Kabanata 6

2695 Words
Chapter 6 Our flight boarded at around 7:30 am. Baka raw mga past 9 kaming makarating sa San Pedro. From there, babyahe pa ng mga kalahating oras para makarating sa Barangay Cogon. During the flight, nakapag tanong siya paano ko napapayag si dad na sumama kay mom. Tho his approval doesn't count, nagpaalam pa rin ako, out of respect. "We can actually travel by land. But its more convenient to travel by air." He said briefing me about San Pedro. "Ilang oras ba kapag nag land travel?" Kuryuso kong tanong. Naubos namin ang 2 oras sa pagbibigay niya ng overview sakin about San Pedro. How life goes there, malayong malayo sa matatayog na gusali sa San Isidro. May mga waterfalls rin na matatagpuan duon, hindi lang puro dagat. That's what Im most excited with, streams and falls. Tho hindi masyadong malapit sa resort, nasusulit naman ng isang araw. Nakalapag kami eksaktong 9:45 sa San Pedro. The airport is not crowded. Mga turista rin ang kasabayan namin sa loob. Mga kadarating lang, gaya namin, at may mga paalis na rin. "Blaze is probably here already." Kinuha ni Gray ang maleta at nauna ng maglakad. Sumunod ako sa kanya. Di kalayuan sa exit may nakita kaming lalaking kumakaway, nakahilig ito sa hood ng sasakyan na nasa ilalim ng malaking kahoy. Lumingon sakin si Gray. "That's Blaze. A friend of mine." Ngumiti siya at naglahad ng kamay patungon sasakyan. "Welcome to San Pedro." Ngumiti ako at tuluyan ng naglakad. A breeze of fresh air hit my face. Sumabog ang buhok kong hindi nakatali. Hinayaan ko ito at nagpatuloy hangang sa makalapit na sa SUV. "Maligayang pagdating sa San Pedro, binibini. I was told to fetch you here, and I'm glad I did." Naglahad siya ng kamay, tinanggap ko ito. Nakipagkamayan siya sakin ng una, pagkatapos ay dinala niya ang likod ng aking palad sa kanyang bibig. Pinatakan niya ito ng isang mabilis na halik. "Blaze." Mababa at may pagbabanta sa tono ni Gray. Napakurapkurap ako. Binitawan ito ni Blaze at natungo kay Gray ang attention. "Dude, where is your freaking car?" Tanong nito sabay hagis ng susi kay Gray. "Ang mahal ng gasolina Gray, pa full tank tayo." Wow. Parang kanina lang sabi niya he's glad on fetching us here, tapos ngayon nagrereklamo? Nakita ata ni Gray ang lito kong mukha. Pinatunog niya ang sasakyan at binuksan sang pinto sa likod. "Ganyan talaga yan. Magulo ang utak." Naglahad siya ng kamay sa loob. "Pasok na." Yun nga ang ginawa ko. Nilagay muna ni Gray ang mga gamit sa likod bago sila pumasok ni Blaze sa loob ng sasakyan. Umalis na kami sa airport. Mga kalahating oras lang naman ang byahe patungong Cogon. "So" Blaze turn to me. "You're a city girl? How's life there?" "Fine. Nothings really special. How's life here?" I asked back. "Masaya. Maraming turista eh, palaging busy. Tsaka marami kang mapupuntahan." "Looking forward to it." "You'd be glad you came here." Ngumiti siya sakin bago binaling ang atensiyon kay Gray. "Pa gas tayo ah. Mahirap buhay ngayon tol." "Uh-" I butt in "Ako na magbabayad Gray." "Ako na Gwen. Babayaran naman to ni Felix. No need for that." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Dumaan muna kami sa isang gasoline station at nang mag resume na sa byahe, I sent a pm to the GC tsaka nag sent na rin ako ng message kay Mommy. I was silent the whole time, admiring the beauty outside. Tall palm trees, green and green everywhere. May mga bahay na gawa sa bato, may mga bahay na gawa sa kahoy, at may kombinasyon ng dalawa. Sa di kalayoan, tanaw ko ang mapayapang bundok. I can't help but me amaze of the view. I've never been to this kind of places. Sa mga bakasyon kasi na dumaan, lagi akong nasa San Isidro, ang perang nakalaan para sa bakasyon ay iniipon ko. As much as possible, ayokong humingi ng pera, kaya kapag nagkakataong nasa bahay, sinsabihan ko si Dad na huwag na masyadong magbigay ng sobrang pera sakin. Kaya lang, ganon parin ang bigay sa akin. "Welcome to Cogon, city girl." I heard Blaze said from the front seat. Napansin kong sumulyap si Gray sakin sa rare view mirror. Napatingin ako. "We're at Cogon." Tumango ako at nag focus sa tanawin. Maraming makukulay na flaglets ang makikita, ibat ibang kulay, inviting people to give them a chance, to dance in an amazing stance. Nasa Cogon ang resort gayon din ang bahay. Sa bahay kami ngayon patungo dahil may mga gamit pa kami. Duon kami mag lu-lunch. At mamayang hapun o gabi pa ako pupuntang East Coast Lane, para makabisita. "Sa kampo ka mamaya? Or sa bahay niyo?" Tanong ni Blaze kay Gray. "Sa bahay muna. Sa kampo ba si Felix mamaya?" "He said." "Nasabi ko sa kanyang sa bahay muna ako ngayon, may bisita eh." Sabay silang sumulyap sakin sa likod. My left brow authomatically went up. "We're here." Pumasok kami sa isang wooden gate. Sa loob ay isang konkretong bahay. May dalawang palapag ito, kulay cream at ang bubong ay kulay brown. Napapalibutan ang bahay ng mga punong kahoy at nag lalakihang halaman. Sa kanang bahagi ay naka parada ang tatlong sasakyan, sa kabila naman ay ibat ibang klase ng motor. Nakatayo si Mommy at si Tito Arman sa harap ng pinto. May kasama silang nasa late-50 na lalaki, which I know is lolo Carl. Napangiti ako. Tuluyang huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng bahay. Lumabas ako ng naka ngiti. Malaki ang ngiti ni Mommy ng makita akong palabas ng sasakyan. "Welcome to Cogon, San Pedro Gweneth." She spread her arms, inviting me. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Thanks mom." Bumitaw ako sa kanya, at si tito Arman naman ang niyakap. "Welcome Gweneth." "Thanks po Tito." I turned to lolo Carl. The last time we saw each other was when I was 7, now I'm already 22! I smiled sweetly. "Hi!" I waved my hands. "You are not my patutay anymore." Nagtatampo niyang sabi. "I am still your patutay lo. A much older patutay." "I like the younger patutay better." He said still ignoring my embrace. "Oh come on!" Natawa na siya. "Kidding." He pinch my cheeks before embracing me. "Ang laki mo na hija. You did well. I am proud of you." Sabi niya pa sabay tapik ng aking likod. "Thanks Lolo." Pumasok kami sa loob matapos ang batian sa labas. We invited Blaze for lunch, kaso ang sabi niya tutulong pa siya sa prep para sa event bukas. Kasamahan kasi nila ang e kakasal. Si Gray na ang nag hatid ng mga gamit ko sa taas, habang ako nasa living area, catching up with lolo Carlito. Ang mga furniture sa loob ay gawa sa matitibay na kahoy. Mula sa mga muwebles sa baba hangang sa taas, ay gawa sa kahoy, pati na ang chandelier sa gitna ng living area. May mga pictures na nakasabit sa dingding. I have picture when I was still 7. "You have grown so much Alexandria! Ang laki mo na!" "Thanks Lo. I hope hindi lang physical but mentally also." "Of course hija. Alam kong hindi ko kita ang mga napagdaanan mo, pero alam ko kung gaano ito kahirap. At yun pa lamang, alam ko na, you are strong, mentally. Not physically, kasi payat ka." "Aw, thanks for that." We talked a lot more habang nasa kusina sina Mommy at tito Arman nag hahanda. Nang mag lunch, pinatawag lang si Gray sa taas habang kami ni lolo dumiretso na sa labas. Nasa garden kasi sila nag handa para sa tanghalian. Nasa likorang bahagi ng bahay, kaya di kitang mag harden palang nakatago. "Oh? Hindi ka pa nagbibihis?" Si mommy sa suot ko. "Hindi pa po, nagkwentuhan po kami ni Lolo eh. Nakalimutan po." "Are you going to visit East Coast today?" Tito asked. "Probably later this afternoon po. I'll take time fixing my things and probably adapting to the house too." "And adapting would mean?" Mom asked. Natawa ako don. "Matutulog mom." "We'll be at East Coast this afternoon, including your lolo. Anong oras ka pupunta? So that we can send you someone to accompany you." "Wag na po. Magpapasabay na lang siguro ako sa isa sa kanila manang. I can also ride tricycle outside." Dumating si Gray sa kalagitnaan ng aming topic. "Are you sure Gweneth? Kaya mo bang mag commute?" Mom asked. "Of course mom. Malayo pa ba dito?" "Not so, about 10 minutes kung mag cocommute ka." "Anong oras ka ba pupunta? Baka bakante ako mamaya, sunduin na lang kita." Presenta ni Gray. He's wearing a plane white shirt and a black sweatpants. Bagong ligo at naka sabit ang aviator sa t-shirt. "Mamayang hapun pa naman." "Alright, just dm me." After our lunch, sinamahan muna ako ni mommy papunta sa aking kwarto bago sila tuluyang umalis. Nilagay ko sa cabinet ang mga gamit sa maleta. I also take note things I'll be needing na hindi ko na nadala pa. I took a quick shower before settling on the bed. I roam my eyes around the room. I dont know where mom gets the idea of a green theme room. Probably she saw my room back at San Isidro. The walls are painted in tea green shade, the curtains are in sheen, the cabinet is in cadmium, the sheets are in castleton while the pillows are hunter green. The sofas are in british racing, and the only light in the room is the glass round table. You would know Im a sucker for green. I've memories all the shades of it. Nagising ako bandang 4 dahil sa tawag galing kay Mommy. "Are you asleep when I called?" "I'm awake now." "Great, dito na tayo maghahapunan, tell Manang Lory. Anong oras ka pupunta dito?" "Ngayon na po. I'll just take a shower before going there." "Alright. We're a little busy here at the hotel. Sorry for not fetching you" "No it's okay mom. I'll call Gray." Naligo muna ako bago tinawagan si Gray. I'm wearing a paper bag high waist cream short with a Levi's black shirt. I paired it with white Birkenstock Mayari Birko. Lumabas ako para makapunta kay Manang Lory. Sakto namang nakita ko siya sa living area kakapasok lang. "Alis na po kayo Miss? Sino maghahatid sainyo?" "Nagpasundo ako kay Gray Manang Lory. Tsaka sabi nga po pala ni Mommy, sa East Coast daw po mag didiner ngayon." "Sige. Enjoy po kayo duon." "Thanks Manang." Lumabas ako ng bahay nang tumawag si Gray sakin. Dala niya ang Navara, ito pala ang ginamit nila kanina. "Thanks by the way." "No prob, hindi na naman masyadong busy." Sabi niya habqng minamaniobra ang sasakyan. Busy nga ang hotel ng makarating kami. May mga kadarating lang na mga turista, ang iba naman ay mga pamilya ng ekakasal bukas. Nakita ko si Mommy na nag aaatend sa reception area, tumango lang ako sa kanya at dumiretso na sa kabilang bahagi ng resort. "Short ba ng tauhan?" Natanong ko kay Gray habang binabaybay namin ang mga sun lounger patungong resto. "Kapag ganitong peak season, oo. Samahan pa ng event bukas, kulang talaga." "I can help bukas. I'll ask Mom about it." "Well, yeah, they'll be needing help tomorrow. Tutulong rin ako kung hindi na busy." Pumasok kami sa resto. Kumpara sa hotel, dito hindi masyado maraming tao. Kaunti lang at ang karamihan pa ay mga babaeng kakilala ni Gray. Siguro kasamahan ng mga ekakasal bukas. Dumiretso kami sa loob ng opisina ni Tito Arman, tho mom said sa hotel ako mag tratrabaho, it's also nice to visit and know the workers here. Dito kasi sana ako mag tratrabaho. After an hour, nakilala ko na halos lahat ng trabahante sa loob. I was just sitting on the stool near the counter when someone ask for the attention of Nathalie. We were talking about how things were when they are busy kaya ng tinawag siya, napakiusapan akong mag bantay muna in case may umorder. The other staff are also called to attend outside. Kapag gabi kasi, sa labas na ang dinner usually, kasi may banda ritong mag peperform. People who wants a solemn dinner can enjoy it outside, and the people who likes music and groove, welll, nasa loob. I immediately said yes to Nathalie's request. Hindi rin naman mahirap, I've seen her do the work, I think I can do it. Besides, short na talaga sa tauhan, some are at the back of house, preparing for the dinner. It's almost 6 kaya busy na. Binigyan ako ni Nathalie ng apron. Sinuot ko iyon at tinali ang buhok. Akalain mo, first duty ko pala ngayon. Hindi mahirap ang trabaho, siguro dahil natutunan ko ang ginagawa ni Nathalie sa tuwing may mag oorder or sadyang gusto ko lang talagang tumulong. Madali kong napag sabay sabay ang mga orders. Sa unang mga minutong lumipas hindi pa gaanong marami ang umuorder, pero kalaunan ng mag simula na ang banda, naparami na. I was in the middle of handling the order sheet to the back house when Gray suddenly show up in front of the resto counter. "What the heck Gweneth? Where's Nathalie?" Usik nito. "Pinatawag. Napakiusapan ako, I can't say no. Lalo na kaylangan nila ng tulong." I said entertaining another batch of orders. "Tita is looking for you. Dinner is ready." "Walang papalit dito Gray. Hindi pa ba tapos sila Nath?" "Wala bang bakante sa loob?" Sabay pasok niya sa back house. Ilang saglit lang ay nakalabas na siya kasama ang isang personnel ng resto. "Tara na, John will accommodate orders until you return, or maybe Nathalie." Lumabas kami ni Gray ng resto bar. Marami nang ilaw ang bukas sa labas. Hindi pa kami nakakalayo ay may tumawag na sa kanya. "Gray, we have a problem. Hindi makaka punta si Sarah, she had to attend her mom, nasa ospital." "What?!" Kinuha ni Gray ang cellphone nito at kinausap ang nasa kabila. "What the heck Sar?" "I'm sorry talaga. This is emergency Gray. Mom's inside the hospital, hindi ko naman pweding iwan. Hindi rin kita na text kanina kasi naiwan ko ang cellphone sa bahay." "We cant find any replacement for you Sarah! Bukas na yung kasal. Nasabi mo na kay Andrey to?" Problemadong tanong ni Gray "Hindi pa." Nakita ko si Nathalie sa kabila, papunta na sa resto bar. Dumaan ako sa likoran ni Gray para mapuntahan siya. "Nath, nasa loob si John. Pinatawag na kasi ako. Tapos ka na ba?" I asked her. "Uh, patapos na ko. Papasok na ako after nito. E checheck sana kita kung okay ka lang. Take your time. Babalik na rin naman ako. Thanks ah." "Oh, uh, alright. No problem with that. Call me if you need any help." Bumalik na ako kila Gray at James na hanggang ngayon problemado pa rin. Dumaan ako sa likod pa rin ni Gray habang tinitingnan ang cellphone. I've missed 3 calls from mom. I sent her message saying we will be there in a minute. "Wait, is that Alexandria?" Rinig kung sabi sa kabilang linya. "What?" Litong tanong ni Gray dito. "Yung dumaan sa likod mo Gray. Is it Alexandria?" Natigil ako at tumingin ng lito kay Gray na nakatingin na rin pala sakin ngayon. Tinuro ko ang sarili ko. Me? "Her?" Nilipat sakin ni Gray ang screen ng cellphone. "Well, yeah." Napatingin ako rito. "Jean?" "Oh my gosh! Alex! Thanks God!" "Jean! Hi! How are you?" "I am fine Alex! Oh my gosh! You are our savior! Great! Can I ask a favor?" "Oh no Jean. I don't like the sound of it." "Come on Lex, please. Wala nang pweding kumanta pa. Lalaki rin naman kasi ang banda diyan, hindi pwedi sa songs." Sabi nito. Hindi pa man tapos ay ginalaw ko na ang aking ulo. "Jean, you know I have focused myself on dancing for the past years. I don't know kung may boses pa ako." Pinagtulungan na nila akong tatlo sa pag kumbinseng kumanta. Hindi ko rin alam paano ako napapayag, I guess because Gray is comparing how I helped Nathalie inside the resto and how unfair I am for not helping them. Guilt creeper. (Song recommendation: Chaising Stars by Alesso, Marshmello)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD