XM|15

1818 Words

⑅✿⑅ELLA⑅✿⑅ Inagahan ni Ella ang gising upang makalabas siya ng kwarto ni Xander bago pa man dumating Noelyn. Maagang darating ngayon si Noelyn dahil papasok ng opisina ang dalawa at nakakahiya kapag naabutan siya nitong sa silid ni Xander nanggaling. Sa mga sandaling ito ay mahimbing na natutulog si Xander habang nakayakap sa unan. Siya dapat ang kayakap nito ngunit nagawan niya ng paraan na makaalis sa pagkakakulong sa mga bisig nito nang hindi niya nagigising. Tumayo si Ella at dinampot ang kaniyang mga damit na nagkalat sa sahig. Tinungo niya ang shower area ni Xander at naligo na upang mahimasmasan. Isusuot na lamang niya ulit ang kaniyang damit dahil hindi pa naman iyon marumi. Bagong bihis siya nang pumasok sa kwarto ni Xander kagabi at hindi naman siya nakapagdamit buong magdamag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD