CHAPTER 1

1559 Words
I sat beside Irene when I got here in a famous club. My friend is looking stunning on her spaghetti strap top and a mini skirt. Lantad ang cleavage dahil maluwag ang bandang dibdib ng kaniyang damit. Napasipol ako nang may lumapit sa kaniya at inaya siyang sumayaw sa dance floor. I smirk at her when she faced me. “Go fokfok, hintayin ko na lang sina Aphrylle.” She winked and playfully gave me a flying kiss. A small laugh escaped from me when she hung her hand on the man’s arm. Umiling na lang ako at nagtawag ng waiter para makapag-order ng maraming alak. Napatingin ako sa mga babaeng palapit na rito sa VIP table na pina-reserved ni Meisha. Ang gaga ay hindi ko nakita sa mga parating kaya napasimangot na lang ako. “Ohhh, our friend is broken, huh!” Maingay na sabi ni Maria at ginulo ang buhok ko. Inirapan ko siya at inayos ng mahagya ang nagulo kong buhok. This girl knows nothing that I spent an hour to fix my hair! This b*tch! “Ansaveh ng short hair!” Puna naman ni Aphrylle at naupo sa tabi ko. Ngumisi ako at pinalibot ang tingin sa kanila. All the girls are here except for Kiara and Meisha. Nagkaniya-kaniya sila ng upo sa pabilog na upuan at kumuha ng sariling baso na may alak. “Sa pagkakaalam ko, ako ang broken hearted sa atin, huh?” Natatawang ani ni Sierra. “Hoy, ako lang ‘to!” Pagmamaganda ko pa dahil tumagal ang tingin nila sa akin. Kanina ko lang naisipan na magpagupit ng buhok. It’s a slightly curled bob cut. I liked it naman, nakakagaan sa pakiramdam. “Gaga ka, ba’t ka naman nagpagupit? Sayang ang hair!” wika ni Cyhael. “Maganda kasi ako,” malayo na sagot ko. Well, wala naman talagang dahilan kung bakit nagpagupit ako. Sobrang boring lang talaga ng buhay ko kaya naisipan kong pag-trip-an ang buhok ko. “Tapakan mo ko, Mameh!” Sigaw ni Hazuki kaya nagtawanan kami. “Saan ang bruhang may birthday? ‘Di sumabay sa inyo?” Tanong ko at sumimsim ng alak sa baso. Damang-dama ko kaagad ang init na bumababa mula sa lalamunan ko hanggang tiyan. Ngayon na lang ulit ako nakainom kaya pinagbibigyan ko ang sarili ko. Kailan ba ang last ko? Hmm, kahapon ba? Ah! Kanina nga pala. “Hindi na kayo nasanay sa maharot na ‘yon. Malamang, magpapahuli siya at lagi namang bida-bida ‘yon kapag birthday niya,” natatawang sagot ni Zapphire na inililibot ang tingin sa buong paligid. We are here in Taste Me, the most in-demand Club in Antipolo. Sobrang sikat ng Club na ito lalo na sa mga mayayaman at ilang artista. In our circular table, halos mapuno namin ang pabilog ding upuan. Nasa gitna ako at ang nasa magkabilang bahagi ko ay sina Aphrylle at Levine. On the left side, ang katabi ni Levine ay si Sierra at ang sumunod naman ay si Hazuki. While on my right side, ang katabi ni Aphrylle ay si Cyhael, sumunod si Maria at Zapphire. “Where’s Irene? Ang sabi niya sa GC ay narito na siya,” dagdag ni Hazuki. “Dancing with Afam,” nakangising sagot ko. “Hello, hello, hello, mga fokfok kong friends!” napatingin kaming lahat sa bagong dating na si Meisha. She’s wearing a sexy red dress that hugs her body. Pamatay rin ang mataas na pulang takong na mas lalong nagpatangkad sa kaniya. Light make-up lang ang suot niya pero hindi naman iyon naging dahilan para hindi siya mapansin ng mga tao. Her hair is in a messy bun at kitang-kita ang butterfly tattoo niya sa collar bone, katulad lang sa aming ibang agents. Pinilit talaga niyang makadaan para lang makapunta sa pwesto ko. Inurong niya ako at tumabi sa pagitan namin ni Levine. “Grabe naman kayo, alam ko namang maganda ako,” malanding sabi niya na tinakpan pa ang bibig. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sabay-sabay kaming umiwas sa kaniya ng tingin at nag-usap na parang walang Meisha-ng dumating. Panay ang pagyayabang niya sa kagandahan niya pero kahit isa sa amin ay hindi siya tinugon. “Okay lang naman, hindi pa naman ako naghihirap,” sagot ko kay Aphrylle nang tanungin niya ako kung may project na bang ibinigay si Sir Val, our boss. “Ang papangit maging kaibigan ng mga ‘to, amputa! Kapag inggit, pikit na lang po tayo,” pikon na sabi ng katabi ko dahil wala talagang pumapansin sa kaniya. Natatawang humarap ako kay Meisha at busangot na busangot na agad ang mukha niya. Kumuha siya ng canned beer at tinungga iyon hanggang sa maubos. “Woohhh, Go, Mei!” sigaw ng bagong dating na si Irene at naupo sa tabi ni Hazuki. Pawis na pawis siya at bahagyang magulo rin ang nakaladlad niyang buhok. Pinagtaasan ko siya ng kilay nang magtama ang mga mata namin pero ngumisi lang siya at kumuha ng alak. Okay, I know. After a couple of minutes, we started to sing a Happy Birthday when the waiter delivered the cake we ordered one day ago. Parang sirang sumayaw si Meisha habang kumakanta kami kaya sobrang ingay sa table namin. Napuno kami ng tawanan nang isubsob nina Hazuki at Sierra ang mukha ni Meisha sa cake. Hindi naman ito nagalit at nagsalita pa ng kabastusan. “Ipapadila ko ‘to kay, Doc, ‘kala niyo, huh!” “Ghorl, napakababoy mo!” “Hindi ka didilaan no’n, huwag kang hibang!” Panay lang ang asaran namin bago mapagpasiyahan ni Meisha na maghilamos. Sumama ako sa kaniya nang makaramdam ng pagkaihi. “Hindi mo in-invite si Doc?” Tanong ko habang naglalakad kami. “Nah, may dinner kami mamaya kaya hindi ako masyadong magpapakalasing,” humagikhik siya at pinalo pa ang braso ko. “Luh, kilig-kilig ka diyan, eh hindi ka nga maligawan no’n.” “Pasmado ng bunganga,” inirapan niya ako at nauna nang pumasok sa CR. Bago pa ako makasunod sa kaniya ay may biglang humila sa akin at sinandal ako sa pader. Sisigawan ko na sana ang lalaki pero bigla niya akong hinalikan kaya nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko nakita kung ano’ng itsura niya dahil madilim sa bandang pwesto namin. Sinubukan ko siyang itulak pero hinawakan lang nito ang mga kamay ko at pinirmi sa kaniyang dibdib. Noong una’y hindi naman niya ginagalaw ang kaniyang bibig pero nang makarinig kami ng mga nagmamadaling yabag ay mas tinagilid niya ang mukha ko at sinimulan akong halikan ng marahan. “Wala rito, tara!” narinig kong sigaw nang kung sino. Mas lumalalim ang panghahalik ng lalaking ‘to sa akin habang ako ay nanghihina na. He’s manly smell gives me a reason to shut my f*cking eyes and kiss him too. Oh my Gosh! Bago pa ako tuluyang mabaliw sa lambot ng kaniyang labi ay bumitaw na ito at tinalikuran ako. Sinuot niya ang kaniyang hoodie at bahagya lang na tumingin sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya pero bigla na lang siyang naglakad ng mabilis. Hindi ko na siya nasundan nang matulala ako at pakiramdaman ang labi kong may umagaw ng unang halik. Nagpupuyos akong lumapit sa table namin at naiyak na lang sa sobrang frustration. “Tang-ina!” sigaw ko kaya nagulat ang mga kaibigan ko. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila nang makita ang itsura ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa lalaking ‘yon o sa sarili ko. Ayaw kong aminin na nagustuhan ko ang paghalik niya sa akin pero tang-ina kasi! Ang lambot na nga ng labi, ang bango pa ng hininga! “Hoy, ano’ng nangyari sa’yo?” “May gagong bigla na lang nanghalik sa akin!” pagmamaktol ko at basta na lang naupo sa tabi ni Zapphire. Nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko kaya hindi ko na alam kung paano pa ako nakapunta rito nang hindi natutumba. “Huh?” Huminga muna ako ng malalim at kinuwento sa kanila ang nangyari habang umiiyak. Narinig ko ang pagtawa nila kaya lalo lang akong nakaramdam ng inis. “Kaya pala kalat-kalat ang lipstick mong gaga ka,” natatawang sabi ni Zapphire at pinunasan ang labi ko. “First kiss mo?” Manghang tanong ni Cyhael. Nagpapadyak na lang ako at napasabunot sa sariling buhok. Bakit sa dami ng pwedeng makakuha ng unang halik ko ay doon pa sa hindi ko kilala! “Gwapo ba?” Naaaliw na ani Sierra at dumukwang pa para mas makita ako. “Ano’ng lasa ng labi, Ghorl?” Sunod naman ni Irene at pinagsingkitan ako ng mga mata. “Magaling bang humalik?” Tumili si Maria nang tumango ako kaya nahihiyang napatakip ako sa mukha ko. “French kiss ba o ano?” Napamaang ako sa tinanong ni Zapphire dahil hindi ko naman alam na may iba’t-ibang klaseng halik pala. “Share mo naman experience mo, Tanya!” malakas na saad ni Aphrylle at tinawanan ako. Nahihiya akong aminin na hindi ko naman kilala ang lalaki pero wala na rin akong nagawa dahil kusa na iyong lumabas sa bibig ko. “Oh my Gosh!” sabay-sabay nilang sabi maliban kay Levine na nakangisi lang sa akin. Ang memorable naman ng first kiss ko! Doon pa talaga napunta sa taong hindi ko na nga kilala, hindi ko pa nakita ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD