Mabigat ang pakiramdam ni Ashleigh nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Kahit na tirik na tirik na ang araw na natatanaw niya mula sa bintana, ay hindi niya maunawaan kung bakit lamig na lamig siya. Bukod doon ay masakit din ang ulo niya at para bang wala siyang ganang kumilos o gumawa ng kahit na anong bagay sa oras na iyon. Marahan niyang tiningnan ang oras na nakasabit sa dingding ng kwarto. Alas nuwebe na pala ng umaga. Nilingon niya ang tabi niya at wala na roon si Tonya. Paniguradong nakaalis na ito at nakapasok sa eskwela dahil maaga ang oras ng pasok nito maging si Jake. Pero kahit na nanghihina siya ay pilit niya pa ring ginalaw ang katawan at ikinilos ito upang makabangon. Tanghali na at nakakahiya naman kay Mang Gener kung gigising na lamang siya para mananghalian na wala m

