CHAPTER 3

1160 Words
Name: Casper Kyle Sinfuego Age: 27 Father’s name: Christopher Sinfuego At dahil hindi ako nakuntento sa binigay na information ay sinimulan kong tawagan ang secretary ni Sir Val. Medyo ginawa kong iritado ang boses ko upang seryosong makausap si Jack. Minsan pa naman ay loko-loko ang isang iyon. “Bakit napatawag ka, Binibini?” Iyon na nga ang sinasabi ni Tanya. Hello pa nga lang ang bati niya pero mukhang mauuwi na naman sa pang-aasar sa kan’ya. “You know what, b***h, I really hate you!” Tanya snorted. “What? Nagtatanong lang naman ako,” natawa ang lalaki sa kabilang linya. Hindi man kami magkasama ay nakikinita ko nang gusto ko siyang batukan. “Ilang beses ko na bang sinabi na ayaw kong tinatawag akong binibini.” Nagkasabay pa talaga kaming dalawa. Kahit kailan talaga ang isang iyon. Kahit sino sa amin ay ginanoon. “Anyway, regarding your mission. Kailangan mong puntahan ang village na sinabi ko sa iyo dahil balak pasabugin ng mga Mafioso ang mag-ama. Later mangyayari ang mga sinabi ko ah. Bye, b***h!” “Aba,” at siya pa talaga ang nagpatay ng tawag. Kapal ng mukha. Nang matapos akong kumain ay nilagay ko na lang muna sa lababo ang pinagkainan ko. Pupuntahan ko kaagad ang sinasabing village ni Jack para manmanan kung may dapat nga ba akong mataguan. Secluded ang village kaya kinailangan ko pang gamitin ang pangalan ni Sir Val para makapasok. Kay Sir Val din kasi ang kalahati ng village. Nang makakita ako ng isang bahay na wala namang nakatira ay doon ako nagmanman. Mayroon nga talagang nagtatangka na pasabugin ang bahay ng mag-ama. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong iilang Mafioso na may bitbit na bag pack sa likuran. “Damn, ang hot!” napasipol ako bigla nang makita ang lalaking lumabas sa target kong bahay. If this is Casper Kyle Sinfuego, then I will gladly do my mission! Dalawang lalaki lang naman ang nakatira sa bahay na iyon kaya sigurado na akong siya na nga ang lalaking hinahanap ko. Hindi naman siya mukhang nasa 50’s. At hindi rin naman siya mukhang Mafioso. “Hindi ko alam kung boss ko pa ba si Sir Val o cupid na. Ang lakas naman maka-radar ng gwapo ni Sir!” Napatago akong bigla sa bahay na pinasok ko. Mula sa bintana ko pinapanood ang paglabas ni Casper Kyle. s**t! Para akong aatakihin sa puso nang muntik na niyang makita ang kagandahan ko. Nang muli akong sumilip ay papasok na ang lalaki. Napakunot ang noo ko nang mapamilyaran ang likod no’n. Hindi ko alam kung saan ko nakita iyon pero sigurado akong lumandas na sa mga mata ko ‘yon. I spend an hour looking around the village. I didn’t see anything resembling the bomb except the Mafiosos' bag. Posibleng naroon pa rin ang bomba. Hindi na ulit lumabas ang lalaki kaya naghintay ako. Hindi na ako umalis sa village na iyon para makita ko kung may dadating pa ngang mga Mafioso. May possibilities na gawing taguan ng mga Mafioso ang bahay na ito so I get myself ready. I have my gun with a silencer. May kinalaman sa Mafia Clan ang mission ko kaya hindi rin dapat basta-basta ang dala ko. Wala naman akong balak gamitin iyon. Kung magkakagipitan ay at least handa naman ako. I used a binocular to see the house. Pati ang gilid-gilid no’n ay hindi ko pinalagpas kung sakali mang isa-isa nang nagdatingan ang iba pang mga Mafioso. Nagulat ako nang may maramdamang dumikit sa likod ng ulo ko. Dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko at unti-unting lumingon. Hindi ko na pinahalata na nagulat din ako sa presensiya ni Casper Kyle. I did not see him coming here. Hindi ko inalis ang paningin sa bahay nila kaya paano siyang nakapunta rito nang hindi ko nararamdaman? Kinilabutan ako sa intensidad ng mga mata niya. Parang kasalanan pang tumingin doon ng matagal. Madilim at napakamisteryoso. Maiihi na yata ako sa kabang nararamdaman ko. “Who are you?” Pati ang boses ay napakagwapo. Mababa at nakakapanindig ng balahibo. “Your future wife?” I said without thinking. Sa isip ko lang dapat iyon pero okay lang naman kung maririnig niya. I’m vocal when it comes to my type. Hindi naman sa pagiging desperada pero if I really like the guy then what’s the point on making the things hard. “I’m serious here,” his voice thunder. Parang nang makita pa lang ako ay grabe na ang pagpipigil niya. Ang mga ugat sa kaniyang braso ay naglitawan dahil sa mariing hawak sa baril na palagay ko ay akin. Whoa! “Let’s get to know each other later, handsome,” I uttered, then punched the man behind Casper. Nang ginawa ko ‘yon ay titig na titig kami sa isa’t-isa. Ni hindi man lang siya nagulat sa ginawa ko kaya napangisi ako. Mukhang nagkamali si Sir Val sa binigay na mission. This guy. I know there is something with him. Walang information sa social media o kahit saan pa. Sinong normal na tao ang magagawang itago ang kaniyang pagkakakilanlan. “Mamaya mo na ako intindihin kung gusto mo pang makitang buhay ang ama mo,” ani kong hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. Saglit lang na rumehistro ang pagkalito sa kaniyang mukha. Hinagis niya sa akin ang baril ko at mabilis nang tumakbo pabalik sa kanilang bahay. I think he saw all the man entering their house. Mula sa bintana ay sumilip ako. Bago pa makapasok si Casper Kyle sa kanilang bahay ay sunod-sunod ang sumusugod sa kaniya. Napapasipol na lang ako kapag nagagawang makailag ng lalaki at gaganti ng sapak. Gaya nga ng naisip ko kanina. May mga Mafioso-ng nagpunta rito sa bakanteng bahay. Konting sapak sa mukha at tadyak sa ibabang parte nila ang madalas kong ginagawa. Minsan ay sinisipa ko na lang sila sa batok para mabilis silang mawalan ng ulirat. “Casper!” sigaw ng matanda kaya napatingin ulit ako sa bintana. Nakaluhod na ang lalaki habang pinapalibutan siya ng limang natira na Mafioso. Ang matandang tingin ko ay tatay ni Casper ay lumuluhang nakatingin sa anak. Naningkit ang mga mata ko nang may mapansing pill na hawak-hawak ni Christopher. Pill. Iyon yata iyong hindi niya ininom noong maging Mafioso siya. “Pa, huwag mong iinumin ‘yan!” malakas na saad ni Casper Kyle. Mabilis akong lumingon nang maramdamang may tao sa likuran ko. Siniko ko ang mukha nito at tinadyakan sa dibdib. Isang tulak pa ang ginawa ko at nagpagulong-gulong na ito sa hagdanan. Mabilis akong bumaba. Sa kaonting oras lang ay nagawang patumbahin ni Casper ang mga natirang Mafioso kahit may saksak pa ito sa tagiliran. “Who is this man?” Hirap na hirap man ay nagawa pa rin nitong tumayo at lapitan ang kaniyang ama. Pilit niyang binubuka ang bibig nito. Parang pinapaluwa ang pill na ininom. Umiiyak pa rin si Christopher at iniiling ang mukha. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD