A couple of months later, here I am, staring at the whiteboard. Kababalik lang namin mula sa undas break at sa mga nakalipas na mga araw at linggo ay literal na naging outcast ako. Odd ang aming bilang sa klase at palaging by two ang reporting. Naging tahimik naman na ang buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Casper para lampas-lampasan na lang ako ng grupo ni Nica. Hindi naman na mawawala ang pagtataray nila pero nabawasan ang pagpaparinig. Siguro, kung may masasabi sila sa akin ay binubulong na lang nila sa isa’t-isa. Wala naman na akong problema do’n at wala na rin akong balak na pansinin nila. Naalala ko pa ang naging pag-uusap namin ng mga kaibigan ko nang magtanong sila kung bakit ako na-hospital. Sobrang ingay ng cellphone ko kaya wala akong nagawa kundi ang tugunin sil

