Hindi malaman ni Ashleigh kung ilang minuto na ba siyang nakatitig lamang sa blue dress na binili ni Angelo sa kanya. Tila sa lahat ng naging damit niya ay ito ang pinaka paborito niya. Kahit na pa puro branded at mamahalin ang mga damit niyang nasa mansyon nila. Sa tuwing napapatingin siya sa blue dress na ito ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti at kiligin, dahil tila kaakibat na nito ang alaala niya nang gabing binili ito ni Angelo sa kanya. “Ate Belle, okay ka lang po?” Pagkuwan ay nagitla siya nang biglang may magsalita sa tabi niya. Nang lingonin niya ito ay nakita niya si Jake na inosenteng nakatingala at nakatitig lamang sa kanya. “Uh… Jake, ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?” marahang tanong niya sa bata na hindi niya namalayan na pumasok pala ito sa kwarto. “May inuutos po

