P O T R I C K
NANG tumunog ang alarm sa cellphone ko, bumangon na ako agad sa kama at hindi na nagpatagal pa. Alas sais pa lang ng umaga.
Napatingin ako sa kabilang kama, walang Basti na nakahiga doon.
Naglakad ako patungo sa banyo para maghilamos ng mukha. Matapos 'yon, ginawa ko na ang masarap na morning routine ko tuwing umaga. Alam kong ginagawa niyo rin 'to pagka-gising niyo. Actually, lahat tayo.
Ang uminom ng isang masarap at mainit na kape.
Malawak ang buong kwarto na 'to. May banyo at maliit na kusina kung saan pwede kang magluto at kumain. May maliit na refrigerator din dito na wala masyadong laman kung 'di pitsel ng tubig at mga in-can beers. I guess, sa Basti na 'yon ang mga 'to. Kanino pa ba?
Nakapagtataka lang kung bakit 'di man lang siya naglalagay ng mga pagkaing pwedeng maluto dito. Sayang kasi 'yong kuryente kung wala siyang iniimbak na pagkain man lang sa fridge. Napaisip tuloy ako kung paano siya kumakain ng breakfast o dinner? At paano siya nabubuhay sa mga in-can beers lang? Malamang ay sagana siya sa mga fast foods or 'yong mga easy to eat foods kung saan hindi na niya kailangang magluto.
Well, simula ngayon ay may purpose na ang refrigerator na 'yon. Mamaya, bibili ako ng pwedeng ilagay na pagkain doon. Marunong naman akong magluto dahil lumaki akong kanang kamay ni Mama kapag nagluluto siya sa kusina. Ako kaya ang taga-hiwa niya ng sibuyas at bawang palagi sa bahay. May itinuro din siyang mga easy food recipes sa akin na baka magamit ko daw pagdating ng araw. I think, ito na 'yong araw na 'yon.
Feeling ko tuloy sobrang independent ko na. Hays.
Umupo ako doon sa may study table na katabi ng kama ko. Hawak ang kape, nakaharap ako doon sa laptop ko at chine-check lang 'yong mga ni-research kong assignment kahapon. Mga kasabihan para sa aming Filipino Literature 1.
Relax na relax akong umiinom ng kape habang pinapalipas ang oras. Maaga pa kasi at ganito talaga ako, usually ay nag-a alarm ako ng advance para may time akong magchill. Matagal kasi talaga ako uninom ng kape tapos kaharap ko pa ang laptop ko, paminsan-minsan ay nakikinig din ako ng mga kanta at nagbabasa-basa ng mga libro. Basta, kahit anong bagay lang to start my day fresh and happy.
Magandang ang gising ko. Bukod sa nagising ako nang hindi nasisilayan ang Basti na 'yon ay naging maayos din ang aking unang gabi dito sa dorm. Siguro ay dahil na rin sa pagod sa klase at sa Café ay nakatulog ako agad kagabi. Ngayon, feeling ko ay fully-charged na ulit ako para ngayong araw.
Napatingin ako sa side ng kama ni Basti. Kung susumahin mo nga naman, malinis siya sa kwarto at hindi siya 'yong tipo ng lalakeng burara sa mga gamit. Maayos kasi ang pagkaka-salansan ng mga gamit niya mula sa study table nito hanggang sa maliit niyang book shelf. Iyong mga sapatos niya ay mayroon ding sariling lagayan kung saan 'yon nakaayos. Marami din siyang damit na naka-hanger according sa mga kulay nito. Hiwalay pa doon ang kanyang mga jacket at mga pantalon. Naaaliw akong tingnan ang mga kagamitan niya. Ang linis-linis at aakalain mo talagang napaka-responsable ng taong gumagamit ng mga 'yon. Well, sana kasing-ayos din ng mga gamit niya ang kanyang ugali.
Hindi ko maiwasang balikan sa isip ko ang nadatnan kong ginagawa niya kagabi. No, hindi ko nakita nang direkta 'yong p*********i niya and believe me na hindi ko 'yon gusto makita ever. Ang alam ko lang ay may pinapanuod siya at alam ko rin kung ano ang ginagawa niya ng mga oras na 'yon. Natural lang 'yon sa lalake, yes. Ginagawa naman 'yon ng karamihan, eh. Ang akin lang, alam na niyang may roommate siya pero hindi man lang niya ini-lock 'yong pinto bago siya gumawa ng ikakaraos ng kanyang sarili. Mukhang na-badtrip siya kagabi, as if naman sinadya kong maabutan siya habang ginagawa ang bagay na 'yon?
Umalis siya kagabi noong dumating ako at wala din akong napansing nagbukas ng pinto kung bumalik man siya, so baka hindi siya dito natulog. That's very okay with me. Kaya rin siguro maayos ang tulog ko dahil wala siya dito the whole night.
Nang maalala ko si Basti, may isang bagay pa akong naalala related sa kanya. Iyong necklace na nakita ko doon sa food hub na kinain ko mga ilang araw na rin ang nakalipas. Naiwan niya 'yong maliit na box no'n doon sa inupuan niya kaya kinuha ko. Ngayon ko nga lang ulit naalala 'yon, eh. Hindi ko pa naibabalik sa kanya.
Naghalungkat ako sa bag ko para hanapin 'yon, nakalagay kasi 'yon sa bag kung saan nandoon rin ang mga damit ko. Dinala ko nga pala 'yon para if ever na makita ko si Basti, maisauli ko sa kanya 'yon but I forgot about it dahil sa dami ng mga nangyari these past few days. Kinuha ko 'yon at muli kong inalis sa box ang silver na necklace na may dalawang letrang pendant. B and Y.
Hawak ko iyon at pinagmamasdan ang dalawang letra na pendant nito. Ang ganda nito tingnan at mukhang mamahalin pa ang itsura. Kung isang taong gipit ang nakakuha nito ay malamang agad na itong idiniretso sa pawnshop para isangla. Pasalamat nalang ang Basti na 'yon at ako ang nakakita nito. Malamang ay nabaliw na siya kakahanap nang malamang nawala niya ito sa kung saan.
Habang nasa gano'ng posisyon, bumukas ang pinto at doo'y nasilayan ko ang tila nanggaling sa kung saan na si Basti. Nakasuot ito ng sando at short na suot niya kagabi.
Nang makita ako ay gulat itong kumunot ng noo at tila bubuga na naman ng apoy sa itsura niya. Bakit na naman ba? Bakit gano'n na naman siya kung maka-tingin?
Then, napansin kong hawak ko pa rin pala 'yong kwintas na kanina ko pang pinagmamasdan. Doon pala siya nakatingin.
"Why do you have that?" Agad itong lumapit at walang-pakundangan na kinuha ang hawak kong silver necklace. "Saan mo 'to nakuha?" Iritado pa ang tono niya, ha? Imbes na tanungin ako nang maayos kung saan ko 'yon 'nakita', mas pinili niyang gamitin ang word na 'nakuha'. God, gagawin pa akong magnanakaw ng lalakeng 'to.
"Nakita ko 'yan doon sa food hub, naiwan mo sa upuan mo. So, I decided na itago and—" Well, hindi niya ako pinatapos sa aking pagsasalita. Bastos talaga siya.
"Bakit hindi mo ibinalik sa akin agad after you got it? O baka naman, wala kang planong isauli 'to?" May diin sa pang-aakusa niya sa akin kaya't napakunot agad ang noo ko sa inis. Seriously?
"Teka nga, bakit parang pinapalabas mo na may balak akong angkinin 'yan?" Inis kong tanong sa kanya at tiningnan ang kwintas na hawak niya. "For your information, matino akong tao at hindi ako basta-basta kukuha ng bagay na hindi sa akin at basta nalang mang-a angkin. Ibabalik ko naman 'yan sana sa'yo, eh. Hindi ko lang naalala dahil nagsimula na 'yong klase at marami din akong ginagawa," giit ko. Ano bang akala niya sa'kin? Nakakainis 'yong wala sa lugar niyang tono ng pakikipag-usap, eh.
"Still, you saw me more than twice these past days at hindi mo naisip na ibalik 'to sa'kin. Meaning, you're planning to keep it on your own 'diba? Alam mo ba kung gaano kahalaga sa akin 'to? Mahal ang ganitong kwintas. Siguro, pinag-isipan mo na rin 'tong ibenta ano? Am I right?" Sa tono ng pananalita niya ay obvious na obvious na pinagbibintangan niya ako na hindi ko na talaga balak ibalik sa kanya ang kwintas na 'yon. Bakit ba hindi siya maniwala na ibabalik ko naman 'yon sa kanya? Ang sakit niya magsalita, ah? Ako? Magbe-benta ng isang bagay na hindi naman sa akin? My God!
Inis ko siyang tiningnan. "Una sa lahat, wala akong pakealam dyan sa kwintas mo. Pangalawa, nagmagandang-loob lang ako na kunin 'yan para isauli sa'yo. At pangatlo, hindi ako katulad ng iniisip mo. Ngayon, nasa 'yo na 'yang necklace mo. Thank you, ah?" Pang-sa sarkastiko ko sa kanya dahil sa sobrang pagkainis na hindi ko na napigilang lumabas sa bibig ko.
Hindi ko na siya hinintay magsalita, bagkus ay kinuha nalang 'yong tuwalyang nasa kama ko at dumiretso na sa banyo.
Ang aga-aga, hindi na maganda ang simula ng araw ko. Ako na nga itong may planong isauli sa kanya 'yong kwintas na 'yon, ako pa 'tong napa-sama? Ano bang klaseng utak at ugaling mayroon ang Basti na 'yon?
Paglabas ko ng banyo, nakita kong nagbibihis na rin si Basti na wala yatang planong maligo. Tumingin pa ito sa akin nang seryoso pero hindi ko siya pinansin. Naiinis ako sa mga sinabi niya sa akin at lalo lang nadagdagan 'yong pagkamuhi ko sa kanya. Ang tindi kasi niya mangbintang, wagas eh. Nakakainis.
Nagmadali na akong magbihis dahil 30 minutes nalang ay simula na ng unang klase ko. Matapos masigurong okay na lahat ng gamit ko, lumabas na ako ng dorm para makahinga nang maluwag. Ang sikip-sikip kasi sa feeling habang nando'n rin si Basti sa kwarto na 'yon. Ewan ko ba? Nakaka-badtrip 'yong presence niya!
Ni-hindi man lang siya nagpasalamat nang kunin niya 'yong necklace na 'yon. Kahit sana wala ng thank you, basta kinuha niya nalang at wala na siyang sinabi pa. Kaso, jinudge pa ako. Kung alam ko lang na gano'n pala ang mangyayari, sana talaga hinayaan ko nalang 'yong kwintas na 'yon doon sa food hub na 'yon at makuha ng iba. Hays.
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo Pot? Ke-aga aga, naka-busangot ka. Anong nangyari sa'yo?" Pagtataka ni Dori nang makarating ako sa classroom namin.
"Wala, hindi lang maganda ang gising ko ngayong araw." Tugon ko, wala rin kasi akong balak i-kwento pa 'yong nangyari kanina dahil ayoko nang maalala pa kung paano sinira ng Basti na 'yon ang umaga ko.
"Sigurado ka? Eh, bakit parang badtrip na badtrip ka yata? May nang-away ba sa'yo? Ano, sabihin mo at re-resbakan natin!" Pangungulit pa ni Dori pero umiling ako.
"Wala. Okay lang ako, Dori." Sagot ko sa kanya dahil wala ako sa mood na magpaliwanag kung bakit ako ganito. Sakto namang dumating ang propesora namin kaya hindi na siya nagtanong pa.
"Okay, Pot!"
Nagsimula na 'yong klase namin at medyo kumalma na rin 'yong mga nerves ko. Parang na-high blood ako kanina dahil sa naging sagutan namin ni Basti kanina about do'n sa kwintas, but now ay okay naman na ako.
Though, naiinis pa rin ako sa kanya at sa ugaling mayroon siya.
Lunch break na pero hindi ko kasama si Dori, may club daw kasi siyang sasalihan kaya't kailangan niyang mag-audition doon. Pinipilit pa nga niya akong sumama sa kanya, support daw but I made an excuse na kailangan kong magbanyo kaya hindi na niya ako pinilit. Mabuti nalang at nakita ko si Andrew kanina, I asked him na samahan si Dori sa audition nito. At ang baliw kong kaibigan, hindi maitago ang happiness. I hope na kung ano mang club 'yong sasalihan niya, sana maka-pasok siya. Tiwala naman ako do'n, lalo pa ngayon na may inspirasyon na siya ulit.
Wala lang talaga ako sa mood kanina. Tapos na akong magluch sa cafeteria at ngayon ay naglalakad-lakad nalang sa campus. Mababa ang sikat ng araw ngayong tanghali kaya hindi ayos lang na maglakad ako ng walang payong.
Dinala ako ng mga paa ko sa parteng greenhouse ng university, malapit doon sa mga benches kung saan tumatambay ang ilang estudyante kapag ganitong lunch break. In-enjoy ko lang ang pagtingin-tingin sa mga halaman at mga bulaklak sa garden. Somehow, it made me feel relaxed.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa mga benches nang mapansin ang pamilyar na mukha na nakaupo sa isang bench sa di-kalayuan. Si Nick iyon.
All of a sudden, naging mas light 'yong mood ko at nakaramdam ako ng tuwa. Hindi ko maiwasang mapangiti every time na makakasalubong o makikita ko siya. May something sa kanya na ang gaan-gaan sa kalooban ko kapag kausap ko siya o kahit ma-sulyapan lang ang itsura niya.
Parang I found peace inside nang makita siyang mag-isa doon sa bench at may binabasang libro.
I felt the urge na lapitan siya doon.
Napansin na niya ako bago pa man ako tuluyang makalapit sa kanya, agad siyang ngumiti at ngumiti rin ako bilang ganti.
"Oh, Pot? What are you doing here? May kailangan ka ba?" Mahinahon niyang tanong at isinarado ang libro na hawak niya.
Umiling ako nang mabagal bago ngumiti. "Naglalakad-lakad lang ako kanina malapit sa greenhouse tapos nakita ko 'tong mga bench," tugon ko. "Pwede bang makiupo?" Tanong ko at agad naman siyang naglagay ng space sa kanyang inuupuan.
"Sure," sabi niya. "Naglunch ka na ba?" Tanong niya kaya't napangiti ako at tumango sa kanya.
"Tapos na." Sabi kong ganyan. "Ikaw?"
"Tapos na rin ako, Pot. Dito ako madalas umupo kapag wala akong masyadong ginagawa to read a book," ngumiti ito sabay pakita ng libro niya.
Napatingin naman ako doon sa title ng libro na kanina'y binabasa niya. "Romance book? Mahilig ka magbasa ng love story?" Tanong ko pero in a good way, ayoko kasing ma-offend siya. Tumango si Nick.
"Since childhood, nagke-kwento na sila Mom and Dad sa amin ng mga kapatid ko about sa love story nila at kung gaano ka-powerful ang love. Kaya 'yon, naging hilig ko na ang magbasa ng mga ganitong genre. At least, totoo ang mga nakalagay sa libro 'diba?" Paliwanag niya. Medyo nabigla ako dahil isang napaka-gwapong lalakeng kagaya niya ay may ganito ring side. Saan ka makakakita ng lalakeng mahilig magbasa ng romance book? At naniniwala sa power of love?
Tumango ako at nginitian siya. "Ako din naman, eh. Mahilig din ako sa mga romance stories. Sa mga movies nga lang, hindi kasi ako masyado nagbabasa pero kapag trip ko ay bumibili ako ng libro. Pero madalas, mga romance movies din 'yong pinapanuod ko." Pag-amin ko, somehow kasi ay naka-relate ako sa kanya.
"Talaga? Ayos kung gano'n, Pot. Pero dahan-dahan lang sa love, you're too young pa." Hindi ko alam kung binibiro niya ako or what pero tumawa naman ako.
"Seventeen na kaya ako," nakangiti kong tugon sa kanya. "Ikaw ba? Ilang taon ka na?" Tanong ko sa kanya even though, halatang hindi na siya teen.
"I'm 21," nakangiting sabi ni Nick sa akin. Mas matanda siya sa akin ng apat na taon. May-kalayuan din pala ang agwat ng edad namin. Gano'n pa man, okay lang 'yon. Gusto ko pa rin siya.
Ngumiti ako. "Four years din pala," sambit ko na tinutukoy ang agwat namin ni Nick.
Tumango siya. "You look like your brother," nagulat ako sa tinuran niya. Ako? Kamukha ni Kuya Peter? Hindi ko alam 'yon, ah? "Siguro kapag naging kasing-edad ka niya, you will look like him totally." Pagpuna nito habang tinitingnan ako. Teka, bakit napunta ang usapan kay Kuya Peter? Magkamukha ba talaga kami? Pero sabagay, 19 years old si Kuya Peter at 2 years lang naman 'yong agwat naming dalawa kaya 'di malayong maging magkamukha kami. Isa pa, kung 'di niyo alam, gwapings din si Kuya noh.
"Siguro, konti." Awkward kong tugon kay Nick na napangiti naman. "Pero, mas cute ako kay Kuya Peter." Biro ko kaya't napailing siya habang nakangiti. Ang lakas din talaga ng loob ko, e 'noh?
"Where is your friend? 'Yong palagi mong kasama," tanong pa nito. Ah, si Dorothy 'yong tinutukoy niya.
"Si Dori? Nag-audition siya sa isang club dito sa university, hindi ako sumama. Wala kasi ako sa mood," sagot ko.
"Bakit? May nangyari ba?" Tanong niya. "You can tell me kapag nahihirapan kang mag-adjust sa university. I can give you some advice if you want," offer niya pero umiling lang ako at ngumiti. If I can only tell him na dahil sa Basti na 'yon kaya nawala ako sa mood today.
Then, all of a sudden, naalala kong isa nga pala sa mga kaibigan niya si Basti.
"Ah, okay lang ba kung may itatanong ako sa'yo?" I asked.
"Sure, anything basta masasagot ko." Ngumiti siya.
"Tungkol do'n sa isa mong kaibigan, si Basti. Roommate ko kasi siya," sambit ko kay Nick.
"Really? That's good," napailing ako sa sinabi niya. Anong 'good' doon? "What about him?" Tanong niya.
"Gano'n ba talaga 'yon?" Sabi kong ganyan with pagkunot pa ng noo. Hindi niya yata naintindihan 'yong ibig kong sabihin kaya inulit ko ng isa pa. "Gano'n ba talaga 'yong tao na 'yon? I mean, para siyang palaging galit sa mundo." Paglilinaw ko at tiningnan si Nick na ngayo'y nakatawa nang kaunti.
Umiling siya bago nagsalita. "Gano'n lang talaga si Basti but believe, mabait 'yon." This time, ako naman 'yong natawa.
"Mabait? Saang banda?" Pagtawa ko na hindi makapaniwala sa sinabi ni Nick. Ang Basti na 'yon, mabait? Paano naman niya nasabi? At bakit hindi ko maramdaman? "Eh, mula nga noong unang beses kaming magkita ay palagi nalang siyang inis na inis sa akin. Wala naman akong ginagawa," pagke-kwento ko.
"Ugali na niya talaga ang pagiging suplado, sanay na kami sa kanya. But, he's kind. Siguro ay naging mas mainitin lang ang ulo niya dahil sa break-up nila ng girlfriend niya," tugon ni Nick kaya napakunot ang noo ko. Girlfriend? Naalala ko 'yong one time na nakita ko siya na sinampal ng babae doon sa labas ng isang fast food resto. Hindi kaya iyon 'yon? "Mas naging moody siya these past weeks. Well, I understand him kasi mahal na mahal niya 'yong babae na 'yon." Pagpapatuloy niya kaya medyo na-curious ako. Nang dahil lang sa isang babae, nagkakagano'n siya? Kung tama ang hula ko, iyon din 'yong babae sa Café na ang pangalan ay Yna. Iyon nga ba?
"Pwede naman kasing magmove on nalang, eh. Bakit niya pinapahirapan pa 'yong sarili niya?" Sambit ko.
"Matagal din sila no'n, mga 3 years. Kaya hindi siya makapag-let go nang gano'n-gano'n nalang. He really love Yna," nang marinig ko 'yon, confirmed! Ang babaeng 'yon nga ang girlfriend ni Basti or maybe ex. Pero bakit siya hiniwalayan nito? Baka natauhan dahil sa ugali ng lalake na 'yon?
Ayoko mang itanong 'to pero dala na rin ng curiosity ko, itatanong ko na.
"Bakit siya hiniwalayan no'ng babae?" Tanong ko kahit ang chismoso ko pakinggan. Wala ako sa lugar pero bakit ba sobrang interested ako sa kwento ng Basti na 'yon?
"Actually, I don't know." Ngumiti si Nick. "Basti told us na break na sila. That she broke up with him with no valid reason. Basta nalang," tumingin ito sa akin at ngumiti nang kaunti. Nang marinig ko 'yon ay parang may kirot akong naramdaman sa loob ko. Ouch.
Really? Nakipagbreak sa kanya 'yong babae na walang binibigay na dahilan? Ni-wala man lang it's not you, it's me? Ang hirap no'n, men! Ang saklap naman pala ng sinapit ng Basti na 'yon.
Hindi ako nagsalita. Wala naman akong mai-co-comment pa. Ano bang dahilan para hiwalayan siya ng babae na 'yon? Maliban sa ugali niyang magaspang, ano pa ba?
May naalala ako.
Noong time na nakita ko sa Café 'yong Yna, may kasama siyang lalake no'n. Base sa nakita ko sa kanilang dalawa, hindi lang sila basta magkaibigan. They kissed. May something sa kanila. Oo, tama 'yon nga!
Iyon ba ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang babaeng 'yon kay Basti? And that moreno-guy don't have any idea kung bakit siya hiniwalayan nito? God.
Maybe the conclusion is may iba na ito bago pa man siya makipaghiwalay kay Basti.
Napailing ako nang mapagtugma-tugma ang mga nasa isip ko.
Kung tama ang mga hinala ko, isa lang ang ibig sabihin nito.
Kawawang Basti.
√