Weeks later was too boring. Simula nang mapagsabihan ko ang bida-bida kong kaklase ay mas nabawasan ang nakikipag-usap sa akin. Kahit sa mga group reports ay wala nang nakikipag-group sa akin. Tingin nila ay gagawin ko rin ang ginawa ko sa tatlong babae.
Wala namang problema dahil kapag nasa classroom ako ay halos magbulungan na lang sila. Mas nakakapag-aral na ako ng maayos at hindi na rin nakakarindi.
“Oh my Gosh! Balita ko ay guwapo raw iyong papalit kay Sir Cruz. I’m not sure if nasa mid 30s na ‘yong teacher but we don’t care naman.”
“Age doesn’t matter naman and if ever walang agawan ah?”
“Ayan ka na naman, Nica, eh! Hindi porket madalas kang sumasali sa mga beauty pageants, eh sa ‘yo na agad magkakagusto si Sir!”
“Hibang na kayo!”
Mahina lang ang sound sa suot kong earphone kaya dinig na dinig ko ang kalandian nila. Panay ang hagikhikan nila at kan’ya-kan’ya pang komento sa bagong papalit na teacher. Napapangisi na lang ako dahil ako lang ang may alam kung sino ang bagong teacher na ‘yon.
Ang tataas din mangarap nitong mga kaklase ko. Hindi porket nasa 3rd year college na kami ay basta-basta na lang sila makikipagharutan kapag guwapo ang teacher. Well, kung iisipin ko namang mabuti ay ganoon din ang aking gagawin. Hindi naman na maiiwasan iyon ngunit depende na rin sa tao. May consideration nga lang at hindi naman ako basta-bastang pumapatol lang sa guwapo.
At hindi na nga rin nagtagal ay pumasok na rin ang taong ikokonsidera ko sa desisyon ng aking kalandian. Ngayon lang nakita ng mga mata ko ang kapormalang suot ni Casper Kyle. Hindi ko nga in-expect na magiging teacher ko ang lalaking iyon sa isang subject.
Hindi ko alam kung gusto ko ba ang idea na iyon ngunit wala naman ako sa lugar para sabihing hindi puwedeng may guro ko siya.
“Oh sh*t!”
“Whoa!”
Kan’ya-kan’ya na nga sila ng reaksiyon. Hindi rin nagpahuli ang mga kalalakihan at pinuri pa ang suot ni Casper. Pinagtatalunan at pinagpupustahan na nila kung ano’ng brand ng damit ang suot ng lalaki.
Napakagat ako sa ibabang labi nang sa akin dumiretso ang kan’yang tingin. Hindi naman iyon napansin ng ilan dahil masyado na silang namangha sa itsura ni Kyle. Napasipol ako ng mahina at pasimple siyang nginisian.
It was nice to see Casper again. Kahit bilang guro at hindi tagasundo at hatid. Umagang-umaga ay na-bless na ang mga mata ko.
“Good morning, class!”
Napasinghap ang lahat, lalong-lalo na ako ngunit sinarili ko na lang. Ilang segundong tinitigan pa nila ang teacher bago batiin. Medyo nakakaasar na rin at nagdagdagan pa ang mahuhuling kay Casper.
“I will be your teacher in the meantime. Mr. Sinfuego or just Sir, you can call me in that name.”
Mahihinang tili at hagikhikan na naman ang aking narinig. Alam kong nakikita at napapansin din iyon ni Casper pero tila wala siyang pakialam. Hindi nagbabago ang kan’yang itsura. Kung ano iyong unang impression ko sa kan’ya ay ganoon na ganoon siya ngayon.
Pinaglalaruan ko lang ang ballpen sa kamay ko habang ipinagpapatuloy niya ang naiwang lesson ng dating teacher. Paminsan-minsan siyang nagtatawag for recitation at ni isang pagtataas ko ng kamay ay hindi niya ako pinansin. Ang madalas niyang tawagin ay iyong mga ayaw matawag.
“Tsk!”
Napakaano naman ng isang ‘to. Sa recitation na nga lang possible na makausap ko siya, ipinagdadamot pa talaga. Nakikita naman niya ang bawat pagtaas ng kamay ko pero binabaliwala lang ng kupal. Ayoko na nga!
Dumukdok na lamang ako sa aking lamesa. Pinakinggan ko na lang ang bawat dada niya sa harapan. Alam ko naman na ang ibang sinasabi niya dahil madalas akong nag-aaral kapag may oras pa akong natitira.
“Miss Ruiz, if you want to sleep do it in your house.”
Hindi ko siya pinansin. Nakadilat naman ang mga mata ko ngunit hindi ko tinunghay ang aking ulo. Ipaparamdam ko sa kan’ya ang hindi mapansin. Wala akong pakialam kahit naging guro ko pa siya. Wala pa ring magbabago na hindi niya pinapansin ang pagtataas ko ng kamay kanina.
“I’m warning you, Miss Ruiz, I will deduct a point on your quiz if you sleep while in my class.”
“Okay fine, bahala ka sa buhay mo.” Hindi naman kawalan ang ibabawas niya sa grades ko. Kahit ano pa ang pananakot na marinig ko kay Casper ay matigas talaga ang ulo ko. Gumaganti lang ang isang api na hindi pinag-recite sa subject niya.
“That’s all for this day. Prepare yourself tomorrow for the long quiz. Especially you, Miss Ruiz, you will be taking much harder questions. Dismiss.”
Tsaka lang ako nag-angat ng tingin. Dumiretso sa mga mata ni Sir ang paningin ko at nagkibit balikat lang. Easy or difficult. Wala naman akong pakialam. Alam ko naman ang kakayahan ko kaya handa ako sa kung anong quiz ang ibibigay niya.
“Hay nako! Pati teacher nilalandi!”
“Mukhang kailangan nating bantayan si Sir Sinfuego. May malanding umaaligid sa classroom natin.”
“Si Sir yata ang next target ng haliparot na ‘to.”
Kakalabas pa nga lang ni Casper ay kung anu-ano na kaagad ang naririnig ko sa mga kaklase kong babae. Nananahimik na nga ako sa isang tabi ngunit pansinin pa rin talaga ng mga kulang sa aruga. Hindi ko na nga pinansin ang bagong iniidolo nila ay may nakukuda pa rin talaga.
“Papansin masyado, akala mo naman ikinaganda niya.”
“Nako, girls! Gusto niya lang talaga mapansin ni Sir Sinfuego kaya nagtulog-tulugan siya.”
Napangisi ako at tiningnan sila. Matapang sila ngayon at mukhang nakaisip na naman ng bagong ipapalabas na issue tungkol sa akin. Napakakitid ng utak nila. Nasita lang ng teacher ay iniisip na nilang humaharot ako.
“Maganda naman talaga ako kaya kahit yumuko lang ako ay mapapansin ako.” Madalas talaga ay gumaganti ako sa mga taong ‘to. “Hindi niyo kasi kaya iyon kaya ako na lang nang ako ang ginagawan niyo ng kuwento.”