Chapter Eighteen

1614 Words
Chapter 18 Kinabukasan, maagang nagising si Aia upang samahan ang kaniyang Nana papunta sa palengke. Marami-rami silang pinamili pero dahil na rin sa tulong ni Tatay Celio ay agad din silang nakauwi. "Aia, pakidiligan mo nga muna ang mga halaman sa labas," pakiusap ni Nana Ising sa dalaga. "Kaunti na lang ay matutuyo na ang mga 'yon," saad pa ni Nana Ising. "Sige po, Nana." Pagtango ni Jane bago tuluyang lumabas ng bahay para magdilig ng mga halaman. Mag-a-alas siyete pa lamang ng umaga kaya naman ay hindi pa masiyadong masakit sa balat ang paghalik ng sikimat ng haring araw. Maayos at isa-isang binuhusan ni Aia ng tig-iisang tabong tubig ang mga halaman. "Ayan. H'wag ka kayong masiyadong maging matamlay ah," pagkausap ni Aia sa mga halaman. "Astig mo naman BFF!" Halos mapatalon sa gulat si Aia nang narinig ang biglaang pagsasalita ng kakarating lang na si Jameson. Nakasuot ng tracksuit ang binata, halatang kakagaling lang sa kaniyang morning jog. "Pati halaman kinakausap mo na!" ani ng binata. "O tapos?" malamig na turan ng dalaga. "Muntik na akong atakehin sa puso dahil sa'yo!" Nasa parehong subdivision ang kanilang mga bahay. Dalawang bahay lang ang pagitan ng mga pinto ng bahay nina Aia sa kina Jameson kaya naman ay hindi na bago sa dalaga na makita ang binata. Nagulat lang talaga siya sa biglaang pagsulpot nito. “Umaga-umaga nagsusungit ka na naman,” natatawang wika ni Jameson. “Ngumiti-ngiti ka rin pag may time.” “Umagang-umaga nakikialam ka na naman,” ganting saad ni Aia. “Tumahimik ka rin pag may time ah,” dagdag pa ng dalaga with matching ngiting pikon bago tuluyang tinalikuran ang binata ang pumasok sa kanilang bahay. Natawa naman si Jameson sa inasta ng dalaga. - “Kuya bakit ang sungit ni Ate Aia?” inosenteng tanong ni Angelo sa kaniyang kuya. Tahimik na nakaupo sa may bintana ang bubwit, pinanonood si Aia na abala sa pagre-rake sa mga tuyong dahon sa kanilang bakuran. Pansamantalang ipinause ni Jameson ang pinapanood at tinignan ang kapatid. “Ewan. Hindi ko rin alam.” He shrugged. “Pero mabait naman ‘yan.” He smiled as he reminisced how she gave half of her breakfast to him. “Ang sabi ng mga friends ko kaya raw masungit si Ate Aia kasi araw-araw siyang may dalaw.” Angelo giggled. “Ikaw talaga!” Jameson hugged his brother, pinning him down on the bed and messing his hair up. “Kuya!” Angelo laughingly protested. “You are ruining my hair!” he groaned. MONDAY came. Dumating na ang araw na pinakahihintay ng marami. The first day of the university’s week-long founding anniversary celebration. The students were very excited to try a lot of things — visiting the booths hosted by different organizations, and trying the different food sold by the food stalls. The gates of the university were left open to welcome not only its students, but also visitors from the different schools and campuses. “Freshly baked glazed doughnuts!” Jane’s eyes glistened as her mouth watered as she thought of trying some doughnuts. The customer line was a little long because there were a lot of students who wanted to try the dessert. “Seriously, Jane?” Aia sighed. “Don’t you think you’ve had too much sugar today?” She then raised a brow at her friend. “First, you went to try the chocolate buffet. . .'' she enumerated. “Are you planning to acquire diabetes?” Jane chuckled and looked at her friend. “Shh, Aia! Minsan lang naman ‘to eh.” She smiled. “And besides, I can just drink liters of water later.” She then wiggled her brows. “One box of glazed doughnuts please!” Jane happily chirped at the cashier when it was finally her turn to order. “Oh, and I’d like to try your oreo and blueberry cheesecake, too,” she added. After Jane placed her order, they made themselves comfortable on one of the vacant tables in front of the food stalls. Jane started indulging herself in sweets while Aia just boredly roamed her eyes around the whole place. The supposed to be open field where the soccer team practice their routine was covered with food stalls and mini-cafes that were hosted by the culinary arts club. “Do you have booths that you want to visit?” Jane asked. “According to Scarlett, the hottest booth right now is the wedding booth!” Jane squealed. “Don’t you want to get married or something?” Aia shook her head with furrowed brows. “At bakit ko naman gugustuhin magpakasal?” “Kung may dapat mang ikasal sa’ting dalawa, ikaw ‘yon,” Aia said. “Ikaw lang naman ang may boyfriend.” Jane clapped and nodded. “You’re brilliant, Aia! Why did I not think of that?” “Uh. . . maybe because you were too busy putting sweets in your mouth?” Aia sarcastically replied, and Jane laughed. “Between us two, it’s only you who’ll get married in the future,” Jane spoke. “And when that happens, I wish that you find the perfect guy who’ll make you happy and give you everything.” The happy mood surrounding the atmosphere suddenly started to become a little gloomy due to Jane’s words. Aia let out a small sigh and looked away. Noticing the change in her best friend’s mood, Jane quickly took the initiative to apologize. She did not mean to make her feel bad about anything. “I’m sorry. . .” - Matapos kumain ng doughnuts ay pansamantalang naghiwalay ng landas ang magkaibigan. Jane needed to be at the council office for a brief meeting, while Aia decided to roam around the campus grounds, trying to find a quiet place to stay. “Attention everyone, the jail booth is now open. Anyone who is carrying a box of treats will be imprisoned for one hour.” Saglit na napatigil sa paglalakad si Aia nang marinig ang annoucement. Dahil sa nagmamadali si Jane, naiwan sa kaniya ang box ng doughnuts na binili ng kaibigan kanina. Nabuntonghininga naman si Aia nang nakita ang mga officers ng jail booth na naglalakad papunta sa direction niya. Kung tatakbo siya’y paniguradong hahabulin siya ng mga ito. "Miss Aia, you're under arrest for bringing a box of dessert," ani ng isang student na nakabihis bilang police officer. "How much is the bail?" tanong naman ni Aia. "Ah. . . eh." Napakamot batok naman ang police officer dahil sa tanong ng dalaga. Dahan-dahan naman niyang tinignan ang kasama para sumenyas na tulungan siya. "Inutusan lang po kaming manghuli. Doon niyo na lang po tignan sa booth 'yung bail prices," ani ng kaniyang kasama. Napabuntonghininga at irap na lamang si Aia bago sumama sa dalawa. Ang ibang nahuli ay pinuposasan pero mukhang takot yata ang dalawa sa dalaga kaya hinayaan lang nila ito. "Warden!" bati ng mga police officer kuno sa head ng booth na si Henry. "Magkano raw po ba 'yung bail?" pagtatanong nito, sabay turo kay Aia. "Ah. . . basta caught on the act walang bail," sagot naman ni Henry. Napaawang naman ang labi ni Aia sa sagot ng binata. Kokontrahin niya sana ito nang dumating ang dalawa pang officer kasama ang bagong preso na si Jameson. Tila nagningning ang mga mata ni Jameson nang makita ang kaibigang si Aia. "Anong kaso mo BFF?" nakangising tanong ng binata. Imbes na sagutin ay hindi na lang umimik si Aia. "Sungit talaga. Deserve mo ang two hours na jail time," ani ni Jameson. Napayukom naman ng kamao si Aia at sinamaan ng tingin ang binata. Dali-dali namang itinago ni Jameson ang sarili sa likod ng student na umaresto sa kaniya. "Boss, h'wag niyo po akong ilalagay sa isang selda kasama siya," pabulong na saad ng binata. "Isa lang po ang selda namin kaya no choice po kayo," sagot naman ng police officer. - Nawe-weird-uhang tinignan ni Aia ang binatang si Jameson. Kanina pa ito nakayakap sa rehas ng selda at kumakanta na parang sawi. Feel na feel talaga nitong nasa loob siya ng kulungan. Agad naman na nag-iwas ng tingin si Aia nang umakma ang binata na tumingin sa kaniyang direksiyon. Dali niyang inilipat ang pansin sa kandong-kandong niyang box ng doughtnut. "Gutom na 'ko." Bumuntonghininga ang binata bago isinandal ang likod sa pader. Walang upuan sa loob ng selda kaya naman ay pareho silang nakaupo sa sahig. "Baka puwedeng makahingi niyang pagkain mo," saad ng binata. "Kay Jane 'to. Hindi akin," saad naman ng dalaga. "Ay, kay Jane babes naman pala!" masayang wika ng binata. "Hindi 'yon magagalit kapag kumuha ako ng isa." Ngisi nito. Dahan-dahang iniangat ni Aia ang tingin sa binata. Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata. Kitang-kita ni Aia ang kagustuhan ng binatang tikman ang pagkain. "H'wag mo lang ubusin," ani ni Aia bago inilagay ang box ng doughnut sa gitna nila. Akmang aabutin na sana ni Jameson ang box ng biglang may dumating na police officer kuno. "Sabi ni Warden puwede na raw kayong lumaya basta magbabagong buhay na kayo," ani ng officer. "Aba opo, boss! Magbabagong buhay na po talaga ako pagkalabas ko dito. Hindi na ulit ako magsusuot ng pulang striped shirt!" Jameson's eyes shined with glee at the news of his release. "Ah. . . eh. Hindi po gano'n 'yon," nakakamot batok na saad ng police officer. "Ang ibig ko pong sabihin ay puwede na raw po kayong mag-advance laya kung magpapakasal po kayo sa marriage booth," pagpapaliwanag ng officer. Pareho namang natigilan sina Jameson at Aia. Saglit silang nagkatinginan at agad din na nag-iwas ng tingin. "A-Pag iisipan po muna namin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD