Chapter Nine

3654 Words
P O T R I C K TAPOS na agad ang isang linggo ko sa East Middleton. Thank God it's Friday! Pasado 9 pm na nang makabalik ako sa dorm with Andrew and Dori. Katatapos lang ng shifts namin sa Café. We planned to hang-out tonight, kahit doon lang sa mga food hubs pero 'di natuloy. Bigla kasing sumakit 'yong tiyan ni Dori, so we moved it tomorrow nalang. Nang makapasok si Andrew sa room niya, nagpatuloy naman ako sa pag-akyat sa second floor kung nasaan ang room number 53—ang room namin ni Basti. Bago ko buksan ang pinto, minabuti kong kumatok muna ng ilang beses. Just to make sure na wala akong bagay na maiistorbo sa loob if ever. Nang walang nagresponse mula sa loob, binuksan ko na 'yon at pumasok. Wala si Basti. Bakit 'di nagla-lock ng pinto ang lalake na 'yon? I know that it's safe here pero kailangan pa ring mag-ingat 'diba? Hindi lang naman siya ang gumagamit ng kwarto na 'to, eh. Napailing nalang ako bago dumiretso sa kama at humiga. Nakakapagod ang araw na 'to. Marami din kaming ginawa sa klase, ha? Idagdag pa 'yong 5 hours na shifts namin sa Café, tapos marami pang customers 'cause it's Friday today. Hays. Wasted. Bago pa tuluyang makatulog habang suot pa rin ang uniform ng Café, I stood up at pumunta na sa banyo to take a shower. Mabuti pa dito sa dorm may gano'n, sa bahay kasi namin wala. So, 'yon nga, matapos kong magshower ay nagpalit ako ng damit. T-shirt at jogger short lang para kumportable at presko sa balat. Inilagay ko muna sa hamper 'yong mga used clothes ko at saka, tumingin ng makakain sa loob ng ref. Masyado na akong pagod para magluto kaya inilabas ko nalang 'yong tuna sandwich na ginawa ko kaninang umaga. Ibinaon ko kasi 'yong isa no'n tapos iniwan ko 'yong isa pa, just in case na magutom ako later. At tama lang 'yong timing, gutom na rin ako ngayon. One sandwich will be enough na siguro to satisfy my stomach. Isa pa, kumain na rin ako kanina ng meryenda habang nasa Café kami. Treat ni Dori. After maubos 'yong isang tuna sandwich, isang basong tubig lang ay busog na ako. That's it, pwede na akong pumunta sa kama and do my thing. Ang makinig ng music habang kaharap ang laptop ko. Salamat sa free wifi ng dormitory na 'to. Kaharap ang laptop ko, nakikinig ako sa kanta ni Taylor Swift sa aking phone—Gorgeous. Hindi ako ma-internet na tao pero kanina pa ako may gustong i-search sa google. Something that my mind cannot stop thinking of, paano mag-move on? No, hindi ko kailangan no'n. And wala rin akong dahilan para mag-search ng gano'n para sa sarili ko. But my mind can't help but to think and think kung paano ba talaga mag-move on after a break up. I mean, paano makalimot? Paano kalimutan 'yong sakit? Iyong pighati? Iyong pagdurusang pinagdadaanan ng isang taong masyadong nasaktan sa pag-ibig? How to go on with your own life after someone broke your heart? Napatingin ako sa side ng kama ni Basti. Last 2 days ago noong makausap ko si Nick, nabanggit niya sa akin ang tungkol kay Basti at kung ano 'yong pinagdadaanan niya ngayon. Well, wala naman akong pakealam sa kanya pero kasi...hindi mawala sa isip ko 'yong nakita ko sa Café. Si Yna, 'yong girlfriend niya ay may kasamang ibang lalake. And I bet, hindi niya 'yon alam. Maging si Nick, walang ideya. But Basti is the one who's not aware with that all this time. Nakipagbreak ang girlfriend niya sa kanya without saying a valid reason—nang hindi nagpapaliwanag. And now, parang konsensya ko pa 'yong nakita ko sa Café. Parang gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol doon para maliwanagan siya but how? Obviously, hindi kami magkakilalang dalawa. Baka magulat pa 'yon kung bakit alam ko ang tungkol do'n at tungkol sa kanila ng girlfriend niya. Besides, hindi naman kami okay sa isa't isa. Ayaw namin sa isa't isa. Kaya, wala rin akong karapatan na payuhan siya o kahit anong sasabihin ko—dahil hindi niya naman ako kaibigan. Nick said, mahal na mahal niya 'yong Yna na 'yon. Yna naman, eh. Yna talaga! Hays. Kahit hindi ko alam ang buong kwento nila at kahit 'di ko naman talaga kilala ang Basti na 'yon, medyo nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Argh, rephrase that. Hindi naman sa naaawa, siguro dahil nakita ko 'yong girlfriend niya na may lalakeng dine-date habang wala siyang kaalam-alam—kaya ganito 'yong pakiramdam ko. Teka nga, bakit ko ba pino-problema 'to? Hay, Yna! Pinagpatuloy ko 'yong pagse-search sa laptop ko—How to move on with your ex? Nagbasa-basa ako ng kaunti at 'yong iba ay may sense din naman. While 'yong ibang advice, walang kwenta. Advice na walang sense—keep moving while you're breathing. Tingnan mo ang isang 'yon, matatawag bang advice 'yon? Heto namang isa. Advice with sense. Accept the situation and move on even if it will hurt you most. Remember that acceptance is the key to start everything again. Ayon, buti pa ang isang 'yon ay kahit papaano may gustong iparating na maayos. Pero I think, it's not enough pa rin eh. Kung wala ka sa posisyon non'ng taong nasasaktan, you'll never know the feeling at hindi gano'n kadali na magmove on. Habang nasa gano'n akong posisyon, bumukas ang pinto and as I expected, sino pa ba ang taong 'yon kung 'di si Basti? May hawak itong plastik kung saan silag na makikita ang mga in-can beers sa loob no'n. Tumingin siya sa akin, walang reaksyon ang mukha pero hindi rin nagtagal ay inalis na niya 'yon at pumunta doon sa may kusina. Obvious naman sa dala niya na mag-iinom siya. Maya-maya pa, bumalik siya sa kanyang kama at doon nagpalit ng damit. Naka-uniform pa kasi siya kanina. Hindi ko siya tiningnan. Namalayan ko nalang na nakasuot na siya ng sando at tanging boxer short lang sa ibaba. Mukhang kumportable talaga siya sa gano'ng suot. Sa isang linggo ko na kasi dito ay madalas gano'n 'yong suot niya sa kwarto. Hindi ko siya pinansin nang dumaan siya papunta doon sa kusina. Well, honestly ay hindi naman talaga kaming dalawa nagpapansinan. Mas naging awkward lang matapos 'yong nangyaring sagutan namin noong isang araw dahil sa silver necklace niya. Actually, masama pa rin ang loob ko dahil sa mga pinagsasabi niya no'ng umagang 'yon pero I guess, wala naman siyang pakealam kung ano man 'yong naramdaman ko that time. He didn't even bother to say sorry. Kahit man lang sana thank you nalang dahil nasa kanya na 'yong kwintas? Kaso wala, eh. Naka-earphones pa rin ako. Ine-enjoy ang gabi kung kailan pwede akong magchill nang hindi nag-aalala kung anong oras ako gigising bukas. Okay lang sa akin ang magpuyat ngayon, though mukhang hindi mangyayari dahil nakakaramdam na ako ng antok. I've been busy sa mga klase ko at sa Café kaya 'di ko na masyadong nagagawa ang ganitong pagchill, kaya sinusulit ko na dahil after the weekend ay may klase na ulit. Gano'n pa man, kahit gaano ako ka-busy ay tumatawag ako kila Mama at Papa just to make sure na okay ako. I know, ang 'high-school' pakinggan na kailangan ko pang ipaalam kila Mama 'yong kalagayan ko always pero ayoko din silang mag-alala. Isa pa, lagi nilang sinasabi na you're just 17 Pot and you're still minor—kaya bago pa nila ako hiritan ng gano'n ay inuunahan ko na. Seventeen lang ako pero believe me, I'm not just an ordinary 17 year-old guy. No, wala akong superpowers that will make me different from other teenagers pero ibahin niyo ako when it comes to thinking. Ang yabang! Basta, pinag-iisipan ko muna 'yong mga desisyon ko bago ko gawin para sa huli ay 'di ako magsisi. That's me. Lumaki akong masunurin sa mga magulang ko. Ni-hindi ko nga na-experience ang makatikim man lang ng alak, eh. No, hindi pa talaga. Promise. Wala akong night-outs or 'yong tinatawag ng ibang teenager na night-life na naranasan na nila. Minsan, napapaisip ako kung anong feeling no'n. Kung masaya ba? Ang sabi kasi nila, minsan ay kailangang maranasan mo 'yong mga gano'ng bagay habang bata ka pa. Para wala kang pasisihan sa huli 'pag tanda mo. 17 na ako pero gaya ng sabi ko sa inyo, I'm different. Different in a way na 'di pa nakakatikim ng kahit anong klase ng alak. Hindi pa nakakaranas ng night-out kasama ng mga kaibigan. Though, si Dori lang naman 'yong one and only friend ko dahil 'di ako gano'n ka-friendly noong elementary at high school. Hindi pa rin ako nakakaranas ng getaway trip kasama ang mga kaibigan. Never pa. At mukhang matatapos na 'yong pagka-teenager ko ay tatanda ako na wala man lang baon na masasaya't maraming alaala noong teenager pa ako. Hays. Isinantabi ko muna 'yong laptop na nakapatong sa lap ko kanina at inalis din ang earphones sa tenga ko. Nakaramdam kasi ako ng uhaw. Bago ako tumayo mula sa kama, chineck ko muna 'yong oras sa phone ko. Pasado alas dies na. After no'n, dumiretso ako papunta sa kusina. And there you go, I saw Basti there. Nakaupo sa harap ng maliit na sosyal na glass table at sa ibabaw no'n, nakapatong ang limang in-can beers niya. Wala man lang siyang chips o kahit ano. Bukod do'n, nasa table din ang cellphone niya kung saan siya nakatingin as if he is waiting for someone to text him. Lalakeng-lalake ang pagkakaupo nito doon sa harap ng table at 'di ko napigil ang mga mata kong tumingin sa mga braso niyang tila gym-built sa laki. Bago pa ako makaiwas sa kanya, huli na dahil tumingin na siya nang maramdaman ang presensya ko. Hindi ako ngumiti o kahit anong pwede kong maging reaksyon. Gano'n rin siya na seryoso akong tiningnan habang hawak ang isang bukas na in-can beer na iniinom niya. Umiwas na ako at dumiretso na sa pagbubukas ng ref para kumuha ng isang basong tubig. Matapos akong uminom ng tubig, sumulyap ako ng tingin sa kanya. Nakatingin ito sa kanyang cellphone at tila nagta-type doon na parang may ka-text. Napakunot ang noo ko. Ako lang ba o talagang nag-laylo 'yong dragon look niya at napalitan ng mas kalmadong itsura. Mula kanina kasi ay parang 'di ko napansin 'yong pagiging agresibo ng itsura niya o 'yong mukhang inis na iritadong 'di mo maintindihan. Ngayon ko lang napansin, bakit parang huminahon ang itsura ng mukha niya? "What?" Nabigla ako nang bumaling si Basti ng tingin sa akin. This time, may kaunting pagkunot na ang noo niya. "Anong tinitingin-tingin mo?" Inis nitong tanong na halata sa kanyang tono. Ayan na naman siya. Akala ko ba, laylo ang pagiging dragon niya ngayon? Mali yata ako. Wala ako sa mood makipag-sagutan sa kanya kaya minabuti kong 'di nalang habaan ang naging tugon ko. "Wala," iyon lang 'yong sinabi ko at tumalikod na para bumalik sa kama ko. Akmang maglalakad na ako palayo nang bigla siyang magsalita. "Sandali," sambit niya na nagpatigil sa akin. Marahan ko siyang hinarap. "Anong pangalan mo?" Seryoso nitong tanong. Bakit ba kahit nagtatanong siya, nakakatakot pa rin 'yong tono niya? Para siyang 'yong kuya mo na isang maling sagot mo lang, sasapukin ka. Pero wait, hindi niya alam 'yong pangalan ko? Isang linggo na ako't lahat dito pero 'di man lang niya nalaman kahit papaano? God. Hindi ako nagpasindak sa nakakatakot niyang pagsasalita. "Potrick," tugon ko at wala siyang reaksyon matapos marinig 'yon. "Umiinom ka ba nito?" Tanong niya at kinuha 'yong isang in-can beer bago ako tingnan. Niyayaya ba akong makipag-inuman ng Basti na 'to? Umiling ako agad. "Hindi ako umiinom," sabi ko at napailing siya na hindi ko mawari kung para saan. "Umupo ka," utos niya pero 'di ako gumalaw mula sa pagkakatayo ko. Kung makautos naman siya, wagas. "Huwag ka mag-alala, in-can beer lang 'to. Mahina lang ang tama nito," usal niya kahit 'di ko naman tinatanong. "Nakakalasing ba 'yan?" Ang mukha kong tangang tanong dahil sa curiosity na bumalot sa isip ko. Ngumisi siya na animo'y natawa sa narinig at umiling pa bago ako tingnan. "Parang 'di ka naman lalake, eh." Umiling-iling pa ito at tiningnan ako nang seryoso. "Hindi ka nga pala lalake," ngumisi ulit siya kaya nainis ako. Bakit ba ang hilig niyang paulit-ulitin na 'di ako straight?! Agad akong lumapit sa kanya at umupo kaharap siya, doo'y kinuha ko 'yong isang in-can beer sa lamesa at binuksan 'yon. Hindi pala lalake, ha? Papatunayan ko sa kanya na kaya ko ring uminom ng beer! Manuod ka, Basti! Iyon nga ang ginawa ko. Matapos kong mabuksan 'yon, agad ko 'yong ininom. Dire-diretsong paglagok. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na 'yong 'di magandang lasa no'n sa dila ko. Gusto ko sanang iluwa pero kapag ginawa ko 'yon, pagtatawanan ako ng Basti na 'to. Kaya napilitan man, nilunok ko na rin. Kaya heto, uubo-ubo akong pilit tinitiis 'yong mapait na maasim na lasa no'ng beer. Pwe! Ano bang pinaggagagawa ko?! "Yan ang tunay na lalake," napatingin ako sa nagsalitang si Basti sa harap ko, naka-half smile ito na tila natuwa sa nasaksihan. "Masarap ba? Heto pa, oh." Itinulak niya 'yong isa pang in-can beer dahilan para mapunta ito sa harap ko. Nakangisi ang Basti na 'to at hinihintay na buksan ko 'yon. Parang siya 'yong kuya mong bad influence sa'yo na pinipilit kang mag-inom kahit 'di mo gusto. Binuksan ko 'yong beer at inamoy 'yon nang marahan. Nagsisi tuloy ako, dapat pala 'di ko na inamoy. Mas nakakasuka pala siyang inumin kapag naamoy mo 'yong aroma nito. Paano niya nakakayanan uminom palagi ng ganitong inumin? Ramdam ko pa rin 'yong init ng dibdib ko dahil sa naubos kong can ng beer kanina. For the first time, nakatikim din ako ng alak. Hindi ko akalaing dahil sa pagyayabang ko kay Basti ay magagawa kong ubusin 'yong isang in-can beer kanina nang biglaan. Lagot ako kila Mama at Papa kapag nalaman nila 'to. "Paano mo nakakayang umubos ng ilang can ng beer na 'to? Ang pait, eh. Hindi masarap!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsasalita. Totoo naman, eh. Ano kayang nakukuha ng lalakeng 'to sa pag-inom ng nakakasukang beer na 'to? Parang gusto ko tuloy ilabas lahat 'yong nainom ko na kanina. "Ang arte mo," sabi niyang ganyan sabay kuha no'ng beer na binuksan ko at nilagok 'yon. Mukhang inubos niya 'yon at napansin kong namunula na 'yong parteng pisngi niya. "Kung ayaw mo, e 'di wag kang uminom. Gano'n lang," seryoso niyang sabi na ikinagulat ko. Nagalit na agad siya? "Eh, bakit ka ba kasi umiinom? Noong isang araw lang, umiinom ka rin. Bakit lagi mo 'tong ginagawa? Anong benifits?" Seryoso kong tanong sa kanya na ngayo'y napatingin sa akin at tila hindi nagustuhan ang mga tinanong ko sa kanya. "Ano bang pakealam mo?" Inis niyang tanong. "Hindi mo alam ang dahilan kaya 'wag ka nalang magtanong." Sambit niya na lumagok ulit ng beer. Well, sorry siya pero mukhang alam ko ang dahilan. Ang 'di ko lang maintindihan, bakit kailangang tumakbo siya sa alak? I mean, imbes na i-clear ang lahat ng problema at 'wag nang problemahin pa ay heto siya dinadaan sa alak ang lahat. Kung alam lang niya na alam ko ang pinagdadaanan niya. Kung pwede ko lang sabihin at kung may pakealam lang ako para pagsabihan siya. Kaso, sa sungit ng Basti na 'to ay nakaka-walang gana siyang kausapin nang matino. Isa pa, wala din naman akong karapatan to give him words of advice para makatulong sa kanya. We are not even friends. Matatawag din ba kaming roommates kahit tinuturing namin ang isa't isa na 'di nag-e exist sa bawat sulok ng kwarto na 'to? So, paano ko kakausapin ang Basti na 'to sa maayos na paraan? Besides, I don't think he need an advice from me. Tingnan mo nga, oh? Naka-dragon mode na naman ang morenong lalake na 'to. Tiningnan ko siya na umiinom pa rin ng beer. Mapula na siya dahil siguro sa epekto no'ng alak. Mukhang may plano talaga siyang maglasing ngayong gabi. "Kahit 'di mo sabihin, alam kong dahil sa love kaya nagkakaganyan ka." Sambit ko kay Basti na napatingin sa akin ng seryoso. I know, hindi ko dapat kinakausap ang isang 'to pero hindi ko na napigilan magsalita. "Lahat naman halos ng mga tao ay pino-problema ang love, eh. Kapag nagmahal sila, masaya pero kapag nasaktan—magpapakalasing." Dagdag ko dahilan para tingnan niya ako gamit ang kanyang tila dragon look na tingin. "Ilang taon ka na ba?" Tanong nito. "Seventeen, bakit?" Kompyansa kong sagot. Napangisi siya tapos umiling. "Anong alam mo sa love?" Pambabara niya sa akin kaya't napakunot ang noo ko. "Bakit? Ikaw, ilang taon ka na ba?" "Twenty-one," tugon niya. Mas matanda nga siya sa akin ng apat na taon. Eh, ano naman kung mas matanda siya? At mas bata ako? Ibig sabihin ba no'n, wala akong karapatang magsabi ng kahit ano tungkol sa love? Yabang nito. "But you're right, umiinom ako ngayon dahil sa gagong love na 'yan." Sabi niya habang nasa beer ang tingin. "Break up, noh?" Ang feeling close kong pagtatanong kay Basti na tumingin muna sa akin at kumunot ang noo bago magsalita. "Okay lang sana kung normal na break up, eh. Matatanggap ko," uminom muna siya ng beer bago magpatuloy sa pagsasalita. "But I found out na may iba na siya before she broke up with me. It was kinda unfair. Hindi man lang niya sinabi," napailing ito at ngumiti. Iyong ngiting alam mong peke at hindi totoo. Nagulat ako sa narinig sa kanya. Does it mean, alam na niya 'yong totoo? Na may iba na 'yong girlfriend, I mean ex niya? At some point, nawala 'yong bumabagabag sa akin dahil ngayon ay alam na niya 'yong tungkol do'n. Kaya lang, I can see the sadness in his eyes ngayong kaharap ko siya. Malungkot 'yon. Iyong mga matang kahit 'di lumuluha, alam mong nasasaktan. "Sorry kung gano'n 'yong nangyari sa inyo," sambit ko sa nakayukong si Basti na hawak pa rin ang can ng beer. "Wala akong alam sa nararamdaman mong sakit ngayon pero alam ko, hindi madali 'yang ganyang pakiramdam." Hindi ko alam kung bakit ko 'to sinasabi sa kanya pero gusto ko siyang kausapin. Tumingin ito sa akin mula sa pagkakayuko, nakangisi at inis akong tiningnan. "Hindi mo maiintindihan because you're not the one who's left broken. Saka, anong alam mo sa ganito? Na-in love ka na ba? Nagmahal ka na ba nang sobra?" Litanya niya na feeling ko'y dulot na rin ng tama ng alak sa pang-apat na in-can beer na iniinom niya. "I don't need an opinion from a 17 year-old gay like you," ngumisi ito at pinagpatuloy ang paglagok sa beer na hawak niya. Napakunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya. Takteng tao naman 'to, oh? Ano bang problema niya sa akin at lagi nalang niyang pinamumukha ang pagkatao ko? Siya na itong dinadamayan kahit papaano, eh! Siya pa 'tong nagmamatapang! Nakakagigil na siya. Huminga ako ng malalim bago humugot ng lakas ng loob para magsalita sa kabila ng inis sa kanya. "Hindi pa ako nai-in love sa buong buhay ko. Hindi pa ako nagmahal nang sobra katulad mo. Pero kahit gano'n, alam ko 'yong pakiramdam na masaktan. Lahat tayo alam 'yon," sambit ko kay Basti na parang 'di naman ako pinapakinggan. "Kung nasaktan ka man sa taong minahal mo nang sobra, kahit masakit, tanggapin mo. Hindi madali, alam ko 'yon. Pero may nabasa ako, acceptance lang 'yong magpapalaya sa isang tao para magpatuloy sa buhay niya. At kung niloko ka niya, that's something you cannot change anymore. Past tense na 'yon. You need to move forward, you need to move on and continue your present life. You can, even if slowly, at least you're trying. Hindi 'yong nagpapaka-lugmok ka sa isang bagay na 'di na mababago pa. You just need to try and heal yourself by being better not worst. And maybe, you can prove to that person na she was wrong when she cheated and left you..." Mahaba kong linya na hindi ko rin alam kung saan nanggaling. Basta nalang 'yon lumabas mula sa bibig ko na parang isang mga kataga sa librong pang-pag-ibig. Mukhang pati si Basti nagulat sa mga narinig niya sa akin. Ako din naman, eh. Ano bang nangyari sa akin at bigla akong nagka-gano'n kanina? Nakatingin lang siya sa akin nang seryoso. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya pero I guess, wala na ako do'n. Isa pa, bahala na siya kung may na-gets man siya sa mga sinabi ko o wala. Ang akin, I gave my words of advice to him kahit 'di niya ito hinihingi. I just want to help. Malay niyo lang makatulong. But it seems, hindi siya interesado. Well, sino nga bang makikinig sa isang 17 year old na kagaya ko na apat na taon ang 'bata' sa kanya? In-excuse ko na 'yong sarili ko doon at lumabas na sa kusina. Agad akong humiga sa kama ko at doo'y pumikit. Ramdam ko ang presensya ni Basti na sa palagay ko'y pumunta na rin sa kama niya. Narinig ko din kasi ang pag-switch off ng ilaw. Nakapikit pa rin ako, not minding him. After a moment, nagulat ako nang magsalita siya. "Maybe you're right. I should try to move on..." Hindi ko 'yon pinansin. Halata sa boses niyang lasing siya. "Thanks, Patrick." Huling sabi niya kaya't nabigla ako. Hindi ako nagulat nang sabihin niyang Patrick instead of Potrick ang pangalan ko. For the first time in the history, may nasabi din siyang mabuti sa akin. Thank you is not that big deal pero kahit papaano, okay nang marinig 'yon sa kanya. Kahit na lasing lang siya kaya niya nasabi 'yon. At least, may sense din pala 'yong mga sinabi ko sa Basti na 'to kanina. Sa di ko maipaliwanag na dahilan, napangiti ako. √
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD