P O T R I C K
WHEN 7 am came, we made sure na malinis na ang buong Café at maayos na ang mga tables and chairs para sa pagbubukas nito today.
This is our last full-time shift here dahil bukas ay simula na ng aming first day as first year college students sa East Middleton University. Starting tomorrow, iba na ang oras ng aming duty dito sa Café. Kailangan naming dumiretso dito after our last class at buo-hin ang aming 5 hours duty mula 4 to 9 pm.
Pareho kaming excited ni Dori dahil bukas ang unang araw namin sa kolehiyo. Hindi ko ma-explain 'yong pakiramdam. Parang hindi yata ako makakatulog mamaya. Matagal kong hinintay 'to at bukas nga ay isa na akong ganap na college student. Ang saya!
"One Salted Caramel Mocha for table number 6," nakangiting sabi ni Dori and pressed the bell. Nang marinig ko 'yon ay agad akong lumapit sa counter mula sa pagpupunas ko ng ibang table.
Nakalagay doon sa counter ang bagong gawang kape na may kalakip na note na pangalan ng may-ari nito. Since, wala pa si Andrew dahil bumili ng asukal sa mall—ako muna ang server for now.
"Leave it to me," nakangiti ko ring sabi kay Dori at maingat na inilagay 'yon sa tray. Tumango siya sa akin at ngumiti bago ako tuluyang tumalikod para hanapin ang table number 6.
Nahanap ko naman agad 'yong table at ang babaeng customer na nakatikod. Nakangiti ako habang palapit doon.
Nang marating ang table number 6, binati ko agad ng 'good morning' ang customer at marahang ibinaba ang order niyang kape doon sa table.
"One Salted Caramel Mocha for Ms. Yna." Sambit ko pa nang tuluyang ma-iharap ang kape sa kanya. Tumingin lang siya doon at walang reaksyon niyang kinuha ito bago inumin. "Enjoy your coffee, Ma'am." Dagdag ko pa at tiningnan ako nito at ngumiti nang kaunti. Nang makita ang kanyang mukha, I noticed something. Yes, maganda siya but it's not that. Parang nakita ko na siya somewhere.
I immediately walked to the counter kahit iniisip ko pa rin kung saan ko nga ba nakita ang babaeng customer na 'yon. Or maybe, kamukha niya lang? I'm not sure but I think I already saw her face.
Habang nagpupunas na ngayon ng counter, pilit kong inisip kung saan ko nakita ang babaeng 'yon at bigla nalang akong may naalala. I guess, I knew her. Nakikilala ko ang mukha niya.
She was the girl from last week. Iyong nakita kong kasama ni Basti sa labas ng isang fast-food chain. The girl who slapped that moreno guy. Oo, siya nga 'yon!
Maya-maya pa, sa kalagitnaan ng pagpupunas at pagka-alala ko about sa babaeng 'yon, isang lalake ang pumasok sa shop. Matangkad ito and I think, mga nasa 20's na. Akala ko, di-diretso siya sa tapat ng counter but he didn't. Instead, naglakad siya papunta sa isang table at tumigil sa table kung saan nakaupo ang babaeng hinatidan ko ng kape kanina.
I-kiniss siya no'ng lalakeng dumating sa pisngi at umupo kaharap ito. Nagulat ako sa nakita ng mga mata ko. I thought, girlfriend siya ni Basti? Then, who's this another guy?
Hindi ko maiwasang isipin na baka nagbreak na silang dalawa dahil sa pag-aaway nila last week, and her ex-girlfriend is now dating someone else.
Damn. Forget it. Nagiging chismoso na talaga ako. Napailing ako sa mga nasa utak ko. Teka, ano bang pakealam ko sa kanila? Bakit ko ba iniisip lahat 'to?
Nagpatuloy lang ako sa paglilinis but I still keep my eyes on them. Pa-simple lang akong tumitingin para hindi halata. Observing them at kung ano talagang mayroon sa kanilang dalawa. I know, I shouldn't be doing this pero na-curious ako all of a sudden.
"Hoy, Potrick!" Mahinang pagsita sa akin ni Dori na nasa tabi ko na pala ngayon. Hindi ko siya napansin. "Sino bang tinitingnan mo dyan ha, Pot? Kilala mo ba ang dalawang 'yon?" Pagturo niya doon sa mga taong kanina ko pang ino-obserbahan.
Agad akong umiling. "Ha, hindi ah?" Tugon ko sa kanya at ngumiti bago ipagpatuloy 'yong pagpupunas sa makintab nang counter table. "Bakit mo tinatanong?"
"Kanina ko pa kasi napapansin na panay 'yong pagsulyap mo sa table nila, eh. Don't tell me, type mo 'yong guy? Noh?" Ang nakatawang wika ni Dori na tila kinikilig. Natawa naman ako sa kanya.
"Ano ka ba, ano type-type na pinagsasasabi mo dyan? Tinitingnan ko kasi 'yong orasan sa taas nila, ayun oh." Itinuro ko 'yong wall clock na malapit sa table ng mga taong tinitingnan ko kanina. Mabuti nalang mabilis akong nakahanap ng palusot. "Baliw ka talaga, Dori. Hindi ko type 'yon noh. Ang mabuti pa, ang asikasuhin mo ay ang pagta-type ng mga o-ordering kape ng mga customers na paparating dito." Sambit ko sabay turo doon sa labas na may mga tao na sa aking palagay ay papasok dito sa Café. At pumasok nga sila.
"Okay, whatever!" Umiling ang nakatawang si Dori at humarap na sa mga palapit na customers. Ako naman, nagpatuloy sa pagpupunas at pag-aayos ng ibang tables.
If I could only say to her. Hindi niya rin maiintindihan. Besides, wala pa akong sinasabi sa kanya na kahit ano. Hindi ko pa tinatangkang sabihin sa kanya 'yong tungkol kay Nick at kay Basti or kung paano ko sila nakilala.
Mag-o over exaggerated na naman 'yon kapag nalaman niyang may crush ako. That's why hindi ko pa sinasabi sa kanya dahil malamang ay aasarin lang niya ako. Isa pa, saka ko na ike-kwento sa kanya lahat kapag naging mas close pa kami ni Nick.
Tumingin ulit ako sa table kung nasaan ang babaeng ang pangalan ay Yna at ang lalakeng dumating kani-kanina lang. They seems to get along very well. Nagtatawanan sila habang nagke-kwentuhan. Hindi ko maiwasag isipin na may relasyon silang dalawa, base sa mga gestures na ginagawa nila at dahil na rin sa kung paano sila magtinginan.
Until now, curious pa rin ako about sa Basti na 'yon at kung anong hiwaga ang mayroon sa buhay niya—kung bakit siya sinampal ng babaeng 'to, na ngayo'y may ka-date nang iba.
Why do I care, anyway?
Each of us here at Express You Café has one hour lunch break.
Ako 'yong pangalawa after Dori, hindi kasi pwede kapag sabay dahil kailangang may dalawang maiwan sa counter. So, when 1 pm strikes—ako naman 'yong kakain.
Unlike Dori na masyadong praktikal, wala akong baon na pack lunch. Sa labas lang ako ng Café kumakain o sa kung saan may masarap at murang meal. Hassle kasi kapag magpa-pack pa ng lunch sa umaga, lalo pa't mabagal akong kumilos. Besides, mas gusto ko kapag mainit 'yong mga pagkain para mas nakakagana. Ang babaw ko ba?
Lumabas na ako ng Café para kumain sa usual na lugar kong kinakainan but sadly, nang makarating ako doon ay nakasara ito. Kaya no choice, kung 'di maghanap ng ibang makakainan.
Okay lang sa akin na kumain sa karinderya pero mas nabubusog kasi ako kapag sa mga mini restaurant na may mga cheap na presyo ako kumakain. Mas okay sa akin 'yong mga hindi tataas sa halagang 60 pesos ang isang meal. Iyon ang pinaka-buget ko para sa isang kainan, though maximum na nga iyon eh.
Sakto, sa paglalakad ko palayo doon sa kaninang nakasarang food resto ay may nakita akong isang bagong bukas na kainan—ang 50's Grill.
Bago lang 'yon at unang beses ko palang itong nakita dito. Wala pa 'yon kahapon, eh. Makikita sa labas nito ang isang malaking tarpaulin kung saan naka-balandra ang pictures at prices ng kanilang menu. To my surprise, lahat 'yon ay nasa 50 to 55 pesos lang. I thought, kaya tinawag na 50's Grill 'yon ay dahil mga 50's food 'yon. Silly me.
Agad akong pumasok doon at halos puno na pala ang lugar dahil sa dami ng taong umo-order at kumakain dito. But knowing me, I love to take risks, kaya o-order pa rin ako. Gutom na rin kasi ako at mukhang masarap 'yong mga grilled foods nila dito.
Pumila na ako at panglima ako sa pila, wala akong choice kung 'di maghintay. May 45 minutes pa namang natitira sa lunch break ko kaya okay lang. Habang nasa pila, nakapili na agad ako ng o-orderin kong meal para mabilis na ang lahat kapag nasa unahan na ako ng counter.
After a few minutes of waiting, nasa unahan na rin ako ng pila. Thank God!
"Good afternoon, Sir. Welcome to 50's Grill. Order niyo po?" Pormal na bati at tanong ng babaeng cashier sa akin.
Ngumiti ako. "Isang Toasted Liempo Meal, Miss." Matapos kong sabihin 'yon ay in-abot ko sa kanya 'yong fifty pesos ko base sa presyo no'ng in-order ko. Kinuha niya 'yon at ibinigay sa akin ang resibo.
"Here's your meal, Sir. Thank you and enjoy," sambit noong babae na nakangiting in-abot sa akin 'yong order ko mula sa likuran niya.
Tinanggap ko 'yon kahit amaze na amaze pa rin sa bilis ng process nila dito. Mukhang dahil opening nila ngayon ay nag-grilled na sila ng maraming pagkain para sa mga customers.
Nagulat din ako na imbes na tubig, may free one cup of softdrink doon sa tray ng pagkain ko. Ayos 'to, ah?
Naglakad na ako palayo doon sa may counter. Now, it's time to find a seat.
Occupied na halos lahat ng table dito at halos hindi ko na matanaw kung may unoccupied seat pa rin ba na pwede kong upuan.
Luckily, sa pagtingin-tingin ko sa buong lugar ay may na-spot-an akong table na isang tao lang ang nakaupo. Baka pwede nalang ako maki-share ng table doon. Ayoko rin namang may kasama sa isang table na hindi ko kilala pero no choice ako kasi kailangan ko nang kumain. Tumatakbo ang oras.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng sandali at naglakad na papunta sa direksyon ng table na nahanap ko. Nakatalikod 'yong lalake na mukhang kumakain din yata. Kahit nahihiya, kakapalan ko na ang mukha ko magtanong kung pwedeng maki-upo. Game!
"Hi, wala na kasing available table. Pwedeng maki-share dito?" I politely asked doon sa lalakeng nakayuko habang nakatutok sa cellphone niya. Nang tumingin siya sa akin, nabigla ako nang makita kung sino ang lalake na 'yon. "Ikaw?" Mahina ngunit bakas sa aking mukha ang gulat nang malaman na ang lalakeng iyon ay walang-iba kung 'di si Basti. Damn.
He just gave me a bored-cold stare like usual tapos bumalik sa pagse-cellphone niya.
I guess, it's a yes or kung ano mang tawag niya do'n sa naging tugon niya. Hindi naman kasi siya nagsalita kaya mukhang wala siyang pakealam kung umupo ako sa table niya. I don't think he would mind if I'll take a seat.
Iyon nga ang ginawa ko tapos inilapag ko na 'yong tray ng pagkain ko sa may table. Kung hindi lang ako gutom at nagmamadali, hindi naman ako uupo sa table na 'to kung alam ko lang na siya pala ang nandito.
Like what I've said, I have no choice. Ito nalang kasi 'yong nag-iisang table na may mauupuan pa rin kahit papaano.
Nagsimula ako sa pagkain ng masarap na toasted liempo meal ko, not minding the guy infront of me. Though, naiilang ako sa kanyang presensya ay pilit ko nalang 'yon hindi pinapansin. Siya nga ay tila walang pakealam sa presensya ko, eh. Kaya dapat ako rin!
Habang ngumunguya ako, 'di ko maiwasang mapatingin sa lalakeng kaharap ko. Naka-focus siya sa kanyang iPhone, yayamanin nga talaga ang isang 'to. Nakaka-distract siya at ang presence niya kaya kahit anong pilit kong pigilan, I can't help but to take a secret glances at him.
May karisma naman siya, eh. Malakas ang dating niya. Iyong tipo ng moreno guy na tinitilian ng mga babae sa daan. Naisip ko tuloy na hearthrob siya sa school nila, or isa siya sa mga lalakeng crush ng mga kababaihan doon. Well, honestly-speaking, gwapo ang Basti na 'to. May katawan na good-built para sa edad niyang 20 pataas, I guess. I'm not sure kung ilang taon na siya but I guess, he's years older than me. Maybe, 3 or 4 years? Whatever.
Basta, i-minus mo nalang 'yong hindi niya magandang ugali ay makikita mo na mayroon siyang natural na ka-gwapuhang taglay.
The thing is, hindi ka-akit-akit ang ugali niya. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa kanya dahil sa mga pangyayari 3 weeks ago.
Natauhan ako nang mapansing nakatingin na siya sa akin, seryoso at walang reaksyon ang kanyang mukha. Agad kong inalis 'yong tingin ko sa kanya. Mamaya, kung ano pa ang isipin ng lalakeng 'to. Mahirap na.
"Mukhang nag-e enjoy kang titigan ako, ah?" Out of nowhere, bigla siyang nagsalita. Ano bang sinasabi niya? "Gusto mo ba 'yong nakikita mo?" Napatingin ako sa kanya matapos marinig na sabihin niya 'yon. Nakatingin ito sa akin with a slight-smirk. Nang-aasar ba siya?
"Hindi kita tinititigan," may halong inis kong tugon sa kanya na nakatingin pa rin sa akin ngayon. Seryoso pa rin ang mukha niya na may yabang sa kanyang pag-ngisi. Umiwas ako ng tingin at minabuting yumuko nalang habang ipinagpapatuloy ang pagkain ko.
"I know, you're gay." Mula sa pagkakayuko, natigilan ako nang marinig iyon sa kanya. "And I hate gays." Napatingin ako sa Basti na 'yon na ngayon ay hindi na nakatingin sa akin. Nakatutok na siya sa cellphone niya.
Na-shocked ako sa sinabi niya. Maybe, I'm gay at hindi ko 'yon itatanggi but for someone like him? Hindi ko kailangang ipaalam sa kanya kung ano ako. He hate gays? Ano bang iniisip niya? Na gusto ko siya? Damn.
Gusto ko pa sanang i-defend ang sarili ko sa sinabi niya. Why would he said that kind of statement? Ano bang problema niya sa mga bakla? But as much as I want to, hindi ko nalang ginawang magsalita. Isa pa, nawalan na ako ng gana.
Sinasabi niya bang ayaw niya sa mga gays para sabihing ayaw niya sa akin? Well, mukhang gano'n na nga ang gusto niyang palabasin. No hard feelings pero I also hate jerks like him.
Napailing ako habang tinatapos ang aking pagkain. Hindi ko siya tiningnan after what he said earlier, hindi na rin talaga ako nagresponse sa non-sense niyang pahayag.
Umarte nalang ako as if I did not care at all.
Maya-maya pa, nakarinig ako ng pagring mula sa cellphone niya.
"Yes, I will. Papunta na ako dyan, bye."
Hays, salamat naman at paalis na ang mayabang. Makakahinga na ako nang maluwag. Thank you, Lord!
Nakita ko siyang tiningnan ako with a serious smirk bago tumayo at umalis sa table. Hindi ko 'yon pinansin. Ano bang problema ng lalake na 'yon? Adik ba siya? Nakakainis kasi 'yong tingin niya. Napailing ako.
But anyway, nakahinga na ako nang maluwag after niyang umalis. Inubos ko nalang 'yong pagkain ko at 'yong free softdrink sa baso. Nabusog ako!
Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nang may mapansin doon sa inupuan noong Basti na 'yon kanina.
Isa 'yong maliit na box. As in, small box lang talaga siya. Parang lagayan ng isang alahas or what, basta gano'n.
Ayoko na sanang pansinin pa 'yon at hayaan nalang doon sa upuan. Masyado kasi siyang mayabang kaya sa sobrang ka-yabangan niya, naging careless na siya at hindi napansing may naiwan siya dito. But my curiosity got better than me.
Kinuha ko 'yon at nagpasya nang lumabas ng 50's Grill.
I know, I should not open the box kasi hindi 'yon sa akin pero hindi ko na napigilan ang kamay ko at tiningnan ang nasa loob no'n.
I saw a silver necklace.
Hindi ko alam kung anong mayroon sa necklace na 'yon pero kung may napansin man ako doon, iyon ay ang dalawang letrang pendant nito.
B at Y
Katulad ng ibang klase ng necklace, mukhang pang-couple iyon. Napaka-common na ang mga ganitong pa-kulo sa mga alahas. And I think, 'yong dalawang letters na 'yon ay nagre-represent ng initials ng dalawang tao.
Obviously, the letter B is for Basti.
But who represents the letter Y?
Bigla ko namang naalala 'yong babae kanina sa Café. Surely, she's related with Basti. When I served her coffee, nandoon 'yong pangalan niya.
Could it be...Yna?
Tama. The initials represents the both of them.
Basti and Yna.
√