**Elvina's Pov**
"Kamusta ang naging pag lalakbay ng aking kapatid?" Tanong ko sa itim na nilalang na alipin ko. Mula pagkabata ay kasama ko na ito, inutusan ko ito na sundan si Beatrice pa tungo sa lalaking mapapangasawa nito. Napaka malas nya talaga, bukod sa ipinanganak syang walang kapangyarihan ay mapapangasawa nya pa ang malupit na pinunong Heneral Kassius. Hindi ko pa ito nakikita pero batay sa mga usap-usapan ng mga tao tungkol dito ay napakalupit daw nito at ilang beses na itong iniiwan ng kanyang napapangasawa dahil sa hindi magandang pag uugali nito. Kawawang Beatrice, kung ako sa kanya ay mas pipiliin ko nalang na mamat@y kesa makasama ang katulad ni Kassius.
"Nasa Menken na sya panginoon, hindi ko sya masundan sa loob ng pamamahay ng kanyang mapapangasawa dahil may nababalot na proteksyon ang kanilang tahanan na hindi kayang pasukin ng katulad ko." Saad nito kaya napakunot ang noo ko. Mukang mag kakaroon ng limitasyon ang pag mamatyag ko sa aking kapatid. Sayang naman at hindi ko masasaksihan ang kanyang pag hihirap.
"Kung ganun ay mag lagay ka ng utusan na mag mamatyag sa labas ng tahanan nila, at ipag bigay alam agad sakin ang lagay ng aking kapatid." Saad ko dito at agad din itong nag labas ng itim na usok at mabilis na lumipad pa labas ng bintana. Tiyak kong ilang araw lang ay babalik na dito sa Cadden ang mahal kong kapatid. Kaawa-awang nilalang, nabuhay lang sya sa mundong ito upang maging isang taga pag silbi.
*tok*tok*
"Pumasok ka." Saad ko dito at pumasok si Atreyu.
"May balita ka ba tungkol sa ate mo? Nakarating ba sya sa tahanan ng mapapangasawa nya?" Pag aalalang tanong ko dito. Alam ko naman na noon pa ay may pagtingin na itong si Atreyu kay Beatrice. Hindi naman ako papayag na mapunta sya sa kapatid ko, hindi ako papayag na maging masaya silang dalawa. Ako lang dapat ang maging masaya saming dalawa dahil ako ang kaisa-isang tagapagmana ng aming Ama.
"Pwede ba Atreyu, hayaan mo na ang kapatid ko. Nakarating man sya ng maayos o hindi, hindi mo na sya dapat alalahin. Ang alalahanin mo ay ang nalalapit ng kasal, ikakasal na tayo pero ang kapatid ko pa din ang iniintindi mo!" Inis na saad ko dito kaya naman napayuko ito.
"Patawad Elvina, hindi ko lang talaga maiwasan na hindi mag alala dahil alam mo naman na malapit kami ng ate mo sa isa't isa. Mas lalo akong nag aalala dahil ang Heneral Kassius pa ng Gallio ang mapapangasawa ng ate mo. Natatakot ako na baka kung ano ang gawin nya dito." Pag aalalang saad nito kaya tinaasan ko sya ng isang kilay.
"Kung nag aalala ka sa walang kwentang kapatid ko, bakit hindi mo sya puntahan para mapanatag na yang kalooban mo?!" Inis na tanong ko dito. Muli itong napabuntong hininga, alam nya kasi na hindi sya pwedeng mag lakbay lalo na at malapit na ang aming kasal.
"Kung wala ka ng ibang sasabihin, maari ka ng lumabas ng aking silid. Sa susunod, kung pupunta ka dito para kausapin ako tungkol sa kapatid ko, huwag ka ng tumuloy dahil naiinis lamang ako." Saad ko dito kaya lumabas na ito ng walang imik. Lalo nya lang pinapamuka sakin na ayaw nya sakin, kahit wala na si Beatrice sa Cadden nagagawa nya pa ring sirain ang araw ko.
**Atreyu's Pov*
"Hindi ko talaga matanggap na nilinlang mo ako Ama!" Inis na saad ko sa aking Ama, nandito ako ngayon sa pribadong silid nya.
"Ginagawa ko ito para sa iyong kapakanan, anong mapapala mo kay Beatrice? Kung namana nya sana ang kapangyarihan ng lahi ng kanyang ina papayagan kita sa gusto mo. Pero alam mo naman na walang kakayanan si Beatrice, at mamaring mamana din yun ng magiging mga anak nyo kaya hindi ko hahayaan na mangyare yun. Ang mga katulad ni Beatrice ay hindi nababagay sa lahi natin, dudunginsan nya lang ang pangalan mo!" Inis na saad nito kaya napailing ako.
"Hindi nyo na sana ako ipinakasal kung hindi lang din si Beatrice ang babaeng mapapangasawa ko! Hindi ko nais na mapangasawa si Elvina!" inis na saad ko dito kaya naman tiningnan ako nito ng masama.
"Napaka palat mo nga dahil napaka ganda ng mapapangasawa mo, bukod dun ay nag tataglay ng malakas na kapangyarihan si Elvina na minana nya sa kanyang Ina at Ama. Bukod dun ay malaking tulong ito sa pag papaunlad ng ating negosyo. Mas lalong magiging tanyag ang pangalan natin dahil sa pag sasanib pwersa ng Lozano at Silvius. Hindi lang tayo makikilala sa bayan ng zibia kundi sa ibang karatig bayan." Paliwanag nito kaya muli akong napailing. Hindi naman ganito ka ganid ang aking Ama sa kapangyarihan at katanyagan, nag bago lamang ito simula nung hikayatin sya ni Ginoong Sebastian.
"Dahil nakapag pasya na kayo at hindi ko na kayo mapipigilan pa, naway hindi kayo mag tagumpay sa mga binabalak nyo!" Saad ko at lumabas na ng silid nito.
"Atreyu!" Dinig kong sigaw nito,palabas na ako ng pinto ng bigla itong sumara. Alam kong ginamitan ito ng kapangyarihan ng aking Ama kaya naman tiningnan ko ito ng masama. Hindi na ako bata na kinakaya-kaya nya noon kaya ginamitan ko din ito ng lakas na namana ko sa aking ina. Sinuntok ko ang pinto ng silid nya at nawasak ito ng walang ka hirap hirap.
"Atreyu!!!!" Muling sigaw nito. Naramdaman ko ang pag yanig ng bahay, tiyak kong ang aking Ama ang may kagagawan nito dahil ginalit ko sya. Nakasalubong ko naman ang aking Ina na nag mamadali, mukang pupuntahan nito ang mahal nyang asawa upang pakalmahin. Dahil kung hindi nya ito papakalmahin ay ilang minuto lang ay guguho ang buong bahay.
Pa labas na ako ng tahanan namin ng makasalubong ko si Kuya Jethro.
"Mukang ginalit mo ng husto ang ating Ama, hindi kana nga talaga bata Atreyu, ipinag mamalaki kita." Nakangiting saad nito sakin. Hanga ako kay Kuya Jethro dahil hindi sya kayang kontrolin ni Ama kaya naman nagagawa nya lahat ng gusto nya. Samantalang ako ay walang magawa kundi umayon sa gusto ng aming Ama kahit na pang sariling kaligayahan ko pa.
**Beatrice's Pov**
"Gagabihin ako ng uwi, kaya huwag mo na akong hintayin sa hapunan dahil sa trabaho na ako kakain." Saas ni Kassius habang nag aasikaso para sa kanyang pag alis. Napaka kisig nya suot nya, bagay na bagay sa kanya ang damit nyang pang Heneral.
"Kung may nais kang puntahan mag pasama ka nalang kay Aerith, gawin mo ang mga nais mo at hindi kita pipigilan." Saad nito at kinuha na ang kanyang espada.
"Mag iingat ka." Saad ko dito at hinatid ko ito hanggang sa labas ng bahay. Mukang ganito palagi ang magiging sitwasyon namin. Mag kikita lamang kami tuwing umaga at gabi dahil sa kanyang trabaho. Mabuti nalang at may makakasama ako sa tuwing wala sya kaya mababawasan ang bagot ko.
Naabutan ko naman si Lisandra at Aerith sa likod bahay, nag lalaba ang mga ito.
"Tulungan ko na kayo." Nakangiting saad ko sa kanila, makikisawsaw na sana ako sa labahin nila ng tabigin ni Lisandra ang kamay ko.
"Hindi mo to gawain, hayaan mong kami na ang gumawa nito para sa amo namin. Mas mabuti pang maupo ka nalang dyan ay mag kwento tungkol sa pinanggalingan mo." Nakangiting saad nito kaya naupo nalang ako sa tabi nila at napayakap sa aking tuhod habang pinag mamasdan ang bula sa planggana.
"Oo nga Beatrice, kung aagawan mo kami ng gawaing bahay baka ma walan na kami ng trabaho nyan." Pa birong saad ni Aerith.
"Pasenya na kayong dalawa, ang nais ko lang naman ay tumulong at hindi maging pabigat sa inyo lalo na kay Kassius." Malungkot na sagot ko sa mga ito.
"Ang trabaho mo dito ay ang asikasuhin si panginoong Kassius, dahil yun naman talaga ang pangunahing gawain ng isang asawa. Salubungin mo sya tuwing darating sya galing trabaho, lahat ng kailangan nya bago mag pahinga ay gawin mo. Pero mas maganda siguro kung akitin mo ang aming panginoon, yun ang pinakang mainam para maibsan ang kanyang pagod sa trabaho." Saad ni Lisandra kaya winisikan sya ng tubig sa muka ni Aerith.
"Ay naku Beatrice, huwag mong pakinggan ang huling sinabi nitong si Lisandra." Saad naman ni Aerith.
"Ano ka ba, kailangan yun ng Amo natin para mabawasan ang pagiging seryoso nito sa buhay. Ang lalaki kapag pinaglingkuran mo nagiging maamo ito, alam mo yan dahil may asawa kana. Diba tuwing pinag bibigyan mo ang asawa mo masaya ang buhay? Kaya ikaw Beatrice, ang mainam mong gawin ay ang makuha ang puso ng aming panginoon at gumawa agad kayo ng supling para naman mabango ang takbo ng buhay nya." Saad ni Lisandra at sa pag kakataong ito ay sumangayon na si Aerith.
Mukang mahihirapan ako sa nais nilang mangyare dahil wala naman akong alam sa mga ganong bagay lalo na ang pang aakit na sinasabi nila. Hindi naman ako ka-akit akit, baka maasiwa ang si Kassius sakin at ito pa ang maging sanhi para isauli nya ako sa Cadden. Hahayaan ko nalang ang sarili ko na gawin ang tama, pag lilingkuran ko sya tulad ng ginagawa ng isang mabuting asawa. Sa itsura naman ni Kassius, mukang sya yung tipo ng lalaki na hindi mapag samantalaga. Bukod dun, hindi naman ako kaaya-ayang babae kaya hindi ito makakaramda ng pag nanasa sakin.