CHAPTER 4

1114 Words
Hindi ko alam kung normal lang bang makaramdam ng paghanga sa ganitong sitwasyon. Kung kasama ko siguro ang mga kaibigan ko ay baka kanina pa nila ako inasar at tinawanan dahil sa paninitig ko ng sobra sa lalaki. Ngunit ang kabang gusto kong maramdaman ay napalitan ng pangamba. “What is this?” I said to myself. Humakbang ako ng tatlo upang mas makita kung tama nga ba ang nakikita ko sa likuran ng ulo ni Casper. My heart’s thumping started to ached. Nag-init ang ulo ko nang madagdagan ng dalawa pa ang pulang dot sa ulo ni Casper. “Kyle…” Nabulalas ko nang hindi ko inaasahan. “Someone is aiming you a gun. Don’t move,” I added. “I don’t think we are close enough to call me on a second name basis,” he coldly stated. Gusto kong matawa dahil sa tinuran niya. Ni hindi ko man lang napakinggan ang kaba sa boses niya. Parang balewala lang ang sinabi ko dahil iba ang kan’yang tinugon sa akin. Ano ba ang mayroon sa lalaking ito at hindi ko man lang makitaan ng takot? “Really? You don’t mind the three red dot on your head but calling you Kyle is?” I was amazed. Kanina pa ako pinapahanga ng lalaking ito. Ano mang oras ay maaaring hugutin na nang kung sino ang gatilyo pero tila wala pa ring pakialam si Casper Kyle. “Well, I don’t think you are here to let anyone kill me.” Napakagat ako sa ibaba kong labi upang mapigilan ang mapangisi. Nakatalikod man siya sa akin ay mukhang hindi pa rin nagbabago ang kan’yang itsura. Maski ang pagpipigil sa kan’yang ama na malunok ang kung ano mang pill na iyon ay patuloy pa rin niyang ginagawa. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na hindi ko hahayaang mamatay silang dalawa ng ama niya. Kung ano man ang alam ng lalaking ito ay mukhang mananatili iyong kuwestiyon sa isipan ko. Hindi ko maisip na magagawang magsalita nang tungkol doon ang lalaking ito. “Well, you are right,” I playfully uttered. Ngayon ko lang naalis kay Casper Kyle ang paningin ko. Hindi rin naman umabot nang matagal ang paghahanap ko sa tatlong sniper. I checked first the bullet on my pistol. Mas napangisi ako nang sakto sa tatlong sniper ang bala ko. Nang magtama ang mga mata namin ng isang sniper ay mas tumaas ang gilid ng aking labi. I stuck out my tongue before aiming my gun on the guy. Nasa second floor sila ng bahay na pinagtambayan ko kanina. Parehong bintana ang kanilang kinalulugaran. Dahil sa gulat ng tatlong sniper sa ginawa ko ay kinuha ko iyon na pagkakataon para kalabitin ang gatilyo. Tatlong putok ng baril ay nawala na ang tatlong red dot sa ulo ni Casper. Hindi iyon kasama sa mission ko. Pero hindi rin naman kasama na mamatay ang lalaking nagpatibok ng puso ko. Handa naman ako sa kung ano ang magiging parusa ko. Lahat naman kami ay hinanda na ang sarili simula pa lang nang mag-training kami bilang agent sa Monarch Butterfly. “That was fast.” Dahan-dahan ang ginawa kong pagbaba sa kamay ko. Nang lumingon ako sa gawi ni Casper ay nagulat pa ako nang maabutan ang mga mata niyang mariin ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung anong reaksiyon ang nakita niya sa mukha ko para tumaas ng kaunti ang sulok ng kan’yang labi. “Aguy, namumutla na ang labi pero guwapo pa rin.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumumba na si Casper. Pangisi-ngisi lang ang lalaking iyon pero bandang huli ay mawawalan din pala ng malay dahil sa saksak sa tagiliran. “Anak!” Sigaw ni Christopher ang sumunod na narinig. Napabuntong hininga na lang ako. Naiisip ko pa lang ang matipunong pangangatawan ng lalaking ito ay mukhang mahihirapan na akong buhatin ito. Hindi ko naman magawang maasahan ngayon ang kan’yang ama dahil parang wala na ito sa sarili dahil sa gulat. “Sir Sinfuego, ako na po ang bahala sa anak niyo. Puwede naman po kayong sumama sa akin na maihatid si Casper sa hospital dahil mukhang may pasunod pang mga Mafioso dito.” Ang lumuluhang mga mata ni Christopher ay bumaling sa akin. Nagmamakaawa ang kan’yang mga mata. Nangunot ang noo ko nang mabasang wala man lang itong balak sumama. Hindi ko siya maaaring iwanan ngunit hindi ko rin naman puwedeng patagalin pa pananatili dito ni Casper. Sabay ang naging paglingon namin ni Christopher sa kaliwa nang sunod-sunod ang pagharurot ng sasakyan. Hindi pa nga umaabot ng trenta minutos ay parating na kaagd sila. “Tara na po!” Medyo taranta ko nang sambit. Hindi lang harurot ng kotse ang naririnig namin. Parang nagkaroon ng motor racing sa sobrang ingay ng kalsada. Para marinig iyon ay mukhang nakapasok na sa loob ng village ang sasakyan. Hindi na aabutin ng ilang minuto ay nariyan na ang mga Mafioso. “Sir!” Sigaw ko na dahil hindi man lang tumalima si Christopher. “Just go with my son. I don’t think hahayaan pa nilang mabuhay ako. Madadamay lang kayo ng anak ko. Please, hija.” Mahinang mura ang paulit-ulit kong binigkas. Sinimulan kong itayo si Casper. Dahil hindi ko naman magagawang mapasan ang lalaki ay inilagay ko na lang sa balikat ko ang braso nito. Medyo malayo pa ang sasakyan ko kaya ilang mabibigat na lakad pa ang ginawa ko. Mas kinabahan pa ako dahil nakikita ko na ang mga sasakyan. Napabilis tuloy ang aking lakad. “P*utang-ina naman!” Naiirita nang usal ko nang hindi ko makuha sa aking bulsa ang susi ng kotse. Napatalon ako sa gulat nang makarinig nang sunod-sunod na putok ng baril. Nahulog pa ang susi ko nang makuha ko na sa aking bulsa. Ngunit hindi ko iyon nagawang damputin kaagad nang mahagip ng paningin ko ang pagsalo ni Christopher sa mga bala. “Oh, sh*t!” Para akong nagkaroon ng powers sa bilis ng kilos ko. Nang mabuksan ko ang sasakyan ay parang nakalimutan kong may saksak si Casper sa tagiliran. Basta ko na lang siyang isinalampak sa back seat at tumakbo na sa driver’s seat. Kamuntikan pa akong matamaan nang bala bago makapasok. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang gun proof ang salamin ng sasakyan ko. “Putcha naman, wala pa akong pampagawa ng sasakyan ah!” Naninigaw ako kahit wala naman sa harapan ko ang kausap ko. Kahit nang paandarin ko na ang kotse ay nakasunod pa rin sila. Kung saan-saan na nga akong sumusuot ngunit may nakakasunod pa rin sa akin na naka-motor. Ilang mura na ba ang lumabas sa bibig ko sa sobrang inis? “Punyeta talaga ng mga gunggong na ‘to!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD