Supurtado ako ng dalawang doctor na kasama ko. Nang magpakilala ako sa lalaki ay walang sabi-sabi itong umalis. Hindi ko alam kung kailangan ko pa ba ang presensiya ni Doc Fernandez para lang mapaalis ang lalaki. Nang sabihin ko kasi ang pangalan ko ay galit itong umalis. If I am right, his name is Aldrich. Iyon ang mga huli kong narinig kanina bago ako mawalan ng malay. Ang boses na iyon din naman ang narinig kong kausap nina Nica kanina. Isa pa pala ang babaeng iyon. Matagal na niya akong pinag-iinitan. Base sa mga naalala kong pinag-uusapan nila ay kilala nila ako. O ang totoo talaga nilang kilala ay si Veronica at napagkamalan lang ako. “Pasensiya na kung nadamay pa kita, Doc Fernandez,” nahihiya kong turan dito. Hindi naman kami masyadong close ng doctor pero siya pa talaga ang na

