Chapter 2

1189 Words
NAPAPAILING na lamang ako habang binabalikan sa isip ang hitsura ni Mayang kanina. Pagkarinig sa sinabi ng babae ay dagli nitong kinuha ang bag at diretsong lumabas ng locker room---parang walang kasama ang loka! Pagdating sa area ko ay nakita ko na agad ang naghahabaang leeg ng mga ka-department ko. Nangunot ang noo ko dahil kahit may mga customers ay hindi nila alintana. Lahat ng atensiyon ng mga ito ay nasa iisamg direksyon---ang stock room na konektado sa opisina di umano ni sir Reagan. Obvious na ang lahat ay naghihintay sa paglabas nito at pagbisita sa selling area. Dahil sa kawalan ng interes ay ibinaling ko na lamang ang pansin sa mga damit sa estante ko, na kahit kaaayos ko lang kanina ay animo na naman kinalahig ng manok. Pihadong kinalkal na naman ng mga customer na kalimitan ay mukhang sukat lang ang alam at wala naman talagang balak bumili. Kung sabagay, wala naman akong  karapatang mag-reklamo dahil ito naman talaga ang trabaho ko. Tinungo ko ang mini table sa gilid ng fitting room at isa-isang  tinupi ang mga damit. Nakayukod ako halos dahil may kababaan lamang ang mesa nang biglang may pangahas na humawak sa aking pang-upo, at bahagya pang pumisil roon. Napapitlag ako dahil sa magkahalong gulat at galit. Kaagad ay gusto kong manuntok. Dagli akong pumihit paharap at nang malamang isa itong lalaki ay kaagad kong pinadapo ang isang malakas na sampal sa kanyang kaliwang pisngi. "Bastos! Maniac!" halos mapaiyak na ako sa galit habang pinaghahahampas ko siya at wala akong pakialam kahit saan pa siya tamaan. Nahagip ko pa nga ng bahagya ang mukha nito at nakalmot ng medyo may kahabaan kong kuko. "Hey, stop it!" nagawa pang sabihin ng walanghiya habang pinipilit i-iwas ang sarili. "Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka ba marunong rumespeto sa babae? Basta ka na lang manghihipo?" hindi ko napigilang sabi habang pinakakapigil kong mag-landas ang luhang nagbabadya ng bumagsak. Oo nga at ayon sa mga kaibigan ko ay ang pang-upo ko ang asset ko pero walang karapatan ang sinuman na hawakan iyon. "I'm sorry, Miss, okay? Hindi ko sinasadya---" "Hindi sinasadya? Talaga ba? Sino'ng maniniwala sa'yo, ha? Nakita mong tayong dalawa lang ang halos narito kaya nanamantala ka! Bastos!" nakita kong akma pa sanang sasagot ito ng hindi sinasadyang mapadako ang paningin ko sa isa pang lalaking bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Animo isa itong senador sa suot nitong formal suit. Sa likod nito ay isang may edad na lalaki rin na sa tingin ko ay alalay. Naisip kong marahil ay kasama ang mga ito ng bastos na kaharap ko. "What's happening here? Hindi yata tama na ganyan ang trato mo sa isang customer, Miss." baritono ang boses ng bagong dating na lalaki. Napatanga ako bigla. Ngayon lang kasi ako nakarinig ng ganitong klaseng tono. 'Yung tipong boses pa lang ay ma-a-akit ka na. Bossy, yet, sexy. Isama pa ang hitsura, walang panama ang idolo kong si Dingdong Dantes sa taong kaharap ko ngayon. Guwapo pero mukhang masungit at mailap. Pero hindi. Hindi angkop ang salitang guwapo rito. Mas na-a-ayon ang handsome kahit pa nga hindi ko naman literal na alam kung ano talaga ang ibig sabihin niyon. Nagsimulang gumala ang paningin ko sa kabuuan ng lalaki. Sa tingin ko ay kulang lang ng kaunti sa anim na pulgada ang taas nito. Moreno ang balat pero makinis tingnan. Makakapal ang kilay habang sa ibaba niyon ay pares ng mapang-akit na mga mata. Pakiwari ko nga ay ma-hi-hipnotismo na ako kung hindi ko pa babawiin ang tingin dito. Matangos din ang ilong nito at ang labing maninipis ay kulay makopa. Pero hindi ako makakapayag na pagtulungan ako ng mga ito kaya't sinaway ko ang sarili sa pag-e-eksamen sa kanya. Pinatigas ko ang anyo at lakas loob na nagsalita. "Excuse me, Sir, pero wala kang pakialam, okay? Hindi mo alam ang ginawa ng lalaking ito kaya kung ako sa'yo tatahimik na lang ako." Nagawa kong sabihin dahil sa inis. Nakita kong nag-tagis ang mga bagang nito at kapagdaka'y dumilim ang anyo. Ilang bulungan rin ang narinig ko sa paligid namin na noon ko lang napansing dumarami na pala ang co-workers kong nag-u-usyoso. "Patay kang bata ka!" narinig ko pang bulalas ng isa sa mga kasamahan kong hindi ko alam kung sino. "I apologize, Sir. I'm so sorry for what my employee did." Lumapit ito sa lalaking bastos at humingi pa ng paumanhin. Lalo akong nag-ngitngit sa galit. Pero teka, ano'ng sabi niya? Employee? "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng empleyado mo, but it's okay. No worries," nakangiti pa ang walanghiya. Napaka-sinungaling! "Thanks for that. Let me talk to her. Excuse us, Sir." Nakipag-kamay ito sa bastos na lalaki bago ako hinarap. "Follow me," pinal na utos nito. "H-ha?" "Hindi mo ba ako narinig?" malakas na sabi nito kaya nag-umpisa na akong makaramdam ng takot. Pero hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinasusunod. Eksakto nakalayo ito ng bahagya ay saka naman ako nilapitan ni Agnes--- ang ka-relyebo ko. "Sumunod ka na kung ayaw mong tuluyang masisante, Luna. Ewan ko ba naman kasi sa'yo kung bakit hindi mo kilala si sir Reagan!" may bahid maktol sa tono ni Agnes. "Diyos ko! S-si s-sir---" "Oo! Kaya sumunod ka na ro'n at tiyakin mong kanais-nais ang mga isasagot mo," muling utos nito. "Diyos ko," muling usal ko. Di yata't si sir Reagan ang sinagot sagot ko kanina! Ang luha kong nagbabadya kanina ay muli na namang sumilay sa aking mata habang binabagtas ang daan papunta sa opisina nito. Nag-a-alala ako dahil siguradong tatanggalin ako nito sa trabaho pagkatapos ng dinatnang eksena kanina. Pero naisip kong hindi ako dapat panghinaan ng loob. Wala akong kasalanan at ipinagtanggol ko lang ang sarili. Hindi naman siguro masamang mag-paliwanag. Pagsapit sa pinid na pinto ng opisina nito ay atubili ako. Ilang malalim na hininga muna ang pinakawalan ko bago sa wakas ay kumatok ng tatlong beses. "Come in!" sagot nito mula sa loob. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at unti-unti kong ipinasok ang sarili sa loob. Doon ay kasama nito ang may edad na lalaking kasama rin nito kanina na pagpasok ko'y sinabihan nitong lumabas muna. Agad naman itong tumalima. "Please sit down," anito na itinuro ang upuan sa harap ng narra table na kinauupuan nito. Mabilis akong umupo roon dahil pakiramdam ko'y tutumba na ko kapag nagsimula ito. "S-sir---" sinubukan kong ibuka ang bibig para mag-umpisa ng paliwanag pero hindi ko alam ang mga angkop na salita. "What's your name?" balewalang tanong nito. "E-Elunamira ho..." "So, Elunamira, sigurado naman akong dumalo ka sa orientation  dito bago ka nag-simula hindi ba?" "O-opo, Sir." "Ano't hindi ka marunong gumalang sa customer?" tumayo ito at inilagay sa bulsa ng slocks ang dalawang kamay habang inaarok ako ng tingin. "S-sir bastos ho ang lalaki---" nagtangka akong mangatwiran pero tila walang balak ito na tumanggap ng kahit anong salita mula sa akin. "No excuses. Nasa kontrata na ang isang empleyado ay pwedeng i-suspinde sa oras na mapatunayang gumawa nang labag. At sa kaso mo, Miss Elunamira, ay ako mismo ang naka-saksi. "Ano p-pong ibig ninyong s-sabihin, Sir?" "You are under suspension within two weeks starting tomorrow."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD