Kabanata 4

1565 Words
Beatrice's Pov Bago ako tuluyang lumisan ng Cadden ay dumaan muna ako sa silid ng aking ama upang mag paalam dito. Pag pasok ko ng silid nya ay hindi manlang ito makitaan ng lungkot sa aking pag alis. Bagkos at nakangiti pa ito, ano pa ba ang inaasahan ko sa napakalupit kong Ama. Tiyak kong nag diriwang sya ngayon dahil mawawala na ako sa kanyang paningin. "Siguraduhin mong matutuwa sayo si Heneral Kassius. Huwag mong ipahiya ang aking pangalan sa kanya, siguraduhin mong papayag syang pakasalan ka para maibigay sakin ang danyos mo. Kapag na gawa mo yun, pababayaan na kita. Mas mabuti ng hindi kana bumalik sa puder ko dahil kahihiyan at kamalasan lang naman ang dala mo sa pamilyang ito." Saad nito habang madiing nakatingin sakin. Yun naman talaga ang tingin sakin ng Ama ko, isang kahihiyan at kamalasan. Kaya hindi ako nito itinuting na anak, kaya ipinag kait nito sakin ang pag mamahal ng isang Ama. Sa pag alis ko ng silid nito ay wala itong ibang ipinabaon sakin kundi sama ng loob. Kinuha ko na ang mga gamit ko para sa aking pag alis. Pero bago ako lumabas ng tarangkahan ng Cadde ay nakasalubong ko si Atreyu at Elvina na galing sa labas at mukang namili sila ng mga gamit ni Elvina. "Aalis kana pala Ate, naway mag tagal ang iyong buhay sa kamay ni Heneral Kassius." Nakangising saad nito sabay yakap sa braso ni Atreyu. Napansin ko ang tingin ni Atreyu sakin, tiyak kong nag aalala ito ng lubos sakin. Hinila na ito ni Elvina paalis kaya pinag patuloy ko na ang aking pag lalakad. Pag dating ko sa labas ng tarangkahan ng Cadden ay nakahanda na ang aking kabayong sasakyan. Bago ako sumakay dito ay sinunog ko na ang liham na ipinadala ng Ama ng aking mapapangasawa. Gaya nga ng nasa liham ay may lumabas na paro-paro na gawa sa usok. Nakakahanga talaga ang taglay na kapangyarihan ng mga maharlika. BaGo ko linasin ng tuluyan ang Cadde ay tiningnan ko muna ito. "Sana ay ito na ang huli nating pag kikita." Saad ko dito at sumakay na ng kabayo. Sa pag lalakbay ko ay dumaan ako sa bayan ng Zibia, ito ang unang beses kong nakita ang bayan ng Zibia. Napaka ganda at napakasasaya ng mga tao dito, nakakaaliw silang pag masdan. Sa pag lalakad ko ay may nakasalubong akong mag ina. Bigla kong naisip ang aking Ina, siguro kong nabubuhay pa sya ngayon hindi ko mararanasan ang lahat ng ito. Pero hindi ko naman sinisisi sa kanya ang lahat ng mga pag hihirap na pinag daanan ko sa kamay ng aking ama ay ng bago nyang pamilya. Pag lampas ko ng bayan ng Zibia ay dinala ako ng usok na paru-paro sa kagubatan. Mabuti nalang at hindi ako gabi pinaalis ng aking Ama, dahil tiyak kong maraming mababangis na hayop ang meron sa kagubatang ito. Ilang oras na kaming nag lalakbay hanggang sa namahinga muna kami sa tabing ilog. Kinain ko ang ipinabaon sakin ni pinunong taga pag lingkod. Habang kumakain ako at kumakain din ng dam* ang aking kabayo. After ng ilang minuto naming pahihinga ay pinag patuloy na ulit namin ang pag lalakbay. Kailangan ay marating ko ang tahanan ng aking mapapangasawa bago sumapit ang dilim. Narating namin ang isa pang bayan, naway ito na ang bayan kung saan naninirahan ang aking mapapangasawa. Nag patuloy sa pag lipad yung usok hanggang sa malampasan namin ang pangalawang bayan na dinaanan namin. Ilang oras nalang at mag aagaw dilim na, muli kaming pumasok sa kakahuyan. Natanaw ko ang tarangkahan sa pinakangdulo ng daan, ito na marahil ang bahay ng aking mapapangasawa. Pag dating namin sa tapat ng tarangkahan ay bumaba na ako ng kabayo. Napansin naman agad ako ng bantay nito. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa iyo Binibini?" Nakangiting tanong nito sakin. "Ako ang pinadala ng pamilyang Lozano upang makaisang dibdib ng iyong Panginoon." Sagot ko dito kaya naman madali ako nitong pinapasok. "Kanina ka pang hinihintay ng aking Panginoon, mabuti pang katukin mo na sya sa kanyang bahay." Saad nito kaya nag tungo na ako sa nag iisang bahay na nakatayo sa aking harapan. Hindi ko inaasahan na maliit lang pala ang lugar na ito. Malayo sa kinagisnan ko sa Cadden na maraming kwarto at may malawak na bakuran. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng bahay. May lumabas naman na isang babae, matanda lang siguro sa akin ito ng sampong taon. "Paumanhin po sa aking pangangambala, nais ko po na ipaalam sa inyo na ako ang ipinadala ng pamilyang Lozano upang makaisang dibdib ng inyong panginoon." Nakayukong saad ko dito. "Pumasok ka binibini, tiyak kong malayo ang iyong nilakbay kaya halika sa loob dahil kanina ka pang hinihintay ng aking panginoong Kassius." Saad nito at kinuha ang aking dala-dalang gamit. Pag pasok ko sa loob ay napaka karaniwan lamang ng mga gamit dito. Sabi nila ay isang Heneral ang aking mapapangasawa, ngunit ang pamumuhay nito ay tulad lang ng mga sa karaniwang mamayan sa bayan. Hindi mo ito makikitaan ng pagiging marangya, hindi naman na importante yun sakin. Ang mahalaga ay may matutuluyan ako sa aking pamamahinga. "Panginoon Kassius, nandito na po ang iyong mapapangasawa na nag mula sa pamilyang Lozano. Nag tagumpay ang iyong Ama na muli kang biyayaan ng makakasama." Saad ng Alipin nito. Nakayuko akong lumapit sa harapan nito, kinakabahan ako dahil baka hindi nito nais na makita ako at bigla nalang ako nitong gilitan ng leeg. "Iharap mo sakin ang muka mo." Utos nito kaya naman walang pag alinlangan na tingnan ko ito. Nang laki ang mata ko ng makita kung gaano ito ka gwapo. Buong akala ko ay nakakatakot ang itsura nito, inaasahan ko na malaking tao sya tapos may mga peklat sa muka na galing sa pakikipag laban. Ngunit napaka kinis ng muka nito, mas makinis pa sya kesa sakin. Wala ka ditong makikitang kapintasan. Akala ko din ay may edad na ito ngunit hindi naman nag kakalayo ang edad namin batay sa kanyang itsura. "Anong pangalan mo?" Walang ganang tanong nito habang nakatingin saking mga mata. "Beatrice Lozano, ang panganay na anak ni Pinunong Sebastian ng pamilyang Lozano." Pakilala ko dito. Hindi ko maalis ang tingin sa muka nya, ito ang unang beses na makatagpo ako ng lalaking ganito ka gwapo. "Bago kita pakasalan, ipakita mo muna sakin ang katapatan mo. Kapag nalaman kong may iba ka pang layunin sa pag papakasal na ito ay hindi ako mag dadalawang isip na pabalikin ka sa pamilya mo!" Saad nito na syang ikinatakot ko. "Pakiusap po panginoon, huwag na nyo po akong ibabalik sa pamilya ko. Gawin nyo nalang po akong tagapag silbi nyo kung ayaw nyo akong pakasalanan." Pag mamakaawang saad ko dito. Napakunot ang noo nito kaya napayuko nalang ako. Hindi ko na nanaiisin pang bumalik sa Cadden, mas mabuti pang manilbihan nalang ako sa ibang tao kesa bumalik sa aking Ama. "Kung ganun ay sundin mo lahat ng nais ko, ayukong dumagdag ka pa sa aking suliranin." Saad nito kaya tumango ako bilang pag sang-ayon. Hindi ko dapat sya galitin kung gusto kong mag tagal sa pangangalaga nya. "Sige na, maari ka ng tumungo sa iyong magigising silid." Saad nito kaya sinamahan na ako ng alipin nya. Nakahinga ako ng maluwag ng mawala na sa paningin ko si Kassius. "Ito ang magiging silid mo binibining Beatrice, napansin ko na kakaonti lang ang dala mong gamit. Hayaan mo at sasamahan nalang kitang mamili sa bayan ng mga kailangan mo." Nakangiting saad nito sakin. "Salamat, maari ko bang malaman ang pangalan mo?" Nakakunot noo na tanong ko dito. "Aerith po." Nakangiting sagot nito. "Salamat Aerith, Bea nalang ang itawag mo sakin." Nakangiting sagot ko dito dahil hindi ako sanay na tinatawag na Binibini. "Kung yan ang nais mo sige, natutuwa akong makilala ka Bea, naway ikaw na ang huling makaisang didbib ng aking Amo. Mabait naman si panginoong Kassius, medyo suplado nga lang pero ang totoo nyan ay busilak ang puso nya. Hindi nya nakakasundo ang mga babaeng napapangasawa nya dahil hindi nila kayang unawain ang ugali nito. Buong akala siguro nila ay tulad si panginoong Kassius ng mga lalaki na nababasa nila sa isang libro." Paliwanag ni Aerith kaya naman naalala ko yung mga narinig ko tungkol kay Kassius. " Marami nga akong narinig tungkol sa kanya, kinakatakutan sya ng mga taga Zibia." Sagot ko dito. "Kung kinakatakutan sya ng mga taga Zibia, bakit tumuloy ka pa dito? Hindi ka ba natatakot sa pwedeng gawin nya sayo?" Nakakunot noo na tanong nito. "Wala na kasi akong pag pipilian Aerith, si Kassius nalang ang kaisa-isang pag asa ko." Sagot ko dito kaya ngumiti nalang ito sakin. Hindi nya na kailangan pang malaman ang mga pinag daanan ko sa pamilya ko. Ang mahalaga ngayon ay wala na ako sa puder nila, at ang tanging magagawa ko nalang ngayon ay ipakita kay Kassius ang katapatan ko. Ito nalang ang tanging pag asa ko kaya hindi ko dapat ito sayangin. "Isa lang ang masisigurado ko sayo Bea, lahat ng haka-haka nila kay panginoong Kassius ay walang katotohanan. Kaya sana ay makita at matuklasan mo ang kabutihang tinatago nito." Nakangiting saad nito at nag paalam na sakin dahil mag aasikaso pa ito ng hapunan namin. Nais ko sana itong tulungan sa pag luluto ngunit mas kailangan kong mag pahinga para bukas ay pwede na akong mag simula sa mga gawaing bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD