⑅✷⑅XANDER⑅✷⑅ ""Good morning, sir!"" ""Good morning, Mr. Monteverde!"" Hindi magkamayaw sa pagbati ang mga taong madadaan ni Xander. Gumaganti naman siya ng bati na may kasamang ngiti. Kararating lang nilang tatlo sa gusaling pag-aari ng kaniyang amang si Dylan. Sanay na siyang sentro ng tingin pagpasok na pagpasok sa entrance door ng building palagi. Subalit kakaiba ang tingin ng kaniyang mga empleyado sa umagang ito. Halatang wala sa hinuha ng mga ito na isang araw ay magdadala siya ng bata roon na hindi kilala ng mga ito. ""Kaninong anak 'yon?"" ""Anak ba 'yon ni Sir Xander?"" ""Saan galing ang batang 'yon?"" Rinig ni Xander ang mga bulong-bulungan ng mga empleyado. Hindi lamang niya pinansin ang mga ito at tuloy-tuloy lang sa palakad patungo sa direksyon ng elevator kasama si No

