Ang kaninang mga tao sa paligid ay kaagad na naglaho nang bigla na lamang may ilang mga kalalakihan ang sumugod kina Ashleigh at Angelo. Tila binalot ang mga ito ng takot dahil armado ang mga kalalakihan kung kaya’t wala nang nangahas pang makialam at tumulong sa dalawa. Panay naman ang pagtulo ng mga luha ni Ashleigh nang makita niya kung paano saktan sa harapan niya ng mga armadong lalaki si Angelo. Kahit na anong sigaw at iyak niya ay patuloy lamang ang mga ito sa pananakit sa lalaki dahil panay rin naman ang sugod ni Angelo sa mga ito maipagtanggol lamang siya. Sandali niyang nakalimutan ang takot para sa sarili kung ang taong gustong pumatay sa kanya ang nasa likod nito, dahil sa paghihirap na nangyayari ngayon sa lalaking gusto niya. Hanggang sa… Isang itim na sasakyan ang tumigil

