Gaya nang naisip ko ay doon na rin natapos ang mission ko kay Casper. Dahil namatay na rin ang ama nito ay wala nang dahilan pa ang mga Mafioso na guluhin ang buhay niya. Kung nasaan ang lalaking iyon ay hindi ko pa rin matunton.
Nababagot na nga ako sa buhay ko at wala pa ring panibagong mission na binigay sa akin dahil sa ginawa ko. Nakapatay ako. Hindi naman maiiwasan iyon sa istilo ng trabaho ko pero hangga’t maaari ay umiiwas kami hindi lang dahil sa kontrata namin.
Kung normal na tao ay nakukulong kapag nakagawa ng ganoong kasalanan ay iba naman sa aming organisasiyon. Walang ibibigay na trabaho sa amin sa loob ng ilang buwan o taon at may karagdagan pang parusa.
“Your mission is almost accomplished, Agent Aynzi, but I am sorry to tell you that you will undergo a punishment.”
“I understand, Sir Val, and I am aware of what I did.”
Lahat ng agents ay nagtipon-tipon para sa parusa ko. Ito ang pinakamabigat na pagdadaanan namin oras na may nalabag kami sa aming kontrata. Kung gaano man kabigat ang nagawa ay ganoon din ang pakiramdam ng mga agents na hindi naman gusto ang gagawin.
“We don’t have a choice, girls. Come on, hindi naman ako magagalit sa inyo kaya kahit maligo ako sa sarili kong dugo ay huwag kayong mag-alangan. In the first place, may chance naman akong makaligtas kung gugustuhin ko.”
Lahat kami ay mayroong sari-sariling dagger. Hindi lang para sa mission kapag nagipit kami kundi iyon ang gagamitin nila kung sakaling may napatay kami.
“Bakit kasi hindi ka nag-iingat? Alam mo namang hindi imposible na mamatay ka ‘di ba?” Parang gusto na akong sampalin ni Sierra.
Natawa ako upang hindi naman ganoon kabigat sa kanila ang sitwasiyon. Wala naman kaming magagawa dahil lahat kami ay pumayag na may ganoon sa aming kontrata. Kami rin naman ang nagbigay ng ideya kay Sir Val.
“Ngayon pa lang ay humihingi na kami ng tawad, Tanya. I hoped you are still okay after this,” Maria uttered.
Tumango lang ako. Nasa malaking training room kami ng Agent’s Home. Sila ay nagpunta na sa itaas, samantalang ako ay pinagpipilian na kung saan ako pupuwesto. Maraming pagpipilian ngunit may posibilidad pa ring masaktan or worst mamatay. May tiwala naman ako sa mga kaibigan ko.
“Gaga ka! Bakit iyan ang pinili mo?!”
Dahil kulob ang training room ay rinig na rinig ko ang boses ni Hazuki. Nagkibit balikat na lamang ako at pinaikot na ang sarili habang nakadikit sa malaking roleta.
“Ang tanga-tanga mo!” Si Aphrylle naman ang sumigaw.
Hindi naman ganoon kabilis ang bawat ikot ko kaya nakita ko kung sino ang unang nagbato ng dagger. Ngumiti lang ako kay Levine nang mariin ang tingin nito sa akin. Napangiwi lang ako nang dumaplis sa aking hita ang dagger na binato niya.
Doon na naging sunod-sunod ang pagbato sa akin. Nakangiti kong pinikit ang mga mata ko at hinintay lang na tumama sa aking katawan ang dagger. Hindi ko na binilang pa kung ilan ang tumama sa akin. Hindi ko na idinilat pa ang mga mata ko at hinayaan na lang sila na alisin ako sa roleta.
“You know I am not allowed to treat you! Bakit kasi sa dinami-dami ng tatamaan ‘yong ulo pa nila?” Panay ang sermon sa akin ni Meisha tuwing pinupuntahan niya ako sa bahay ko. Hindi naman ganoon kasakit ang mga sugat ko dahil hindi naman nakakalimot ang iba na bilhan ako kahit painkillers lang. Hindi rin naman ganoon kahirap na linisin ang mga ‘yon.
“Psh! Hindi naman na iyon kailangan, Mei. Mukha ngang sinadya niyong daplis o hindi masyadong babaon sa katawan ko ‘yong pagbato eh!” Reklamo ko rin.
“Malamang! Edi ano na ang mangyayari sa amin kung mapapatay ka namin.” Sarkastiko nitong turan.
Kakatapos ko lang linisin ang sugat ko. Hindi na niya ako pinakilos pa at siya na lang ang kumuha ng maiinom niya. Naiirita pa rin siya at panay ang tanong kung bakit ang ulo pa talaga ang pinuntirya ko.
“It was an accident, Mei. Gumalaw kasi ang mga ‘yon kaya nasaktuhan ang mga ulo.”
“Grabe naman, iyong tatlong iyon ay tanga para matamaan mo sa ulo?”
Nagkibit balikat na lang ako. “Hindi ko na alam sa kanila. Deserve din naman, eh. Muntikan na nilang mapatay ‘yong guwapong mission ko.”
“Landi mo, sinama mo na rin sana sa iniligtas iyong Papa niya.”
Sumama ang tingin ko sa kan’ya. Iyon ang isa kong pinagsisihan. Gipit na gipit na rin naman ako ngunit hindi ko naman ipinagdasal na saluhin ni Christopher ang mga bala. May pagkakataon pa rin namang iligtas niya ang sarili niya ngunit mas pinili ng Papa ni Casper na ilaan sa amin iyon.
“Hmm, hindi naman sa sinisisi kita, friend. I know our mission isn’t simple. Kung nakapatay ka na rin naman ay sana, nilubos-lubos mo na.”
“Masyado ring mabilis ang pangyayari. Kung nakipagbarilan din ako ay baka kasali na ako sa pinaglalamayan ngayon.”
“You’re right. I’m sorry for telling you that.”
“It’s okay.”
Tuwing umaga lang nakakadaan si Meisha bago ito pumasok sa trabaho. Kapag umaalis na ito ay naiiwan na lang akong mag-isa at dahil na rin sa katahimikan ng buong bahay ko ay itinutulog ko na lang. Gigising lang ako kapag oras na para uminom ng gamot at nakakatulog din kaagad.
Halos inabot na ng dalawang buwan bago tuluyang maghilom ang mga sugat ko. May ibang kailangang tahiin ngunit dahil hindi naman ako puwedeng magpagamot sa iba ay hinintay ko na lang iyon na gumaling. Suwerte ko na lang at nabuhay pa akong hindi natetetano ang mga sugat.
Nagawa ko lang makalabas nang ayain ako nina Hazuki na gumala sa mall. Uuwi kasi ang babaeng iyon sa Korea upang magbakasyon at gawin ang mission. Birthday na rin niya sa July 20 at palaging doon niya iyon sine-celebrate.
“Dito mo talaga sa babaeng ito mapapatunayan na isa siyang immortal.”
Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Maria. Ako ang tinutukoy nila kaya napairap ako. Hindi ko naman sinekreto ang nangyari sa akin noon dahil wala rin namang dahilan para gawin ko iyon. Nakausad na rin naman ako kaya kahit magbiruan pa kami tungkol doon ay ayos lang. Alam din naman nila kung saan hihinto sa pang-aasar.
“Nako, sis, kung ako sa iyo ay hindi ko aasarin ‘yan at baka bigla na lang tayong paliparin niyan.” Si Sierra naman ang gumatong sa pang-aasar.
Si Aphrylle ang nagmamaneho at panay lang ang tawa nito. Si Sierra ang nasa tabi nito samantalang pinaggigitnaan ako sa back seat nina Maria at Hazuki. Wala namang special na occasion at nagpaalam na rin naman ang iba sa gc namin tungkol sa pag-alis ni Hazuki.
“Baka rin nakakalimutan niyong asintado ‘yan bumaril,” nakisali na ng tuluyan si Aphrylle.
Nakikisakay na lang din ako sa pang-aasar nila sa akin hanggang sa makarating na rin kami ng mall. Wala naman kaming ibang gagawin kundi ang mag-shopping at kumain sa Korean restaurant. Tsaka lang kami dumadalaw sa arcade kapag kumpleto kaming gagala.
“Shopping na muna tayo para gutom na gutom tayo,” ani Sierra.
“Yeah, kailangan nating sulitin ang bayad kapag unli ang restaurant,” sambit naman ni Maria.
Gaya ng sinabi nila ay iyon nga ang ginawa namin. Kung saan-saang boutique kami nagpupunta pero sa huli ay si Hazuki ang maraming dala. Hindi naman nakakaligtas sa amin ang mga pasekretong pagpapadala ni Sir Val ng bodyguard kaya kapag lumalapit kami sa kanila upang ibigay ang mga paper bags ay nagugulat sila.
“Sir bodyguard, pakidala na lang po iyan sa mga bahay namin, ah? Kung magkamali man po kayo ng paper bag ay ayos lang din po,” wika ko at sumunod na sa apat.
Sapatos ang huli naming binili at nang mapagod ay dumiretso kaagad kami sa Samgyupsal restaurant. Hindi matapos-tapos ang pagkukuwentuhan at pag-aasaran hanggang sa magdesisyon kaming mag-dessert sa ice cream store.
“Oh my Gosh!” Natutop ko ang aking bibig nang mapamilyaran ang lalaki sa katapat na store.
Hindi pa rin nagbabago ang itsura nito kahit nakasuot ng uniform bilang waiter sa isang fast food chain. Hindi na ako nakagalaw pa at nanatili na lang ang titig sa lalaki. Kahit naglilinis ng lamesa ay napakaguwapo pa rin nito.
“Girl, laway mo baka bahain kami dito.” Pagbibiro ni Aphrylle nang ma-realized kung bakit bigla na lang akong huminto.
Tanong sila nang tanong kung sino ang lalaking iyon para mag-react ako ng ganoon. Dahil sa sobrang gulat ay hindi ko sila magawang masagot. Sobrang nataranta ang puso ko lalo na nang dumiretso ang tingin sa akin ni Casper Kyle at tumaas ang gilid ng labi.
“Mukhang naka-move on na ang isang ‘to sa nanghalik sa kan’ya sa Club!”
Narinig ko ang halakhak nila dahil sa puna ni Hazuki. Wala akong pakialam sa mga oras na ito. Kahit gusto kong lapitan si Casper para kumustahin ito ay hindi naman ako mabigyan ng lakas ng katawan ko. Namalayan ko na lang ay hinila na ako ng mga kaibigan ko at pumasok na kami sa ice cream store.
“Baklang ‘to! Alam naming kinikilig na ang pempem mo pero gusto na namin ng ice cream,” boses ni Sierra ang narinig ko.
“Hindi nakapagtrabaho ng maayos ‘yong isa. Mukhang magkakilala!” Komento ni Aphrylle.