My body is shaking. Dumaan lang ang ambulance car ngunit sa tainga ko ay rumehistro na ang sirena nito. It was too loud and I badly want to shout. Hindi naman ako madalas nagkakaganito. Akala ko nga ay hindi na mauulit ngunit mukhang pahihirapan pa rin ako ng trauma ko.
The bang inside my head is so hurtful. Gusto kong ipugpog ang ulo ko para maalis sa tainga ko ang nakabibinging ingay. Mga nabasag at maingay na pagsalpok ng dalawang sasakyan—iyon ang paulit-ulit kong naririnig.
“Ruiz, listen to me!”
“Hey, wake up!”
“Tanya Ruiz, come on! What is happening to you?”
Napalitan ng mahinang boses ang ingay sa aking tainga. Hindi ko maunawaan ngunit unti-unti kong naramdaman ang pagkalma. Sa hindi malamang dahilan ay nagawa kong igalaw ang aking katawan at ibaling sa pintuan ng aking sasakyan ang mga mata.
I saw a man looking intently at me. He was so worried but when our eyes met I saw his chest move. Na para bang sa tagal niyang tinawag ako ay ngayon lang siyang nagtagumpay na makuha ang aking atensiyon.
“D*mn it, Ruiz! Bakit bigla-bigla kang humihinto sa gitna ng kalsada?”
Habang pinapagalitan ako ni Casper Kyle ay inilabas niya ako ng sasakyan. I was almost fell over because my legs are still shaking. Mabuti na lang ay mariin ang pagkakahawak sa akin ni Sir. Hindi ko alam na sumunod pala siya sa akin at nakita pa ang bigla kong nagawa.
Nilipat niya ako sa passenger seat at mabilis siyang umikot para makasakay sa driver’s seat. Pinanood ko lamang ang bawat kilos niya. Kahit ang pagpintig ng kan’yang mga ugat nang galawin niya ang gear shift ng sasakyan ay hindi nakatakas sa aking mga mata.
“Why are you here, Sir?” I asked.
“I want to know where you were going, Ruiz. Kung hindi kita sinundan ay baka kung ano na ang nangyari sa ‘yo!” Humina ang boses niya sa huling pangungusap.
Naipikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. I did my best to calm myself first. Wala akong ibang inisip kundi ang aking sarili. Wala akong gamot ngayon para mas mapabilis ang pagkalma ngunit tingin ko ay magagawa ko pa rin naman iyon ngayon.
Hindi ko alam kung dahil ba sa presensiya ni Casper kaya medyo kumakalma ang pakiramdam ko.
“Why do you keep on calling me Sir? Are you mad?”
I did not answer. Iyon naman ang dapat na tawag sa kan’ya dahil teacher ko siya. Kahit pansamantala lang ay iyon ang nararapat na itawag ko sa kan’ya. Nagdadahilan na lang naman ako sa sarili ko. Alam ko naman iyon ngunit ayaw tanggapin ng kalooban ko.
“Are you okay? Ang tahimik mo.”
Habang nagmamaneho siya ay panay din ang daldal niya. Hindi naman ako sumasagot dahil naiinis pa rin ako. Hindi rin ganoon kakalmado ang dibdib ko kaya mas pinili kong itikom ang aking bibig. Baka kung ano lang ang masabi ko at mas makadagdag pa sa nararamdaman ko.
“I don’t know where we are going. Gusto mo bang umuwi na lang sa bahay mo?”
“Yes, and please I want you to shut up.”
Matunog ang naging paghinga niya. Sinandal ko na lamang ang aking katawan sa sandalan at binaling ang tingin sa labas ng bintana. Wala namang masyadong nangyari ngunit tila pagod na pagod ang aking katawan. Parang gusto ko na lang ang mahiga at itulog ang sama ng pakiramdam.
“Ruiz, we are here. Should I hold you while you are walking?”
Hindi ko namalayang nakaidlip ako. Hindi naman gaanong mahaba ang biyahe at sa tantiya ko ay halos sampung minuto lang ang lumipas. Inilingan ko lang ang sinabi ni Sir at lumabas na rin ng sasakyan. Medyo nanghihina pa pero kaya naman nang maglakad ng mag-isa.
Narinig ko ang kalabog ng pintuan ng sasakyan ngunit hindi na ako lumingon pa sa gawi ni Sir. Tuloy-tuloy akong naglakad papasok at hinayaan na ang lalaki na panoorin lang ako.
Nang makuha ko ang cellphone ko ay mabilis kong ni-dial ang number ni Meisha. I stayed at my sala while waiting for my doctor best friend. Hindi ako gaanong komportable sa hospital kaya si Mei na lang ang papapuntahin ko para tingnan ang nagging lagay ko.
“Tumama ba ang ulo mo sa manibela ng sasakyan mo?” Nakakunot ang noong tanong ni Meisha.
Kasama niya si Levine at Sierra na pinapanood lang ang ginagawang pag-e-examine sa akin ni Doc Zaldua. Magkasalubong din ang kanilang mga kilay at naghihintay lang ng oras para gisahin ako ng mga tanong.
“Yata? Medyo masakit ang noo ko.”
“Tsk! May fever ka, beh! Medyo namamaga rin ang noo mo pero hindi naman ganoon ka-visible. Ano bang nangyari at wala ka sa school niyo?”
“Yayayain ko sana kayong mag-inom pero while I am driving, may dumaang ambulance.”
Hindi ko na kailangan pang sabihin ng buo ang nangyari. Alam na kaagad nila ang susunod kahit ambulance lang ang sabihin ko. Wala namang sekreto sa aming magkakaibigan at hindi naman iyon dahilan para kalabanin namin ang isa’t-isa.
“Magpahinga ka ng mabuti at inumin mo ng tama ang gamot na ibibigay ko sa ‘yo.”
Tumango lang ako. Hindi sila kaagad umalis. Hinintay pa nilang maging maayos ang lagay ko at dito pa nila naisipang mag-dinner.
“Ang strong naman ng lalaking ‘yon. Hanggang ngayon dilat pa rin ang mga mata at prente pang nakatayo,” boses ni Sierra ang narinig ko.
Kakapasok lang nilang dalawa ni Levine dala ang apat na paper bag. Nagtanong kaagad si Meisha kung sino ang tinutukoy at napatingin pa muna sa akin si Sierra bago tumugon.
“Si Mr. Waiter.” Ngumuso pa siya sa akin.
“Oh? Kanina pa ‘yon pagdating natin, ah?”
“Hindi ba? Hindi naman namin tinanong ni Levine at parehas kaming nahihiya. Siya yata ang nag-uwi sa best friend natin eh?”
Bumaling ang tingin nilang tatlo sa akin. Nanghuhusga kaagad at tila sinasabing huwag na akong maghintay pa na magtanong sila—sabihin ko na kaagad at kapag hindi ay malilintikan ako.
“I will not say anything!”