P O T R I C K
YESTERDAY shocked me.
Sino bang 'di magugulat kapag nalaman mo na 'yong taong pinaka-ayaw mong makita ang makakasama mo sa isang kwarto for the whole year.
Yes, I was suprised nang malaman kong nire-require ng EMU ang mga first year student na kagaya ko to live in a dormitory.
Pero mas nakakagulat pala na malaman kung sinong makakasama ko sa kwarto na 'yon.
Say, I will be living in a dorm with a jerk. Well, sino pa ba ang tinutukoy kong 'jerk' but no other than Basti—the 'moreno' guy.
I saw him half-naked na kalalabas pa lang ng banyo that time, gulat na gulat din siya like me. Kung maka-what the f*ck are you doing here siya ay akala mo naman ay ginusto kong mapunta sa kwartong 'yon. Sisihin niya 'yong admin na nag-assign sa akin sa kwarto niya.
Bakit parang may resemblance 'yong number 53 sa mga pangyayaring 'to? Nagsimula ito lahat doon sa grocery store noong nagkulang ako ng fifty-three pesos, that was 2 months ago. I saw him there with Nick. Tapos ngayon, makakasama ko ang Basti na 'yon sa kwartong may numerong 53 din? Sa kamalas-malasan naman, oh?! Mukhang bad luck ang hatid sa akin ng number na 'yon.
He obviously don't want to share the room with me. But men, ako din ano! The feeling is mutual. Kung may choice nga lang ako ay hindi ako mananatili sa kwartong 'yon kasama siya. If I could only choose another room, gagawin ko 'yon. But unfortunately, I can't.
Hindi ko na mababago pa ang lahat. Nang pumunta kasi ako kahapon doon sa administration office para magpapalit ng kwarto, hindi nila ako pinayagan. They just told me na lahat ng room numbers ng mga estudyante ay finalized na at hindi na pwedeng baguhin pa. It's kind of unfair din daw sa ibang first year student na gaya ko kapag pinagbigyan nila ako sa gusto kong mangyari.
Kaya wala akong nagawa kung 'di ang manlumo, manghinayang, magsisi at masuklam sa kapalarang aking natamo. Wala na.
Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng mga fourth year student doon, siya pa 'yong makakasama ko sa kwarto na 'yon?
Walang nangyayaring maganda kapag nakikita ko 'yong pagmumukha niya and I guess, gano'n rin siya towards me. Kaya 'di ko mapigilang mainis sa walang-hiyang tadhana na 'yan. Ano bang trip niya? Gusto yata nitong pagsabungin kami ng Basti na 'yon, eh. Kagigil!
Mapapakanta ka nalang talaga ng...
♪ ♬ Oh Diyos ko! Ano ba naman ito? 'Diba? Sheng ama! ♬ ♪
Kahit ano pang gawin ko, that's no use. Hindi ko na mababago pa ang masalimuot na katotohanan. Starting tonight, sa dorm na ako matutulog kasama ang lalake na 'yon. Hays.
"Really? Iyong lalakeng natapunan mo ng kape sa Café, dito siya nag-aaral?" Reaksyon ni Dori nang sabihin ko sa kanya na makakasama ko si Basti sa dorm. I even told her na ilang beses na rin kaming nagka-tagpo ng moreno guy na 'yon at nagulat naman siya. "Bakit 'di mo 'to nabanggit sa akin, Pot? Wala kang nake-kwento about sa kanya. Ang alam ko lang talaga ay 'yong incident sa Café. Nagtatago ka na ng mga sikreto sa akin, ha?!" Isang hampas ang tinamo ko galing sa kanya. Napa-ouch ako nang mahina. Para kasi siyang baliw, eh.
Sumimangot ako. "Hindi naman kasi gano'n kahalaga, eh. Saka, hindi ko naman siya kilala talaga. Nagkakataon lang na nagkakatagpo kami ng landas kahit hindi ko siya gustong makita. Nakakainis nga, eh. Siya pa talaga 'yong makakasama ko sa dorm." Paliwanag ko kay Dori habang kumakain ng chichiria dito sa may Cafeteria. Break time pala namin, anyway.
Dumampot ulit siya sa hawak kong chips bago nagsalita. "Hindi kaya may reason kung bakit kayo laging pinagtatagpo ng tadhana?" Nanlaki ang mga mata niya at bigla niya akong hinampas ulit sa braso. Nakakarami na 'to, ah? "Oh em ji, Pot! Baka kaya gano'n kasi para kayo sa isa't isa! Gano'n 'yon, 'diba? Oh my gosh, Pot! Baka siya na 'yong 'the one' na matagal mo nang hinihintay!" Kiniliti pa ako nito sa tagiliran habang nakangiti akong inaasar.
Agad akong nandiri sa pinagsasabi niya. "Tumigil ka nga, Dori! Anong 'the one' na matagal ko nang hinihintay, ka dyan? Wala akong hinihintay, noh. Isa pa, ni-hindi ko nga kilala ang Basti na 'yon eh. Saka, hindi ko siya type!" Halos umarte akong nasusuka para lang ipakita kay Dori na nasusuklam ako sa mga ideyang pumapasok sa kukote niya.
"Wow, ang OA mo naman! Ano bang ayaw mo do'n kay Basti? Bakit ba parang suklam na suklam ka sa kanya?" Pagtataka nito, kailangan ko pa bang i-explain sa kanya? Sapat na siguro 'yong nakita niyang attitude nito doon sa Café para sagutin ang tanong niya. "Masungit nga ang lalake na 'yon at iritado kung titingnan pero aminin mo Pot, ang gwapo niya 'diba? Bagay na bagay 'yong moreno-look niya sa kanya. Mukha nga siyang tisoy kahit hindi siya maputi, eh." Dagdag pa ni Dori na napansin din ang mga bagay na pisikal kong napansin kay Basti.
Umiling ako at sumimangot. "Kahit gaano ka-gwapo o ka-ganda ang isang tao, kung hindi maganda ang ugali ay wala rin." Sambit ko at sumubo ng chichiria. "Basta, hindi ako kumportable kapag nakikita ko siya. But now, I have to deal with his presence dahil tanggapin ko man o hindi, makakasama ko pa rin siya sa dorm." Walang gana kong pahayag.
"Malay mo naman," sabi ng nakangiting si Dori kaya't tiningnan ko siya nang seryoso.
"Anong 'malay ko naman' ?"
"Malay mo naman may chance kayong dalawa," nakatawa na siya ngayon kaya napailing lang ako habang kumakain ng chichiria.
"Malay mo naman baka ma-late na tayo dahil sa dami mong sinasabi. Halika na nga!" Tumayo na ako at gano'n rin siya na nang-aasar pa rin.
Kami? Ni Basti? May chance? May chance na ano? Mag-kasundo? Pwe!
Baka may chance nga, may chance na lalo pa kaming magkagulo dahil sa iisang kwarto lang kami nakatira.
Bakit ba feeling ko, paliit nang paliit ang mundo para sa aming dalawa ng Basti na 'yon?
Wala lang talaga akong amor sa mga taong kagaya niya. Alam niyo naman siguro kung paano siya mag-ugali, 'diba? Bastos. Mayabang din siya at nakakainis 'yong seryosong pagtitig niya. Ayoko sa gano'n.
And one more thing, naalala ko 'yong sinabi niya sa akin noong minsang kumain ako sa isang bagong bukas na food hub. I know, you're gay. And I hate gays. That's it! Hindi ko rin 'yon makakalimutan.
Hindi ako straight at kahit hindi ko mai-label 'yong sarili ko as gay, gano'n na rin 'yon. The thing is, hindi pa rin ako straight kasi nagkakagusto ako sa lalake. Sa madaling salita, tama ang hula niya sa pagkatao ko. Meaning, ayaw niya sa mga katulad ko. Kaya sige nga, paano kami magkakasundo ngayon?
Besides, ayoko rin sa mga katulad niyang straight nga pero hindi naman marunong gumalang ng pagkatao ng iba.
Sige na, aaminin ko na! Na-offend ako noong sinabi niyang he hate gays kasi isa ako sa mga 'yon and obvious namang ako 'yong tinutukoy niya doon sa statement niyang 'yon. That's also the reason kung bakit gano'n nalang ang pagkamuhi ko sa kanya. He don't like me? Well, I also feel the same way down to my core.
Now tell me, paano magkakasundo ang katulad naming dalawa na ayaw at kinamumuhian ang isa't isa?
See? I just can't! Argh!
After our last class, dumiretso kami ni Dori sa Café to do our shift.
And nga pala, Andrew is also here. Katulad namin, part-timer na din siya ngayong may klase na ulit. Kaya itong si Dori, happy dahil pare-pareho ulit kami ng shifts. Or mas tama yatang sabihin na, natutuwa siya dahil kasama at nakikita niya pa si Andrew kahit nagbago na ang shift niya. Ano na kayang update sa getting-to-know stage ng mga 'to? Hindi man lang kasi nagke-kwento sa akin si Dori, eh.
"May progress na ba?" Tanong ko nang makalapit kay Dori na naglilista ng mga orders kanina. Kinuha ko 'yong pamunas at nakangiting tumingin sa kanya habang nililinis ang counter.
Tumingin ito sa akin with a confuse look. "Progress? Saan?" Tapos, bumalik ulit siya sa paglilista doon sa notebook na hawak niya.
"Sa inyo ni Andrew," itinuro ko gamit ang aking nguso si Andrew na nagse-serve ng kape sa ilang tables. Napatingin naman ito sa akin at tila awkward na kumunot ang noo. Para siyang kinikilig nang banggitin ko 'yon pero at the same time, pinipigilan niya.
"Wala pa," iyon 'yong unang tugon niya. "But seriously, mukhang mabait talaga si Kuya Andrew. Oo na, sige. Gusto ko 'yong attitude niya bilang lalake. Gusto ko din 'yong humor niya." Nakangiti nitong sabi na natigilan sa pagsusulat at ngayo'y nakatingin na kay Andrew doon sa malayo.
Napailing ako sabay ngiti. Patawag-tawag pa kasi siya ng Kuya, mukhang gusto din naman pala niya.
"In short, you also like him." Sambit ko na patuloy sa pagpupunas ng counter. "Bagay kayo," compliment ko dito na agad namang nagpangiti sa kanya.
"Ano ka ba, Pot! Huwag ka ngang ganyan," pagtawa nito at mahina akong hinampas sa braso. Hobby na kasi niya 'yon.
"Sus, huwag na kasi pakipot okay? Basta, don't rush." Ang magulo kong tugon kay Dori na napatingin sa akin at tila naguluhan din sa narinig.
"Huwag pakipot tapos don't rush? Ano 'yon?" Umiling ito na animo'y natawa sa sinabi ko. "Syempre, I need to make pakipot muna at first para sure kung hanggang saan siya tatagal. I mean, kung talagang gusto niya ako ay maghihintay siya at hindi magmamadali. You know naman, lahat halos ng naging boyfriend ko ay madali lang akong napa-sagot dahil sa pressure na ginawa nila sa akin. This time, mag-iingat na talaga ako." Paliwanag nito at ngumiti, gano'n rin ako. At least, kahit kaunti lang ang progress sa kanila ni Andrew ay may progress namang malaki sa pag-iisip nitong si Dori. She learned her lesson na talaga.
"Okay, as you say so!" Pag-sang ayon ko kay Dori na may point din naman pala ang sinasabi kahit minsan.
Matapos 'yon, nagpatuloy lang ako sa paglilinis, siya naman sa paglilista at si Andrew naman sa pag-a ayos din ng mga table habang wala pa masyadong customers na dumadating.
Mag-e eight na noong may mga dumating na ilang customers kaya kahit papaano ay may ginagawa kami ni Dori at Andrew.
Isang oras nalang ay out na naming tatlo at may mga ibang crew namang papalit sa amin para mag-duty.
Medyo tinatamad at inaantok na ako dahil galing kami sa maghapong pagpasok sa school. Tapos, dito pa kami dumiretso after class. Kaya natural lang na makaramdam ako ng pagod at pagka-lanta.
Nawala bigla ang antok ko nang masipat ang taong pumasok sa Café. Napangiti ako nang masilayan ang kanyang maamong mukha.
Parang bigla akong nagka-energy nang makita si Nick na papunta sa counter kung saan ako naka-pwesto.
Agad itong ngumiti dahilan para mas lumawak pa ang ngiti ko. Nakasuot siya ng isang puting t-shirt at jogger short. Kahit ang simple ng suot niya, napaka-gwapo pa rin niya tingnan.
"Hi, welcome to Express You Café!" Energetic kong bati sa kanya na tila natawa sa lakas ng pagbati ko. "What's your order, Sir?" Pormal kong tanong sa kanya at hindi ko pa rin maalis sa labi ang ngiti dahil kaharap ko ngayon ang lalakeng gustong makita ng mga mata ko kanina pa.
"Isang Expresso lang for me, please." Nakangiting tugon niya at in-abot ang 200 pesos na hawak.
"Right away, Sir!" Kinuha ko 'yong 200 pesos niya at sinuklian siya. "Ise-serve ko nalang 'yong kape sa table niyo, Sir." Ngumiti ako at in-abot ang resibo sa kanya.
"Thank you, Pot." Sambit niya nang may ngiti sa labi bago tumalikod at naghanap ng mauupuan.
Kung pwede lang akong magcollapse ngayon ay kanina pa nangyari dahil sa kilig dulot ng pagtawag niya sa pangalan ko. And he called me not only by my name as Potrick but as 'Pot'! Imagine that?! Tinawag niya akong 'Pot' for the first time in forever, men! Ang sarap kiligin!
Sa kalagitnaan ng pagngiti habang ginagawa ang kape ni Nick, lumapit sa akin si Dori at bigla akong tinusok nito ng kanyang daliri sa tagiliran. Napa-react ako ng 'aw' dahil sa ginawa niya. Ano ba 'tong si Dori!
"Bakit mo ginawa 'yon? Kapag 'tong kapeng ginagawa ko, natapon. Makikita mo, Dorothy." Umiling ako at hindi siya pinapansin. Nakangiti pa rin ako habang nagtitimpla ng Expresso.
"Bakit ang hyper mo kanina? At sino 'yong lalake na 'yon, bakit gano'n ka nalang makangiti?" Pag-uusisa ni Dori na pilit akong tinitingnan habang may pagdududa-look sa kanyang mukha na biglang nawala at napalitan ng pagngiti. Iyong ngiting parang baliw. "Crush mo si Kuyang Maputi, noh?! Umamin ka, Potrick! Ano? Crush mo 'yon? Saan mo 'yon nakilala, ha?! Ikaw, ha!" Natatawang pang-co corner sa akin ni Dori so no choice ako kung 'di ang sagutin siya, ang ingay niya kasi eh.
"Ang ingay mo dyan, babaan mo nga 'yang boses mo. Mamaya, marinig ka no'n eh." Paninita ko sa kanya bago ngumiti. "Kaibigan siya ni Kuya Peter. Natutuwa lang ako kapag nakikita ko siya kaya hindi ko mapigilang ngumiti " Sagot ko at tinapos na ang Expresso na ginagawa ko kanina.
"Edi crush mo nga! Ito talaga, hindi nalang diretsuhin eh. Anong pangalan niya?" Ang sabik na tanong ni Dori sa akin at tinusok ulit ako sa tagiliran kaya napa-aw ulit ako. Kainis.
"Nick."
"Aba, kaya pala nick-kikilig ka kanina pa!" Natatawang hirit ni Dori kaya't napailing ako na medyo natawa rin. Akalain mo, naisingit niya pa 'yon?
"Baliw ka talaga!"
"Pero teka, parang nakita ko na siya dati? 'Diba siya 'yong kasama no'ng sinasabi mong Basti dito noon sa Café? As I remember, lima sila eh. Siya nga ba 'yon?" Pilit niyang inaalala 'yon kaya para hindi siya mahirapang mag-isip, tumango na ako agad.
"Siya nga 'yon," sabi kong ganyan bago ilipat sa counter 'yong kape.
Tinapik naman ako ni Dori sa balikat na animo'y tuwang-tuwa sa nalaman.
"Alam kong hindi mo na tatawagin si Andrew para magserve ng kape na 'yan dahil ikaw na mismo ang maghahatid niyan sa kanya, 'diba? Nahulaan ko ba 'yong plano mo, Pot?" Nakatawa siya na parang nang-aasar kaya napangiti ako. Pati 'yon, nahulaan niya pa? Iba din talaga 'to si Dori, e noh?
Ginawa ko nga ang nahulaan niyang gagawin ko. Ewan, basta nalang akong sinipag na magserve ng kape kahit si Andrew naman talaga 'yong taga-serve sa mga customers.
Sa ngayon, ako muna. Syempre, gusto kong ako ang magserve kay Nick. Gusto kong makita ulit siya nang malapitan.
Habang palapit sa table niya, napatingin ako sa may counter kung saan nakatawa ang baliw na si Dori doon habang naka-heart sign ang mga daliri at tila chini-cheer ako. Baliw talaga ang isang 'yon!
Napailing lang ako bago nagpatuloy sa paglapit sa table ni Nick.
Tumigil ako sa table na kinauupuan niya at marahang inilapag 'yong kape doon. "One Expresso," ngumiti ako at natigil siya sa pagta-type sa kanyang phone para kunin 'yon.
"Thank you," sambit niya at ngumiti bago uminom ng kaunti sa mainit na kape. Aalis na sana ako pero bigla siyang nagsalita. "Oh, kamusta pala 'yong first day mo kahapon?" Tanong niya na obviously, tinatanong 'yong araw ko kahapon as first year college sa parehong university na pinapasukan niya.
"Okay naman, happy kahit papaano." Tugon ko sa kanya. At dahil nga hindi lubos ang saya ko kahapon dahil sa nalaman kong roommate ko pala si Basti, hindi 'yon gano'n ka-happy ang first day ko.
"Ayos kung gano'n. Your brother asked me a favor to look after you. Kaya if you happen to ask something or if you need some help, do not hesitate to ask me. Nga pala, I live in room number 55." He said, politely.
Medyo nabigla ako sa sinabi ni Nick. Seriously, sinabi ni Kuya Peter sa kanya na tingnan-tingnan ako habang nasa university? God, nakakahiya! Hindi naman na ako bata para gawin pa niya 'yon and damn, kay Nick pa?!
"Ah, pasensya ka na kay Kuya ah? Hindi ko alam ang tungkol do'n. Don't worry, hindi mo 'ko kailangang bantayan or what. Huwag mo masyadong seryosohin 'yong sinabi ni Kuya," nahihiya kong sabi kay Nick at awkward na ngumiti sa kanya.
He took a sip from his coffee bago tumingin sa akin at nagsalita. "No, it's totally fine. Isa pa, I don't want to disobey your brother at syempre ikaw, gusto kong okay ka habang nasa university ka." Isa ngiti iyong ibinigay niya matapos niyang sabihin 'yon.
Napakunot medyo 'yong noo ko at awkwardly smile at him. He don't want what, again? Ayaw niya daw suwayin 'yong pakiusap ni Kuya Peter sa kanya? But why? Bakit ba ang daming hindi sinasabi sa akin ni Kuya na nalalaman ko nalang kapag kaharap ko na 'tong si Nick? Parang ang dami niyang tinatago.
Well, kahit naguguluhan at nahihiya ay sumang-ayon nalang ako kay Nick.
"Kung 'yon ang gusto ni Kuya for me, ikaw bahala. Pero okay pa rin naman ako kahit hindi mo 'ko tingnan-tingnan. But, thank you!" Sambit ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.
"You're welcome, Pot. You're like a brorher to me na rin dahil sa Kuya mo," tugon nito kaya't medyo napa-kunot ang noo ko. "What I mean is, kaibigan ako ng Kuya Peter mo kaya parang kapatid na rin ang turing ko sa'yo," ngumiti ito at tumango nalang ako pero bakas sa mukha ko ang pagka-dismaya sa narinig sa kanya.
A brother? Parang kapatid ang turing? God! Ano ba naman 'yan? Deep inside, hindi lang Kuya ang tingin ko kay Nick tapos siya, just because he's Kuya Peter's friend—parang kapatid 'lang' ang turing niya sa akin? No, ayoko!
Si Kuya naman kasi, eh. Ginagawa akong bata! Pa-favor-favor pang nalalaman kay Nick, ayan tuloy!
Ah, basta! Hindi pa rin nagbabago ang isip at pagtingin ko kay Nick. Gano'n pa rin, no matter what! Papatunayan kong hindi ako basta 'kapatid' lang para sa kanya!
In-excuse ni Nick ang sarili niya nang may ma-receive itong text at tila iyon ang hudyat na aalis na siya, mukhang may pupuntahan yata.
Kung sino man 'yong nagtext na 'yon, nakakainis siya. Hindi pa kami tapos mag-usap ni Nick, eh. Ni-hindi pa rin niya nauubos 'yong kape niyang ginawa ko. Hays, ang bilis niyang umalis.
Sa pag-alis ni Nick, medyo naramdaman ko na ulit 'yong antok at pagod na nararamdaman ko kanina. Ang astig, 'diba?
Mapapakanta ka nalang talaga ng...
♪ ♬ Nawawala, bumabalik, heto na naman! ♪ ♬
Ilang minuto pa, dumating na ang oras para mag-log out kaming tatlo nila Dori at Andrew. Dumating na rin 'yong ibang crew na papalit sa amin ngayong gabi.
Finally, makakapagpahinga na rin.
Siya nga pala, nasabi ko na kila Mama at Papa 'yong tungkol sa dorm thingy sa East Middleton and surprisingly, pumayag sila at okay naman sa kanila na tumira ako sa dorm ng university. Kaya heto, happy ako.
Si Dori naman, ako na mismo ang nagpaliwanag kay Tita Lourdes at Tito Dorotheo na required kaming mag-dorm and in-assure ko naman silang safe doon at magkasama naman kami ni Dori palagi. At 'yon pumayag naman sila. Ako pa ba? Sa lakas kong mangumbinsi!
Samantala, kasabay namin bumalik sa university ang kapwa nagdo-dorm din na fourth year college student na si Andrew.
Humiwalay na si Dori sa amin nang maunang madaanan ang kanilang dorm building.
Pagpasok namin ni Andrew sa boy's dormitory, nagpaalam na rin siya nang marating ang tapat ng kanyang kwarto sa ground floor ng building. Pang-fifteen 'yong kwarto niya.
"Paano, pasok na ako sa loob, Potrick?" Paalam ni Andrew sa akin at tinapik ako sa balikat bago buksan 'yon. "See you nalang sa Café bukas with Dori," ngumiti ito at tumango naman ako.
"Sige," ngumiti ako at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa second floor kung nasaan ang magiging kwarto ko.
Kaninang umaga pa ay hinatid ko na sa kwarto na 'yon 'yong mga gamit ko kaya ang gagawin ko nalang ngayon ay pumunta doon para makapagpahinga.
Though, ang awkward kasi may kasama ako sa kwarto at ang Basti pa na 'yon. Hays.
Nang sapitin ang room number 53, hindi ko na kinuha ang susi sa bulsa ko. May ibinigay kasi sa akin 'yong admin na susi para may duplicate kami if ever na kailanganin namin. Surprisely, mukhang hindi naman pala naka-lock ang pinto kaya madali ko 'yong nagbuksan.
Pagbukas ko, parang biglang nawala ang antok ko at halos manlaki ang mga mata dahil sa aking nadatnan.
Si Basti, topless ito kaharap ang laptop na nakaharang sa kanya at mistulang may ginagawang kababalaghan doon sa kanyang kama. Paulit-ulit kasi 'yong paggalaw ng mga braso niya kasabay ng mahina niyang pag-ungol, na napapakagat pa ng labi.
You know what I mean.
Kahit na walang sound ang mistulang video na pinapanuod niya, alam ko na kung ano 'yon.
Natigilan siya nang mapansin akong nakatingin mula sa pinto. Nagulat din siya nang makita ako. Pawis na pawis ito.
Agad niyang tinakpan ng unan 'yong parteng ibaba niya na hindi ko naman talaga lubos na nakita at isinara ang laptop na kanina'y nasa harapan niya.
"F*ck! Do you know how to knock?!" May inis nitong sigaw sa akin na medyo ikinagulat ko. Bakit ba ang hilig magmura ng lalakeng 'to?
"Malay ko ba kung may ginagawa kang kung ano dyan?" Inis ko ring sagot sa kanya na nakatingin sa akin ngayon ng masama.
Kinuha niya 'yong sando na nakapatong sa kanyang kama at isinuot 'yon. After no'n, tumayo na siya na masama pa rin ang tingin sa akin. Mukhang nagalit siya dahil na-istorbo ko kung ano man 'yong ginagawa niya kanina. Sorry naman!
Naglakad siya papunta sa pinto and before he left, may binulong siya pero rinig ko 'yon dahilan para mapa-kunot ang noo ko.
"Gay..."
√