Kahit anong sabihin at pang-uuto pa ang gawin nila ay hindi ko talaga sinabi ang mayroon sa amin ni Casper. Ayokong i-judge nila ako at sabihang tanga. Okay na ako at tanggap ko na rin namang may mga bagay na hindi nararapat para sa isang tao.
“Girl, ‘yong tainga ko ay kating-kati nang makarinig ng tsismis.”
“Hayaan niyo na si Tanya, Sierra. Malaki na ‘yan at lalapit naman ‘yan kaagad sa atin kapag need na niya tayo. For now, let’s just go home.” Saway na ni Levine. Ngumiti ako sa kan’ya. Kahit saang pagkakataon talaga ay siya ang pumapagitna sa amin.
“I need to take a rest. Magsilayas na kayo dito. Anyway, thank you for coming here,” I smiled at them.
Binalaan pa ako ni Sierra na kung ako ang tama sa away namin ni Casper ay hindi puwedeng lumabas ako para makausap ang lalaki. Wala naman talaga akong balak lumabas at hindi ako handang marinig kapag inamin niya sa akin ang alam kong ginawa niya noong sabado.
“I hoped he gets home already. It’s getting late.”
Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil inisip ko pa talagang lumabas para silipin kung naroon pa rin siya. Anong oras na rin naman kaya wala na siguro siyang dahilan para tumambay pa rin sa labas ng aking bahay.
Hinayaan ko na lang ang sarili kong silipin ang bintana. Titingnan ko lang naman kung naroon pa rin siya. Kung wala na edi mas maganda. Kung naroon pa ay hindi ko rin naman alam ang aking gagawin. Mas okay na rin sigurong alam ko.
I heaved a sigh when I saw him still standing. Nakayuko ang ulo niya at magkakrus ang kamay. Sumakto pang nag-text si Sierra at sinabing nasa labas pa rin ang lalaki. Nagdadalawang isip na akong labasin siya at iyon nga ang aking ginawa.
Mabilis ang kan’yang ginawang paglingon nang marinig ang pagbukas ko ng pinto. Napaayos siya ng tayo at hinintay na makalapit ako. Umabante siya nang marating ko ang gate ng aking bahay. Hindi ko na iyon binuksan pa kaya nang ma-realized niyang hanggang doon lang ang paglakad ko ay tumingin na lang siya ng diretso sa aking mga mata.
“Bakit hindi ka pa umuuwi?”
“I am waiting for you,” he answered. “Are you okay?”
I bit and lick my lower lip. Ngayon ko lang nakita ang pagbabago sa itsura niya. Mukha siyang nag-alala at guminhawa nang makita na ako ng tuluyan. Para bang ang tagal niyang nagtiis na hindi pasukin ang aking bahay.
“Hindi ko na yata dapat pang sabihin sa ‘yo ang lagay ko. Umuwi ka na.”
Tinalikuran ko na siya. Naging mabagal ang pagbalik ko sa loob dahil nag-he-hesitant akong makausap pa siya. Pinipigalan lang ako ng kaalamang katulad din siya ng mga lalaking nasa Club at maraming kasamang babae.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay tumunog nang sunod-sunod ang cellphone ko. Naupo ako sa couch at tiningnan ang bagong dating na mensahe.
From Casper Kyle:
I don’t know what is happening to us. Can you tell me if I did something wrong for you?
Sa kan’ya ulit ang sumunod na mensahe: I was busy that is why I did not respond to your messages. Is that the reason why you are not happy to talk and see me?
Nakagat ko ang magkabilang gilid ng labi ko. Gusto ko siyang pagalitan dahil isa na nga iyon sa dahilan kung bakit dumidistantiya ako. Gusto kong mag-reply at sabihin ayos lang naman kung marami siyang babae basta hindi niya ako binibigyan ng hope na magkakaroong kami.
He texted me again saying, I will try again tomorrow. Uuwi na muna ako. Susunduin kita bukas kaya hindi mo na kailangan pang dalhin ang sasakyan mo.
Wala akong ni-reply-an sa kahit anong texts niya. Muli kong binaba ang cellphone ko nang wala na ulit natanggap na mensahe. Tumitig ako sa kisame at inalala ang lahat ng nangyari.
Maaga pa lang ay gumising na kaagad ako. Isang oras pa bago ang tamang pagpasok ko ngunit kumilos na kaagad ako. Ayokong maabutan niya ako at baka kung ano pa ang isipin ng iba kapag hinatid ako ng teacher ko.
I don’t like it when people judged me and keep on pointing a statement. Baka masapak ko lang sila at palapatol pa naman ako. Hindi ko nga inaatrasan ang ibang kaklase ko.
Madilim pa at wala pa naman si Sir sa labas kaya nagtagumpay akong maunang pumasok. Dahil maaga akong umalis ay ako pa lang ang tao sa aming room. Wala naman kaming class kay Sir Sinfuego kaya sigurado akong hindi siya dadaan.
Habang naghihintay sa unang klase ay nag-earphone na muna ako at nagbasa ng mga notes. Minsan ay may surprise quiz kaya dapat ay naghahanda ako. Kahit pa may ibang laman ang isip ko ay pinilit kong mag-focus sa pag-aaral.
Napaangat ako ng tingin nang mapansing may humintong tao sa harapan ko. Nakarinig kaagad ako ng bulungan. Naigala ko ang aking paningin at napansing may iba na rin pala akong kaklase na pumasok. Tinitingnan nila kami ni Sir at nagtataka kung ano ang pakay sa akin ng teacher namin.
“Oh my God! Kapag nakita ni Nica na nilalandi ni Tanya si Sir ay baka magkagulo na naman sila.”
“Nako! Nag-text pa naman sa akin si Nica at sinabing papunta na siya. Humanda talaga ‘yang Tanya na ‘yan. Masyadong malandi!”
Seryoso kong tiningnan si Casper at binaba ang librong binabasa ko. “You are making a scene.”
“I told you we will go together.”
“I don’t care. Umalis ka sa harapan ko.”
Malamig ko na siyang tiningnan. Nabibingi na ako sa pagpaparinig ng mga kaklase ko. Hindi na nakatulong pa ang music na ibinibigay ng earphone ko. They started to film us. Lumapit pa talaga sila para marinig ang pag-uusap namin ni Casper.
Sumama na ang tingin ko sa teacher namin. “Umalis ka na, Sir! Akala mo ba natutuwa na ako sa pinaggagagawa mo?”