Chapter Sixteen

1327 Words
Chapter 16 While Aia quietly sat on her bed and focused her attention on her phone, Jane and her parents were patiently waiting outside Dr. Chu’s office.  "Mommy. . ." Habang naghihintay, hindi maiwasan ni Jane na makaramdam ng pagka-inip.  "Yes, baby?" malambing na tugom ni Kriz sa anak.  "Matagal pa ba tayo?" Buntonghininga ni Jane.  "A little impatient 'eh?" Bahagya namang napatawa si Kriz at marahang kinurot ang dulo ng ilong ni Jane. "We just have to wait for a few more minutes." Nakangiting inipit ng ina ang mga takas na hibla ng buhok sa likod ng tainga ng kaniyang anak.  “This appointment will just be quick, then afterwards, we can go anywhere you want.” Marahang pinisil ni Kriz ang pisngi ng dalaga. “Ma!” Agad naman na sinimangutan ni Jane ang ina habang hinihimas ang kaniyang pisgni na pinisil ng ina. “Alam ko naman nang cute ako, di mo na ‘ko kailangang pangigilan!” kwelang hirit ng dalaga na ikinatawa ng ina. “I love your confidence, baby.” Kriz smiled. “Yes, you’re cute, and you’re also beautiful,” she complimented her daughter’s charms. “Aba siyempre! Kanino pa ba ako nagmana?” Jane proudly replied as she raised her head to flaunt her confidence.  Kriz chuckled and smiled. “I hope na lagi kang ganiyan, anak,” she said. “I hope you continue to be optimistic. May you brighten everyone’s day with your smiles ang giggles,” she added. Jane paused for a moment as she gazed straight into her mother’s eyes.  “I hope so too, mommy,” she replied. “Oh no!” Arthur pouted.  “Looks like I missed some of the fun,” he said. “Sana pala hindi na muna ako nag-CR.” He feigned sadness, making both his wife and daughter burst into a small laughter. “Bakit kasi ang tagal mong mag-CR, Dad?” natatawang tanong ni Jane sa ama. “Siguro nag-poo-poo ka ‘no?” biro pa ng dalaga na sinakyan naman ng ama. “Shh!” Arthur placed his index finger infront of his lips, signaling Jane to keep quiet. “H’wag kang maingay, secret lang natin.” He then winked at her. After a few moments, it was Jane and her parents’ turn to see Dr. Chu. “Hi Doc,” Kriz politely greeted before guiding herself to sit on the visitor’s chair. “We came to have a follow-up checkup just to make sure that everything’s fine.” She gazed into the doctor’s eyes and gave her a meaningful gaze. “Oh. . . right.” Dr. Chu nodded. She was quick to understand what Kriz meant. “I did ask you to come back for a follow-up checkup,” she said. Jane rolled her eyes and sighed in secret before plastering a small smile on her lips. “Ang hirap mag-kunwaring hindi ko alam ang totoo,” she then whispered in her thoughts. “How are you, Jane, hija?” Dr. Chu asked. “Are you still having frequent migraine episodes?” she added. “Ah. . . no na po, doc.” Jane shook her head in reply. “Mommy’s been giving me vitamins — they’re pretty effective despite tasting bitter.” She lightly chuckled. “It’s good to know that they’re working really well.” Dr. Chu nodded as she listed Jane's answers on her charts for records.  “Other than the headaches, you are not experiencing anything unusual naman na di ba?” Dr. Chu gazed into Jane’s eyes. “Does the increased clumsiness count as one, doc?” Jane asked with uncertainty lingering in her voice. “I have been looking for my phone, but turns out I have been holding in for the entire time!” She laughed. “Oh. . .I’ll try to see if there’s something that I can do to help you with that, hija.” Dr. Chu smiled. Matapos na interview-hin ni Dr. Chu ang dalagang si Jane ay pinayuhan niya na muna ito na mag-libot sa buong hospital. Agad din namang pumayag si Jane. Ani niya’y gusto niya raw dalawin ang mga kaibigan sa Room 314. Bago dumiretso sa kuwarto ng mga kaibigan, minabuti ni Jane na bumili ng tatlong in-can orange soda mula sa vending machine. Kinailangan niya munang sumakay ng elevator papuntang 3rd floor kaya naman ay naghintay muna siya kasama ang iba pang mga tao. “Oh, Jane! Ikaw pala ‘yan!” masiglang bati ni Nurse Kim sa dalaga. “Hula ko, sa 314 punta mo ‘no?” tanong nito. Tumango naman si Jane bilang sagot sa tanong ng Nurse. “Opo, Nurse Kim. Gusto ko lang pong bisitahin sina Venus.”  “Hindi naman po sila lumipat ng room ‘di ba?” tanong ni Jane. “Oo. Do’n pa rin naman ang kuwarto nila,” nakangiting tugon ni Nurse Kim. “Tamang-tama lang ang dating mo. Siguradong matutuwa ang mga ‘yon!” - “Nana, may tanong po ako.” Sandaling pinatay ni Aia ang tubig sa gripo para harapin ang kaniyang Nana. “Ano ‘yon, hija?” tanong ni Nana Ising habang abala sa pagluluto ng ulam para sa hapunan.  “Kung halimbawa lang po, bilang na ang araw niyo sa mundo anong gagawin niyo?” tanong ni Aia. Saglit na natigilan si Nana Ising. Naka-kunot noo nitong hinarap ang alaga para tignan sa mata. “Iyan bang tanong mo produkto ng kakapanood mo ng napakaraming drama ‘ah?” tanong pabalik ng matanda. Bahagya namang tumawa si Aia at agad na umiling-iling. “Hindi po, Nana. Ano lang, curious lang po ako gano’n,” ani ng dalaga.  “Sige na po, Nana. Sagutin niyo na po tanong ko, tapos judge ko po kung papasa ba kayo as Miss Universe if ever,” kwelang saad ni Aia. “Una sa lahat, wala akong balak sumali sa Miss Unibers-unibers na ‘yan!” may pagkamaattitude na wika ni Nana Ising matapos ibinaba ang sandok na hawak sa tabi ng chopping board.  “At kung talaga mang bilang na ang araw ko sa mundo, ang pinakauna kong gagawin ay ipunin ang mga mahal ko sa buhay,” saad ng matanda.  “Kasama naman siguro ako sa mga ‘yon Nana ‘no?” pagsingit ni Aia na bahagyang ikinatawa ng matanda. “Oo naman, eh parang apo na nga kita sa tuhod eh!” sagot ni Nana Ising sabay sundot sa tagiliran ng alaga.  “Nana naman ang advance much!” tawa ni Aia. “Paano po kayo magkakaapo eh matandang-dalaga po kayo?” panunukso ni Aia sa matanda. “Alam mo ikaw’ng bata ka, tatamaan ka na talaga sa’kin.” Agad na sinamaan ng tingin ng matanda ang dalaga.  “Joke only, Nana!” Dali-daling binigyan ng malambing na yakap ni Aia ang kaniyang Nana Ising at hinalikan ito sa pisngi.  “Love na love na love rin po kita!” Agad na napawi ang inis na sa puso ng matanda nang maglambing ang dalaga. Kahit na madalas siyang asarin ng alaga ay lagi naman itong naglalambing. Lagi itong tumutulong sa mga gawaing bahay, at kaniya ring maasahang tutulong sa kaniya sa tuwing mamamalengke. “Pero Nana, kung bilang na ang oras niyo sasabihin niyo ba ‘yon sa mga taong nagmamahal at minamahal mo?” tanong ni Aia. “Depende, hija,” mahinahong sagot ng matanda. “Siguro, kung puwede, hindi na lang nila malaman ‘yung dahilan para hindi na sila mas masaktan pa.” “Pero hindi ba mas masasaktan sila kapag nalaman nilang wala silang nagawa para man lang umayos ang pakiramdam mo?” tanong ulit ni Aia. “Kaya nga ang sabi ko’y depende,” ani ng matanda. “Iba-ibang scenario, iba-ibang desisyon, dahilan at paraan.” “May ibang pipiliing sabihin ang katotohanan. May ibang naman hindi, dahil ayaw nilang masaktan din ang mga mahal nila sa buhay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD