Malalim na ang gabi at purong katahimikan na ang bumabalot sa buong paligid, ngunit hindi pa rin mapalagay si Ashleigh dahil sa dami ng mga bagay ang gumugulo ngayon sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung paano siya magre-react matapos malaman ang planong pag-alis ni Angelo ng bansa. Hindi pa nga niya natatanggap ang bagong sitwasyon nila bilang magkapatid, ay bigla naman itong aalis ngayon. Ilang sandali pa nang makaramdam siya ng matinding pagkauhaw. Kaya naman mula sa kanyang silid ay marahan siyang lumabas at nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig na maiinom niya. Ngunit nagitla siya nang makarinig ng tinig mula sa kung saan. “Hindi ka rin makatulog?” Agad siyang napalingon sa kanyang likuran at mula sa madilim na banda ay nakita niya si Angelo na nakatayo at tila nakapamulsa. Ku
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


