Chapter 17
Nang makarating sa tapat ng Room 314, bumunot ng isang malalim na hininga ang dalagang si Jane kasabay ng paghulma ng isang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Knock knock?" Dahan-dahang kumatok sa kahoy na pinto si Jane upang makuha ang atensiyon ng mga kaibigan.
Unang tumingin sa kaniyang gawi ang kaibigang si Joseph. Agad na sinenyasan ng dalaga ang kaibigan na huwag mag-ingay upang masorpresa niya sina Wallace at Venus. Tumango-tango naman si Joseph at umaktong sini-zipper ang bibig bago muling ibinalik ang pansin sa mga kaibigang abala sa paglalaro ng 'minion rush'.
"Nandadaya ka na Venus!" ani ni Wallace sa kaibigan sabay kamot sa kaniyang batok. "Ilang beses ka nang bumili ng extra life!"
"Mauubos na yung gems ko niyan!" saad pa ng binata bago napabuntonghininga.
"Shh!" pagsaway ni Venus sa kaibigan nang hindi inaalis ang tingin sa laro.
"Kapag ako natalo hahampasin kita ng saklay!" pagbabanta ng dala.
Napakagat labi naman si Jane, nagpipigil ng tawa. Likas na nga yata talaga sa dalawa na magbangayan.
"Hala h'wag naman maghampasan," wika ni Jane nang makalapit sa puwesto ng dalawa.
Agad naman na nanlaki ang mata ni Venus nang nahimigan niya ang boses ng kaibigan. Dali-dali siyang lumingon sa kinatatayuan ni Jane.
"Jane!" Venus happily chirped. Hindi na nag-aksaya ng oras ang dalaga. Agad siyang tumayo mula na kaniyang kinauupuan para tumakbo papalapit kay Jane.
Jane chuckled as she opened her arms wide to receive a big hug from Venus.
"Na-miss kita!" mangiyak-iyak na bati ni Venus sa kaibigan.
"Na-miss din kita, Venus." Niyakap pabalik ni Jane ang kaibigan.
"Naniniwala na talaga akong may pagka-OA talaga ang mga babae." Pabulong na tumawa si Wallace at umiling-iling.
Saglit naman siyang nilingon ni Joseph. "If Venus hears you, she'll kick you out of the window," ani ng binata.
"For your information, naririnig ko kayong dalawa ah!" Venus hissed at the two boys.
Dali-dali namang itinago ni Wallace ang sarili sa likod ng binatang si Joseph. Dahil sa may pagka-malaman si Wallace, kitang-kita pa rin ito kahit na nagtatago sa likod ni Joseph. Bahagyang namang natawa si Jane.
"Bakit naman diyan ka nagtago, Wallace?" natatawang tanong ni Jane.
"Hep! Kahit kita man ako rito, mas papansinin ni Venus ang mukha ni Joseph," saad ni Wallace.
-
"Ah. . . so hindi pa rin alam ng parents mo na alam mo 'yung truth," tumatango-tangong wika ni Wallace.
"Parrot ka ba, Wallace?" pambabara ni Venus sa binata.
"Inuulit mo lang sinasabi ni Jane," saad pa ni Venus.
"Kina-clarify ko lang para sure," tugon ni Wallace.
"Kayo talaga!" Bago pa man lumalim ang bangayan ng dalawa ay nagsalita na si Jane upang pigilan sila.
"Lagi talaga kayong nagbabangyan. Sige, baka maya’t maya mahulog kayo sa isa’t-isa,” nakangising panunukso ni Jane sa dalawa. Agad naman na umaktong nasusuka si Wallace dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Maghunos-dili ka, Jane!” pagtutol ni Venus. “Hindi kami talo ni Wallace. Not in this life, o kahit pa sa next life!” ani niya with matching hair flip.
“Kung makapagsalita ka naman kala mo ikaw na ang pinakamagandang babae sa mundo,” saad ni Wallace sa dalaga.
“Aba sumusobra ka na ‘ah!” Akmang hahampasin sana ni Venus ang binata pero agad namang hinawakan ni Joseph ang kaniyang braso para pigilan siya.
“Enough, Venus,” mahinahong saad ni Joseph habang umiling-iling. Sa isang iglap nawala lahat ng inis na nararamdaman ni Venus nang magtagpo ang mga mata nila ni Joseph. Nagmistulang isang maamong pusa ang dalaga. Sa dinami daming tao sa mundo tanging si Joseph lang ang nakakapagpakalma sa kaniya.
Saglit namang nilingon ni Jane ang kaibigang si Wallace. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkakonsensiya nang nakita niya ang pag-guhit ng kalungkutan sa mata ng kaibigan habang pinanonood ang dalawa. Bago pa man tuluyang malusaw ang kaniyang puso, nag-iwas ng tingin si Wallace dahilan para magtagpo ang landas ng mga mata nila ni Jane.
Jane gave Wallace a nod and a small smile as wished for his heart to be consoled.
-
“Everything’s fine for now,” Dr. Chu said. “Based on Jane’s Answers, the meds are helping her ease everything out.”
“But I must warn you that if she continues to take the meds there will be a decline of her health,” she added. “As her parents, you must prepare yourself for that reality.”
-
‘From: Jameson
Hi BFF! Are you with Jane?
I have been trying to call her, but her line is busy.’
Napasapo sa kaniyang noo si Aia at napabuntonghininga matapos basahin muli ang message ng binata.
“Mukhang desidido talaga si Jane na gawin ang kaniyang plano,” bulong ni Aia sa kaniyang isipan. She then took a deep breath as she straightened her posture and leaned her back on her bed’s headboard.
‘To: Jameson
I have something to—-’ Bago pa man niya matapos i-compose ang message ay agad niya itong binura para palitan. She wants to tell Jameson the truth, pero hindi niya rin gustong pangunahan ang kaniyang kaibigan.
‘Jane’s a little busy. Sasabihin ko na lang sa kaniya na i-text ka.’ Matapos niyang i-type ang message na ‘yon ay pinindot niya na ang send button. Then she lightly tossed her phone to the side and closed her eyes to think about things.
“Tama ba ‘tong ginagawa ko?” tanong niya sa sarili.
-
“Gaano mo na siya katagal na gusto?” tanong ni Jane sa kaibigang si Wallace.
“Hin—”
“Oh please don’t try to deny it. I saw it in your eyes,” pagputol ni Jane sa sasabihin sana ng kaibigan.
Wallace sighed before releasing a small chuckle. “‘Yon na ba ‘yung sinasabi nilang ‘eyes can never lie?”
“Bakit hindi mo sinabi sa kaniya?” Jane asked, and Wallace shrugged.
“Kababata ko si Venus, kaya kilalang-kilala ko siya. Alam kong hindi ako papasa sa taste niya ever. Ang gusto no’n payat, matangkad, guwapo, cold — ‘yung tipong hindi siya papansinin.” He laughed a little.
“Ewan ko ba ba’t gano’n. Ba’t sa dinami-dami ng puwedeng gustuhin do’n pa sa lalaking di naman siya pinapansin.” He sighed. “Sinubukan ko na siyang pagsabihan tungkol do’n pero antigas ng ulo. Muntik pa kaming mag-FO.”
Tahimik na nakinig si Jane sa kuwento ng kaibigan.
“Para do’n pa lang muntik nang masira ang pagkakaibigan namin, paano pa kaya kapag nalaman niyang gusto ko siya?” malungkot na nginitian ni Wallace ang dalaga.
“Ni-try ko namang sabihin sa kaniya. Nagbalak ako na umamin pero hindi ko nakayanang i-tuloy.” Saglit na tinawanan ni Wallace ang sarili. “Kasi no’ng susubukan ko sanang sabihin sa kaniya lahat, yun ‘yung araw na nalaman niyang may taning na ang buhay niya.”
“Magagawa ko pa kayang umamin kung gano’n?” Buntonghininga ng binata. “Sinubukan ko ulit after no’n, pero fail pa rin kasi ‘yon pala ‘yung araw na magsisimula na ang chemo niya.”
“Ang malas ko lang kasi hindi matuloy-tuloy ‘yung confession ko, pero inisip ko na baka that’s the heaven’s way of telling me na the things she needs most from me is to become a friend who’d comfort her in times that she’s feeling down.” He then smiled.
“Tinanggap ko na hanggang kaibigan na lang talaga. At least masaya siya at nakikita ko ‘yon.”
“Siguro gano’n talaga kapag nagmamahal tayo ‘no?” Wallace took a deep breath, and then gazed into Jane’s eyes.
The two of them were standing by the railing of the rooftop, admiring the sky as it slowly prepared for the setting sun.
“When we love someone, we settle with doing the things that make them happy.” Jane smiled.
“H’wag kang mag-alala kung torpe ka, kasi di ka nag-iisa.” Jane chuckled. “I am one, too.”
“Hindi ko rin masabi sa taong mahal ko yung totoong nangyayari sa’kin, but still, I hope he understands when the time comes.”
-
“O, ‘nak!” Marahang tinapik ni Alice ang balikat ng anak nang makitang nakatulog ito sa kalagitnaan ng panonood ng TV.
“Ma. . .” Inaantok na iminulat ni Jameson ang mata upang tignan ang ina. “Anong oras na po?” tanong niya.
“Mag-a-alas siyete pa lang naman,” mahinahong sagot ni Alice sa tanong ng anak. “Napagod ka ba sa practice?”
“Mas mabuti siguro kung umakyat ka na muna sa kuwarto mo para makapagpahinga ka ng maayos. Tatawagin na lang kita kapag luto na ang pagkain,” saad ng ginang.
“Ay, hindi ‘yon puwede, Ma!” pagtanggi ni Jameson. “Hindi puwedeng umasta akong prinsipe habang ang aking ina’y naghihirap!” pagdradrama nito na agad namang tinawanan ng ina.
“OA mo ‘nak.” Marahang pinalo ni Alice ang braso ng kaniyang panganay. “Manang-mana ka talaga sa Daddy mo.”
“Mama!” singit ng isang bubwit — ang kapatid ni Jameson na si Angelo. “Bakit mo sinasabing mana si Kuya kay Daddy?” nakanguso nitong saad.
“Sabi mo ako ang mini-me ni Daddy!” pagtatampos nito.
Agad naman na ginulo ni Jameson ang buhok ng kapatid bago pinisil ang matambok nitong mga pisngi.
“H’wag ka nang magtampo, boy,” wika ni Jameson. “Wala akong balak na agawin ang trono mo.” Tawa niya.
“Kung ikaw mana kay Dad, ako naman kay Mama!” taas noong saad ni Jameson matapos akbayan ang ina.
“Nako naman ikaw!” Marahang siniko ni Alice ang panganay at sinamaan ng tingin. “Tinutukso mo na naman ang kapatid mo.”
“Luh! Di ko siya inaano ma ah!” pagtatangol ni Jameson sa sarili. “Sinasabi ko lang na kung siya, Daddy’s boy; ako naman Mama’s boy!” katwiran ng binata.
“Mama’s boy din ako!” ani ni Angelo bago yumakap sa binti ng ina. “Di ba, ma?”
Napabuntonghininga na lamang si Alice. Halos kalahati ng edad ni Jameson ang kaniyang kapatid pero kung magbangayan ang mga ito nagmistulang magka-lebel lang at parehong nursery.
“Oh total sabi mo Mama’s boy ka na rin, ika na ang maghugas ng pinagkainan,” ani ni Jameson sa kapatid matapos niyang kumain ng hapunan.
“Sabi ni Daddy pagka-ten ko pa raw ako magsisimulang maghugas ng pinggan,” katwiran ni Angelo bago tuluyang umalis ng hapag-kainan at umakyat sa kaniyang kuwarto.
Bahagya namang napatawa at iling si Jameson sa sinabi ng kapatid. “Ayos talaga ng bubwit na ‘yon,” bulong niya sa hangin bago nagsimulang linisin ang mga pinagkainan.
Sa abroad nagtratrabaho ang kanilang ama kaya naman ay kaunti lang ang kaniyang huhugasan. Si Alice sana ang gagawa no’n pero tumawag kasi ang Daddy nila Jameson kaya naman ay si Jameson na lang ang magliligpit at maghuhugas.
Matapos malinis ang pinagkainan ay umakyat na si Jameson sa kaniyang kuwarto upang magpahinga. Una siyang naligo at nagbihis ng preskong pares ng damit bago humiga sa kaniyang kama.
Dahil hindi pa siya dinadalaw ng antok ay napagpasiyahan muna ng bintanang i-text ang kaniyang nobya. Hindi pa rin ito nagrereply sa mga message niya kanina, pero kampante naman siyang maayos ang lagay nito at medyo nabusy lang ang dalaga dahil iyon ang sabi ni Aia.
‘To: Jane
Hi, love!
You still up?
I missed you today. I hope hindi ka na masyadong busy.’
Matapos i-send ang text ay saglit na ipinikit ni Jameson ang kaniyang mga mata at nag-isip isip. Malapit na ang foundation week, kaya naman ay mas intense ang pag-pra-practice na ginagawa ng buong troupe. Kaya sa tuwing darating siya sa bahay ay madalas siyang nakakatulog sa sofa.
Kasabay ng pagtunog ng kaniyang cellphone ang pagkagising ng kaniyang diwa. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tinignan ang notification. Agad na gumuhit ang isang masayang ngiti sa kaniyang labi nang makita ang pangalan ng kaniyang nobya.
‘From: Jane
Yes. I’m still up.
Sorry kung hindi ako nakareply sa messages mo kanina. Nawili kasi ako sa pinuntahan namin nila dad kanina.
Btw, how’s your day?’
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binata. Agad niyang idinial ang number ng nobya para tawagan ito. Matapos ang tatlong ring ay sumagot na ang dalaga.
“Hindi mo ko matiis kaya napatawag ka ‘no?” natatawang saad ng dalaga mula sa kabilang linya.
“Oo,” malambing na tugon ng binata. “Na-miss kong sobra-sobra ang girlfriend ko. Na-miss kita Jane ko,” ani ng binata habang niyayakap ang kaniyang unan.
“Na-miss din kita, Jameson ko,” nakangiting tugon ni Jane.
“So how’s your day ba?” tanong ni Jane sa nobyo.
Pareho silang nakahiga sa kani-kanilang kama at may kayakap na unan. Hindi man nila kita ang isa’t-isa ay ramdam naman nila ang presensya ng bawat isa — the kind of love that is simple and pure.