Kabanata 7

1637 Words
**Kassius's Pov* "Dumating na ba ang mapapangasawa mo?" Tanong ni Damian, ang aking kanang kamay sa trabaho at matalik na kaibigan. "Dumating na sya kahapon tulad ng inaasahan nating lahat." Walang ganang sagot ko dito habang nakatingin sa mga papel na hawak ko. "Mag kwento ka naman tungkol sa kanya, maganda ba?" Pangungulit na tanong nito kaya tiningnan ko sya ng masama. "Ito naman mashadong seryoso, parang hindi kaibigan." Reklamo nito sakin. "Kung nais mos syang makita bumisita ka sa bahay." Masungit na saad ko dito. "Sige, bibisita ako sa araw ng ating pamamahinga." May galak na sagot nito, mukang interesadong interesado sya sa mapapangasawa ko ngayon. "Bakit tila mashado kang interesado sa mapapangasawa ko? Hindi ka naman ganyan sa mga nauna kong asawa?" Nakakunot noo na tanong ko dito kaya ibinaba ko muna ang binabasa kong ulat. "Nabalitaan ko kasi na napaka bata pa ng anak ni Ginoong Sebastian Lozano at napaka ganda daw nito. Gaano ba kalaki ang danyos ng iyong Ama upang mapapayag nyo si Ginoong Sebastian sa pag papakasal na ito?" Nakakunot noo din na tanong nito. Para sakin ay hindi na bata si Beatrice dahil hindi naman nag kakalayo ang edad namin, 24 sya at 26 ako. Kaya paanong bata pa ito? Mukang mali ang nabalitaan nitong si Damian. "Huwag ka mashadong mag papaniwala sa mga naririnig mo, sige na Damian bumalik na tayo sa ating trabaho" Saad ko dito kaya sumeryoso na din ito. "Anong ulat?" Tanong ko dito. "Sa hilagang kagubatan ng Gallio, patuloy pa din ang pag salakay ng mababangis na hayop tuwing gabi. Tila ba may komokontrol sa kanila na may mahika, hindi pa din matukoy ng mga bantay natin kung sino ang nasa likod ng pang gugulo." Sagot nito kaya nasandal ako sa upuan ko. "Hindi na muna tayo uuwi ngayong gabi, sasamahan mo ako sa hilagang Gallio. Kailangan ng ma tuldukan ang suliraning ito lalo na at malapit na ang kaarawan ng Prinsipe. Hindi na dapat ito makarating sa kanya dahil ayukong maapektohan ang kanyang pag diriwang." Saad ko kay Damian kaya naman tumango ito bilang pag sang-ayon. - Pag dating namin ng Hilagang Gallio ay nag kakagulo na ang mga taong bayan. Agad ng pinalikas ng mga tauhan ko ang mga apektado ng pananalasa ng mababangis na hayop. Habang pinipigilan ng ibang mga tauhan ko ang pag salakay ng mga hayop ay may napansin akong lalaki sa kakahuyan kaya naman mabilis ko itong pinuntahan. "Sa wakas ay nag kaharap na din tayo, Heneral Kassius." Nakangising saad nito, hindi ko ito mamukaan dahil sa itim nitong kasuotan tapos may nakasaklob pang damit sa kanyang ulo. "Anong dahilan at nang gugulo ka sa aming bayan?" Kalmadong tanong ko dito. "Mashado ng mabango ang pangalan mo kaya maraming nag nanais na paslangin ka dahil ikaw ang nangungunang hadlang sa mga plano namin." Saad nito kaya inilabas ko na ang aking espada. "Hinding hindi kayo mag tatagumpay sa mga masamang binabalak nyo." Saad ko dito at ako na mismo ang unang sumugod dito. Inilabas nito ang dalawang espada nya at sinalag ang bawat pag sugod ko. "Yan lang ba ang kaya mo Kassius? Ipakita mo sakin ang buong lakas mo tulad ng mga naririnig ko tungkol sayo." Mayabang na saad nito, hindi ko alam kung ano pa ang ibang kakayanan nya bukod sa pag kontrol sa mababangis na hayop. Isa hanggang dalawa lang naman ang kapangyarihan na pwede naming mamana sa mga magulang namin, kaya naman hindi ako pwedeng mag pakampanti sa kalaban ko ngayon. "Ano Kassius, napaka hina mo naman!" Pangmamaliit nito sakin, hanggat maari ay ayukong gamitin ang kapangyarihan ko dahil ayukong mag karoon ng malaking pinsala sa lugar na ito. Sumugod ito sakin ng mabilis, bawat pag wagayway nya ng espada nya ay kitang kita ko kahit na anong bilis nito. Nakuha ko ang liksi dahil sa kapangyarihan kong kidlat na namana ko sa aking Ina. "Tapusin na natin to, mashado ka ng maraming sinasabi." Saad ko at itinaas ko ang aking espada sa kalangitan kasunod ang malakas na pag tama ng kidlat dito. Mabilis nya itong naiwasan ngunit hindi pa dun nag tatapos ang aking pag tira dahil hinabol sya ng kidlat na hindi tumama sa kanya. Napakabilis nitong tumakbo, marahil ay ito ang pangalawang kapangyarihan nya. Ang kumilos na napakabilis tulad ng isang hangin, mahihirapan ang aking kidlat na habulin sya kaya naman mas lalo kong tinalasan ang aking mga mata. "Nabalitaan namin na muli kang ikakasal, napaka malas naman ng babaeng yun dahil ikaw ang makakaisang dibdib nya. Hindi nya alam ang kapahamakang dala mo sa kanya." Saad nito habang patuloy pa din sa pag takbo. Ang ilang mga puno ay nag sisimula ng masunog dahil sa aking kidlat na humahabol dito. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang galaw nito. Kailangan ko ng tapusin ang laban na ito dahil hinihintay na ako ni Beatrice, nag aalala ako na baka kung anong gawin sa kanya ng mga taong may lihim na galit sakin. Naramdaman ko ang mabilis na pag sugod nito sa likuran ko kaya naman mabilis kong sinalubong ang pag atake nya. Hindi nga ako nag kamali sa aking tansya, nasaksak ko ito sa kanyang tagiliran. Dahil sa naging tama nito ay naging mabagal na ang kanyang galaw kaya naman ginamit ko na ang kapangyarihan kong apoy para sa huling pag atake. Para naman itong natusta ng tamaan sya ng bolang apoy ko. Nilapitan ko ito ng mawalan na ito ng malay, umuusok pa ang kanyang kasuotan dahil sa pag kakasunog. "Dahil sa pag kasunog nya ay mahihirapatan tayo na alamin kung sino ba talaga ang taong ito." Saad ni Damian at inilagay nya na ito sa bolang kristal nya upang hindi na nito magamit ang kapangyarihan nya. "Ako na ang bahala dito, umuwi kana at tiyak kong nag aalala na sayo ang mapapangasawa mo." Panunuksong saad nito. Kalokohan ang mga sinasabi nya dahil sa mga nag daan na asawa ko lahat sila ay walang paki alam sakin. Puro pag rereklamo lamang at hinaing ang naririnig ko sa kanila, yung tipong pagod kana galing trabaho at pakikipag laban tapos pag dating ng tahanan ay puro hinaing pa ang maririnig sa mga ito. "Uuwi ako hindi dahil sa kanya, kundi dahil kailangan ko ng magpahinga." Saad ko dito at tinalikuran na ito, mabilis naman akong nakalayo dito dahil ginamit ko ang kakayanan ko na kumilos ng mabilis tulad ng isang kidlat. Pag dating ko sa tapat ng Menken ay pinakiramdaman ko ang paligid, kaninang umaga ay may pinaslang akong itim na nilalang dahil sa pag mamasid nya dito sa labas ng Menken. Tiyak kong padala ito ng mga kalaban ko upang mag tiktik sa kalagayan ko. Pag pasok ko sa loob ay agad akong binati ng aking tapat na kawal na si Ronron. "Ikinagagalak ko panginoon ang iyong muling pag babalik, kanina ka pa po hinihintay ni Binibining Beatrice. Mukang labis itong nag aalala sa inyo dahil malalim na ang gabi at hindi ka pa din bumabalik. Ipinaliwanag ko naman sa kanya na sa tuwing ginagabi ka ng uwi ay may matinding suliranin sa iyong trabaho na kailangan mong tapusin." Paliwanag nito kaya tinapik ko ang kanyang braso bago ako pumasok sa loob ng aking tahanan. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad agad sakin ang mahimbing na natutulog na si Beatrice. Nakatulog na ito sa upuan dahil sa kakahintay sakin. Nilapitan ko ito para sana gisingin ng maramdaman nito ang pag lapit ko. "Na-Nakauwi kana pala Kassius, nagugutom ka ba? Gusto mo bang initin ko ang mga niluto ni Aerith at Lizandra kanina?" Natatarantang tanong nito sakin. Naupo ako sa harapan nito at tumayo naman sya sa gilid ko na tila hinihintay ang aking ipag uutos. "Kumain kana ba?" Tanong ko dito. "Hi-hindi pa po." Nakayukong saad nito kaya napabuntong hininga ako. Tumayo ako at hinila ang kamay nito papuntang kusina. "Anong oras na pero hindi ka pa kumakain, papatayin mo ba sa gutom ang sarili mo?" Inis na tanong ko dito. Hindi ito umimik pero ramdam ko ang takot sa mga mata nito. "Mupo kana muna dyan, iinitin ko lang ang mga niluto ni Aerith." Saad ko at ginamit ang aking kapangyarihan upang initin ang mga pag kain. Nang ihain ko na ang mga pag kain ay napakunot ang noo nito sabay tingin sa abuhan. Marahil ay nag tataka sya kung paano ko nagawang mag mukang bagong luto ang mga pag kain samantalang hindi ko naman ginamit ang lutuan. "Kumain kana, sa susunod kapag ginabi ako ng umuwi kumain kana mag isa. Huwag mo na akong hintayin dahil walang kasiguraduhan kung anong oras ako darating. Marunong ka naman mag luto, lutuin mo ang nais mong lutuin." Saad ko dito habang kumakain. Natigilan naman ako sa pag kain ng makita itong nakatitig sakin. "May problema ba?" Nakakunot noo na tanong ko dito. Napansin ko ang pag luha nya pero agad nya din naman itong pinunasan. "Patawad Kassius kung nagalit kita." Saad nito kaya itinigil ko muna ang aking pag kain. "Hindi ako galit Bea, nag aalala lang ako sayo." Sagot ko dito kaya mas lalo itong napatingin sakin. Ano ba tong sinasabi ko na nag aalala ako, baka isipin nya na may gusto ako sa kanya. "Hayaan nyo po at tatandaan kong mabuti ang lahat ng sinabi mo sakin ngayon upang hindi na ito maulit. Patawad po kung pinag alala kita, ayukong maging dagdag sa iyong suliranin kaya pag bubutihin ko na sa susunod." Saad nito kaya napabuntong hininga ako. Napansin ko sa kanya na sa tuwing nag kakamali sya kahit maliit nabahay ay tila napaka laking na ng nagawa nyang kasalanan. Parang may mali talaga, sa mga nauna kong asawa, kahit mali sila ipag pipilitan pa din nilang tama ang ginawa nila. May kakaiba talaga dito kay Beatrice, tila iba ang pag papalaki sa kanya ng mga magulang nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD