SIMULA
Simula pagkabata naranasan na ni Leila ang hirap ng buhay hindi dahil salat sila sa pera kundi dahil wala siya ng mga tunay na kahulugan ng salitang kayamanan.
Buong pamilya at masayang buhay.
At sa pagsapit ng kanyang ikalabing walong kaarawan isa lamang ang kanyang hiling. Ang buhay na walang sakit, hirap at problema samakatuwid isang perpektong buhay.
At dininig naman ito ng mundo ng makilala niya si Lucas ng mapadpad siya sa probinsya ng Mindoro.
Ngunit kaya bang talunin ng pag-ibig ang reyalidad?
Halika takas tayo!
DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events,locales and incidents are either the product of the author's imagination or used in fictious manner. Any resemblance to actual person,living or dead or actual events is pure coincidental.
Date Started: May 28, 2021
Date Finished: July 25, 2022
Written by: kwincockroach
dirleylasimula
What's the feeling of living a perfect life?
That's the question I always wondered about since I was young . I remember my younger self asking that question time and time again because what I have is the total opposite of it.
A messy and flawed life. Very much far from how I describe a perfect life.
Because for me…
Living a perfect life is like watching a flower bloom. Nothing but beauty.
When everything shines like a star. Seems like things are always getting better.
When waves of problems have calmed. No tears, worries, and struggles.
When your heart is at peace just like a sunset. A stress free life
And when the light of the Moon appeared in the middle of the night.
Symbolizing hope and courage to continue despite a glimpse of darkness..
Unfortunately I am one of those who have been living in that glimpse for so long…… and still finding ways to escape and find the light.
Still.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you!..."
Just like an ordinary birthday celebration my classmates sing a birthday song to me as I celebrate my eighteenth birthday. But their tune was too slow, which makes it sound like a lullaby. Add the fact that I feel weird everytime I hear a birthday song dedicated to me.
It was cringey.
Especially when my classmates started to give their birthday messages that were scripted and sounded so fake. Because who would give a good wish to the most hated girl on campus? Not because I am a nerd, loner and peculiar student but because I am Marian Leila Angeles.
Unfiltered.
Masungit.
Unapproachable
Maarte
Mataas ang standard.
"Happy birthday Leila!"bati sa akin ni– hindi ko kilala. Meron talaga akong ugali na makalimutan ang pangalan ng mga tao at kilala ko lang sila sa mukha.
"Happy Birthday Leila. More birthdays to come"bati na naman sa akin ng isang estudyante habang naglalakad ako papunta sa school canteen. Half day pa lang pero pagod na pagod na ako.
I'm tired of saying thank you to those who don't even deserve it. Kung makabati sila ng Happy Birthday e parang may ambag sila sa buhay ko. E wala naman!
After I ordered my food ay hindi ko na kinailangan pang humanap ng lamesa kung saan ako kakain dahil mayroon ng lamesa na nakatalaga para sa akin. Let's just say I owned that spot kahit walang nakasulat na pangalan ko roon.
Tahimik ako habang kumakain ng may biglang dumaan sa likod ko. Hindi ko na sana ito papansinin but I heard her greeting me.
"Happy Birthday!"narinig ko na sabi ng babae sa likuran ko. I was about to look at her para mag thank you when a guy spoke.
"Thank you" sabi nito. I bit my lip. Mabuti na lang hindi ako kaagad nagsalita kundi ay mapapahiya ako. Wala namang nakapansin niyon kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta naman ako sa locker room para kunin ang PE uniform ko. Ngayong hapon kasi ay maglalaro kami ng volleyball para sa PE class namin.
Habang naglalakad sa hallway ng school ay marami pa ring bumabati sa akin– hindi ko na nasasagot ang iba dahil hindi ko naman sila kilala.
Pagkarating ko sa tapat ng aking locker room ay napatigil ako ng makitang may nakadikit na note doon. I sigh deeply because I was expecting that it might be a birthday greeting again.
On the rooftop after class
- J
But I smiled after reading the note. I even hugged that small piece of paper. There is only one person who always sends me a letter and that person is the only one I want to receive a greeting from.
Jaron. My boyfriend of three years.
Kaya naman sa halip na sa bola ng volleyball ako mag pokus nung PE time namin ay sa kung anong mangyayari mamaya ang tumatakbo sa isip ko. With my three year relationship with Jaron, he never failed to surprise me on my birthday. That's why I am always looking forward to it every year.
Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng aming PE class ay kaagad akong umakyat sa rooftop ng school namin. I didn't change my clothes na but before I entered the door I removed my hair tie. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at inipit sa tenga ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid.
Sobrang bilis ng t***k ng dibdib ko dahil sa excitement na nararamdaman ko. A minute passed before I decided to open the door and entered.
And there's the surprise.
Jaron kissing a girl.
Hindi nila ako napansin. They continue their kissing scene like there's no tomorrow. While I am there on the side watching them like I am in a movie. And now we're on to the exciting part.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para manatiling tumayo roon at panoorin silang dalawa habang naghahalikan. Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko sa aking pisngi.
I can't breathe.
I can't speak.
I can't move.
Madalas iniisip ko na 'ang daya naman ng mundo' dahil may mga pagkakataon na hindi ito pumapabor sa mga bagay na gusto kong mangyari o maranasan. Kung kailan ko gustong maging masaya saka naman may malungkot na mangyayari. Kung kailan ako dapat maging malakas saka naman ako nagiging mahina. Kung kailan ko gustong buuin ang sarili ko saka naman ako nawawasak. Kung kailan parang pakiramdam ko na perpekto na ang lahat saka naman may mawawala. At ang tanging nagagawa ko lang ay ang sumabay sa daloy nito.
Umiyak kapag nasasaktan.
Magreklamo kapag nahihirapan.
Magpahinga kapag pagod na.
Tapos lalaban ulit kinabukasan.
Pero ang tanong hanggang kailan?
"Good morning Ma'am, kanina pa po kayo hinihintay ng Daddy ninyo"bungad na sabi sa akin ni Manang Claring pagkababa ko ng sasakyan. Pero hindi ko magawang intindihin ang sinasabi niya dahil medyo nararamdaman ko pa ang pagkahilo at sakit ng ulo, naparami yata ang nainom ko kagabi.
Gosh si Lara kasi!
I invited her last night to celebrate my birthday in a club. At dahil napakasaya masyado ng birthday ko dinanaan ko na lang sa pag-inom hanggang sa mawalan ako ng malay sa sobrang kalasingan. I'm still thankful na nakauwi pa ako ng bahay namin ng buo.
Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone. I immediately got my phone from my bag and my forehead creased when I saw that it was Lara who was calling.
"Yes?"mataray kong sagot saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam kung tao pa ba ako o zombie na.
[Ayy init ng ulo besh huh!] Lara said from the line.
"What do you need"sagot sa kanya habang naglalakad paakyat sa kwarto ko still having an headaches. "Gosh I won't drink na next time!!"asik ko ng muntik na akong madulas sa pag-akyat sa hagdanan.
['Wag kang magsalita ng tapos besh baka pagsisihan mo 'yan] nang aasar ang tinig ni Lara mula sa kabilang linya. Pareho naman kaming uminom at nalasing kagabi pero bakit parang ako lang ang may hang over sa aming dalawa?
"What do you need? Why did you call?"magkasunod kong tanong sa kanya at saka binagsak ang aking katawan sa kama pagpasok ko ng aking kwarto.
[I have some tea here waiting to be brew] maarte niyang sagot sa akin.
"Then brew it now!"singhal ko sa kanya dahilan para matawa siya sa kabilang linya, pinagtitripan na naman ako ng gagang to!
[Jaron, your boyfriend is now in a relationship with someone else]
I didn't talk after what Lara had said. I just can't.
Of course I know kaya ko nga siya inaya kagabi magwalwal. Hindi ko lang na kwento sa kanya dahil ayoko. My pain is exclusive only to me.
[Ano pareserve na ba ako ng table? Ilang bote ba huh?] Lara is trying to annoy me and it's actually working. Gosh! Knowing that my ex has a new girlfriend is really annoying.
At ang nakakatanga lang ay sinend pa sa akin ni Lara ang screenshot ng status update ni Jaron. He hid it from me. Nakalagay doon na in a relationship siya with Lorraine. Jaron is famous in our school so the news was all over my newsfeed lalo pa at apo ng principal 'yung new girl niya. Matagal ng may kumakalat na isyu sa school namin na may something between Jaron and Lorraine pero hindi ko lang pinapansin because I always choose to believe on Jaron's f*****g sweet convincing words.
Hindi ko alam na niloloko na pala ako.
After a minute I decided to stalk Lorraine's f*******: account. Good thing we're friends there!
Lorraine_Mayela
123 Mutual Friends - 546 370 followers
"Famous huh!"I said bitterly when I viewed her profile. She's really famous, most of her followers also came from elite families and some are celebrities. I suddenly felt insecure when I saw how pretty and sexy her body is. I also found out that she's an international model too and she will represent the country for Ms. Grand International this year.
Bigla ko tuloy naisip ,anong laban ng katawan kong hindi nakakaranas ng work out at pang Miss Intramurals lang?
Hindi ako tumigil sa pagbabasa ng mga comment ng mga tao sa relationship reveal nilang dalawa, alam kung napaka tanga ko dahil sinasaktan ko lang ang sarili ko pero pinili ko pa ring gawin. May ilan pang nag mention sa akin sa comment section just to annoy me.
Siguro kasi sobrang yabang ko sa part na parati kong ipinagmamalaki sa iba ang relasyon namin ni Jaron because we never had a big fight, we're both sweet and we already planned our future together. But it all ended up to our break up.
Ang sakit! Sobrang sakit kasi akala ko siya na, akala ko kami na talaga ang para sa isa't isa pero hindi pala. I was really in pain right now hanggang sa makatulugan ko na iyon. Sana nga habang buhay na lang akong tulog dahil doon lamang nawawala ang sakit na nararamdaman ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ng bigla akong mapanaginipan.
"Baby shhh, don't cry baby please!!"
"Don't you love me Mommy?"
"Of course I love you anak, Mommy loves you so much"
"Then don't leave"
"Mommy needs to go already anak, magpapagaling lang si Mommy and when I come back we will gonna play"
"Promise"
"Promise baby, but Mommy wanted you to make a promise too"
"What promise Mommy?"
"Promise to me that you won't cry, kasi kapag umiyak ka hindi gagaling si Mommy, okay"
Kaagad akong napamulat kasabay ang malalalim na paghinga, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Hindi ito ang unang pagkakataon na napanaginipan ko si Mommy at ang last moment ko with her. It was eight years ago but the pain is still hurting me like it just happened yesterday.
I wiped my tears before getting up to bed. Our midterm has just finished so I don't have a lot of stuff to do. But Dad prepared dinner for us tonight because according to him he has something important to say. At wala akong idea kung tungkol saan ang sasabihin niya. Baka mga reasons niya na naman kung bakit hindi niya naalala na birthday ko kahapon.
Lagi naman niyang hindi naaalala.
I didn't bother to eat lunch, at nagpatuloy lang sa pagmumukmok sa loob ng aking kwarto and besides hindi rin naman ako palaging kumakain kaya sanay na ako. Ang galing nga eh dahil hindi ako nakakaramdam ng gutom. Maybe that is my talent!
Around seven pm ng lumabas at bumaba ako mula sa aking kwarto. Pagkarating sa kusina ay bumungad sa akin ang lamesa na punong puno ng masasarap na pagkain, medyo naexcite tuloy ako.
But my excitement turned into anger when I saw a familiar woman. I guess she's the one who cooked because she's still wearing an apron and a red dress under it while her hair is in a bun. Nakangiti siya sa akin ng makita ako at saka hinubad ang suot suot na apron.
"Hi"nakangiting bati niya sa akin but I refused to answer , I looked at her from head to toe ,instead. Lalo pang nagsalubong ang mga kilay ko ng lumabas si Daddy at dumeretso roon sa tabi nung babae. I even saw him putting his hand on the girl's waist.
No please! Sana mali ang iniisip ko. Si Daddy na lang ang meron ako and ayokong pati siya ay mawala at maagaw sa akin!
"This is your tita Maris"pagpapakilala ni Daddy doon sa babae, kahit hindi naman niya gawin iyon ay matagal ko ng kilala ang babaeng nasa harapan ko at matagal ko na ring nahahalata ang hidden agenda niya kay Daddy.
"Hi Leila, you can call me Mommy if you want--"
"No"kaagad na sagot ko at hindi na siya hinayaan pang matapos sa dapat ay sasabihin niya. "I have my Mom, and it's not you, and you can never be like her--"
"Leila"this time it was Dad who didn't let me finish, may kasama pang pagbabanta ang boses niya. "You should respect her"he added.
"And you should respect Mommy too"pakikipaglaban ko. My Mom died when I was ten years old. She was the best. And no one can replace her. That's why it hurts seeing Dad being in a relationship with another woman.
"Your Mom is already gone, Leila--"
"Yes Dad, but it doesn't mean that you're gonna bring your mistress here!"inis na pakikipagtalo ko kay Daddy. I just can't get it. I'm sure he loves Mom so much so why replace her?
"She's not my mistress Leila! I love her"sigaw sa akin ni Daddy. He is now really mad as his face turned into red. And I can sense that he will slap me in no time. Too bad to think that my own father can hurt me just because of his f*****g mistress.
But I still insisted that what I believe is right. "You love her but she only loves your money Dad"I sarcastically said that pulled the trigger on Dad causing him to slap me, once. And that was the first time he did that to me. And I didn't expect na magagawa niya iyon sa akin.
I didn't talked after that.
Naramdaman ko na lang na nag uunahan na sa pagpatak ang mga luha ko sa aking pisngi, I tried to wipe it but it's just too much to handle. Unti unti ng nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luhang patuloy sa pagpatak. At ang tangi ko lang nagawa ay ang lumakad palabas ng bahay namin. Naririnig ko pa ang paghingi ni Daddy ng tawad pero hindi niyon nabawasan kahit kaunti ang galit at sakit na nararamdaman ko ngayon.
Kaagad akong pumasok sa aking sasakyan at nagdrive papalayo, still crying. Alam kong susundan ako ni Daddy kaya naman mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako dinala ng aking sasakyan. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang lumayo.
Lumayo sa mga bagay at tao na naging dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ang lumayo sa mundong walang ginawa kundi ang ipamukha sa akin na hindi ako kamahal mahal.
Kung kaya ko lang sana gumawa ng sariling mundo kung saan kontrolado ko ang lahat. Mundong walang sakit, walang luha, at walang problema. Mundo kung saan makakaramdam ako ng pagmamahal at pagtanggap. Mundong magpaparamdam sa akin ng tunay na saya. Mundong magpapawi ng lahat ng aking luha.
Ang mundo kung saan ako magiging malaya at maligaya............