“Sana lahat may tagasundo!” Malakas na sabi ni Irene at nagtawanan kami.
Medyo nakalimutan ko na ang nangyari kanina nang tigilan na rin ako ng mga kaibigan ko sa pang-aasar. Ayoko nang masyado pang alalahanin ‘yon dahil hindi nakakayanan ng inosente kong utak.
Mabuti na nga lang nang bumalik si Meisha ay natuloy na ang party.
Bidang-bida na naman ang tropa naming doctor. Pabebe niyang nilagay sa likod ng tenga ang buhok niyang humaharang na kanina sa kaniyang mukha dahil sa kaharutan.
“Oy, Girls, pikit-pikit na lang tayo, ah?” Pang-aasar niya pa na hindi naman namin sineryoso.
Pinuntahan kasi mismo ni Doc Fernandez si Meisha rito sa bar. Sa pagkakaalam ko ay magkikita na lang sila sa restaurant. Naningkit tuloy ang mga mata ko nang maisip na baka pinapaasa lang ng doctor ang kaibigan namin.
“Feeling nito eh mukhang as a friend lang naman ‘yang dinner niyo,” walang gatol na sabi ni Cyhael.
Napasimangot si Meisha at ang kaninang excitement niya’y nawalan na ng sigla. Mukhang natamaan sa sinabi ni Cyhael. She now realized that her loved from that guy is just a one-sided. Pighati.
“Stop it, Zein. Huwag mo nang pag-antayin si Doc,” singit ko na nang mapansin ang pagkislap ng mga mata ni Meisha.
Birthday na birthday eh tapos sasaktan lang siya. Wala ring filter minsan ‘yong bibig ni Zein eh.
“Okay lang, at least we had s*x!” Biglang sabi ni Meisha kaya nasamid ang mga kaibigan naming umiinom ng alak.
“Hindi na sinasabi pa ‘yon!” OA na sabi ni Aphrylle at pinagtulakan na ang babae.
Napailing-iling na lang ako. Binati namin sa huling pagkakataon si Meisha bago ito umalis kasama ang doctor. Medyo nakakahiya dahil narinig ng doctor ang mga pinag-usapan namin. Parang ako pa tuloy ‘yong na-awkward para kay Meisha!
“Sayang ‘yong mga alak kaya ubusin na lang muna natin bago tayo umuwi,” suhestiyon ni Sierra at nagsalin ng rum sa kaniyang sariling baso.
Tumango-tango ako at kumuha ng panigong bote ng beer. Wala naman akong gagawin bukas kaya okay lang kung malalasing ako. Problema lang namin ay hindi kami makakapag-drive. Tatawag na lang siguro ako ng mag-da-drive kung sakaling malasing ako ng sobra.
“I saw a motel nearby, tulog tayo ro’n,” natatawang saad ni Hazuki.
Nandidiri namin siyang tinignan pero kalaunan ay nagtawanan din. Sa daming hotel sa paligid ay iyong pulang motel talaga ang sinuhestyon niya. Napakawalang-hiya talaga minsan ng mga kaibigan ko.
“Sayaw tayo?” Aya ni Maria pero umiling lang ako.
After I gulped the entire beer on my bottle, I felt my head spinning. Sinandal ko ang ulo ko sa headrest at pinikit ang namumungay ko ng mga mata.
Narinig ko ang pag-alisan ng ilan para magsayaw sa dance floor pero hindi na kinaya ng mga mata ko na tignan sila. Mabilis akong mahilo at malasing kaya kahit konti pa lang ang naiinom ko ay tumitigil na agad ako.
Habang pikit ang mga mata, kusa akong dinala ng isip ko sa nangyari kanina. Feeling ko tuloy ay nakalapat pa rin ang labi ng lalaking iyon sa akin kaya napahawak ako sa sariling labi. Hindi ko magawang kalimutan ang lambot ng labi niya.
The kiss just lasted 20 seconds, but the replay on my head is long-lasting. Hindi ako tinantanan no’n hanggang sa magkaayaan na kaming umuwi.
Because we’re all drunk, we unconsciously went to a motel that Hazuki told us a while ago. Hindi ko na napansin ang mga kasama ko dahil pipikit-pikit na ang mga mata ko. Basta na lang kaming nagbayad sa babaeng nasa receptionist at umakyat na kaagad sa kwartong nilaan nito sa amin.
Maingay kami habang nag-aantay sa elevator. Kung saan-saan napupunta ang pinag-uusapan namin.
“Ang jutay no’ng nakasayaw ko kanina nang wala pa kayo,” narinig kong sabi ni Irene kaya natatawa ko siyang binundol.
“Yabang mo pang umalis kanina ah?” Biro ko.
“Buti na nga lang hanggang kiss lang kami!” Nanlalaki ang mga matang sabi niya.
We laughed at Irene’s last statement. Pinagsiksikan namin ang mga sarili nang bumukas na ang elevator. Mabuti na nga lang ay kasya kami.
“Nasusuka ako!” Boses ni Zapphire ang narinig ko.
Paakyat na kasi ang elevator kaya todo pigil akong masuka. Bahagya pang umalog ang sinasakyan namin dahil nagpuntahan sila sa sulok para roon pigilan ang sarili.
Hindi ko alam kung ano’ng floor kami kaya nang bumukas ang elevator ay lumabas na ako. Nagsisunuran naman ang iba sa akin at nagtakbuhan sa kwartong unang nakita.
Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Basta na lang akong humiga at siniksik ang sarili sa pader. Hindi masyadong malambot ang hinihigaan ko pero dahil sa sobrang antok ay hinayaan ko ‘yon.
May tumatapik sa pisngi ko kaya nakakunot ang noong hinawi ko iyon. Tumagilid ako nang higa pero iyong braso ko naman ang pinuntirya nang kung sino kaya bigla akong bumangon.
“What the hell?!” Sigaw ko.
“Ma’am, hindi po kayo pwede rito,” hindi pamilyar sa akin ang boses na ‘yon kaya bahagya kong binuksan ang mga mata ko.
“Who are you?” I annoyingly asked.
Masakit ang ulo ko kaya napahawak ako ro’n. Nang lumihis sa kaniya ang mga mata ko ay nagulat ako. Purong pula ang nasa paligid namin at mukhang nasa hallway kami. Nakita ko rin ang mga kaibigan kong nakahiga sa pulang carpet, mahimbing na natutulog.
“Where the f*ck are we?” Gulantang na baling ko sa babaeng pinagkukunutan na ako ng noo.
“Nasa Red Room Motel kayo, Ma’am,” tugon nito sa akin.
Napanganga ako at hindi agad nakasagot. Wala akong maalalang nagpunta kami rito. Ang alam ko ay inaasar namin si Meisha. Paanong napunta kami rito?!
Napatingin ako sa suot ko at nakahinga nang maluwag nang iyon pa rin ang suot ko. Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko pero wala namang masakit bukod sa ulo ko.
“I apologize, Miss,” nahihiyang sabi ko at tumayo na.
“Ayos lang po, Ma’am. Nagbayad naman po kayo,” tumango ito sa akin.
I awkwardly smiled at her. Pinuntahan ko ang mga kaibigan ko at ginising silang lahat. Wala sina Levine at Cyhael kaya kami-kami lang nina Zapphire, Sierra, Irene, Maria, Aphrylle, at Hazuki ang may nakakahiyang experience!
“Putang-ina, ang epal kasi ni Hazuki, eh!”
Umalis na kami sa Motel na ‘yon. Medyo maliwanag na nang lumabas kami at may mga nakakita pa sa amin.
Hindi ako makapaniwalang natulog ako sa motel at sa hallway pa! Paano na lang kung may dumaan doong lalaki at nakita kami ro’n. Mga naka-skirt pa naman kami!
Nagkape muna kami rito sa isang Café para naman mas mahimasmasan kami. Nagtatalo na sila kung sino ang may kasalanan. Mukha namang pati sila ay walang maalala kaya kung kani-kanino napupunta ang sisi.
“Talagang iniwan tayo ng magkambal ah!” Hindi makapaniwalang reaksyon ni Maria nang ma-realize ring wala ang dalawa. “Hindi man lang tayo tinulungang makauwi.”
I quietly drink my espresso. Wala naman na kaming magagawa dahil nangyari na. Kailangan na lang naming tanggapin ang nakakahiyang pangyayari na iyon. Nakakahiya pero at least, walang nangyari sa aming kung ano.
“Kaya pala hindi malambot iyong hinihigaan ko at kakaiba pa ang amoy,” puna naman ni Irene.
“Ano’ng amoy, ate?”
“Amoy s*x, bebe Maria!” Natatawang sagot ni Irene.
Napangisi naman si Irene nang panlakihan siya ng mga mata ni Maria. Siya ang pinakabata sa amin at kasalukuyang nag-aaral rin kagaya ko. Medyo na-late kasi ako kaya nagkasabay kami ni Maria.
Apat na lang kaming nag-aaral pa. Graduating na si Irene at si Hazuki naman ay fourth year college na sa pasukan. 3rd year naman kami ni Maria sa parehong kurso.
Bumalik kami sa parking lot ng Taste Me para kuhain ang sari-sarili naming sasakyan. Nagpaalam na kami sa isa’t-isa at nag-asaran pa bago magsialis.
Dahil wala naman akong ibang pupuntahan ay sa bahay na ang tungo ko. Gusto ko na ring maligo dahil lagkit na lagkit na ako sa katawan ko. Feeling ko nga ay punong-puno na ako ng alikabok dahil sa pagkakahiga sa carpet.
“Kakaibang experience naman ‘yon,” pagkausap ko sa sarili ko.
Sobrang daming nangyari sa akin kahapon. Natatangi ang dalawang pangyayari na iyon at hinding-hindi ko iyong malilimutan. It all happened in just one night.
Naligo kaagad ako nang makauwi. Talagang kinuskos ko ang sarili ko nang hindi makuntento sa sabon lang. Nagluto na rin ako ng agahan ko at habang inaantay na kumulo ang tubig ay tumunog ang cellphone ko.
Ang boss namin ang tumatawag kaya sinagot ko kaagad iyon. Medyo kinabahan din ako dahil tatlong dahilan lang naman ang naisip ko para tumawag siya nang ganito kaaga.
Una, mission. Pangalawa, tungkol sa accident, at pangatlo ay kukumustahin ako.
“Good morning, Agent Aynzi,” Sir Val greeted, and I did the same.
Alam ko na agad kung bakit tumawag si Sir Val. Tinawag niya ako sa code name kaya iyong una ang dahilan.
“You have a mission to do today. Please, check your email for more info about Casper Kyle Sinfuego. Your mission is related to Mafia Clan. ASAP, but eat your breakfast first.”
“Noted, Sir!”