It is Sunday today, meaning I don’t have class but assignments are overloaded. Kagabi ko pa nagawa iyong iba ngunit iyong tatlong subject na naiwan ay susubukan kong magpatulong kay Casper. Paraan ko na rin para makita siya. Wala kaming klase sa kan’ya kahapon at hindi ko alam kung saang lupalop siya nagpunta.
Me:
Do you have time? Medyo nahihirapan kasi ako sa ibang subject ko. Puwede ba akong magpatulong?
Kanina pa ako nag-text sa kan’ya ngunit hindi pa rin ako nakakakuha ng reply mula sa kan’ya. Na-te-tempt akong tawagan siya ngunit baka nasa trabaho or may importanteng ginagawa. Naghintay na lamang ako habang tinititigan ang mga nakakalat kong notebooks.
Malapit nang magtanghali nang marinig ko ang doorbell. Dali-dali pa akong tumayo at sumilip pa sa salamin para tingnan kung maayos ba ang aking itsura. Wala pa rin akong nakukuhang reply mula kay Casper Kyle ngunit umasa akong siya ang nasa labas ng aking bahay.
“Napakabagal naman kumilos ng friend namin!” Narinig ko na ang sigaw ng isa sa kaibigan.
Napasimangot kaagad ako at mas binagalan pa ang paglalakad. Hindi naman pala iyong lalaking kanina ko pang hinihintay. Madaling-madali pa akong bumaba ng hagdan.
“Ano na namang pinunta niyo rito?” Medyo iritado kong sambit kina Meisha, Zapphire, Sierra, at Irene. Sa pagkakaalala ko ay nag-video call lang kaming lahat kahapon. Ayoko pa naman kapag nagsasama sina Mei at Zap.
“Ano pa ba, Tanya Ruiz? Kailangan mong buhayin ang natutulog naming tsismis. Tagal na ring walang chika. Mukhang ikaw ang marami sa atin,” tugon ni Irene.
Plastic ko silang nginitian at pinagbuksan na ng pintuan. Hindi ko pa nga sinasabing maaari na silang pumasok ay natulak pa ako sa pagmamadali nilang magpunta ng kusina. Akala naman nila ay marami akong stocks. Wala na nga akong time mamalengke.
“Mayaman lang sa landi ang bruha pero napaka-poor ng kitchen. Buti nabubuhay ka pa?” Nakangiwing puna ni Meisha.
“Uso kasi sa akin ang delivery, beh. Baka gusto niyong i-try?”
Inilingan ako ni Zapphire at siya naman ang nagsalita, “Nako! Naturingan estudyante pero hindi marunong magtipid. Pinagsasabihan ka dapat ni Maria eh.”
“Whatever, girls! Ano ngang ipinunta niyo rito? Busy ako mag-assignment.”
“Well, I saw your man. I think kahapon ‘yon?” Patanong na simula ni Irene. “Sa club with so many girls. Kaedad mo nga lang yata ang mga ‘yon.”
Sumama ang timpla ng mood ko. Mukhang kaya hindi nag-re-reply ay dahil nakipag-inuman sa ibang babae. Siguro, sa mga oras na ito ay nasa hotel siya or inuwi na niya ang mga babae sa sarili niyang bahay. Hindi na rin naman ako magtataka dahil ang mga ganoong itsura ay mabilis maka-magnet ng mga babae.
“Chill ka lang, Tanya. Hindi rin naman ako sure kung lalaki mo nga ba ang nakita ko sa club. Malapit na rin kasi akong maging wasted no’n. You can ask him naman para hindi nagdidilim ang paningin mo.”
“Hindi ko naman na kailangang gawin ‘yon,” walang ganang sagot ko.
Dumiretso ako sa ref ko para kumuha ng tubig. Iyon lang din naman ang laman ng ref ko kaya kahit mag-crave ako ng beer ngayon ay nagtiyaga ako muna ako sa tubig. May kailangan pa akong tapusing assignment. Hindi ako puwedeng uminom.
“Minsan kasi, Irene, tinatahi ang bibig kapag gano’n ang tsismis. Hindi natin puwedeng ayain mag-inom ang isang ‘to at baka hindi makapasok bukas,” saway ni Sierra.
Kahit iritado na ako at kating-kati na tanungin si Casper kung ano ang ginawa niya kahapon ay nanahimik na lang ako sa bahay kasama ang apat sa mga kaibigan ko. Nagpunta lang yata sila para ma-badtrip ako at tamarin gawin ang mga nakalatag kong assignment.
“Pero seryoso, mga beh, tingin ko talaga ay lalaki ni Tanya ‘yon.”
“Seryoso na rin, Irene. Shut the f*ck up if you don’t want to see our friend knocking you out.”
Nilunod ko na lamang ang aking sarili sa pagtapos ng mga natira kong assignments. Gabi na nang makauwi ang mga kaibigan ko at nag-aya pang mag-grocery kami sa malapit na supermarket. Hindi rin naman ako pumayag sa huli dahil wala rin naman akong oras para magluto.
First subject namin si Casper ngayong araw. Prente lang akong nakaupo sa upuan ko habang nagbabasa ng mga lessons na maaaring itanong ng mga teacher. Gusto ko mang mag-focus sa ginagawa ko ngunit sobra na akong naiintriga sa kuwentuhan ng mga kaklase kong babae. Para bang ang tagal nilang naghintay para masabi ang mga kinukuda nila.
Panay ang malalanding hagikhikan nila. Medyo malayo sila sa gawi ko kaya hindi ko magawang maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Tumigil na rin naman sila at nagsibalik sa mga sariling upuan nang may tumikhim sa harapan.
Kilala ko ang tikhim na iyon ngunit hindi na ako nag-abala pang iangat ang tingin ko. Tinago ko ang ibang books at iniwan na lang ang kailangan ko para sa unang subject.
Ngayon lang tumahimik ang buong klase. Madalas kasi, kapag pumapasok si Sir kung saan-saan na ang naririnig kong bulungan nila. Kakaiba ngayon ngunit hindi na ako nag-abala pang alamin kung ano ang nangyayari.
Dahil nasa gilid lamang ako ng bintana ay sa labas ko na lang tinuon ang paningin ko. Nagsimula na ring magsalita si Sir at kahit ayaw kong makinig ay kusa kong ginagawa.
“Miss Ruiz, collect all the papers of your classmates and submit them to me after lunch.”
“Noted, Sir!” Sumagot kaagad ako ng mabilis.
Iyon naman ang palagi kong ginagawa. Kapag may pinapagawa si Sir ay ako palagi ang nauutusan niya. Kaya madalas ko na ring nakakaaway ang mga babae kong kaklase. Panay ang parinig na dahil sa iksi ng suot ko ay ako lagi ang napapansin.
“Sir! Bakit palagi na lang si Tanya ang inuutusan mo? Akala ko po napag-usapan na natin ‘to!”
Napamaang ako sa narinig. Si Nica iyong nagsalita. Sa pagkakatanda ko ay ang babaeng iyon ang madalas na sumasali sa mga beauty pageants. Hindi ko alam na close na pala sila ni Sir ngayon. Parang last time ay hindi ko maalalang ganoon na sila kung mag-usap.
“Ikaw na lang ang maghatid kay Sir, Nica. Half day lang din naman ako ngayon.” Ako na ang sumagot sa kan’ya.
Ayoko na lang marinig ang sasabihin ng teacher namin. Tiningnan naman ako ng babae at nginisian. Parang sinasabing ‘Mabuti naman at naiintindihan mong lumugar ng tama’. Inirapan ko lang siya at naglagay na ng earphone sa tainga.