Maagang nagising ang diwa ni Ashleigh dahil sa maingay na pagtilaok ng mga manok. Saka niya nakangiting marahang iminulat ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit kahit na napuyat siya ay napakagaan pa rin at napakaganda pa rin ng gising niya. “Good morning, Ate Belle!” nakangiting bungad sa kanya ni Tonya. “Good morning, Tonya!” nakangiting ganting bati naman niya sa bata. “Mukhang maganda po yata ang gising niyo ngayong umaga, ate.” Bumangon siya at matamis na ngumiti sa bata. “Sa tingin mo ba?” “Opo, ate. Hmm… mukha pong may maganda kayong napanaginipan o ‘di kaya ay mukha pong may magandang nangyari sa inyo kagabi bago kayo natulog.” Sandaling natigilan si Ashleigh nang mabilis na nagbalik sa isipan niya ang nangyaring tagpo sa pagitan nil ani Gelo kagabi. Hindi mawala-wala sa is

