⑅✷⑅XANDER⑅✷⑅ ""Kuya Xander..."" Biglang napalingon si Xander nang may biglang tumawag sa kaniya sa malamyos at mababang tinig. Sumilay ang tipid na ngiti sa kaniyang mga labi nang makita si Faith na isa sa kambal na anak nina Trixie at Blake. Kasama nito ang long-time boyfriend na si Ezekiel na kaniyang matalik na kaibigan at anak naman nina Evan at Lea. Nandirito ang dalawa upang makiramay. ""Sinong kasama niyo?"" usisa niya. ""Both parents namin, kuya."" Ang sagot ni Faith. ""Kasama rin namin si Nathan pero si Hope susunod na lang dito."" Pagkasabi ni Faith ay nagtungo na ang dalawa sa tapat ng kabaong upang masilayan ang kaniyang lolo. Pang-apat na gabi na ito ng lamay ni Don Lucas. Ang nais sana ng mga anak ni Don Lucas ay ipa-cremate ang katawan at gawing pribado ang lamay nit

