CHAPTER 10

1670 Words
Tulala kong nailapag ang aking shoulder bag sa long sofa at naupo doon. Actually, hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaganoon. Nang marinig ko pa lang ang pangalan na iyon ay sumakit na ang ulo ko kaya hindi ko nagawang sumagot kay Casper. Naalala ko kung paano niya akong pagkunutan ng noo pero kalaunan ay hindi na rin hinintay pa ang aking tugon. Pagkatapos niyang ibigay sa akin ang kan’yang cellphone number ay umalis na rin siya nang hindi nagpapaalam. “Sh*t! Sana man lang nag-ba-bye ako sa kan’ya.” Nasa huli talaga ang pagsisisi. Ni hindi ako nakapagpasalamat. Wala akong ideya kung bakit sa akin niya iyon tinanong. Inalala ko tuloy kung mayroon ba akong naging kaklase na ganoon ang pangalan. Pero sumakit lang ulit ang aking ulo kaya hindi ko na pinilit pa. “Veronica Abegail.” Sino naman kaya iyon? Kakilala niya kaya o girlfriend kaya niya hinahanap? “Pero bakit sa akin?” Nang imbestigahan ba niya ako ay may nalaman siyang kung ano kaya natanong niya iyon? Eh, bakit wala man lang akong kaide-ideya tungkol doon. Sa dami ng gumulo sa aking isip ay iniligo ko na lang iyon. Gabi na rin naman kaya dumiretso na rin ako sa aking kama. Wala akong nakitang paper bag sa sala kaya hindi ko rin nakalikot ang mga pinamili ko kanina. Tumunganga na lang ulit ako sa kisame at inalala si Casper Kyle. “Is that her sister?” Hindi pa rin matapos-tapos ang pag-iisip ko tungkol doon. Ano ba kasi ‘yan? Bakit binigyan pa talaga ako ng isipin ng lalaking iyon? Sa dami ng oras na magtatanong ay gabi pa talaga ang pinili niya. Mahihirapan na naman akong makatulog nito. Dahil hindi na ako matahimik ay tinawagan ko ang number niya. Kabado pa ako na baka hindi niya sagutin ang tawag ko o kaya ay nasa kalsada pa siya at nagmamaneho. Halos mag-iisang oras pa lang naman. Nakahinga ako ng maluwag nang sagutin niya. Walang ingay ng sasakyan sa background kaya siguro’y nakauwi na siya o hinahanap ang babaeng may pangalan na Veronica Abegail. “Hello? Si Tanya ‘to.” “Hmm.” Mas malakas ang dating ng kan’yang boses kapag nasa cellphone. Ano ba namang buhay ‘to? Naguguluhan na nga ang isip ko, nagawa pang kiligin ng puso ko. “Sorry kung napatawag ako para tanungin ka ng ganito pero kaanu-ano mo ba iyong babae?” Hindi ako nakakuha kaagad ng sagot. Gusto ko lang talaga malaman para matahimik na ang malandi kong pagkatao. Baka mamaya, isip ako nang isip kung paano lalandiin si Casper pero may hinahanap pala siyang girlfriend niya o hindi kaya ay asawa. “Ayoko lang makasira ng relasyon if ever you had something romantic with her,” pagpapatuloy ko para naman hindi siya mag-isip ng kung ano. “She is just someone I know, woman. Puwede ka nang matulog.” Ganoon ba ako kabilis basahin para kahit sa tawag lang ay mahulaan niyang ganoon nga ang sitwasyon ko? Hindi naman ganoon ang mga kaibigan ko pero bakit pagdating kay Casper Kyle ay parang ang transparent ko? Sa mga nakalipas na araw ay hindi na naulit pa ang pagtawag ko kay Casper Kyle. Hindi rin ako madalas mag-text dahil masyado siyang tipid mag-reply. Naging busy na rin naman ako sa paghahanda sa susunod na pasukan. “Uy, Tanya!” Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Break time namin kaya lumabas muna ako ng room para makabili ng inumin. Ngumiti ako at hinintay makalapit ang babaeng kaklase. “Yes?” “Medyo worried lang ako kasi kanina ka pa tinitingnan ng lalaking ‘yon, oh,” at tinuro niya talaga kung nasaan ang tinutukoy niya. Saglit lang akong lumingon doon dahil nakita at ramdam ko ang titig na iyon. “Ang hilig mo kasing magsuot ng maiikling dress at skirt. Nababastos ka na tuloy.” Hindi makapaniwalang napangisi ako. Kaya wala akong nakakasundo sa kahit isa sa mga kaklase kong babae. Kung hindi ganoon ang maririnig ko ay kung anu-ano nang rumor na gumigiling daw ako sa bar kapag gabi. They really know how to make me pissed. “Oh, really? Pakisabi na lang na wala akong pakialam…” Huminto muna ako sa pagsasalita at tiningnan siya diretso sa mga mata. “Sa ‘yo,” pagpapatuloy ko. Inirapan ko na siya at tinalikuran. Hindi naman sa pinagtatanggol ko iyong lalaki. Hindi ko lang makita na dahil sa suot ko kaya ganoon ang tingin sa akin. Kung ganoon man ang nangyayari ay wala pa rin siyang karapatan na pagsabihan ang pananamit ko. “Pakialamerang wala namang naging ambag sa binayad ko sa damit.” “Concerned na nga ako pero kung makapagsalita ka, eh ikaw pa ang nagmamagaling!” Huling sigaw niya ang narinig ko. Imbis na paaabutin ko pa hanggang bago mag-lunch ang tubig na binili ko ay tinungga ko na iyon. Pinakalma ko ang sarili ko bago tumalikod at ibaling ang tingin sa lalaking tinukoy no’ng kaklase ko kanina. Pinagtaasan ko siya ng kilay at sa huli ay tumayo siya at nilapitan ako. “Tama nga ang girlfriend ko. Dito kita makikita.” “Sorry, I don’t know you.” Nilagpasan ko na siya. Hindi ko rin naman siya kaklase kaya walang dahilan para pahabain ko pa ang pakikipag-usap sa kan’ya. Alam kong sa mga titig niya kanina ay may gusto siyang sabihin sa akin. Wala naman akong pakialam sa kahit anong lalabas sa bibig niya dahil hindi ko siya kilala. “Ilang taong kang nawala at ngayon ay magmamaang-maangan ka? Bata pa lang tayo ay magkakilala na tayo. Ano’ng nangyayari sa ‘yo.” Napabuntong hininga ako at hindi pa rin pinansin ang pagsunod niya. Marami pa akong plates na gagawin kaya wala akong oras para i-entertain ang nonsense niyang sinasabi. “I am waiting for you.” Napahinto ako nang mapamilyaran ang boses na iyon. Napatingin ako bigla sa kaliwa ko nang mula doon ay may humawak sa baiwang ko. “Kyle!” Nagugulat kong sambit. “Kakabasa ko lang ng text mo kanina kaya late ko nang naihatid itong papers na kailangan mo. You still need it? Hindi ka na kasi nag-reply sa texts ko.” “Yeah, I’m sorry for bothering you. Wala kasing available sa mga kaibigan ko at hindi pa ako makaalis dahil kaunti lang ang break time ko.” “That’s okay.” Lumihis ang tingin niya sa akin at pumirmi sa lalaking ngayon ko na lang ulit napansin. Nagtataka ang tingin nito sa amin kaya tumaas na naman ang kaliwa kong kilay. Para bang pangit sa mga mata niya na makitang sobrang lapit naming dalawa ni Casper Kyle. “I don’t know that guy. Let’s go.” Dahil nakahawak si Casper sa baiwang ko na parang pagmamay-ari ako ay napasunod siya sa paglalakad ko. Hindi ko na narinig pang nagsalita ang lalaki kaya kay Casper na nag-pokus ang atensiyon ko. “Nasa klase ako kanina at ngayon lang nagkaroon ng time pero naiwan ko rin ang phone ko sa room kaya hindi ko na natingnan pa kung nakapag-reply ka ba.” Wala namang kaso sa akin ang hawak ni Casper sa baiwang ko. Medyo umaalon pa nga ang dibdib ko dahil pangalawang beses na niyang pinirmi ang kamay doon. Wala naman kami sa motor niya para humawak siya nang ganoon sa akin. “Text me when you get home. Dala mo ba ang sasakyan mo?” “Nope, nag-taxi lang ako dahil flat ang gulong ko.” “With that dress?” He was a bit annoyed. Kahit alam naman na niya ang isasagot ko ay nagtanong pa talaga siya. Wala naming problema sa dress na suot ko. Hindi gaanong maikli pero hindi naman lalagpas sa tuhod. Hindi naman ako siga kung makaupo sa taxi kapag ganito ang aking suot. “What time is your dismissal?” “Hmmm, 3 o’clock, I guess. Depende kung wala kaming meeting sa org.” “Text me, okay? At huwag kang uuwi hanggang hindi pa ako dumadating.” Sobra-sobra na ang abalang ibinigay ko sa kan’ya ngayong araw. Mabilis akong tumanggi pero sa sama ng tingin niya sa akin ay itinikom ko na lang ang aking bibig. Huminto kami sa tapat ng building kung nasaan ang room ko. Hindi na ako nagpahatid pa hanggang classroom dahil masyadong maraming estudyante sa hallway. Masyadong pansinin ang lalaking ito. Baka madagdagan lang ang kaagaw ko. “You can go home. Thank you for bringing this to me.” Iniangat ko pa ang kamay ko na may hawak ng papers. Dalawang beses niyang pinisil ang baiwang ko. Doon pa talaga siya humawak sa parteng may cut ang damit. Ramdam na ramdam ko tuloy ang init sa kan’yang kamay kahit kalahati lang no’n ang nakadikit. Medyo nakakapagod ang araw ko ngayon. Bukod sa lahat ng subject ay may quiz ay nag-report pa ako nang walang nakuhang tulong sa mga kagrupo ko. Hindi ko tuloy sinama ang pangalan nila nang tanungin na ni Miss kung sino-sino kami sa group. “Napakamasarili naman ng malanding ‘to!” “Akala mo kung sino. Nag-chat na nga kami na isama kami sa list para hindi kami bumagsak, eh!” “Pinagawa niya lang siguro ‘yan sa nakama niya kagabi!” Tahimik kong niligpit ang gamit ko. Iyon na ang last subject namin sa araw na ‘yon. Hindi ko na sana sila papansinin pero hindi kinakaya ng kasungitan ko. “Why would I list your name? Bukod sa mag-clubbing araw-araw, may inambag ba kayo sa report? Ang dami niyong dada, eh sino kaya sa atin ang nagpunta sa motel na may kasamang tatlong lalaki?” Nahawakan ko ang kamay ng babaeng kasama ko sana sa group report. Sinubukan niya akong sampalin pero dahil sa kupad niyang kumilos ay mas nauna pang makatayo ako at makaharap siya ng diretso. “Next time, bago ka magpakalat ng issue tungkol sa akin ay siguraduhin mo munang hindi ikaw ang ganoon. Para ka lang tanga na nagkukuwento ng buhay mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD