Chapter 25

2674 Words

“Sa akin ka lang, Binibining Belle Ajero.” Kahit na maingay ang buong paligid ay tila wala nang ibang narinig pa si Ashleigh kung ‘di ang mga salitang iyon na binitiwan sa kanya ni Angelo. Hindi niya alam kung bakit sinabi iyon ng lalaki sa kanya o seryoso ba ito sa sinabi nito. Pero isa lang ang natitiyak niya nang mga sandaling iyon. At iyon ay ang hulog na hulog na siya. Hulog na hulog na ang puso niya sa binata. “Magsasara na ang botohan in five, four, three… two and one!” malakas na pagbibilang no’ng host. Natapos na ang botohan ngunit nananatili pa rin silang nakatingin lamang sa isa’t isa ni Angelo. Na para bang balewala ang dami ng lahat ng mga taong naroroon at tanging silang dalawa lamang ang mahalaga sa isa’t isa nang mga sandaling iyon. “Ayan! Malinaw na malinaw mga ka-bary

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD