mapakla akong napangiti nang maalala si Stella. Base sa pagkakakilala ko kay Stella, she will definitely stopped me kapag nalaman niya ang plano kong ito. Sigurado rin ako na hindi ko kailanman siya mapapapayag na sumama sa akin kung sakali. She loves the city at hindi ang mga bagay sa labas nito.  "I don't think kailangan pa niyang malaman, Uncle," walang ganang sagot ko. Mula sa built-in cabinet sa gilid ng office table ko ay inilabas ko ang mga dokumentong kailangan kong i-review. Inventory iyon ng lahat ng stocks dahil nalalapit na naman ang katapusan ng buwan.  "Naninibago ako sa 'yo, hijo. Dati ay hindi kayo mapaghiwalay ni Stella, hindi ba? Ano'ng nangyari at tila nanlamig ka sa kanya?" kuryosong tanong pa nito. "We both knew what she did to me, Uncle, right? And for that, I already learned my lesson. Masyado akong naging mapagbigay," seryoso kong sagot kasabay ng pagtatagis ng bagang dahil naalala ko na naman ang lahat.  "Kung gano'n, bakit hindi mo pa pormal na tapusin kung ano ang meron kayo? You belong to the circle na babae ang unang lumalapit, hijo." Seryoso si uncle Nestor na tumatayo na rin na ama-amahan ko. From the start ay halata ang pagka-disgusto nito kay Stella kaya sigurado akong ikatutuwa nito kung tuluyan kong hihiwalayan ang babae.  "Well, let's just say, she can give me pleasure in bed, Uncle. That's it. Kung gamitan ang gusto ni Stella, then be it," diretso kong sabi. Totoo naman kasi iyon. Mahal na mahal ko si Stella noon. To the point na halos sambahin ko ito at ibigay sa kanya ang lahat. Shopping, kotse, condo unit at marami pang iba. Lahat ng iyon ay buong puso kong ibinigay kay Stella. Ngunit may isang bagay na hindi nito hiniling kahit minsan. Iyon ay ang kasal. Kung ibang babae lamang siguro si Stella ay nagkukumahog na nang alukin ko ng kasal pero ito ay iba. Nawalan ito ng kibo at kalaunan ay iniwanan ako sa romantic place na iyon sa Tagaytay kung saan ako nag-propose. Nagkatampuhan kami pagkatapos niyon pero nagkasundo rin. Pero kailan ko lang din nalaman na lulong pala siya sa sugal, bagay na pinaka-ayaw ko sa lahat. Iyon ang dahilan kung bakit tila unti-unti na akong nawawalan ng gana sa relasyon namin. Kahit ano kasing pilit ang gawin ko na tigilan na niya ang bisyo niyang iyon, it seems lulong na lulong na siya at hindi na mapakali kapag hindi nakakatapak sa casino. Sukdulang mangutang ito kung kani-kanino para lang masunod ang bisyo.  "That. May pagka-pilyo ka pa rin talaga hanggang ngayon." Tumatawang sabi ni Uncle Nestor saka pagkatapos ay sinimsim ang natitira pang laman ng wine glass nito.  "Don't worry, Uncle. I"m sure, Stella felt the same," pilyo kong sabi. Dahil kung anong hayok nito sa sugal, ay ganoon din ito kahilig sa s*x. Madalas ay bigla na lang nitong maiisipan kahit pa nga madalas ay wala na sa lugar. Naalala ko tuloy noong minsan na nasa party kami, bigla na lang niya akong hinila sa restroom ng mga babae at gusto ay gawin namin ang bagay na iyon doon pero hindi ko itinuloy. Ang ending ay sa kotse namin iyon ginawa dahil hindi ito makapaghintay na makapag-check in kami sa hotel. Gayunpaman ay kasama iyon sa mga katangiang minahal ko talaga kay Stella. Tinanggap ko ito ng buong-buo. 'Yun nga lang ay hindi ko kaya ang pagiging sugarol nito na kahit minsan ay hindi ko sinubukan.  KINAHAPUNAN ay nagtungo ako sa guard station para i-review naman ang mga kuha ng CCTV roon simula unang araw ng buwan. Nakaugalian ko na iyong gawin before the end of the month at kapag may libreng oras. I just wanna make sure na maayos ang lahat at walang nakalulusot na gumagawa ng hindi maganda sa loob ng kumpanya. So far ay okay naman at mukhang walang nangyaring krimen lingid sa akin. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang pangyayaring iyon sa selling area na nangyari mag-da-dalawang linggo na ang nakararaan mula ngayon. Malinaw na malinaw ang kuha sa ladies wear habang nagtutupi ang isa sa mga sales clerk ko. Isang lalaki ang dumaan at hinipuan ng pang-upo ang kawawang babae hanggang sa nasampal ito ng babae dahilan para magkagulo.  Pagharap nito sa camera ay bigla ang pagguhit ng ala-ala sa isip ko. Hindi ako maaaring magkamali. Ito si Elunamira na sinuspinde ko ng dahil lamang pala sa maling akala. Lalo pang nakumipirma ang kutob ko nang makunan din noon ang pagdating ko sa lugar. Ang buong akala kong pambabastos na ginawa ni Elunamira sa customer ay may dahilan pala. Guilt. I felt so guilty dahil hindi ko muna siya hinayaang magpaliwanag nang mga oras na 'yon. Hindi ko muna inalam ang puno't dulo ng lahat at basta ko na lang ito pinaratangan na ang totoo naman pala ay wala itong kasalanan.  "Hello, Jovie? Can you do me a favor? Please tell Nancy to give me the phone number of our employee named, Elunamira Guevarra. Yes, the suspended one. What? She has no phone number recorded with us?" Alam kong pwede ko ng iutos sa supervisor ni Elunamira ang pag-contact dito pero pakiramdam ko ay ako dapat ang mag-handle ng sitwasyon. Tutal ay ako naman ang nagpa-dalus-dalos.  "Definitely, Sir. But she has a friend here and as far as I know ay magkapitbahay din sila. Maybe she can help you to speak with Elunamira." "Okay. Please send her friend's number to me right away. I really need to talk to her." "Right away, Sir." "Thanks, Jovie." Hindi ako mapapakali hanggang hindi ko nakakausap ang babae. Inosente ito at sa tingin ko ay naging masyado akong marahas sa pagpapataw dito ng parusa. Ilang sandali pa ang lumipas nang maya-maya ay tumunog muli ang telepono ko. Si Jovie iyon at ibinalita nitong hindi na ma-contact ang numero ng kaibigan ni Elunamira. Maging ito rin pala ay hindi na pumasok simula nang masuspinde ang kaibigan. I felt so depressed. Ang guilt na nararamdaman ko kanina ay tila dumoble pa ngayon. Sa huli ay inisip ko na lang na wala pa namang dalawang Linggo. Baka sakaling mag-report naman si Elunamira pagkatapos ng suspensyong ibinigay ko.  "KAPAG may kailangan ka pa ay magsabi ka lang, boss. Sana, e, maging komportable ka rito sa apartment ko," nakangising sabi ni Mang Damian. Ngayon ang araw ng paglipat ko  sa pinakamalaking apartment na paupahan nito, dahil nagdesisyon na akong mag-stay na rito from a month na naka-check in ako sa hotel na sa tingin ko ay wala akong privacy. Mas okay na dito sa apartment dahil tahimik.  "Reagan na lang ho, Mang Damian," tipid kong sagot matapos kong hubarin ang jacket kong suot.  "Kung iyan ang gusto mo. Well, I guess wala ka naman ng problema sa mga gamit dito dahil itong kumpleto sa gamit ang ibinigay ko sa 'yo," buong pagmamayabang pang sabi nito. Ewan ko pero sa totoo lang ay naaangasan ako kay Mang Damian.  "Wala na ho, except one. Baka may kakilala kayo na pwedeng mag-laba ng mga damit ko. I badly needed. As soon as possible sana, Mang Damian."  "Aba'y mayroon. 'Yung anak ni Lito na may-ari talaga ng lupang binili mo. Pwedeng-pwede kang ipaglaba ng batang 'yon, Reagan. Hayaan mo't sasabihan ko at papupuntahin dito." "Thank you so much, Mang Damian."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD