Chapter Two

3400 Words
P O T R I C K DAYS passed by, natapos na rin ang high school graduation namin. Nakakatuwang isipin na nalampasan ko s***h namin 'yong apat na taon sa high school. The hardships at sleepless nights was finally paid-off. But we all know na hindi pa do'n natatapos ang pagiging estudyante namin, kailangan pa naming pagdaanan ang buhay sa kolehiyo. Hopefully, makaya namin-makaya ko. Nag-enroll ako sa East Middleton University aka EMU. Mula noong mag-sign up ako sa website nila, itinuloy-tuloy ko na. Nagpasa na rin ako ng mga requirements na hinihingi nila sa akin at lahat 'yon tapos ko na. Successful ang pag-e enroll ko sa university na 'yon. Hindi naman 'yon mangyayari kung walang approval nila Mama at Papa. At first, nagdalawang-isip sila dahil sa almost ten-thousand pesos nitong tuition fee per semester. Hindi ko na rin sana 'yon ipipilit pa sa kanila pero salamat kay Kuya Peter na nagpush sa kanila para payagan ako sa napili kong university. Iginiit nito na mas gaganahan daw akong pumasok kapag nasa university ako na ako mismo ang pumili. Hindi naman sila tumutol pa, agad nila akong binigyan ng 'go signal' para i-pursue ang pag-e enroll sa EMU. Wala na rin daw kasi silang choice dahil nakapagbitaw na sila ng salita sa akin-na pwede akong pumili ng university na gusto kong pasukan, private man o hindi-and that's it. Kung nagkataong hindi sila pumayag, mapipilitan akong i-withdraw 'yong slot na in-avail ko at mapipilitan rin akong maghanap ng ibang mapapasukang school. But anyway, pumayag naman na sila at wala nang bawian 'yon. Kaunting background lang about sa family ko at sa estado ng buhay namin, well obviously-hindi kami mayaman. I can say na paminsan-minsan, kinakapos kami but most of the time naman ay sinu-swerte. May 'kaya' ang pamilya ko. Isang Civil Engineer si Papa at si Mama naman, isang online entrepreneur na nagbebenta ng mga bags at pabango. May online shop din siya kung saan niya pino-post ang ibang products na binebenta niya mula sa ibang bansa. Sa kanya siguro nagmana si Kuya Peter na business-minded na ngayon. Mahilig rin kasi 'yon magbenta ng kung anu-ano. Ako lang yata 'tong wala pang maisip na pwedeng pagkakitaan. Next month, magsisimula na 'yong college life ko. Excited ako na kinakabahan. Ganito naman talaga kapag unang taon mo sa kolehiyo, hindi ka mapalagay. Excited ka sa bagong mundo mo bilang isang estudyante but at the same time, kinakabahan ka rin sa mga posibleng mangyari. Everything is fine. Maliban kay Dorothy na hindi ko mapilit-pilit na mag-enroll sa East Middleton U. "Sige na kasi, Dori. May ilang araw ka pa para pumunta do'n at magpasa ng requirements mo to finalize everything," patuloy kong pangungumbinsi sa kanya habang ipinapakita sa babaeng 'to ang laptop ko. "Ayan nga oh. I reserved a slot for you. Alam mo bang ang swerte-swerte mo dahil may slot ka sa school na 'yan? I'm sure, maraming gustong mag-enroll do'n pero hindi na nila magagawa kasi 'yong slot nila ay nasa 'yo na. Sayang naman 'yong 500 pesos kong binayad para lang i-reserba sa pangalan mo 'yong slot na 'yon. Hays," pangungon-sensya ko sa kanya kahit ang totoo, wala naman talaga akong binayarang five-hundred pesos do'n sa slot na ni-reserve ko para sa kanya. Ka-utuan lang 'yon para mas ma-konsensya siya at mapilitang mag-enroll sa EMU. Anyway, nandito kami ngayon sa isang ice cream shop. I brought her here at ni-libre ng isang sosyal na chocolate-fudge ice cream-just to convince her na mag-enroll din sa university na gusto ko. But it seems, nahihirapan pa siyang mag-decide. Hindi ko na alam ang pwede kong gawin sa babaeng 'to para lang mapa-payag na mag-aral din do'n, eh. Kung hindi ko lang 'to pinaka-closest friend, ayoko na sanang pilitin pa siya na doon mag-aral. Kaya lang, gusto kong may kasama ako sa university na 'yon para hindi ako mahirapang mag-adjust sa bagong surroundings at sa mga tao. Kapag magkasama kami, mas okay at mas masaya. Habang nilalantakan ang masarap niyang chocolate-fudge ice cream sa cup nito, tumingin siya sa akin na halatang gulong-gulo pa rin. "Eh, kasi naman Pot. Mabuti sana kung ka-level ng pamilya mo ang pamilya ko, 'yong kayang i-enroll ako doon sa East Middleton. Gusto ko din sanang magkasama tayo sa iisang university kaso mukhang hindi papayag sila Nanay at Tatay. Ang mahal kaya ng tuition do'n sa napili mong school," dismayado niyang tugon na umiling-iling pa at tila sinisisi ako sa pagpili ko ng college na papasukan. "Sige nga, saan ako at ang pamilya ko ku-kutkot ng halos sampung libo kada semester? Hindi naman Engineer at Entrepeneur ang mga magulang ko, hello?" Dagdag niya na napailing sa akin bago nagpatuloy sa pagkain ng ice cream. Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Am I being inconsiderate? Hindi naman lingid sa akin 'yong sitwasyon nila Dori, eh. Masyado ko yata siyang pinu-pwersa sa pagde-desisyon. Isa pa, she's right. Malaki rin ang ten thousand per semester para sa pamilya niya. Knowing na gumagawa lang ng mga kakanin ang nanay at tatay niya. May isa siyang kapatid na nasa ibang bansa pero hindi rin siya ma-suportahan no'n nang lubos dahil may dalawa pa siyang kapatid na nag-aaral ng high school. If I could only do something for her. Well, ano nga bang pwede kong gawin para sa kaibigan kong 'to-to make her go to the same school with me? Hindi muna ako nagsalita. Gano'n rin si Dori na ngayo'y sinusulit ang WiFi connection dito sa may ice cream shop. Pangiti-ngiti itong nakatingin sa screen ng kanyang china phone habang subo-subo ang plastic spoon ng ice cream na kinakain niya. Ganyan talaga 'yan. Mukhang in-upload na naman niya 'yong mga low quality selfies niya habang nandito siya sa sosyal na ice cream shop. Not to mention, ang hilig niya magselfie. Madalas nga, hinihiram niya 'yong phone ko para gamitin 'yon pang-selfie-pang-profile picture daw niya. Mas malinaw daw kasi ang quality ng pictures sa phone ko kaysa sa kanya, kaya iyon lagi 'yong ginagamit niya. Mas marami daw likes kapag mas malinaw 'yong pictures na ina-upload niya. Ewan ko dito. Famewhore din kasi 'to, eh. Hindi pa kasi magpalit at bumili ng bagong phone niya, eh. Napa-taas 'yong dalawang kilay ko nang may tila imaginary light bulb na nag-switch on sa taas ng ulo ko. Tama! Bagong phone! Iyon ang kailangan niya! Pwede ko siyang offer-an ng bagong android phone at siguradong gugustuhin niya 'yon nang sobra dahil iyon ang matagal na niyang pinapangarap. Siguradong matutuwa siya. Kapag nangyari 'yon, posible ko na siyang mapa-payag na mag-enroll din sa East Middleton U. But I know, hindi 'yon basta doon lang natatapos. Maaaring kumagat siya for a brand new android phone pero ang tuition fee naman sa EMU 'yong po-problemahin niya. Anak ng?! Ano pa bang pwedeng solusyon do'n? Pera. Tama, 'yon ang kailangan to make it happen. Kailangan niya ng pera to sustain her tuition kapag doon siya nag-aral. At para mangyari 'yon, kailangan niyang kumita ng pera. She needs to work. Pero the thing is, papayag ba siyang magtrabaho dahil lang sa sinabi kong magwork siya for her tuition fee? Parang ang sama naman pakinggan. Mula sa pagkakatitig ko sa laptop ko, kinuha ko 'yong ice cream ko na medyo tunaw na dahil kanina ko pa itong hindi ginagalaw. Sumubo ako do'n nang kaunti. After that, an idea flashed in my head. Alam ko na! "What if, maghanap ka ng trabaho? In that case, ma-su sustain mo na 'yong perang kailangan mo para sa tuition fee doon sa East Middleton." Pagsasalita ko all of a sudden na pumukaw sa busy-bisihang si Dorothy. Napakunot siya ng kanyang noo. Tiningnan niya ako nang seryoso. Mukhang hindi siya sang-ayon sa sinabi kong idea. "Inuutusan mo ba ako, Pot? Ayoko nga, noh." Pagtanggi nito with matching pag-iling pa ng tatlong beses. "Ayoko ding magtrabaho mag-isa. Hindi ko kaya," umiling siya ulit at bumalik na ulit sa pag-kutingting sa cellphone niya. "Sino bang nagsabi na mag-isa kang magta-trabaho?" "What do you mean? Magta-trabaho ka rin?" Tumango ako. "May one month pa tayo to earn money. Syempre, gusto ko ring kasama mo ako bilang konsiderasyon sa pagpilit sa'yong mag-aral sa East Middleton. And besides, after that ay pwede kang mag-apply for scholarship. I'll help you, basta doon ka lang mag-aral." Tugon ko na nakangiti sa kanya. Napansin kong bigla siyang napaisip. Mukhang she's not totally convince yet kaya kailangan ko nang ilabas ang huling alas ko na siguradong magpapa-oo sa kanya nang malutong! "If you'll agree, may isa pa akong proposal na i-po propose sa'yo. I'm sure, magugustuhan mo 'yon." Ngumiti ako dahilan para ma-intriga si Dori. "Anong proposal 'yan? Sigurado ka bang magugustuhan ko 'yan, Pot?" Paninigurado niya pa at makikita sa mata niya ang kagustuhan niyang malaman kung ano 'yon. It's time. "I'll buy you a brand new android phone. May mga binigay sa akin na pera sila Mama at Papa, pati 'yong ibang kamag-anak ko noong graduation day. Hindi ko pa 'yon nagagamit. Basta sa EMU ka rin mag-aral para may kasama ako, magkakaroon ka ng bago't high-tech na cellphone na may high-quality camera. 'Diba 'yon 'yong gusto mo? For the sake of your pictures at sa mga likes na makukuha mo everytime na mag-a upload ka ng mga malilinaw na selfies. Gusto mo 'yon, 'diba? Ano?" Pang-uuto ko kay Dorothy na halos magningning ang mga matang nakatingin sa akin. Ngumiti ito na halatang na-sabik sa mga narinig. Sinasabi ko na nga ba't iyon lang ang katapat ng kaibigan ko na 'to, eh. "Seryoso ka ba talaga, Pot? Kung oo, sige. Pumapayag na ako! Kailan ba tayo maghahanap ng work? At saka kailan rin 'yong bagong...phone?" Medyo nahiya pa siyang itanong 'yon kaya napangiti ako at umiling sa kanya. Hay nako, Dori. "Well, kapag nakahanap na tayo ng work for us. Ibibili na kita ng bagong phone," tugon ko sa kanya na halatang excited sa pinaplano naming dalawa. Or tama bang sabihin na mas excited siya doon sa bagong cellphone na ipinangako ko sa kanya? "But for now, kailangan mo munang ipasa 'yong mga requirements mo doon sa East Middleton. Next week kasi ay hindi na sila tatanggap ng mga late enrollees lalo pa't one month nalang ay pasukan na. Kaya go, you need to do it now." Utos ko dito na nakatingin sa phone niya at nakangiting nagta-type doon. Tinapik ko 'yong table para makuha ang atensyon niya. "Ay, bakit?" Tanong niya nang ma-distract sa kanyang ginagawa. "Hindi ka nakikinig, eh. Ano ba 'yang ginagawa mo dyan?" Tanong ko naman sa kanya at tinuro ang kanyang cellphone. Napangiti ito at tumingin doon sa hawak niya. "Ah, pino-post ko lang 'yong status ko. Sine-share ko lang na magkakaroon na ako ng bagong phone. Wait lang, Pot ah?" Bumaling ulit ito ng tingin sa kanyang phone at masayang ngumiti matapos ang ilang saglit. "Ayan, posted na!" Mukhang masayang-masaya siya, ah? Napailing lang ako sa ginawa niya. Ang babaeng 'to talaga. Wala pa mandin 'yong phone, pinagyayabang na niya agad. "Baliw," napailing ako sa kanya at iniharap ang laptop kay Dori. "Oh, ayan. Ayan 'yong mga short list ng requirements na kailangan mong ipasa doon sa university. Make sure na ma-ipasa mo 'yan, ah?" Bilin ko dito na nakatingin sa laptop ko. Iniharap niya 'yong cellphone niya sa laptop at tila kumuha ng litrato doon. "Copy, Pot!" Sagot niya at ngumiti. "Well, mabuti pa ay gawin ko na ngayon para makahanap na tayo ng trabaho at makabili na rin ako ng bagong phone. 'Diba?" Excited na sabi ni Dori kaya't napangiti ako. Mukhang boost na boost ang buong pagkatao niya dahil sa cellphone, ah? Parang kanina lang, ang tamlay-tamlay niya. Iba rin! "Sige na," sambit ko sa kanya na iniharap na sa akin 'yong laptop. "Dito muna ako para magchill sandali. Hindi ko pa trip umuwi, eh. Update mo nalang ako after mong magpasa ng requirements, ha?" Paalala ko sa kanya na tumayo na mula sa pagkakaupo, bitbit ang kanyang pink na sling bag. "Sure. Sige na. Babush!" Nagwave pa ito sa akin bago nagmadaling lumabas ng ice cream shop. Kailangan talagang magmadali? Taranta mode si ate. Excited eh. Napailing ako at medyo natawa. Naiwan naman ako mag-isa sa ice cream shop kaharap ang laptop ko. Since hindi ko masyadong na-enjoy 'yong ice cream ko kanina, o-order ulit ako ng isa pa. Lumapit ako do'n sa may counter at pumili ng ibang flavor ng ice cream doon sa malaking monitor nila. Hindi ako makapag-decide kasi maraming masasarap na flavors at 'yong iba pa ay mixed-flavors kaya nakaka-torn sa pagpili. Matagal din akong tumingin do'n sa monitor hanggang makapag-decide ng flavor na o-orderin ko. "Isang coffee-toffee ice cream, Miss. 'Yong medium cup lang," nakangiting sabi ko doon sa cashier sabay abot ng 50 pesos na bayad sa kanya. Ngumiti ito at kinuha 'yong perang in-abot ko. "Sige po, Sir. We'll call you nalang po kapag ready na 'yong coffee-toffee ice cream niyo. Salamat," magalang nitong sabi kaya tumango nalang ako. Babalik na sana ako doon sa table ko nang mapansin ang pamilyar na mukha sa tabi ng counter. Ang lalake na 'yon. Hindi ko siya makakalimutan at ang moreno niyang kulay. Hindi ko rin pwedeng makalimutan 'yong itsura niyang tila badtrip palagi sa mundo. And the most unforgettable thing about him ay noong tinawag niya akong 'bata', a month ago doon sa labas ng grocery store. Natigilan ako at tiningnan siya na mukhang umo-order din ng ice cream. Kung makapag-salita siya, akala mo naman hindi kumakain ng ice cream. Nakasuot siya ng white shirt na sakto lang ang fit sa kanya. I guess, nagwo-work out siya dahil kapansin-pansin ang mga biceps niyang may-kalakihan. Tumingin din ako sa suot niyang ripped denim pants. Mukhang ma-porma siya at bagay 'yon sa kulay niya. Gaya ng sabi ko, mukha siyang tisoy kahit hindi siya maputi. Mukha siyang pina-tan na American. Teka nga, ano bang pakealam ko? Nang mapansin akong nakatingin sa kanya, napatingin siya sa akin at blanko akong tiningnan na unti-unting kumunot ang noo. Natatandaan niya kaya ako kaya gano'n siya makatingin? O sadyang gano'n lang talaga siya kung tumingin? Kakaiba 'yong talas ng tingin niya. Nakakailang. Iyong mga mata niya, may something na kapag tiningnan mo-tila malulunod ka sa lalim nito. Ah, basta. Ayokong i-explain. Hindi naman na mahalaga 'yon. Basta, hindi ko gusto kung paano siya tumingin. Hindi ko na natagalan 'yong pagtitig sa kanya kaya't ako na 'yong umiwas. Napansin kong umiling siya at seryosong naglakad pabalik sa table niya. Gano'n rin ako. Bumalik ako sa may table at hinarap ang laptop ko. Habang naghihintay doon sa ice cream na in-order ko, minabuti kong magsearch na rin ng mga phone brands na pwede kong pamilian for Dorothy. Maarte ang isang 'yon kaya naghanap ako no'ng may magandang camera at maayos na model na hindi madaling masira-pero syempre, 'yong mura lang noh. Wala akong balak na gastusin lahat ng pera ko para lang sa isang phone. Wais nga ako, 'diba? Patuloy ako sa paghahanap ng mga phone na posible niyang magustuhan, nang makarinig ako ng isang hudyat mula doon sa counter nitong shop. "Coffee-tofee ice cream!" Akin 'yon. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at nagmadaling pumunta doon sa may counter para kunin ang ice cream na in-order ko. Malayo pa lang, mukha nang masarap. Napangiti ako habang palapit doon. Kukunin ko na sana 'yon mula sa counter, hahawakan ko na sana at sobrang lapit na talaga ng kamay ko do'n sa ice cream kaso-may intrimitidong kamay na humarang at hinawakan iyon. Napatingin ako sa taong 'yon dahil sa pagka-bigla. At ang taong 'yon ay ang morenong lalake kanina. Anak ng?! "Akin 'yan," simpleng sabi ko sa kanya, trying to be relax. Hindi ako nagpakita ng kahit anong inis. "Order ko 'yang coffee-toffee," pag-uulit ko pa dito at mula sa ice cream ay tiningnan ko siya. Walang reaksyon ang mukha niya kung 'di blanko. Hindi naka-kunot ang noo niya this time. "Paano mo nasabing sa'yo 'to?" Chill niyang sabi gamit ang malamig na tono ng boses nito. Nainis ako. Akin 'yon, eh. Ano bang trip niya? "Um-order ako kanina ng flavor na 'yan. Coffee-toffee 'yong sa akin. Bakit ba kinukuha mo?" This time, medyo may tono na ng pagkainis sa boses ko. Nasaan na ba kasi 'yong mga cashier dito para patunayang totoo 'yong statement ko? Kainis. "Wala akong kinukuha. This ice cream is mine. Coffee-toffee din 'yong flavor ng ice cream na in-order ko. Baka nagkakamali ka lang, bata?" From a cold-stare, rumehistro sa mukha niya ang isang mayabang na pag-ngisi habang tinitingnan pa rin ako. Tinawag niya ulit akong 'bata' for the second time! Na-trigger ako lalo. Nang-iinis ba siya? Kasi kung oo, effective eh. Akin 'yong ice cream na 'yon, hindi ako pwedeng magkamali! "No, akin 'yan. Order ko 'yan." Ang halos gigil ko nang tugon sa morenong-tisoy na kaharap ko. Alam kong maliit na bagay lang 'to pero kailangang ipaglaban ko pa rin 'yong side ko. Akin 'yong coffee-toffee ice cream na 'yon, hindi sa kanya. "Hintayin mo lang 'yong babae dito sa counter kanina para sabihin niya sa'yo 'yong totoo," dagdag ko pa sa kanya with confidence. Wala siyang reaksyon sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa akin with a bored-look. Maya-maya, dumating din ang cashier na hindi ko alam kung saan ba nagpupu-punta. Napangiti ako nang makita siya at tiningnan 'yong lalake sa gilid, tingnan ko lang kung hindi siya mapahiya. "Ano pong problema, Sir?" Magalang na tanong nito na nilipat-lipat ang tingin sa amin ng lalakeng nasa gilid ko. I grabbed the chance para magsalita. Walang makakapigil sa akin. "Miss, sabihin mo nga sa kanya kung kanino talaga 'yong Coffee-Toffee ice cream na hawak niya. Ang kulit, eh. Kanina ko pa sinasabing akin 'yon pero ayaw niyang maniwala. Go, tell him." Kompyansa kong sabi kay Ateng Cashier at may yabang na tiningnan ang morenong lalake na 'yon. Mukhang wala siyang pakealam na nakatingin sa akin ngayon. Mukhang 'di niya alam na mapapahiya na siya after a moment. "Ay, Sir. Sorry po, kanya po talaga 'yon. Nauna po siyang mag-order ng Coffee-Toffee kanina. Iyong sa inyo po, katatapos pa lang." Ngumiti 'yong cashier, awkwardly. Maging ako ay nabigla sa sinabi niya, napalunok ako dahil sa nalaman mula sa babaeng kahera. This can't be true. Ayokong mapahiya. "Eto po 'yong order niyong Coffee-Toffee ice cream, Sir." Sambit nito nang may mag-abot sa kanya ng isang medium cup ice cream na kapareho ng kaninang pinagtatalunan namin ng lalake na 'to. Napatingin ako doon sa morenong lalake na nasa tabi pa rin ng counter. This time, nilalantakan na niya 'yong ice cream na hawak niya. From a bored-look, ngumisi siya habang nakatingin sa akin. Iyong ngisi na tila sinasabing 'nanalo siya' at parang gustong ipamukha na 'napahiya ako'. Damn. Tila umakyat mula sa talampakan hanggang sa ulo ko 'yong pagkahiyang nararamdaman ko. I embarrassed my own self. Sa harap ng cashier at sa harap ng lalake na 'to. Nakakainis. Hiyang-hiya kong kinuha 'yong ice cream mula sa counter at walang sabi-sabing nagmadali pabalik sa table ko. Nakakahiya ka, Pot! Hindi ko halos magalaw 'yong coffee-toffee ice cream na kanina ay halos gusto ko nang lantakan. Sino bang makakakain nang ayos pagkatapos ng mga pangyayari kanina? Parang gusto ko nalang umalis dito sa may ice cream shop pero kapag ginawa ko 'yon, mas mukha akong apektado sa pagka-pahiya ko kanina. Nakakainis naman kasi, Pot eh. Malay ko ba kung coffee-toffee din 'yong flavor na in-order niya? At malay ko rin na mas nauna siya sa akin? Mukhang walang magandang nangyayari kapag nakikita ko ang morenong lalake na 'yon. May sumpa ba siya or what? Minalas ako dahil sa kanya, eh. Sa kalagitnaan ng katahimikan ng ice cream shop, napansin ko ang pagdating ng tatlong kalalakihan na mukhang mga college students. And as I expected, kasama 'yon ng morenong lalake na 'yon. Nagpasya akong magpack-up na ng mga gamit ko at tumayo na mula doon sa may table para umalis ng ice cream shop. Hindi na kasi maganda ang ambiance sa loob. Masyadong maingay dahil sa mga kalalakihang nandoon. Bago ako tuluyang makalabas, I heard his friends called his name. At least ngayon, alam ko na 'yong pangalan niya at hindi na puro 'morenong lalake' 'yong tawag ko sa lalake na 'yon. Before I left the ice cream shop, inis akong tumingin sa direksyon niya. I just do hope na hindi kita makita doon sa East Middleton University, Basti. √
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD