Humigit ng malalim na paghinga si Ashleigh saka siya dumeretsyo ng lakad palampas kay Angelo at kay Mang Kanor. Agad naman siyang sinundan at pinigilan ni Angelo. “Sandali, saan ka pupunta?” tanong nito sa kanya sabay harang sa daraanan niya. Napahinto tuloy siya sa paglalakad. “Saan pa eh ‘di uuwi,” sagot niya rito. “Eh bakit dere-deretsyo ka? Ayun ‘yong sasakyan oh.” “Kaya kong umuwi mag-isa. Gusto kong umuwi mag-isa.” Pagkasabi niya no’n ay magpapatuloy ulit sana siya sa paglalakad. Pero muli siyang inawat ni Angelo. “Huwag na ngang matigas ang ulo mo. Sumakay ka na,” sabi nito sa kanya. “Wow. Sino ka ba para utusan ako?” “Kuya mo ako—” “Pwede ba?” inis na putol niya sa lalaki. “Sobrang saya mo talaga na magkapatid na tayo ngayon?" “Oo naman. Bakit ikaw? Hindi ka ba masaya magk

