⑅✷⑅XANDER⑅✷⑅ Hindi lubos akalain ni Xander na ganito ang mangyayari sa araw na ito. Ang araw na dapat sana ay puno ng saya dahil ipakilala niya si Ella sa kaniyang pamilya. Subalit taliwas ang nangyari kumpara sa kaniyang inaasahan. Napaghandaan niya man ang pagharap sa kaniyang pamilya ngunit hindi pala siya roon magkakaproblema. Hindi niya inaasahan na kung sino pa ang dapat sana ay magiging kakampi niya, iyon pa ang tumalikod sa kaniya. Hindi niya matanggap ang nangyari sa araw na ito. At kung maaari lang niya maibalik ang oras ay hindi niya isasama si Ella pauwi rito. Nasa kaniyang silid na si Xander ngayon. Nanggagalaiti siya sa galit at maya't maya niya kung suntukin ang pader ng kaniyang kwarto. Mas bumuhos ang luha niya nang marinig niya ang tunog ng sasakyang panghimpapawid na

