XM|25

1616 Words

⑅✿⑅ELLA⑅✿⑅ Nakatulog si Ella pagkauwi sa kanilang tahanan dala ng matinding pag-iyak. Paggising niya ay mugto ang kaniyang mga mata at matamlay ang kaniyang pakiramdam. Wala sana siyang ganang bumangon ngunit ginising siya ng kaniyang anak. Oras na kasi ng hapunan sa mga sandaling ito. ""Ayaw ko na sanang kumain ng hapunan, Pang!"" ""At ano ang gagawin mo, Ella? Magpapagutom?"" anang kaniyang ama. ""Kung ano man 'yang pinagdadaanan mo, huwag mong parusahan ang sarili mong katawan."" ""Mama, kumain ka na po kahit konti lang."" Ang anak niyang sumingit. ""Sige na nga!"" Hindi nakatangging sabi niya lalo na't nakahain na ang mga pagkain sa mesa. Ginanahan na ring kumain si Ella nang makitang paksiw na galunglong ang kanilang ulam ngayong hapunan. Paborito niya ang paksiw at matagal na r

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD