Kassius's Pov
Ilang buwan palang ang nakakalipas mula ng iwan ako ng pang anim na asawa ko mula sa pamilya ng Delsimon. Hindi na bago sakin na iwan ako ng napapangasawa ko, bukod sa hindi nila kayang tagalan ang ugali ko ay natutuklasan ko din ang masamang layunin nila sakin. Alam ko naman na kapangyarihan at kayamanan ang isa sa habol nila sakin, nguniti hindi ko hahayaan na mag tagumpay sila sa maitim na binabalak nila.
Ilang beses ko ng kinausap ang aking Ama na huwag ng pakialaman ang buhay pag-ibig ko ngunit ayaw nitong pumayag dahil gusto nya daw na masiguradong may nag aalaga sakin. May sarili naman akong tagapag silbi kaya hindi ko na kailangan ng asawa lalo na kung hindi ko din naman ito mapakikinabangan. Ano ba kasi ang inaasahan ng aking ama sa mga babaeng ipinapadala nya sakin? Galing ang mga ito sa mahaharlikang pamilya kaya naman wala itong mga alam sa gawaing bahay dahil may mga sariling taga pag linggkod ang mga ito. Kaya naman pare-pareho sila ng mga reaksyon sa unang araw ng pag dating nila dito sa Menken. Menken ang tawag sa aking tahanan, pinasadya ko na maliit na tahanan lang ang ipagawa dahil ako lang naman ang maninirahan dito. May nilagay akong proteksyon sa Menken na tanging ako lamang ang nakakakita. Ang sino mang nag nanais na pasukin ito mulasa itaas at sa ibaba ay mabilis kong mararamdaman.
Hindi umaabot ng isang linggo ang paninirahan ng mga napangasawa ko dito sa Menken. Puro daing lamang ang naririnig ko sa kanila, kaya naman hindi na ako mag tataka kung hindi sila mag tatagal sa tirahan na ito kasama ko. Kung hindi nila kayang maki ayon sa nais ko ay hindi talaga sila mag tatagal sa akin. Ang kailangan kong babae ay yung sasamahan ako sa hirap at ginhawa, hindi yung puro sa ginhawa lang.
Napansin ko na may kakaiba kay Beatrice, malaki ang pag kakaiba nya sa mga nauna kong asawa. Hindi manlang ito nag reklamo sa mga nais ko. Kung ganun ay tingnan nalang natin kung hanggang saan ang itatagal nya. Huwag ko lang malaman laman na pinadala sya ng kanyang Ama upang mag saliksik tungkol sa kahinaan ko, dahil pag nalaman kong may hindi sya magandang hangarin sakin ay hindi ako mag dadalawang isip na paslangin sya.
Nang maghapunan na kami ay ipinatawag ko na ito, napakunot ang noo ko ng makita ang kasuotan nito. Narinig ko kay Aerith na kakaonte lang ang dala nitong gamit at hindi ko inaasahan na napaka luma na ng mga ito. Isa ang pamilyang Lozano sa may mataas na pamumuhay sa Zibia, ngunit tila malayo ang itsura ni Beatrice sa antas na pamumuhay na meron ang mga ito. Marami na akong maharlikang babae na nakilala, bukod pa ang anim na aking napangasawa. Sa kilos, pananalita at mga kagamitan ng mga ito ay makikita mo na talaga na sila ay galing sa marangyang pamilya. Pero iba itong si Beatrice, talaga bang anak sya ni Sebastian Lozano?
Bago kami kumain ay nag paalam na si Aerith na uuwi na sa kanila, may asawa at mga anak na kasi ito kaya umuuwi din ito sa kanila bago mag dilim. Habanag kumakain kami ni Beatrice, naging mapag masid ako dito, Bukod sa lumang kasuotan nito ay napansin ko din ang mga kamay nito na puno ng peklat. Napaisip ako kung gawa ba ito sa kanyang pag sasanay sa pakikipag laban, ngunit parang hindi naman.
"Salamat sa hapunan." Saad nito ng matapos na syang kumain. Naging abala ako sa kakatingin dito kaya hindi ko namalayan na tapos na sya. Kaya naman sinimulan ko na din na ubusin ang pag kain ko. Matapos namin kumain ay ito na ang nag ligpit ng aming pinag kainan. Sinundan ko sya sa kusina ng di nya nalalaman, pinanuod ko to kung marunong ba sya mag hugas ng mga pinag kainan. Tila napaka dali lamang sa kanya ng gawaing ito na tila ba sanay na sabay na sya sa ganitong klaseng gawaing bahay. Nang matapos na ito ay napansin nya ang presensya ko kaya naman bakas sa muka nito ang pagkagulat.
"M-May kailangan pa po ba kayo panginoong Kassius?" Nakayukong tanong nito sakin.
"Mag init ka ng tubig, maliligo ako." Saad ko dito at agad din naman itong kumilos para gawin ang ipinaguutos ko. Mabilis itong nakapag sindi ng apoy sa pamamagitan ng kahoy at posporo. Napakunot na naman ang noo ko dahil maging sa pag sindi ng kahoy ay wala itong kahirap hirap para sa kanya. Sa totoo lang ay isa sa kakayahan ko ang pag gamit ng apoy kaya naman hindi nya na kailangan pang sundin ang pinag uutos ko dahil kayang kaya ko naman painitin ang tubig na pang ligo ko gamit ang kapangyarihan ko. Mabuti na din na wala syang alam sa kakayanan ko para mas malaman ko ang pakay nya.
Matapos nitong asikasuhin ang pangligo ko ay nag paalam na itong babalik na sya sa kanyang silid. Hinawakan ko naman ang tubig na inihanda nito sakin, sakto lang ang timpla nito nais kong pang ligo. Talagang pinapabilid ako nitong si Beatrice, hindi ko akalain na magiging interesado ako sa kanya. Ano pa kaya ang mga kakayanan nito? Bukod tangi sya sa mga dating napangasawa ko, naway mag patuloy lang sya sa pagpapakitang gilas sakin at baka makuha nya ang loob ko at pakasalan ko agad sya.
**Beatrice's Pov**
Napansin ko ang mga ibang gamit sa kwarto ko, marahil ay mga gamit ito ng mga dating asawa ni Kassius. Hindi ko naman ugali ang maki-alam ng hindi ko sariling gamit kaya inilagay ko nalang sa aparador ang ilang pirasong damit ko. Kinuha ko ang kwentas ng aking ina at pinag masdan ito. Maari ko na itong suotin dahil malayo na ako sa Cadden, hinding hindi ito maagaw sakin ni Elvina. Bago ako mahiga sa aking kama ay sinuot ko dito, tiningnan ko ang sarilo sa salamin namalapit sa bintana. Kahit na patay na ang ilaw sa aking silid ay kitang kita ko pa din ang sarili sa salamin dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan. Napakaka ganda ng kwentas ng aking ina, mabuti nalang ay may naiwan syang alaala sakin. Kung mag karoon ako ng sarili kong anak, may maipapamana ako sa kanya na galing sa aking ina.
-Kinaumagahan-
Maaga akong nagising upang ipaghanda ng almusal si Kassius. Nakakapanibago lang dahil ito ang unang beses na mapanaginipan ko ang aking ina. Sa panaginip ko ay masaya kaming namamasyal, masaya ito dahil sa aking pag laya sa kamay ng aking Ama. Yung napaginip ko parang totoo, kaya naman bumangon na ako bago pa ako maunahan ni Kassius.
Mas magaan naman ang mga gawaing bahay dito kesa sa Cadden kaya maaga kong matatapos ang gawaing bahay bago pa tuluyang sumikat ang araw. Nang matapos na ako sa pag luluto ay syang pag dating naman ni Aerith.
"Ikaw ba ang lahat ng nag luto nito Bea?" Di makapaniwalang tanong nito sakin. Tumango naman ako, naway magustuhan ni Kassius.
"Matutuwa si panginoong Kassius nito kapag nalaman nyang ikaw ang nag handa ng kanyang almusal." Nakangiting saad nito kaya naman napangiti na din ako. Sana nga ay magustuhan nya, para kahit papano naman ay mag karoon ako ng silbi sa kanya habang nandito ako sa puder nya.
"Ako na ang mag huhugas ng mga yan, mag pahinga kana dahil maya-maya lang ay magigising na si panginoong Kassius." Saad ni Aerith at inagaw na sakin ang pag huhugas ng mga ginamit ko sa pag luluto.
Habang tulog pa si Kassius ay nilinis ko muna ang hapag kainan, maging ang silid tanggapan nito ay linis ko din. Maliit lang ang mga silid dito kaya naman mabilis ko lang itong nalilinis. Pag katapos kong mag linis sa loob ng bahay ay ang bakuran naman nito ang winalisan ko. Habang abala ako ay napansin kong may nakatayo sa unahan ko kaya pag angat ko ng ulo ko ay nakita ko si Kassius na masama ang tingin sakin.
"Pasensya na po kung hindi ko napansin ang iyong pag dating." Nakayukong saad ko dito.
"Iwan mo na ang trabaho na yan, nandyan naman si Lisandra para mag linis sa bakuran, hindi mo yan trabaho." Inis na saad nito at pumasok na sa loob. Napabuntong hininga ako dahil mukang hindi nya nagustuhan yung ginawa ko. Inayos ko ang sarili ko bago ko ito sundan, nakasalubong ko naman si Aerith na galing hapag kainan.
"Pumunta kana dun, hinihintay kana ni panginoong Kassius." Saad nito kaya huminga akong malalim bago ito puntahan.
"Nalaman ko kay Aerith na ikaw daw ang nag luto nito." Saad nito kaya napatingin ako sa reaksyon nito. Kainin mo ang lahat ng yan, wala pa akong tiwala sayo Beatrice kaya hindi ko pa nais na kainin ang iniluto mo. Ano bang malay ko kung nilagyan mo yan ng lason." Saad nito na syang ikinagulat ko.
"H-hindi ko po kayo magagawang lasunin panginoon." Saad ko dito ngunit tiningnan lang ako nito na tila hindi sya naniniwala sa mga sinasabi ko. Ilang sandali pa ay dumating na si Aerith dala ang niluto nya para kay Kassius. Wala akong magawa kundi kainin ang sarili kong luto, nakakasama lang ng loob dahil nag laan ako ng oras para paghandaan sya ng makakain tapos ito lamang ang maririnig ko sa kanya.
Dapat masanay na ako sa ganitong trato nya sakin, hindi naman talaga madaling kunin ang tiwala ng isang tao lalo na at isa syang Heneral. Tiyak kong marami ang nag tatangka sa buhay nya kaya ganun nalang sya ka walang tiwala sa mga taong hindi nya pa naman lubos na kilala. Masasanay din ako, at papatunayan ko sa kanya na malinis ang aking layunin bilang mapapangasawa nya.