CHAPTER 9

1588 Words
Hindi ako nakaimik. Nakagat ko ang ibabang labi ko at hindi magawang maibaling ang tingin kay Casper. Kahit nang ilibot ko ang tingin sa buong parking lot ay iniwas ko talagang madapuan ang lalaki. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng hiya nang marinig ang huling sinabi niya. Napabuntong hininga na lang ako nang tila hinintay pa ng mga kaibigan ko na makita ko sila bago paandarin ang sasakyan ni Aphrylle. Nakabukas pa nga ang salamin at nag-wave pa ang mga kupal kong kaibigan. “Uh… Iniwan na nila ako,” mahinang ani ko. “Let’s go, then,” Casper said. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kung saan siya pupunta. Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin para magpresinta pa siyang ihahatid ako. Ni hindi ko nga rin inaasahan na ibibigay niya sa akin ang kan’yang numero. “Ano… Uhm, Casper, ano bang… Uhm, ano… May sasabihin ka ba sa akin?” Iyon na nga lang ang salitang ibibigkas ko ay hindi ko pa alam kung paano itatanong. Nagkandautal-utal pa talaga ako. Iyong tapang na inipon ko noon ay tila natapon nang makita at makausap ko na si Casper. May pasabi-sabi pa ako noon na haharutin ko siya, eh hirap nga akong makabuo ng pangungusap kapag nasa malapit siya. Tsk! “Wala akong gagawing masama sa ‘yo. Calm down, Lady,” he uttered softly. Sa totoo lang ay walang emosyon ang mukha niya ngunit kapag nagsasalita na siya ay nag-iiba ang paningin ko sa kan’ya. Hindi ko alam kung dumidepende lang sa sitwasyon ang tono ng pakikitungo niya sa kahit sino. Nang una kasi kaming magkakilala ay kung ano ang nilamig ng itsura niya ay ganoon din ang kan’yang boses. Hindi na ako nakasagot nang makita kung ano ang sasakyan namin. Napatingin akong bigla sa suot ko at ibinaling kaagad kay Casper ang paningin. Nakita ko pa kung paanong tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ang sumunod na nangyari ay mas namungay ang kan’yang mga mata. “Ano… Should I just call a taxi?” Alanganin akong nagsalita. Parang hindi rin kasi ako makakasakay kung napakaikli ng suot ko. Kahit pa gabi ay hindi pa rin ako comfortable. “Why I didn’t notice that you are wearing a mini skirt,” he stated coldly. Hindi man lang kasi niya sinabi na motor ang sasakyan namin. E’di, sana ay hindi na lang ako sumama sa kan’ya at nagtawag na lang ng taxi. Mukha tuloy siyang problemado at galit. “Ayos lang naman kung mag-ta-taxi ako, Kyle. Kung may sasabihin ka, puwede mo namang sabihin sa akin ngayon.” “I told you I will not die. Let’s go inside.” Sasagot na sana ako nang maglakad siya. Sa laki ng biyas ng lalaking iyon ay napatakbo akong bigla para maabutan siya. Gusto ko sanang magpalit na lang kaso iyong mga pinamili namin ay halos puro itim na damit at dress. Naiuwi na rin ng mga bodyguard kaya wala rin akong choice. “Saan tayo?” Tanong ko nang magawa kong makahabol. “We will buy you pants or anything you are comfortable at.” Hindi ko naiwasang mangiti. That was really nice. Hindi ko naman in-expect na bibili kami ng pupuwedeng ipalit sa mini skirt ko para lang maihatid niya ako. At hindi ko rin inaasahan na kung saan ako komportable ay iyon ang bibilhin namin. Nakaisip tuloy ako ng kalokohan. “What if, I was more comfortable on what I am wearing right now?” “You can wear anything you want, Lady, but I will not allow you to ride in my motorcycle wearing that one,” then, he pointed to my clothing. “And if you will insist that you can just book a taxi, then I will go with you.” Talagang huminto kami sa gitna ng mall. Napangiti ako lalo kaya naiwas ko ang tingin sa kan’ya. Takte ‘yan! Kung ganito pala siya bumanat bakit hindi ko siya nilandi kaagad? “Choice now. Bibili ba tayo ng ipapalit sa suot mo o magsisimula na tayong pumara ng taxi ngayon?” “Alright, wait for me here.” Nilagpasan ko na siya at pumasok sa isang pambabaeng boutique. Boyfriend jeans ang binili ko para bumagay pa rin kahit papaano sa suot kong croptop at cream jacket. Mas makakaupo din ako ng maayos sa jeans na iyon. Nang makapagpalit at makabayad ay lumabas na ako ng boutique. Hindi na rin naman ako naghanap pa kay Casper dahil hinintay niya ako sa labas ng store. Ngumiti lang ako sa kan’ya at nagsimula na rin kaming maglakad patungo ulit sa parking lot. “That’s better,” he commented, so I smiled again. Isa lang ang helmet na mayroon siya. Halatang walang babaeng inihahatid o iginagala sa kung saan. Sasabihin ko na sanang ayos lang na wala akong suot na ganoon kaso nauna pa niyang maisuot iyon sa akin. “Oy! Ayos lang na ikaw na lang ang magsuot.” Napaiwas pa ako ngunit wala na rin namang magagawa. “You will drive.” Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Bakit ako?” “Napagod ako sa trabaho ko. So, if you don’t mind…” Hindi pa naman kami ganoon ka-close para masabi ko sa kan’yang marunong ako magmaneho ng motor. Paano pala kung hindi ako marunong? Hindi muna talaga nagtanong ang isang ‘to. “I don’t—“ “I know you know how to drive a motor, Lady.” Pinagkunutan ko siya ng noo. Sa way ng tingin niya sa akin ay tila nag-background check na siya tungkol sa akin. Parang halos lahat din ay alam na niya, samantalang ako ay hirap pa rin makakuha ng kahit anong details niya. “Hindi ko alam na interested ka pala sa buhay ko para malaman mo pati ang bagay na ‘yon. Sana dumiretso ka na lang sa akin. Willing naman akong sabihin sa iyo ang mga ‘yon.” “Well, I know a little thing about you. Puwede mo pa ring sabihin sa akin ang ibang hindi ko alam sa ‘yo.” “I thought you know my name? Why do you keep calling me Lady?” Nagkibit balikat lamang siya at pinagpag ang upuan ng motor. Medyo mataas iyon pero kaya ko pa rin namang makaupo dahil hindi naman kulelat ang height ko. Sinamaan ko siya ng tingin at pinagkrus ang mga braso sa aking dibdib. “I will drive if you say my name, Kyle.” Our eyes met when his head turned on me. Gusto ko lang naman malaman kung alam niya talaga ang pangalan ko. Baka gino-good time niya lang ako nang nasa hospital kami para mabaling sa iba ang atensiyon ko at makatakas siya. “Come on, Kyle! Hindi ko tatanggapin ang Lady at Woman na tawag mo sa akin. Say my name,” pangungulit ko. Naitagilid niya ang kan’yang ulo at sa huli ay umangat nang saglit ang gilid ng kan’yang labi. “Can you drive me, Tanya Ruiz?” Nauna pang sumigaw ang isip ko. Ngayon ay alam ko na talagang hindi na ako normal. Wala na ngang emosyon ang sinabi niyang iyon pero kinilig pa talaga ako. Ni hindi ko na nga prinoblema kung paano at bakit niya ako inimbestigahan. “Of course! Kahit ano’ng drive pa ‘yan.” “Like what?” “Like driving you crazy,” I smirked and winked at him. Nauna na akong sumakay sa motor niya. Pinasuot pa niya sa akin ang gloves niya pero sa huli ay tinabi niya na lang dahil masyadong malaki. Kahit gaano pa siguro ako katangkad sa mga kaibigan ko ay nagmumukha akong maliit kapag kasama na si Casper. Nang makita niyang maayos na akong nakaupo ay sumakay na rin siya. Ang dalawang kamay niya ay humawak sa magkabila kong balikat nang magsimula na akong mag-drive. Pero hindi iyon tumagal doon. Bumagal ang aking pagmamaneho nang dumausdos ang dalawa niyang kamay at pumirmi sa baiwang ko. “You know how to flirt, huh,” I said almost in a whisper. “I did not know that it would make you think that I am flirting with you.” “Well…” Natawa ako sa huli. Mahina na nga ang boses ko pero narinig pa talaga niya. Ramdam ko ang hininga niya sa batok ko kaya siguro nagawa pa rin niyang marinig ang sinabi ko. Parang gusto ko tuloy pagalitan ang sarili ko dahil nagsuot pa ako ng jacket. Hindi ko tuloy maramdaman ang init ng kan’yang palad. Sweet na sanang tingnan. Kung makikita lang kami ng mga kaibigan ko ay baka hindi pa ako nakakalapit sa kanila ay naririnig ko na ang pang-aasar nila. Hindi ko pa alam nang una kung saan pupunta pero nang maalalang ihahatid niya ako ay tinungo ko ang daan papunta sa bahay ko. Mukhang iyon lang din naman ang pakay niya bukod sa ibigay ang kan’yang numero at sabihin kung ano ang kan’yang kailangan. Madilim na ang kalangitan ngunit hindi naman kami gaanong naipit sa traffic. Mabilis lang din ang naging biyahe namin at nakarating na rin sa tapat ng aking bahay. Siya ang naunang bumaba at sumunod ako kaagad. “Dito na ang bahay ko. Puwede mo nang sabihin kung ano ang kailangan mo sa akin.” Hindi naman sa nagmamadali ako pero mukhang inaantok na rin kasi siya. Hindi ko alam kung ano’ng oras nagsimula ang trabaho niya at mukhang pagod na pagod siya. “I want to ask if you know someone with the name Veronica Abegail Soriano?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD