CHAPTER 7

1060 Words
To make everything awkward, they started to go inside the fast-food chain. Bumili nga lang sila ng ice cream pagkatapos ay hinigit na nila ako papasok sa loob. Hindi ko tuloy magawang tumingin kay Casper. Kahit halos lapitan na ng mga kaibigan ko ang lalaki. “Balita ko masarap daw kumain dito,” panimula ni Sierra. Dahil hawak ako nina Aphrylle at Maria ay hindi agad ako nakaalis. Sila pa nga ang pilit na nagpaupo sa akin at tinabihan pa ako. Pinili talaga nila iyong upuan na malambot at medyo mahaba para masiksik nila ako. “Kakakain lang natin,” mahinang ani ko. “We should eat our dessert here,” Hazuki said. Maski ang Filipino-Japanese na babaeng ito ay nakisali pa talaga sa pang-aasar. ‘Yong hiya ko ay halos makita na rin sa aking mukha. Paano’y pinili rin talaga nilang maupo kung saan malapit naglilinis si Casper Kyle. Kung available lang sana ang parehong kamay ko ay naitakip ko na iyon sa mukha ko. Papansin din kasi ang mga kaibigan ko at nakakawit pa sa aking braso. “Girl, nakakahiya kayo!” Nanggigigil nang usal ko. Hindi lang kay Casper kundi sa manager ng fast-food chain. Talagang dito nila kinain ang ice cream na binili. Pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang staff. Kaharap pa naman nila iyong store na binilhan ng mga gunggong na kasama ko. “O-order din naman kami. Uubusin lang namin ‘to,” sambit ni Sierra. Natunaw na lang ang ice cream ko ay hindi ko man lang magawang galawin. Bukod sa nahihiya ako ay tila ayaw nang tumanggap ng tiyan ko. Napahinga na lang ako ng malalim nang natapos nang linisin ni Casper ang apat na table na nasa malapit. Panay na rin ang sabunot ko sa mga kaibigan ko dahil hindi na talaga nahiya at sinundan pa ang bawat kilos ng lalaki. “Mga tarantado kayo! Pagtrabahuhin niyo naman ng maayos ‘yong tao. Umalis na tayo dito kung wala naman kayong balak mag-order ng pagkain.” “Okay, let’s go order some pizza and fries,” Aphrylle stated. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang pati ako ay isama niya. Halos magmakaawa ako na hindi na ako sasama ngunit pinandilatan na rin niya ako ng mga mata at dinala na sa counter. Kung sinusuwerte nga naman ako na makausap kahit papaano si Casper ngunit minalas naman dahil tiyak na aasarin ako ni Aphrylle. Mukhang hindi fixed ang trabaho ni Casper Kyle sa fast-food chain. Kung kanina ay naglilinis ito ng mga lamesa ngayon ay nasa counter na ito at kumukuha ng orders. “Good Afternoon, what is your order?” Napangiwi ako nang hampasin ni Aphrylle ang braso ko. Alam ko namang mababa at masarap sa tainga ang boses ni Casper. Hindi na niya kailangang ipangalandakan pa talagang hindi ko na alam kung paano ko titingnan ng diretso ang lalaki. “Ang hot! Good choice, beb!” Kinurot pa ako sa tagiliran ng gaga. “Manahimik ka nga!” “What’s your order?” Muli na namang nagsalita si Casper kaya hindi na ako nagpatagal pa at sinabi na rin ang orders ko. “One whole pepperoni pizza and one bucket of fries. Sa drinks, water na lang. Thanks!” Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi man lang ako nautal. Dire-diretso ko iyong sinabi nang nakatingin sa mukha niya. Nakatanggap na naman ako ng kurot mula kay Aphrylle kaya bumaling na ako sa kan’ya at sinamaan siya ng tingin. “Noted, and please wait for at least ten minutes.” May iniabot siya sa aming number kaya hinayaan ko na si Aphrylle na kuhain iyon. Masyado na akong nakakaramdam ng hiya sa paninitig ng kaibigan ko sa kan’ya. “Pa-order din daw ng number mo!” Pahabol ni Aphrylle bago kami bumalik sa aming lamesa. Napapa-face palm na lang ako nang muling makaupo. “Kahit kailan ka talaga!” Na-i-stress nang bulalas ko at tinapik nang malakas ang bibig niya. Sana lang ay ibang waiter na ang maghatid ng pagkain. Puwede na rin namang ibigay kaagad ang in-order kaso mukhang tinatapos pang lutuin. “Grabe ‘tong friend natin! Nanalo ng jackpot!” “Bakit? Ano’ng nangyari?” Excited na pang-uusyuso ni Hazuki. Kahit sino siguro sa mga kaibigan ko ang aking kasama ay hindi mawawala ang mga marites. Tsk! Lahat naman sila ay ganoon. Ano pa bang aasahan ko sa mga kupal na ‘to? Sa trabaho nga ay minsan lang magseryoso. “Ang pogi tapos ang ganda ng boses! Nako, kapag nakatuluyan ‘yon ni Tanya sigurado akong araw-araw ‘tong mag-de-demand ng late night talk.” Bigay na bigay na pagkukuwento ni Aphrylle. Tinuro pa talaga ako na parang hindi nakaakbay sa akin ang kan’yang braso. “Ano ba kayo? Tigilan niyo na nga ‘yan at hindi naman kami magkakilala no’n.” Naningkit ang mga mata nila sa akin. Hawak-hawak nila ang kanilang cellphone at maya-maya lang ay pinabasa sa akin ni Maria ang chat ni Meisha. Meisha Zaldua: Oh my Gosh! Nakita ko na ang lalaking ‘yan! If I were not mistaken, he was the last mission of our friend. Tadhana nga talaga! “Kami pa talaga ang bubudulin mo?” Mapang-asar na usal ni Sierra at inginuso ang lalaking kanina pa nila inaasar sa akin. Hindi ako lumingon. Hinayaan ko na lang ang pang-aasar nila sa akin at hindi tinapunan ng tingin ang lalaki kahit nang ilapag na niya ang in-order namin. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa o mawala na lang bigla sa harapan nila. “Thank you!” sabay-sabay nilang sabi. Ang huling inilapag ni Casper Kyle ay tissue at sa mismong harapan ko pa talaga! Hindi ko naiwasang suminghap ngunit pinigilan ko pa rin ang sarili ko na tingnan siya. Napatitig na lang ako sa tissue na nilapag niya at napakunot ang noo nang iba ang nakitang nakalimbag doon. Your last order will be served after my shift. That is what the handwritten says. Imbis na logo at pangalan ng fast-food chain ang nakalagay ay iyon ang nakita ko. Itatago ko na sana ang tissue ngunit dahil napapagitnaan ako nina Maria at Aphrylle ay nakita at nabasa rin nila ang nakasulat. Panay ang hampas at bato nila nang kung anu-anong pang-aasar. Kahit nang umalis na si Casper ay hindi pa rin tumigil ang mga kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD