Ako na lamang ang naiwan para magbantay kay Casper Kyle. Mabuti na lang ay walang ibang pasyente si Meisha at naagapan din ang saksak sa tagiliran ng lalaki. Pinaasikaso ko na lamang sa ibang tauhan ni Sir Val ang katawan ni Christopher. Dahil sa dami ng balang natamo nito ay wala na itong buhay nang datnan nila.
Hindi ko tuloy alam kung paano sasabihin kay Kyle ang nangyari. Ilang beses akong kinabahan nang idilat nito ang mga mata at sa huli’y bumabalik din naman sa pagtulog.
Hindi naman na maiiwasan pang sabihin ko ang totoong nangyari sa kan’yang ama. Kinabukasan nang magising ito at hanapin sa akin si Christopher ay medyo nautal pa ako at matagal nakagot. Kung hindi ko lang naramdaman ang lamig sa boses niya ay baka tuluyan na akong hindi umimik.
“Tell me what happened, woman. I’m getting pissed.”
“Ano… Kasi ganito ‘yon…” Damn! Paano ko ba sasabihin sa kan’yang wala na ang kan’yang ama? “May dumating pang mga Mafioso at nagpaulan sila ng mga bala.”
Iyon pa lang ang nasasabi ko ay naipikit na niya ang kan’yang mga mata. Hindi pa nga umaabot sa mas detalyado ang aking kuwento ay parang alam na kaagad niya ang nangyari kay Christopher. Kahit wala naman akong kasalanan ay tila natakot ako sa galit nito.
“Ayon… Um… Para hindi tayo tamaan ng bala habang isinasakay kita sa kotse ko ay hinarangan niya tayo.” Kahit hindi na siguro niya kailangan ang impormasiyon na iyon ay nagsalita pa rin ako. Napakamot ako sa gilid ng aking kilay at tumikhim.
Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung gusto ko ba siyang magsalita at marinig ang malamig niyang tinig o hayaan na lang ang pananahimik ni Kyle pero parang kung anu-ano nang naiisip nito kung paano mababalikan ang mga Mafioso.
“Nasa morgue siya ng hospital na ito ngayon, Kyle. You can go to him if you want.”
Hindi ko na siya pinigilan pa nang tanggalin niya ang kan’yang suwero. Kahit walang tsinelas ay seryoso na itong lumabas ng kan’yang kuwarto kaya mabilis akong sumunod. Nang maling daan ang puntahan nito ay tinawag ko siya ngunit hindi naman niya ako pinansin.
Nag-alangan pa akong hawakan siya pero sa huli ay ginawa ko pa rin. “Dito tayo,” ani ko at ibinaling ang katawan niya mapunta sa isang elevator.
Hindi na rin siya pumalag. Ako na ang nanguna at ramdam ko naman ang kan’yang pagsunod. Hindi pa rin siya nagsasalita at wala pa ring emosyon ang kan’yang mukha. Tanging paghinga lang namin ang naririnig ko nang makasakay kami ng elevator.
“Sana huwag kang magpadalos-dalos oras na makita mo na ang aking ama.”
Ang hirap basahin ng lalaking ito. Ni hindi ko magawang tagalan ang pagtingin sa kan’yang mukha dahil sa galit na isinisigaw no’n. Natatakot ako sa kan’yang kalagayan ngunit alam ko namang hindi mananahimik ang isang ‘to hangga’t hindi nakikita ang ama.
“May nagbabantay sa loob kaya puwede mong sabihin sa kan’ya ang pangalan ng iyong ama.”
Hindi na ako pumasok pa. Ayokong makakita ng umiiyak kahit hindi naman ako sigurado kung nasa bukabularyo ba ni Casper ang salitang iyon.
Nabaling kay Meisha ang paningin ko nang tabihan ako nito sa labas ng morgue. Mukhang alam nitong nandito ako dahil hindi naman siya umalis sa tabi ko. May suot pa siyang doctor’s gown at nakapamulsa doon ang dalawang kamay.
“Ang guwapo no’n, ah? Saan mo naman napulot ‘yon?”
Natawa ako at pabirong inirapan siya. “Kung makapagsabi ka namang napulot ay parang laruan lang ang isang ‘yon at napalanunan ko sa isang claw machine.”
Maarteng humalakhak siya sa biro ko at ginatungan pa. Parang wala sa kuwartong nakasara ang lalaki kung pag-usapan namin. Well, mukhang hindi rin naman kami naririnig no’n at wala pang lumalabas para magreklamo.
“Seryoso, b***h, saan mo nga nakilala ‘yan? Parang hindi naman kita nakilalang basta-basta na lang makikipag-usap sa lalaki.”
“Sir Val gave a mission to protect that handsome man. Tingin ko ay dating cupid ang boss natin,” sagot ko na.
“Ay, same thought, beh!” Natatawa siyang nakipag-apir sa akin.
Ilang minuto na ay hindi pa rin lumalabas si Casper. Naisandal ko na ang likod sa dingding nang mangalay sa kakatayo. Hindi rin naman nagtagal pa si Meisha at nagpaalam na ring may rounds pa siya.
Napabuntong hininga na lang ako nang lumabas si Casper Kyle nang hindi pa rin nagbabago ang itsura. Ni walang bakas na lumuha ito. Napasunod na lang ako nang hindi na nagsalita pa. Ayoko na ring dumagdag pa at halata namang mabigat ang loob ng lalaking iyon.
Maski nang pumasok ito sa VIP room at mahiga sa hospital bed ay wala pa ring imik. Inasahan kong magmamatigas itong umalis at sumugod sa mga Mafioso ngunit hindi nangyari. Nakatikom lang ang aking mga labi habang pinapanood ko siya. Wala akong maisip na sasabihin kaya nanahimik na lang ako sa isang tabi.
“Are you not going to call a nurse?”
Napaawang ang labi ko at nanlaki pa ang mga mata nang marinig kong magsalita siya. Nang una ay hindi ko nakuha ang sinabi niya ngunit agad ding sunod-sunod na tumango at lumabas. Tinutukoy nito ang suwerong basta na lang niyang tinanggal kanina.
“Sorry, nurse, ah? Medyo makulit kasi ang isang ‘yon,” pagdadahilan ko na lang nang magtanong ito kung bakit natanggal.
Kabado akong baka wala na akong Casper Kyle na maabutan sa loob ng hospital room. Hindi naman ako sigurado, baka sinabi niya lang iyon para magawa niyang makatakas sa paningin ko. Hindi naman ganoon kataas ang room niya kaya possible nang dumaan iyon sa bintana.
“Whoo!”
Parang ewan na nangiti ako. Akala ko ay tumakas na ang isang iyon. Nandoon pa rin naman siya sa kan’yang kama at parang inip na inip sa paghihintay. Simula nang makapasok kami ng nurse ay sa akin lang nakatunton ang mga mata ni Casper. Napalobo ko na ang aking pisngi nang mailang sa kan’yang tingin.
“Huwag mo na ulit tatanggalin ‘yang suwero mo, sir, ah?”
Kung saan-saan na naglumikot ang mga mata ko para maiwas sa kan’ya. Wala akong narinig na tugon mula kay Casper hanggang sa lumabas na ang nurse at maiwan na lang kaming dalawa.
Init naman!
“How did you know us, woman?”
Gusto kong kilabutan sa lamig ng boses niya. Simula at sapul ay hindi talaga nagbabago ang pakikipag-usap niya sa akin. Parang napakawalang kuwenta kong bagay para ganoon niya ako pakitunguhan. Ni hindi niya ako mabigyan ng ibang emosyon sa mukha.
“May pangalan ako. Woman ka nang woman diyan.” Umirap ako sa kan’ya at hindi sinagot ang tanong niya.
“Then, tell me your name,” Casper’s side lips rose a bit.
Hindi pa nga umaabot ng matagal ang sinabi kong magbigay siya ng emosyon ay natanggap ko kaagad. Minsan ay may suwerte pa rin talagang nangyayari sa buhay ko. Guwapo!
“I won’t tell you.”
Gusto ko lang naman magpakipot para hindi halatang marupok. Hindi niya inaasahan ang unang pagkikita namin kaya hindi ako basta-basta magbibigay ng motibo. Kahit pangalan pa lang ang hinihingi niya ay nakakarupok sa isang tulad kong guwapong-guwapo sa kan’ya.
“No problem. I already know your name.”
“Hoy!” Nabibigla kong sambit. Buong gabi siyang natulog at buong magdamag akong nagbantay kaya paano niyang nalaman ang pangalan ko. Ni hindi ako nakalingat tapos alam na pala niya ang pangalan ko.
“Don’t shout! Matutulog ulit ako. Puwede ka nang umuwi.”
“Marunong naman palang magtagalog pero panay ang English sa akin amputa!”
Talagang ipinarinig ko ang buntong hininga. Umayos na ito ng higa at tinalikuran pa talaga ako. Sa ganda kong ito ay siya lang ang nakagawang kausapin at dedmahin ako ng sobrang lamig.
“At hindi ko rin sasabihin sa iyo kung bakit kilala kita!”
Nagdabog ako palabas ng kan’yang kuwarto. Medyo napipikon ako dahil pagtapos nitong titigan ako ng matagal at kausapin ay parang hindi na nag-e-exist ang pagkatao ko. Hindi naman ako uuwi. Bibili lang ako ng kape at pagkain ng lalaking iyon at babalik na rin sa kan’yang kuwarto.
Hindi rin naman ako mapapanatag kapag iniwan ko lang iyon kahit sa hospital pa ni Meisha. Kailangan ko munang masigurado na maayos na ang kalagayan nito bago ako mag-report kay Sir Val at alamin kung tapos na ba ang mission ko.
Nang makabalik ako sa kuwarto niya ay napabuntong hininga na naman ako nang hindi ko siya makita. Kahit sa CR ay wala rin. Hindi naman bukas ang bintana pero sinilip ko pa rin iyon ngunit gaya ng inaasahan ko ay dumaan siya sa mas safe.
“Tsk! Alam naman na kasing mautak ang isang iyon, lumabas pa talaga ako.”
Walang nurse sa station nila kaya wala akong mapagtanungan. Dahil VIP room lang ang mayroon sa hallway na iyon ay walang masyadong tao. Hindi na ako nag-abala pang hanapin siya at mukhang kaya naman na ng isang ‘yon.
Nagawa ngang makatakas, mapapanindigan no’n ang desisyon.
Ibinigay ko na lang ang binili kong pagkain sa batang nakita ko sa labas ng hospital. Pinauwi ko na rin ang mga bodyguard na nagbantay kagabi at sinabing si Sir Val na ang bahala sa bonus nila.
“Kapag nahanap kita ay hahayaan ko ang sarili kong harutin ka.”