“Ito, ija. Humigop ka na muna ng mainit na sabaw,” wika ni Mang Gener kay Ashleigh saka siya nito inabutan ng tasa na may lamang mainit na sabaw ng tinolang manok na niluto ng matanda. “S-Salamat po, lo,” marahang tugon naman niya saka niya dahan-daha na hinigop ang sabaw. Kaagad na gumuhit ang mainit na sabaw sa kanyang sikmura na nagpagaan sa kanyang pakiramdam. Dahil doon ay naiibsan kahit na papaano ang lamig na nararamdaman niya. “Ano ba kasi ang nangyari sa inyo kanina at bakit naman nahulog kayong dalawa ni Angelo sa ilog?” pagkuwan ay tanong ni Mang Gener sa kanya. Marahan siyang napalunok saka niya maingat na binaba ang tasang hawak sa ibabaw ng mesa. “K-Kasalanan ko po kasi. Hindi po ako nag-iingat. Lalampa-lampo po ako kaya… nadulas po ako. Tapos ay sinubukan po akong saluhin

