P O T R I C K
NAKANGITI akong bumalik sa harap ng counter dala ang isang cup ng kape na ready nang i-serve.
Nakasuot ako ng color peachy-pink na polo shirt at isang semi-fitted denim jeans na bumagay sa top na suot ko. Ito 'yong uniform namin dito sa Café na pinasukan naming dalawa ni Dori.
We've been working here for almost a week na rin pala.
"One hot expresso for table number 4," masayang sabi ko sabay press doon sa bell sa harap ng counter.
Agad naman lumapit ang isang lalakeng crew din dito sa Express You Café, si Andrew—19 years old at 5 months nang nagta-trabaho dito. And guess what? Nag-aaral siya sa East Middleton University as 3rd year college student this coming school year. Akalain mo 'yon?
He insisted na 'wag na siyang tawaging 'Kuya' kaya 'Andrew' nalang 'yong tawag ko sa kanya whenever na magpapa-serve ako ng kape sa mga tables. Si Dorothy lang talaga 'yong makulit na tinatawag pa rin siyang Kuya kahit ayaw ni Andrew na tawagin siyang gano'n. Mukha lang daw naman kasi kaming magka-kasing edad kahit 2-3 years 'yong agwat ng edad niya sa amin ni Dori.
Ngumiti ito nang kunin ang kapeng nakalagay sa counter at marahang inilipat 'yon sa tray na hawak niya.
"Kuya, pa-sabay na rin nitong Macchiato sa table number 9!" Masiglang sabi ni Dori na galing sa likuran. May hawak siyang mainit na freshly-made coffee at marahan niyang inilalagay 'yon sa tray na dala ni Andrew.
Agad naman niyang inalalayan si Dori at siya na mismo ang naglagay no'ng kape sa tray. "Ako na, baka ma-tapunan ka." Ngumiti si Andrew dito at matapos ilagay ang dalawang cup ng coffee sa tray, marahan siyang tumalikod para i-serve 'yon sa mga customers na naghihintay sa table nila.
Napatingin ako kay Dorothy na kapareho ko rin ng style na suot. Ang kaibahan lang dahil babae siya, may color peachy-pink siyang headband sa ulo. Tila sungay 'yong dalawang coffee icon na naka-kabit sa magkabilang dulo ng headband niya. Hindi na nakapagtataka kung bakit madalas siyang titigan ni Andrew. Malamang, nacu-cute-tan 'yon sa kanya.
"Concern sa'yo masyado si Andrew, napansin mo? Baka ma-tapunan ka daw no'ng kape, ma-paso ka." Pa-biro kong pang-aasar kay Dori na katabi ko dito sa may counter. Obvious naman kasi 'yong pagpaparamdam ni Andrew sa kanya, eh.
Napa-kunot ang noo niya nang tingnan niya ako. "Uy, tumigil ka nga dyan Pot! Marinig ka ni Kuya Andrew, sabihin pa no'n nag-a assume ako." Tugon niya at pa-simpleng ngumiti habang inaayos ang buhok sa gilid ng tenga niya.
"Manhid ka ba? Sa isang linggo natin dito sa Café, mas matamis pa sa mga kapeng sine-serve dito 'yong mga words na ginagamit niya kapag kausap ka. Ano 'yon, nagkataon lang? Lalake din ako, Dori. I know, he likes you." Nakangiting sabi ko at marahan siyang tinapik sa braso.
Ngumiti siya pero agad niyang inalis 'yon at kunwari'y seryoso akong tiningnan. "Grabe, like agad? Ikaw na mismo ang nagsabi na one week pa lang tayo dito, kaya imposible 'yon." Sagot niya at kinutingting ang naka-braid niyang buhok. Gaano ba ka-imposible ang pagkaka-crush sa akala niya? "At saka, ayoko munang mag-assume noh." Nagpout siya ng nguso at pansin kong nakatingin ito kay Andrew na ngayo'y nagpupunas na ng mga unoccupied tables.
"Ang sabi ko lang naman, mukhang gusto ka niya. Crush, gano'n. Wala namang masama do'n, eh. Ano ba kasing iniisip mo dyan?" Tanong ko sa kanya habang inililista ang mga previous orders kanina.
"Wala lang naman. Ayoko lang mag-assume agad. Tapos ano? Kapag nag-assume ako at nalaman kong totoo nga, magkakagusto din ako sa kanya at ano? Magiging kami kahit 3 years 'yong gap ng edad namin? At kapag kami na, sasaya ako pero only for a short period of time? Tapos after ng ilang buwan, malalaman ko nalang na may iba pala siya? Na niloloko niya lang pala ako? Na may girlfriend pala siyang kasing-edad niya? Nako, ayoko na. Ayoko, ayoko, no way!" Ang medyo exaggerated nitong litanya na ikinagulat ko. Pailing-iling pa ito na parang timang. Na-trauma ba ang babaeng 'to?
Ako naman ngayon 'yong napailing. "Si Andrew pa ba 'yong pinag-uusapan natin ngayon? Mukhang ibang tao na 'yang tinutukoy mo, eh? Grabe 'yong bilis ng mga pangyayari na nabuo sa utak mo, ah?" Sambit ko pa kay Dori na nakatingin sa akin ngayon. Nakangiti siya, awkwardly. Mukhang 'di pa siya nakaka-get over kay Fernan dahil sa mga pinagsasabi niya. "Just a piece of advice Ms. Dorothy Mae Luzon, I know nasaktan ka hardly because of your previous relationship pero hindi rason 'yon para matakot kang magka-gusto ulit sa ibang lalake. Hindi lahat ng lalake pare-pareho. Easy ka nga lang dyan," umiling ako at natawa rin nang kaunti dahil sa ka-OA nitong kaibigan ko. Crush lang 'yong usapan kanina, eh. Finast-forward naman niya agad.
"Whatever," tugon nito at nilabas ang bagong biling cellphone niya. May kalakihan 'yon at kulay violet. Well, thanks to me. Apat na libo rin ang nagastos ko do'n. "Kapag nakita 'to ng mga exes ko, maglalaway sila sa panghihinayang!" Sabi niya matapos magselfie ng ilang ulit.
Mabuti nalang at allowed gumamit ng phone dito sa coffee shop na pinasukan namin while working hours, dahil kung hindi—tanggal na siya from the very beginning dahil sa maya't maya niyang pagkuha ng litrato of her vain self. Hays.
Natawa nalang ako sa kanya dahil sa maya't maya rin nitong pagra-rant tungkol sa mga ex niya at sa mga selfies daw niya kuno na umaabot ng one hundred likes dahil sa ganda ng camera ng kanyang bagong phone.
Binibida niya rin sa akin na maraming nagko-comment sa mga pictures na ina-upload niya everyday at ang ilan pa daw doon ay mga ex niya na gusto 'daw' siyang balikan. Pero sorry nalang 'daw' sila dahil ibang level na siya ngayon. Napailing ako sa mga kine-kwento niya. Kahit kailan talaga ay para siyang baliw!
To give details according to this work, buwanan ang sweldo rito—approximately five thousand pesos a month. Say what? Yes. Limang libo kada buwan. But since, part-timer lang kami ni Dori kapag nagsimula na ang klase—magiging three thousand-five hundred pesos iyon which is hindi na rin masama. Sa katunayan, malaki ang pa-sweldo rito dahil isa itong coffee shop na exclusive for sosyal na teenagers o mga taong walang mapaglagyan ng pera nila sa buhay only. Biruin mo, 'yong isang kape dito ay nagkakahalaga ng tumataginting na 160 pesos—not to mention na 'yon ang pinakamura nilang kape dito.
Pero bakit nga ba kami natanggap dito? Good question. Katulad ni Andrew, they're looking for good-looking full or part-timers to work here. Hindi sa pagyayabang, okay naman ang istura ko kaya na-hit ko 'yong standards nila dito. Gano'n rin si Dori na may ganda rin naman at hindi puro lang kabaliwan ang alam. So, that's why.
Kaming tatlo lang 'yong naka-duty dito mula umaga hanggang hapon, then ibang mga crew naman sa gabi.
Habang nagpupunas ako ng buong counter at si Dori na nagse-cellphone sa gilid ko, napatingin ako sa labas ng shop kung saan makikita sa transparent glass door nito ang mga lalakeng pa-pasok sa loob ng Café. Lima sila pero na-pako ang atensyon ko sa isa lang sa kanila. Kilala ko ang lalakeng 'yon!
Natigilan ako sa ginagawa ko at itinabi ang pa-munas sa ilalim ng counter bago nakangiting humarap sa mga customers na dumating.
Hindi ko mapigilan 'yong sarili ko na mapangiti nang makita ang mala-anghel niyang mukha dahil sa sobrang amo nito. Nakasuot siya ng itim na v-neck shirt na bumagay sa maputi niyang kulay at isang maong na pantalon na lalong nagpatingkad sa kanyang katikasan. Iyong ngiti niyang napakaganda at nakakahawa, lalo 'yong nagpapa-gwapo sa kanya. Damn. Kulang nalang ay puting pakpak sa kanyang likuran at isa na siyang totoong anghel sa paningin ko.
Hindi ko makakalimutan ang pangalan niya. Siya si Nick.
"Huy," nagbalik ako mula sa pagde-day dream nang tapikin ako sa tagiliran ni Dori, saka ko lang napansin na nasa harap na pala ng counter ang mga lalakeng kanina ay palapit pa lang. "O-order sila, Pot." Dagdag pa niya kaya't medyo nataranta ako at umayos ng pustura sa harap ng mga lalakeng customers.
"What's your order, Sir?" Nakangiti kong tanong kay Nick. Mula sa pagtingin niya sa akin ay bumaling siya ng tingin sa monitor na nasa itaas nitong counter. Natatandaan niya kaya ako?
Pilit kong kino-contain 'yong sarili ko habang nakatingin sa kanya na pumipili pa ng kapeng o-orderin. Nakangiti ito at katulad na katulad 'yon no'ng ngiti niya nang unang beses ko siyang nakita doon sa may grocery store. Ang mga kasama niya ay nasa likod. Pamilyar 'yong tatlo sa kanila na nakita ko na yata sa kung saan. Nang mapukaw ang atensyon ko sa isa pang lalakeng kasama nila, na-picked up ko agad kung saan ko nga ba nakita ang mga lalakeng 'yon.
Ang isa sa mga lalakeng kasama ni Nick ay walang iba kung 'di ang suplado at mayabang na morenong lalake na nakita ko rin sa isang ice cream shop, isang linggo na ang nakalipas. Kung tama ang pagkakatanda ko sa pangalan niya, siya si Basti—ang lalakeng Bastos.
Hindi ko pa rin malimot-limutan 'yong pagkapahiya ko doon sa coffee shop na 'yon, parang nagflashed back lahat ng nangyari that time. Siya ang sinisisi ko sa pagkapahiya ko doon. Hindi ko rin gusto ang tabas ng dila niya sa tuwing tatawagin niya akong bata. Kainis. Ilang taon na ba ang lalake na 'to?
"And 2 Piccolo Latté."
Napa-baling ang atensyon ko sa lalakeng kaharap ko, si Nick. Sa sobrang pagka-focus ko sa Basti na 'yon, 'di ko namalayan na sinasabi na niya pala 'yong order niya.
Napangiti ako dito na may halong pagkahiya. "I'm sorry. Can you repeat it again, Sir?" Mukha akong tanga sa pagsabi ko no'n pero ngumiti lang siya bago ulitin ang mga sinabi niya.
"One Coffee Americano, one Cappucino, one Expresso and two Piccolo Latté," ngumiti ito at agad ko namang itinype 'yon doon sa monitor na kaharap ko.
Bumaling ako sa kanya nang ma-print 'yong resibo. "Eight-hundred fourty pesos po lahat, Sir." Tugon ko sa kanya na agad namang may in-abot na isang libo. Kinuha ko 'yon at ibinigay sa kanya 'yong sukli. "Names nalang para sa mga may-ari ng coffee and we'll serve it to you later sa table niyo," Binigyan ko siya ng ka-pirasong papel at doon niya sinulat 'yong mga pangalan ng mga kasama niya, according sa mga coffee na iinumin nila.
Ngumiti lang ito nang ibalik sa akin ang papel na sinulatan niya. Matapos 'yon, pumunta na siya sa isang table kasama ng mga kaibigan niya. Bago makaalis, napansin ko ang iritadong mukha ng morenong lalake na si Basti sa likuran. Bakit ba tuwing makikita ko siya, gano'n 'yong itsura ng mukha niya? Ano bang problema niya sa mundo?
Napa-kunot ang noo ko all of a sudden. Ewan, nawala lang ako sa mood nang ma-sulyapan ang Basti na 'yon. Pati ako, nahahawa na sa kanyang bad facial expressions. Kung si Nick, nakakahawa 'yong ngiti niyang kay ganda pagmasdan—'yong kanya naman ay nakakahawa rin pero hindi nakakatuwang tingnan.
Tinawag ko si Dori to write each customer's name sa isang sticky note na ididikit sa cup ng coffee mamaya. Maganda ang penmanship niya kaya siya ang in-charge sa pagsusulat ng pangalan ng mga customers. Hindi katulad ng ibang Café na basta nalang at walang effort na isinusulat ang mga names sa cup ng coffee nila, mahalaga dito ang maayos na lettering ng bawat pangalan ng bawat customers na umo-order ng kape sa'min. Like what I've said, kakaiba ang Café na 'to.
"Ayan, okay na 'yong nga names nila Pot. Pwede nang idikit sa mga cup," ang wika ni Dori habang hawak ang pentelpen at mukhang katatapos lang magsulat.
Tumango ako sa kanya at tinapos na ang limang kapeng ginawa ko. Isa-isa ko 'yong inilipat sa may counter para hindi 'yon matapon. After no'n, isa-isa nang nilagay ni Dori ang mga sticky note sa cup.
2 Piccolo Latté for River and James.
1 Americano for Paul.
1 Cappuccino for Nick.
1 Expresso for Basti.
Nang ready-to-serve na 'yon, pinress ko 'yong bell sa counter. "5 hot coffees for table number 11," sambit ko pero wala si Andrew sa loob ng shop. Tumingin ako kay Dori na nagpupunas ng mga bagong hugas na cups. "Nasaan si Andrew?" Tanong ko dito.
"Naka-break siya, Pot. Eleven-fifteen na kasi. Kaka-break niya lang, nasa likod siya." Tugon nito kaya't tumango nalang ako. "Tulungan na kitang magserve ng mga 'yan?" Alok nito at kumuha na ng tray. Sakto namang may bagong dating na mga customers kaya't napailing ako.
"Hindi, ako na Dori. Ikaw nalang dito sa counter para kunin 'yong order nila," sambit ko at kinuha 'yong tray sa kanya bago ituro 'yong papalapit na mga customers. Tumango naman siya at humarap nang nakangiti doon sa mga o-order ng kape.
Maingat kong inilipat 'yong mga baso ng kape sa tray. Hindi pa ako sanay magserve at maghawak ng tray na may mga kape sa ibabaw kaya i-sinerve ko 'yon nang two-at-a-time.
Bale, inuna ko 'yong dalawang Piccolo Latté at sinunod 'yong isang Americano and Cappuccino.
Sinadya kong i-huli 'yong Expresso dahil doon 'yon sa mayabang na morenong si Basti.
Inilagay ko na 'yon sa tray at marahang lumapit sa table nila. Nagke-kwentuhan silang lahat, maingay katulad kung paano sila mag-ingay doon sa isang coffee shop kung saan ko sila unang nakita. Kapansin-pansin na may mga itsura din 'yong tatlo pang mga lalakeng kasamahan nila. Mukhang mayayaman rin ang mga 'yon. Mga colleges guys na kasi sila kaya natural lang na ma-porma at maayos silang tingnan.
Nang makalapit na ako sa table nila, napatingin ako sa nakangiting si Nick na busy sa pag-inom nito ng kape niya. Ang amo pa rin niya tingnan kahit hindi siya nakangiti o kahit hindi siya nakatingin nang direkta sa isang tao. Basta, maaliwalas 'yong mukha niya that light up my mood in a moment.
Sa pag-alis ko no'ng cup ng Expresso mula sa tray para ibaba sa table nila, hindi ko napansin ang pagkakamali kong nagawa.
Instead na ma-ibaba ko 'yon nang maayos ay hindi, tila nanlambot ang mga kamay ko at hindi ko nahawakan nang maayos 'yong cup—dahilan para mag-spill ito. Nataranta ako.
What shocked me most ay hindi lang siya sa table natapon, kung 'di sa may-ari ng kape na 'yon. Si Basti.
Lagot.
"F*ck! Tingnan mo 'yong ginawa mo! Nananadya ka ba, ha?!" Mula sa pagkakaupo ay bigla siyang tumayo at itinulak ako, dahilan para mapa-atras ako nang kaunti. Nakita ko ang bakas ng natapong kape sa puting t-shirt niya at gano'n rin sa kanyang suot na pantalon. Iniinda niya rin ang pagkapaso dulot ng mainit na kape. Nagulat ako. Hindi ko 'yon sinasadya.
Lahat halos ng atensyon ng mga customers ng Café namin ay na-baling sa amin. Pati si Dori na nasa counter ay napatingin din sa direksyon ko.
"Bro, easy." Tumayo 'yong ilan sa mga kaibigan niya at pilit itong kinakalma.
"Hindi ko sinasadya, sorry." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya at pilit na ina-absorb ang katangahang ginawa ko. "Sorry, Sir. Papalitan ko nalang 'yong kapeng natapon," halos hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi 'yon at kinuha na 'yong baso ng Expresso na natapon kanina.
Galit ako nitong tiningnan na mas lalo pang tumalas ang tingin na mas nakakatakot pa sa normal niyang facial expression.
"Tatanga-tanga ka kasi," inis nitong sabi sa akin at tiningnan ang damit niyang may mantiya na ngayon.
"That's enough, Basti. Nangyari na. Hindi mo siya dapat pagsalitaan ng ganyan. Crew lang siya dito," pagsingit ni Nick na pilit din kinakalma ang kaibigan.
"Exactly, crew siya dito and he should be doing his job correctly. Kung 'di ba siya tanga at kung saan-saan nakatingin, matatapunan ba ako ng kape?" Tugon nito at isang matalas na tingin ang ibinato sa akin. "B-llsh-t," bulong pa nito na lalong nagpayuko sa akin. Sobrang kahihiyan ang naramdaman ko and at the same time, pagka-down na rin dahil sa mga salitang narinig ko sa kanya.
"Excuse me mga Sir," napatingin ako sa lumapit na si Dori sa amin. "I'm sorry for what happened. My co-worker did not intend to do that. But, papalitan po namin 'yong coffee niyo with a free donut." Nakangiting sambit ni Dori at tumingin sa akin. Hindi naman tumugon ang tila walang pakealam na si Basti, umupo na ito at bakas pa rin sa mukha ang pagkayamot.
Hinila na ako ni Dori papunta doon sa counter. Nang makarating doon, agad niya akong tinapik.
"Okay ka lang ba, Pot?" Tanong nito at tiningnan ako habang kumukuha ng panibagong cup. "Ikaw naman kasi, mukhang iritado pa man din ang isang 'yon kanina pa. Ano bang nangyari sa'yo kanina?" Pag-uusisa pa nito at umiling ako bago kumuha ng panibagong coffee powder.
"Wala. Hindi ko lang nahawakan nang maayos 'yong baso kaya natapon ko," tugon ko at kumuha ng mainit na tubig sa heating container.
If I could only say na dahil sa kakatingin ko kay Nick kaya natapon 'yong Expresso sa Basti na 'yon—hindi ko nalang sasabihin. Besides, kasalanan ko rin naman kahit saang anggulo mo tingnan.
"Ang mga mayayaman talaga, iba ang ugali. Alam mo, kung hindi lang tayo nagta-trabaho as crew dito sa Café ay kanina ko pang sinampal ang lalake na 'yon dahil sa mga sinabi niya sa'yo. Kahit naman nagkamali ka, hindi rason 'yon para sigawan ka niya nang sobra sa harap ng maraming tao." Umiling si Dori habang inilalagay 'yong cup ng bagong gawang kape sa may tray. Nando'n rin 'yong chocolate donut na sinasabi niya kanina.
"Hayaan mo na. Mali ko rin naman 'yon, eh. Saka, hindi rin birong ma-tapunan ng mainit na kape." Pag-amin ko ng pagkakamali at umiling nalang. "Teka, paano 'tong donut? Walang bayad 'yan, 'diba?" Pagpuna ko doon.
Ngumiti siya. "Naka-charge na 'yan sa akin, Pot. Basta, sa'yo naka-charge 'tong Expresso ha?" Ngumiti ulit siya bago hawakan ang tray. "Ako na ang magse-serve, okay?" Pagpresinta niya kaya't tumango nalang ako. Besides, hindi ko rin naman kaya pang harapin ang mga lalakeng 'yon dahil sa pagkapahiya ko kanina.
Napatingin ako sa table nila. Mukhang inis na inis pa rin doon si Basti. Aminado akong pagkakamali ko talaga 'yon pero hindi ko mapigilang masaktan dahil sa mga sinabi niya kanina. Hindi ito ang first time kong magtrabaho at mapagalitan, pero ito yata 'yong masasabi kong unforgettable scene sa lahat ng 'yon. Napahiya ako nang sobra at sa harap pa ni Nick pati ng mga kaibigan niya. Although, thankful ako dahil pinagtanggol niya ako kahit papaano kanina. But still, napahiya pa rin ako. Hays.
Mukhang wala talagang maganda nangyayari kapag nagkikita kami ng Basti na 'yon.
Una, sa may grocery store noong tinawag niya akong 'bata'—na-offend ako do'n.
Pangalawa, sa isang ice cream shop kung saan napahiya ako sa pag-aakalang order ko 'yong order niya.
Tapos ngayon, napahiya na naman ako at siya ulit 'yong dahilan.
Tumingin ako sa lalakeng 'yon mula dito sa counter. Inis ko rin siyang tiningnan habang hindi siya nakatingin.
Bakit ba kahit hindi ko gustong makita ang mukha mo, pinaglalapit pa rin tayo ng mundo?
√