bc

Love at First Kill (Agent Series 3)

book_age16+
760
FOLLOW
2.6K
READ
spy/agent
age gap
independent
sweet
bxg
male lead
realistic earth
love at the first sight
seductive
like
intro-logo
Blurb

Tanya Ruiz or Veronica Abegail got into an accident when she was still 15. Casper Kyle Sinfuego was hired to find Tamara and Ryan Soriano's missing daughter. Tanya promised herself that if she saw Casper again, Tanya would make him fall in love.

This is the third series of Agent Series

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
It was my birthday party, but I’m still here in our mansion. Medyo malayo-layo ang venue ng birthday ko dahil ayaw ni Mommy na sa mansion lang gaganapin ang engradeng party. I don’t mind naman kung dito lang as long as happy ang mga taong nasa paligid ko. Hindi na ako pumayag na mag-hire sila Mommy ng make-up artist dahil kaya ko namang ayusan ang sarili ko. Sobra-sobra na rin kasi ‘yong hinanda nila para sa akin. I heard a knock from the outside of my room. Nang matapos sa pag-aayos ng buhok ay tumayo na ako at pinagbuksan si Manang Rosita. “Nakahanda na ang sasakyan, Veronica,” aniya kaya tumango ako at ngumiti. “Tumawag na rin si Ma’am Tamara, bilisan mo na raw.” Kinuha ko ang Mini Bag na naglalaman lang ng cellphone at ilang pangpaganda sa mukha. Sinabayan ako ni Manang Rosita sa paglalakad dahil mahaba ang suot kong gown. Ginabayan niya rin ako sa pagbaba ng hagdan kaya nagpasalamat ako sa kaniya. “Bakit kasi hindi ka na lang doon nag-ayos. Baka ma-late pa kayo ni Kaloy niyan,” ani Manang nang makarating kami sa tapat ng kotse. Asawa ni Manang si Mang Kaloy na ilang taon na rin naming Family Driver. “Eh kasi Manang, gagastos pa po sina Mommy ng ibang hotel room. Okay na ako sa isang room lang for my party dahil alam ko naman pong mahal ‘yon. Pwede naman pong magpunta ako ro’n nang nakaayos na,” tugon ko. “Ikaw talagang bata ka, oh siya sige, pumasok ka na at baka ma-late pa kayo,” mahina niya akong tinulak papasok sa loob kaya wala na rin akong nagawa. “Mag-iingat sa pagmamaneho, Kaloy,” aniya sa asawa. Napangiti na lang ako nang halikan ni Mang Kaloy si Manang Rosita sa noo bago pumasok sa sasakyan. Mang Kaloy always do that everytime we have something to do outside or I have school. Walang mintis. Kung hindi sa noo ay pisngi o labi niya hahalikan si Manang. They are so cute! “Grabe po, Mang Kaloy, mahal na mahal mo po talaga si Manang, ah?” Hindi ko na napigilang saad. Mahinang natawa si Mang Kaloy at sinimulan na ang pagmamaneho. “Syempre naman, Ineng, pinaghirapan kong makuha si Rosita, dapat talaga ay minamahal ‘yon.” Sumang-ayon ako sa kaniya dahil mabait naman talaga si Manang Rosita. Ang alam ko’y napagtapos na nilang pareho ang dalawa nilang anak sa kolehiyo. Manang is also the one who always look after me when my parents are working outside the country. Grabe ‘yong pagiging responsible ni Manang. Bukod sa dalawa niyang anak ay inaalagaan niya rin ako. I really love them! Nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa aking bag. Si Mommy ang tumatawag kaya natawa na lang ako dahil alam ko na ang sasabihin niya. “We’re on the way, Mommy,” inunahan ko na. Only daughter lang ako kaya palaging sa akin napupunta ang atensiyon nila. Ingat na ingat din sila sa akin kaya hindi na nabago pa ang driver ko. Sa tagal na nagtatrabaho ni Mang Kaloy sa pamilya namin ay tiwalang-tiwala na sila sa kaniya. “Alright, baby, take care!” Mommy said happily. Namutawi ang ngiti sa aking labi pero nang masilaw sa sobrang liwanag ay kumabog ng malakas ang aking puso. Nilikong bigla ni Mang Kaloy ang sasakyan pero nahagip pa rin ang compartment ng malaking truck. “Anak, what’s that?” Nabitawan ko ang cellphone ko nang tumama ang ulo ko sa salamin ng sasakyan. Umikot-ikot ang sasakyan namin nang mahulog kami sa bangin. Bago pa ako mawalan ng malay ay naramdaman ko ang pagyakap ni Mang Kaloy sa akin. May tumutulong dugo sa ulo niya pero nagawa niya pa ring makalapit sa akin. Nakabaliktat kaming pareho ni Mang Kaloy nang huminto ang kotse sa pagbagsak. May mga bubog na bumaon sa aking balat pero hindi ko na inalintana iyon nang maramdaman kong hindi na humihinga si Mang Kaloy. Natuliro ako at hindi malaman ang gagawin dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko. Sinubukan kong magsalita pero dahil sa sobrang sakit ng naramdaman ay sumama lang sa hangin ang boses ko. We’re out of nowhere and I think no one will save us! Sa tagal na nagpaikot-ikot nang kotse ay sigurado akong matatagalan pa bago may makakita sa amin. Oh, God! Please save us! Isang maliwanag na ilaw ang bumungad sa akin nang magising ako. Hindi agad ako nakapag-adjust kaya pumikit akong muli. I felt nothing. Wala akong maalala na nagpunta ako rito kaya hindi ko maintindihan ang mga nasa paligid ko. May mga boses na hindi pamilyar sa pandinig ko. Gusto ko silang tanungin pero nahirapan ako nang may maramandam sa bibig ko. What is this? Nasaan ako? Ano’ng ginagawa ko rito? “She’s gaining her consciousness, Doc,” narinig ko pang ani ng isa. Doc? Doctor? Bakit may Doctor? Nasa Hospital ba ako? Bakit naman? May nangyari ba sa akin? When I open my eyes again, I saw so many people around me. Nakasuot silang lahat ng puti at titig na titig sila sa akin. Kung tignan nila ako ay parang isang himala na nagising ako. What the hell is wrong with this people! “Please, remove her oxygen mask.” Nangunot ang noo ko nang may lumapit sa aking isang babae. Inalis niya ang bagay na dahilan kung bakit hindi ako komportable kanina. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi agad ako nakapagsalita. “Miss Tanya, do you know where you are?” Kumunot lalo ang noo ko nang magsalita ang isa habang nakatingin sa akin. Hindi ako sigurado kung ako ang tinutukoy niya. Tanya? Who’s Tanya? “A-Ano’ng ginagawa ko rito?” “You are in the Hospital. Do you know what happened to you?” Nilibot ko ang aking paningin. Purong puti lamang ang nakikita ko. They seem to know who I am but why do I feel like hindi ako ‘yon? “Sino po ba kayo at bakit may mga nakatusok sa katawan ko?” Naiirita ko nang saad. “Miss Tanya…” “Ano’ng Tanya? Sino ba ‘yang tinatawag mo at panay sa akin ka nakaharap?” Napasinghap ang mga tao sa paligid ko. Nagkatinginan sila at nataranta sa biglaang pagtaas ng boses ko. Seriously? “Doc, possible ba na magka-amnesia siya?” Nabaling ang atensiyon ko sa isang lalaki na may katandaan na. Pormal ang tindig nito pero makakaramdam pa rin ang kausap ng komportable. “Yes, Mr. Weinford, like what you said five months ago, masyadong mataas ang bangin na binagsakan nila. We will do MRI or CT scan to check if she has a sign of brain damage. For now, we will ask her some questions about her Family or such.” “Hija, Ano’ng pangalan mo?” Napaisip akong bigla nang walang pangalang maibigay sa kaniya. Pangalan? Ano ‘yon? Bakit hindi ko alam ang pangalan ko? “H-Hindi ko… Hindi ko a-alam,” natatarantang tugon ko. What the hell happened to me?! “Alright, don’t panic, Hija. Tutulungan ka namin. What about your parents name?” Umiling na lang ako. Do I have parents? Sino sila? Bakit wala akong maalala? “Sino ang huling nakasama mo bago mangyari ‘to sa’yo?” “Hindi.. Hindi ko p-po alam! Ano pong nangyayari sa akin? Bakit po gan’to?” Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Nang maramdaman kong kumirot ang aking ulo ay napahawak ako ro’n at pumikit ng mariin. Wala na akong naiintindihan sa paligid ko. Naramdaman ko na lang ang antok nang may iturok sila sa braso ko. “Base on her case, her memories might be a permanent loss. We will conduct some tests on her. We will do our best, Mr. Weinford.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.0K
bc

Dangerous Spy

read
299.4K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

YOU'RE MINE

read
894.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook