P O T R I C K
ALAS sais na noong matapos akong mamili ng mga school supplies sa isang bookstore, malapit sa Express You Café.
Well, sa bilis ng mga araw, one week nalang ay class opening na ulit. Halos mag-iisang buwan na kami ni Dori sa Café at so far, maayos naman 'yong pagta-trabaho namin do'n. Maliban sa one incident last 2 weeks ago. Iyong hindi ko sinasadyang pagtapon ng kape sa lalakeng si Basti na kaibigan ni Nick.
Pilit ko nang kinakalimutan ang nakakahiya at nakakainis na pangyayaring 'yon, and thank God kasi sa 2 weeks na lumipas ay hindi ko nakita ang mukha ng morenong lalake na 'yon sa shop man o kahit saan. At sana, hindi na talaga.
Like what I've said, minamalas ako kapag nakakatagpo ko siya ng landas. And siguro, he also felt the same way to me.
Nagpaalam ako kay Mama na male-late ako for Dinner dahil magchi-chill lang ako sandali kung saan-saan. Besides, Sunday naman ngayon at rest day ko sa Café. Ano ba naman 'yong bigyan ko 'yong sarili ko ng kahit ilang oras na break, 'diba?
Pumayag naman siya kahit alam kong strict si Mama 'pagdating sa oras, lalo na kapag dinner time. Well, okay lang 'yon. Isa pa, 17 years old na ako at I can manage myself naman na umuwi sa itinakdang oras. Saka, may tiwala naman sa akin sila Mama at Papa dahil hindi naman ako katulad ng ibang teenager dyan sa tabi-tabi na kung anu-ano ang ginagawa sa mga buhay nila. Ibahin niyo si Pot!
Patuloy lang ako sa paglalakad dala ang mga paper bags ng pinamili ko. While walking, hawak ko rin ang phone ko at tinitingnan ang post ni Dori na 2 hours ago na. As usual, picture niya iyong kalakip no'ng post but not only her—she's with Andrew.
Agad kong hineart ang picture nilang dalawa. Hindi ako mahilig magcomment kasi effort din 'yon kaya minabuti kong tingnan nalang 'yong picture nila. Napangiti ako. Kapwa sila masaya doon habang kumakain sa tila seafood-resto na kinakainan nila. Aminin man nila at hindi, alam kong isa 'yong date.
Well, kamusta na nga ba sila after 3 weeks? Ayun, pa-simpleng pinapakilig ang isa't isa. Indenial pa 'yong si Dori pero si Andrew naman, patuloy pa rin sa kaka-da-moves sa kanya. Bagay naman sila, eh. They getting to know each other pa rin naman, which is a good thing for the both of them. Lalo na sa kaibigan kong si Dori. Alam kong nasaktan siya from Fernan but I do felt the sincerity in Andrew than to that guy. Sa madaling salita, boto ako sa kanya para kay Dori.
Nagutom ako bigla. Ibinulsa ko muna 'yong hawak kong phone at patuloy na naglakad hanggang makakita ng isang Burger Shop sa di-kalayuan. Saktong-sakto 'yong pagke-crave ko sa isang burger kaya tamang-tama lang na nakita ko 'yon. Perfecto!
Naglakad pa ako nang kaunti bago makarating sa tapat ng Burger Shop na 'yon.
Nakangiti akong nakatingin mula sa labas at excited nang um-order ng isang malaking ham or cheeseburger, or whatever kind of burger na pwedeng mag-satisfy sa akin ngayon.
All of a sudden, biglang napukaw ang aking tingin sa isang spot na nasa loob ng shop na 'yon. Transparent 'yong mga glass sides no'n kaya kitang-kita ko 'yong mga kumakain doon sa loob. My eye spotted someone familiar.
When I focused my sight to the spot, confirm ngang kilala ko ang taong 'yon. Ngiti pa lang niya, alam ko na kung sino siya. Napangiti ako nang malaman na si Nick iyon. Kumakain ito ng burger kaharap ang isang lalake na hindi ko makita ang itsura dahil nakatalikod ito. But I saw something familiar with the guy he's talking with, 'yong haircut niya. Hindi ako pwedeng magkamali.
Si Kuya Peter 'yon, pero teka? Anong ginagawa niya dito? At bakit kausap niya si Nick? Magkakilala sila?
Minabuti kong pumasok sa Burger Shop na 'yon kahit medyo na-shock ako nang kaunti sa nakita.
Imbes na sa may counter ako pumunta para um-order ng isang burger, naglakad ako diretso sa table kung nasaan sila Nick at Kuya Peter.
"Kuya?" Nakuha ko 'yong atensyon nila pareho nang tumigil ako sa gilid nila. Natigil ang kanilang usapan sa pagdating ko. "Magkakilala kayo?" Nakangiti at medyo awkward kong tanong sa dalawa dahil hindi naman kami close ni Nick—or maybe, mas tamang sabihin na hindi naman ako kilala talaga ni Nick.
Parang nagulat sila pareho nang makita ako, but they managed to smile despite of that.
"Pot, ba't ka nandito?" Ang seryoso ngunit may ngiti sa labing tanong sa akin ni Kuya Peter. Tumingin ito kay Nick at itinuro ako. "Kapatid ko, si Potrick. He's Nick." Pakilala niya sa akin at kay Nick kahit alam ko na ang pangalan nito. Gaya ng usual na itsura niya, ngumiti sa akin si Nick.
"Hi," bati ko kay Nick at ngumiti. Matapos 'yon, tumingin ako kay Kuya. "Bumili lang ako ng mga school supplies. Namamasyal lang ako nang makita ko 'tong burger shop, tapos nakita ko kayo. Magkakilala pala kayo?" Sambit ko at inilapat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Ngumiti si Kuya Peter pero parang ang awkward tingnan dahil madalas, seryoso siya. "What do you mean? Magkakilala din kayo?" Pagtatanong nito pabalik kaya medyo naguluhan ako at hindi alam ang isasagot. Thanks to Nick, siya na mismo ang sumagot sa tanong ni Kuya.
"We've seen each other quite a few times na. It's surprising to know na magkapatid pala kayo," nakangiti nitong turan sa kapatid ko bago tumingin sa akin. "What a coincidence," tumawa siya nang kaunti at napangiti naman ako.
Baka destiny talaga 'to, Nick? Pinagtatagpo talaga yata tayo ng landas. Gusto kong kiligin ngayon.
Hinila ni Kuya Peter 'yong isang upuan sa tabi niya. "Umupo ka muna, Pot. Gusto mo ba ng burger?" Alok nito sa akin. Umupo ako at tumango sa kanya nang tanungin niya ako kung gusto ko ng burger, syempre naman yes. "Ako na 'yong o-order ng burger mo, just wait there." Seryoso nitong sabi at nag-excuse kay Nick bago umalis sa table namin. Tumango naman ako at nagpasalamat kay Kuya. Kahit naman madalas seryoso 'yon, he's super caring din naman.
Naiwan ako kaharap si Nick. Mas gwapo siya sa malapitan, as in. Nakasuot ito nang color navy-blue longsleeves shirt at napakalinis niya tingnan sa porma niya. Idagdag pa 'yong killer smile niya, perfecto!
Nagkatinginan kami, nakangiti siya habang ako naman medyo nahihiya pa sa kanya. Natuwa ako nang malaman kanina na natatandaan niya pa ako after ng incident doon sa Café.
But the most interesting fact ay kung paano at bakit hindi ko alam na magkakilala pala silang dalawa ni Kuya Peter.
Siguro, pwede naman akong magtanong 'diba? This would be our first conversation kaya hindi ko maiwasang kiligin on the inside.
Kunwari ay inayos ko muna 'yong mga paper bags na dala ko bago humarap sa kanya. "'Di ko alam na kaibigan ka pala ni Kuya Peter. Nice to meet you," ngumiti ako at gano'n rin siya sa akin.
"Nice to meet you too," tugon nito. "Nabanggit sa akin ni Peter na may kapatid siyang mag-aaral sa East Middleton, I never thought that it was you. Small world, Potrick." Tumawa ito at tumango ako habang nakangiti. He called me by my name. I'm kiliging right now.
"Hindi ko rin akalain na makikita kita ulit. But, how come na magkakilala kayo ni Kuya Peter tapos taga-East Middleton University ka?" Pagtataka ko. "Hindi ka niya nabanggit sa akin. Most of his friends ay kilala ko, hindi ko alam na may kaibigan pala siya sa EMU. Hindi niya nabanggit sa akin 'yon," ngumiti ako na medyo confuse pa rin sa mga nalalaman.
Si Nick naman, nakangiti pa rin but after he heard my question—parang naging uncomfortable siya bigla. Did I over-asked? Na-awkward yata siya dahil parang feeling close ang dating ko.
"Wait, how did you know na I'm from East Middleton?" Pagtataka niya.
Ngumiti ako sa kanya matapos niyang itanong 'yon. Medyo nahihiya akong aminin pero sasabihin ko na rin. "I saw your uniform noong unang beses tayong nagkita sa may grocery store, kaya I knew." Tugon ko sa kanya at medyo nahiya pa ako dahil obvious na obvious na alam ko ang bagay na 'yon tungkol sa kanya.
"Woah, natatandaan mo pa pala 'yon?" Natawa ito, as if I was joking. Nahiya ako kaya ngumiti nalang ako sa kanya. "Mukhang tama nga ang sabi ng Kuya mo tungkol sa kapatid niya, matalino ka nga. You're good on remembering things." Dagdag pa niya na nag-flatter pa sa akin.
Well, hindi ako magaling sa pag-tanda ng mga bagay-bagay, Nick. Sadyang hindi lang talaga kita nakalimutan.
Hindi pa nasasagot ni Nick 'yong tanong ko sa kanya, regarding kung paano sila naging magkaibigan ni Kuya Peter. Gusto ko sanang itanong ulit kaso dumating na si Kuya.
Dala ang isang cheese-hamburger sa isang tray, ibinaba niya ang platito nito sa harap ko. Mukha 'yong masarap.
"Salamat, Kuya." Sabi ko at ngumiti lang siya bago umupo sa tabi ko. Agad ko namang nilantakan 'yong burger na mainit-init pa.
Nagpatuloy sila sa kanilang usapan. Though, parang tungkol sa school lang naman 'yong topic nila, hindi sila gaanong nagbabatuhan ng mga salita. What I mean is, parang ang awkward ng sitwasyon sa pagitan ng bawat isa sa amin. I don't know why. Hindi ko nalang 'yon pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Paminsan-minsan, umiimik ako kapag kinakausap ako ni Nick. Napapangiti ako bigla at deep down inside, kinikilig.
"Kukuha lang ako ng tubig, I feel thirsty." Akmang tatayo na sana si Kuya Peter nang magsalita si Nick.
Minove niya 'yong isang basong tubig na hindi niya pa nagagalaw. "You can have mine, instead." Nakangiti nitong sabi kay Kuya na natigilan sa kanyang planong pag-alis sa table namin. "Di pa naman 'yan nababawasan kaya take it," dagdag pa ni Nick at tumango naman si Kuya bago ito kinuha.
"Thanks," tugon niya dito at ngumiti. Nakatingin din ang nakangiting si Nick sa kanya. Habang ako, nakatingin sa kanilang dalawa.
They seems to be so close to each other, ah? Mukhang matagal-tagal na silang magkaibigan. Parang nagselos tuloy ako dahil hindi 'to nabanggit sa akin ni Kuya Peter, I mean na mayroon pala siyang kaibigan na taga-East Middleton. Pero naisip ko, sabagay ay most of the time is hindi naman talaga nagke-kwento si Kuya Peter sa akin. At madalas, I don't seem to care din naman sa mga kaibigan niya na kasing-edad niya rin. Hindi kasi ako maka-relate masyado, eh. Dito lang talaga kay Nick ako naging interesado.
Kung tutuusin, ang liit nga talaga ng mundo. Biruin mo, kaibigan pala siya ng kapatid ko? What a really small world! At some point, natutuwa ako dahil sa natuklasan. Ito na ba 'yong simula ng closure naming dalawa ni Nick?
After a couple of minutes, tumayo na si Kuya at tila nagpapaalam na kay Nick. Tumayo na rin ako dala ang mga paper bags ng mga pinamili ko.
"We need to go na rin, Nick." Paalam niya dito kahit ang alam ko ay hindi siya sa bahay matutulog ngayon. I thought, pabalik na siya sa lugar kung saan siya nag-do dorm? "Salamat sa treat at ingat ka," ngumiti ito nang slight at gano'n rin naman si Nick sa kanya.
"Sige, you better get going. Salamat rin, Peter." Sagot ni Nick at ngumiti, tiningnan niya rin ako. "Take care and nice to meet you again, Potrick." Sambit niya kaya't abot-tenga 'yong pagngiti ko.
"Ikaw rin, Nick." Tugon ko sa kanya pero agad ko 'yong ni-rephrase. "I mean, Kuya Nick. Ingat, Kuya Nick." Awkward kong sabi. Kahit hindi ko gustong tawagin siyang Kuya, no choice dahil kasama ko si Kuya Peter. Ayoko namang isipin niya na hindi ako gumagalang, knowing na kasing-edad niya halos si Nick.
Ngumiti lang ito sa akin at lumabas na kami ni Kuya Peter sa Burger Shop na 'yon. I took a last glance at him na nakangiti pa rin. Mukhang wala pa siyang planong umalis doon.
Nang makalabas na, nagkaroon ako ng pagkakataong tanungin siya tungkol kay Nick.
"Kuya, hindi mo sinabi sa'kin na may kaibigan ka pala na nag-aaral sa East Middleton?" Panimula ko sa seryoso ko na ngayong kapatid. "Kailan pa kayo magkaibigan no'n ni Nick? I mean, ni Kuya Nick?" Tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya muna ako bago umiling at ngumiti. "Hindi naman mahalaga, eh. Besides, I did not know na magkakilala pala kayong dalawa. At least ngayon, alam mo na 'diba?" Tugon niya. "Magkaibigan na kami last year pa," iyon lang 'yong sinagot niya sa tanong ko at hindi na nagbigay ng iba pang details tungkol do'n. Like, kung paano sila naging magkaibigan, saan sila nagkakilala at kung anong klaseng kaibigan si Nick? Well, ang tanong ko lang naman ay 'kailan' not 'why' or 'how'.
Tumango nalang ako at ngumiti. At least, ngayong alam ko nang kaibigan siya ni Nick—one step closer na ito patungo sa paglalapit na rin ng mundo naming dalawa.
And maybe, I can also ask Kuya Peter ng kahit anong tungkol kay Nick. Well, I'll save it for now.
"Eh 'diba, babalik ka na dapat ngayon sa dorm mo?" Tanong ko ulit sa kanya habang naglalakad kaming dalawa.
Umiling siya sa akin. "Wala akong pasok bukas. Tapos na 'yong summer class ko kaya one week akong mag-i stay sa bahay hanggang sa magklase na ulit," paliwanag niya.
"Gano'n ba? Okay." Usal ko at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Madilim na sa labas at bukas na rin ang mga ilaw sa kalsada. Malamig kaya masarap maglakad-lakad. Ine-enjoy ko lang 'yon habang dala ang mga pinamiling gamit ko. Si Kuya naman, naka-focus sa cellphone nito at tila may ka-text. Hindi ko lang siya pinapansin dahil mukhang busy siya doon.
Patuloy lang kaming dalawa ni Kuya Peter sa paglalakad papunta sa sakayan ng jeep. May kalayuan kasi dito 'yon pero okay lang din naman, at least mayroon kaming time ni Kuya Peter para maglakad-lakad nang magkasama. Hindi na kasi namin 'to nagagawa madalas, eh.
Habang patuloy ako sa paglalakad kasama si Kuya na nagse-cellphone pa rin, napukaw ang tingin ko sa di-kalayuan.
Hindi ko alam kung bakit napatingin ako bigla sa labas ng fast-food chain na 'yon pero all of a sudden, nalaman ko na kung bakit.
I saw Basti.
I thought, matatapos ang araw na 'to na hindi ko siya makikita. Sayang. I sighed. Ano na naman kayang dahilan at nakita ko 'to dito? Anong ginagawa niya sa labas ng fast-food chain na 'yon? As I see, mag-isa lang siya do'ng nakatayo at tila may hinihintay.
Then, a girl came to him. Girlfriend niya yata. But it seems, mukhang nagtatalo silang dalawa. I don't know why pero kahit naglalakad kami ni Kuya Peter, I kept my eyes on them. Naging chismoso ako at a moment.
Matapos ang ilang saglit, I saw the girl slapped him. Mukhang kahit sa malayo, ang sakit no'n tingnan. Nagulat ako. Yumuko lang si Basti matapos siyang sampalin no'ng babae at tila nakikiusap dito. Hindi ko kasi marinig kung ano 'yong sinasabi niya, eh. Ang alam ko lang, nagsasalita siya at hinawakan niya bigla ang kamay noong babaeng kaharap niya. But the girl didn't let him to touch her hand. Tinapik nito ang kamay ni Basti.
Is he crying? Hindi ko sure pero parang umiiyak ang morenong lalake na 'yon. Really? Ang katulad niyang mayabang at ma-attitude na lalake, marunong din umiyak? Or was it because of the slap he received from the girl?
I got curious. Hindi ako chismosong tao pero parang may something sa loob ko na gustong malaman kung anong mayroon sa Basti na 'yon para sampalin siya ng isang babae.
But, why do I care? Maybe, it's just a relationship thing. Hindi ko na dapat 'yon pinagtutuunan ng pansin.
Humabol ako kay Kuya Peter na nauna na pala sa paglalakad. Natigilan pala ako dahil sa panunuod sa Basti na 'yon kanina. Naglakad ako nang medyo mabilis hanggang mahabol ko si Kuya na surprisingly, nakatutok pa rin sa phone niya.
Parang ang dami kong natuklasan ngayon araw. Una, nalaman kong magkakilala pala sila Kuya Peter at Nick—na never kong inisip na mangyayari. Tapos, si Basti—marunong palang umiyak?
But if there are words to describe everything that happened today, alam ko kung ano 'yon.
Small world.
√