Chapter 14: “P-Pero… ngayon ko lang yata nalaman na takot ka pala sa linta,” nauutal na usal ni Rowena kay Gelo habang si Ashleigh ay nananatiling napako ang tingin sa lalaki. “Marami ka pa namang hindi alam sa akin,” pagkuwan ay sagot ni Gelo kay Rowena saka ito nagpatuloy sa ginagawang pagsasabon ng mga damit. “Ouch huh,” komento ni Rowena sa sinabi ni Gelo rito. “Pero totoo naman talaga. Marami pa akong hindi alam sa iyo. Pero hindi pa naman huli ang lahat at pwede pa kitang mas kilalanin, hindi ba?” Lumapit si Rowena kay Gelo at naupo rin ito sa tabi ng lalaki saka mabilis na yumakap sa braso nito. “Ikaw naman kasi eh, kailan ba kasi magiging tayo?” dagdag pa nito habang marahang hinimas ang braso ng lalaki na yakap nito. “Oo mo na lang naman ang hinihintay ko—ay!” Natigilan sa pag

