“Ashleigh, bangon na at male-late ka na sa school mo.” Naramdaman ni Ashleigh ang pagkirot ng ulo niya sa hindi niya malaman na dahilan. “Ashleigh, gising na. Handa na ang almusal at hinihintay ka na ng daddy mo sa baba,” muling panggigising sa kanya ng kanyang Yaya Vangie pero tila napakabigat ng talukap ng kanyang mga mata, dahilan upang hindi niya ito magawang imulat. “Naroon na rin ang Tita Cristy mo at ang kuya mo kaya bumangon ka na dyan—” Agad naman siyang napabalikwas ng bangon nang marinig niyang kasama ng kanyang daddy ngayon si Angelo. Tila ba sa isang iglap, ang lahat ng sakit at bigat ng ulo niya ay biglang naglaho. “Nakakagulat ka namang bata ka. O siya bumaba ka na roon at kanina ka pa nila hinihintay,” sabi pa ng yaya niya sa kanya. Walang salita naman siyang mabi

